Episode 8.

2788 Words
Madilim ang anyo ni Blake nang lumapit siya sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na humahaplos sa likod ng dalaga. Dahil siguro sa kalasingan inalis nito ang kapa niya. Na kanina ay tumatakip sa likod ng dalaga. At nahantad sa madla ang makinis niyang likod. " Bakit pare, nag sasayaw kami ng girlfriend ko, lakas loob na wika ng lalaki. Ngumisi si Blake pero madilim pa rin ang anyo nito. " Mamili ka, bibitiwan mo siya o gusto mong ma expel sa university, mariin nitong sagot. Sapat yon para mapatingin ang ilang magkakaparehang nag sasayawan. Maya maya ay may lumapit na lalaki at bumulong sa kausap ng binata. " Pre, bitiwan mo na yan, hindi mo ba siya nakilala. Siya ang may ari ng university natin, sabi nito saka ito tinapik sa balikat. Nanlaki naman ang mga mata nito saka nanghingi ng paumanhin at patakbong nilisan ang dancefloor. "Oiiii Na-- na .. san na yon.. pautal na sambit ni Mira at nag palinga linga. Nang mag tama ang kanilang paningin ay ngumiti ang dalaga at lumapit ito ng dahan dahan sa binata. " Bak..it... mo.. tinata..kot.. ung part..ner ko.. iniwan tuloy ako, sumbat ng dalaga. " Mira... sambit ng binata. Hindi niya alam kung paano mag sisimula. Hindi niya alam kung bakit kumikilos ito ng ganun. Ang kilala niyang Mira ay makulit, mabait at conservative. Pero iba ito ngayon, parang may hinanakit sa kanyang mga mata. " Siguro nag bago na siya, bulong ng binata. Tumungo ang dalaga saka nag pakawala ng mahinang tawa. ha ha ha ... Biglang lumapit ito at pinagsusuntok sa dibdib ang binata. " Katulad mo!!! iniwan mo ko tatlong taon na ang nakakaraan!!!! bulyaw ng dalaga. "Hindi ka man lang nag paalam sa akin!!? Pagkatapos ng nangyari bigla ka na lang nawala!!!!! Hindi ka man lang nagpaliwanag.... "Tapos ngayon susulpot ka sa harapan ko na akala mo pag aari mo ko ha!!!!??? Galit na galit na litanya ng dalaga. Malayang nag landas ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Nanatiling nakatayo ang binata at tinatanggap ang mga suntok nito. Pakiramdam niya kulang pa yon sa sakit na naidulot niya sa dalaga. Base na rin sa reaksiyon nito ngayon. " Miss na miss kita alam mo ba yon, dagdag pa nito sa mahinang tinig, saka siya huminto sa pag suntok. Kailangan niyang sabihin yon habang may lakas pa siya ng loob. Humihikbi siyang sumandal sa dibdib ng lalaki. Napasinghap si Naomi sa mga narinig. Si Carrie naman ay tahimik lang. Pinahid ni Blake ang mga luha nito bago mag salita. " Hushhhhh baby, andito nako, hindi na kita iiwan pa, wika niya at ginawaran ang dalaga ng halik sa noo. Ang rebelasyon ng dalaga ay nag dulot ng sobrang kasiyahan sa binata. At ilang saglit pa ay bumagsak na ang dalaga sa sobrang kalasingan at sobrang pag iyak. " I'll take her home, paalam niya pamangkin at sa mga kaibigan nito. Binuhat niya ang dalaga at dinala sa kanyang kotse. Ilang minuto pa ay pinahaharurot niya yon papunta sa kanyang bahay. " Ui, parang may hindi tayo alam, wika ni Naomi sa kaibigan. Hindi sumagot ang huli at sa halip ay umupo ito at uminom sa alak na kanina niya pa hawak. Bakit parang di ka nagulat, dugtong niyang tanong pag kaalis ni Blake. " Hindi ako sigurado, ang alam ko lang ay binibili ni Tito ang lupang kinatitirikan ng Villa kung saan nakatira si Mira ngayon. " Baka nag kita sila nung bakasyon, at nag kaibigan dagdag pa niya. Tumango tango na lang si Naomi at inaya silang mag sayaw. Inabot sila ng alas tres nang madaling araw bago sila nag pasyang umuwe. Dinala ng binata si Mira sa kanyang kwarto. Inilapag niya ito nang dahan dahan sa kama. Saka maingat na lumabas ng pinto. Bumababa siya sa hagdan at tinawag ang katiwala. " Manang, may bisita ho ako sa kwarto, maaari ho bang kayo na ang bahala sa kanya, magalang na utos niya dito. "At saka lasing ho siya, dagdag pa nito habang pababa na ng hagdan. " Cge, pupuntahan ko siya mag dadala lang ako ng palanggana at bimpo, ako na ang bahala mahabang sagot ng matanda. Nagtungo siya sa bar at nag salin ng alak sa baso. Tinungga niya yon ng diretso. Sumagi sa isip niya ang itsura ng dalaga sa ibabaw ng kanyang kama at hindi maiwasang mapamura. "Sh*t bulalas ng binata, naalala niya na tumaas ng konte ang laylayan ng gown nito. Natambad sa kanyang mga mata ang makikinis nitong hita. Hirap na hirap sa kanyang kalooban na ibaba ang laylayan ng gown nito. Bigla siyang napalunok sa kaisipang yon. Ang neck line ng gown ng dalaga ay mababa din. Kung matangkad ang kaharap nito ay siguradong kitang kita na ang tuktok ng mga dibdib nito. Katulad niya, late na niya napansin na ganun ka sexy ang suot nitong gown. Napansin niya lang yon nung nag sasayaw na ito at wala na ang suot na kapa. Ang dugtungan kasi ng kapa ay nasa mismong dibdib ng dalaga kaya natatakpan iyon at walang nakapansin. Maliban na lang ng hubarin yon ng dalaga. "Kaya pala ganun nalang makalingkis ang hayup na yon, nagtatagis ang mga bagang niya sinasambit ang mga salitang yon. Naalala niya kung paano haplusin ng kasayaw ni Mira ang likod ng dalaga. Alam niyang nag enjoy ang lalaki sa pag titig sa katawan ng dalaga. Lalu pa siyang nag ngitngit sa galit sa kaisipang yon. Naisip din ng binata na kasalanan niya ang nangyari. Imbes na sundan ang dalaga, pinanuod lang niya itong sumayaw mag isa. Natatakot siya sa galit na ipinapakita nito sa kanya. Nagsalin ulit ng alak ang binata at inisang lagok niya yon saka nag pasyang tunguhin ang toilet sa guest room. Ayaw niyang maligo sa sarili niyang banyo. Kilala niya ang sarili. Baka hindi niya mapipigilan pag nag kataon ang damdaming gustong umalpas kanina pa. Kaya minabuti niyang umiwas na lang sa tukso. Isa pa lasing ang dalaga, hindi niya magagawa yon. Pagkatapos mag shower ay pumasok siya sa kwarto. Tinapunan niya ng tingin ang dalagang mahimbing nang natutulog. Nakasuot na ito ng T-shirt at Pajama. " Cute, bulong niya, mga damit niya kasi ang suot nito. Tulog na tulog na ito kaya maingat niyang tinungo ang walk in closet. Nagbihis siya saka lumabas ng kwarto. Nakasalubong niya ang katiwala sa hallway. " Ah, iho, pasensiya ka na, wala ako makitang pambabaeng damit. Kaya pumili na lang ako sa mga damit mo, marami ka namang maliliit na damit. Mahabang paliwanag ng matanda. " Oho salamat ho, sambit niya saka tinungo ang guest room at nag pasyang mag pahinga na rin. Kinabukasan naunang na gising ang binata. Nabungaran niya ang katiwalang nag luluto ng almusal. "Nagugutom ka na ba, sandali na lang to, wika ng matanda sa kanya ng mapansin nitong umupo siya sa mesa. " Cge lang ho mamaya na ho ako kakain pag nagising si Mira sagot niya saka lumapit sa coffee machine at gumawa ng kape. May nais pa sanang sabihin ang matanda ngunit sinarili na lamang niya yon. Samantala ay gising na rin ang dalaga. Napansin niyang panlalaki ang kwarto na kanyang kinaroroonan. Black, blue at grey halos ang mga kulay ng mga bagay sa loob ng kwarto. Nagulat pa siya nang makita niyang iba na ang kanyang suot. " Kaninong mga damit to, tanong niya sa sarili. Akma siyang tatayo para sana lumabas ay siya namang pagpasok ng binata. May dala itong almusal at matamis ang ngiting bumungad sa kanya. " Goodmorning Cinderella, birong bati nito. Ready na ang breakfast mo dagdag pa ng binata saka ipinatong ang pag kain sa maliit na mesa sa tabi ng kama. " Nasaan ako? mahinang tanong niya. Nahihiya siya sa nangyari kagabi. Akma siyang tatayo ng bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. " Careful, okay ka lang? sambit ni Blake. Habang hawak niya ang dalaga sa isang kamay. " Nahihilo ako, mahinang usal ng dalaga, at umupo sa kama. Ngumiti ang binata at saka nag salita. "Buntis ka na agad? ang bilis naman biro na naman nito saka sinabayan pa ng pag tawa nito nang malakas. Lumaki ang mga mata ng dalaga at sinuri ang sarili. " Anong ginawa mo sa akin? ha? kinakabahang sambit ng dalaga. Pero wala naman siya nararamdamang kakaiba. Kinuha nito ang unan at pinaghahampas ang binata ng unan. " Wait baby!!! nag bibiro lang ako, ha ha ha tumatawang sabi nito habang lumalayo sa dalaga. Nasa ganoon silang tagpo nang may kumatok. " Sino yan, tanong ng binata. At tinungo ang pinto upang buksan iyon. Dumungaw ang kanyang katiwala. Kinuha niya ang unan sa dalaga at iginiya niya ito pabalik sa kama. Ang dalaga naman ay inayos ang sarili. Sabog sa kanyang mukha ang kanyang kulot na mga buhok. " Iho, ipaghahanda na ba kita ng almusal, tanong nito. " Oho, sa baba na ho kami kakain wika niya sa katiwala saka kumindat sa dalaga. Ang dalaga naman ay hindi maiwasang uminit ang pag mumukha. Lumapit si Blake sa kanya at bumulong. " You're blushing, sabi nito. Parang may kung anong kiliti ang dumaloy sa kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung kinikilig ba siya. " Hindi no, sagot ng dalaga saka umiwas ng tingin. Tanging tawa lang ang isinagot ng binata. " Tumigil ka nga Miranda, wag kang kiligin, saway ng dalaga sa sarili. Pakiramdam niya ay pulang pula ang mukha niya sa pag kindat ng binata sa kanya. Binuhat ng binata ang tray na dala kanina at niyaya ang dalaga sa kumedor. Nagpatiunang bumaba ng hagdan ang binata. Habang pababa ay pinagmamasdan ng dalaga ang binata. Nakasando ito ng grey at nakashorts ng itim. Nakahantad ang malalaking muscles nito sa braso at hita. " Kasing tigas siguro ng bakal ang mga yon bulong niya. Nagulat siya at muntik na siyang mahulog sa hagdan dahil bumangga siya dito nang biglang huminto ito at mag salita. Hindi man lang natinag si Blake sa pagkakatayo. Para itong bakal. " Alam ko macho ako, wag mo ako masyadong pagpantasyahan baby sayo lang ako, wika nito saka sinundan yon ng malulutong na halakhak. ha ha ha ha Hanggang sa pag pasok nito sa kumedor ay tumatawa pa rin ito. Kinuha ng katiwala ang tray at inilapag ang mga pag kain sa mesa. Nakangiti ito sa kanya at animoy aliw na aliw. Lumapit ito sa dalaga at kinurot ito sa pisngi, "ang cute cute mo" sabi pa nito at pinaggigilan nga ang mga pisngi nito. " Arayyy!!! ang sakit maktol ng dalaga habang hawak ang mag kabilang pisngi. " Saglit lang, diyan ka muna may kukunin lang ako, paalam nito. Tumalikod ito at iniwan siya sa mesa. Napalingon siya nang mag salita ang matanda. " Alam mo ba iha, sa tagal ng panahon, kong naninilbihan sa pamilyang ito, ngayon ko lang ulit nakitang masaya ng ganyan ang batang yan, sabi nito. Nag niningning ang mga mata nito na parang malapit nang umiyak. Sinariwa nito ang nakaraan. " Si Blake ay tahimik na bata, walang masyadong kalaro dahil mas gusto nito ang mag basa ng mga komiks at libro. Pero kapag dumadalaw ang Ate nito ay lagi itong masaya katulad ngayon. Sa Siyudad nag aaral ang kanyang ate mula elementarya hanggang college. Mag kita man silang mag kapatid ay sa bakasyon lang o kaya naman ay kung may mahalagang okasyon. Walang masyadong naging kaibigan si Senyorito, dahil lagi itong seryoso at hindi palangiti at hindi rin palakaibigan. Silang dalawa ni Senyorita ang mag kalaro. Mataas ang pangarap ni Senyorita kaya kahit tutol ang mga magulang sa siyudad ito nag aral. Matagal siyang naging malungkot nang mamatay ang kanyang Ate. Labis niyang dinamdam yon. Halos sirain niya ang kanyang buhay. Hindi siya kumakain. Kung kakain man konting konti lang. Natauhan lang siya nang minsang ma stroke ang papa niya, siguro sa stress at labis na pag aalala sa kanya. Kaya tumino na siya mula noon. Ngunit hindi pa rin siya labis na naging masaya. Kung sino sino ang dinadala niyang babae sa condo niya. Ikaw lang ang babaeng dinala niya dito sa bahay saka ... hindi na naituloy ng katiwala ang kwento nito dahil bumalik na ang binata. " Oh, anong pinag uusapan niyo, miss , to, tanong niya habang humihila ng isang upuan at naupo. " Wala naman, maikling sagot ng dalaga. Magkatabi sila ngayon ng binata kaya hindi niya alam kung bakit parang maiihi siya sa sobrang kaba. Naalala niya yung nagyari kagabi. Hindi man siya nag tapat ng pag ibig para sa lalaki pero sinabi niyang miss na miss niya ito. " Maiwan ko na muna kayo, mag didilig lang ako paalam ng matanda. " Sumabay na ho kayo sa amin, yaya ng binata. " Mamaya na ako iho kayo na lang muna, sagot ng matanda at iniwan silang dalawa. Wala silang imikan. Pareho silang nag papakiramdaman. Si Blake ang unang bumasag sa katahimikan. " Kamusta ang tulog mo? tanong niya sa katabi " Kamusta ang tulog mo?? ano ba Blake, you can say something better, piping suway niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nawawala ang pagiging playboy niya sa harap nito. " Mabuti naman tipid na sagot ng dalaga. Ipinagdadasal niyang wag sana nitong maalala ang mga nasabi niya kagabi Namayani ulit ang katahimikan. Sa pagkakataong ito si Mira naman ang nag salita. " Pag kakain, babalik nako sa probinsiya paalam niya sa binata, hindi niya alam kung lungkot ang nakita niya sa mga mata ng binata ngunit saglit lang yon. " Ganoon ba, sagot ng binata. "Sige ihahatid na kita. Hindi na umimik pa ang dalaga bilang pag sang ayon. Dumaan muna sila sa dorm ng mga kaibigan bago mag pasyang bumiyahe. " Aalis ka na ba talaga? malungkot na tanong ni Carrie. Marami siyang nais tanungin ng personal sa kaibigan. Kaso gusto niya silang dalawa lang ang mag usap. "Oo eh, sagot naman ni Mira. Maraming pa ako kailangang ayusin. Dibale, halos dalawang linggo na lang bakasyon na naman. Dito ako mag babakasyon, dagdag nito saka ngumiti ng matamis. " Aabangan namin yan, sabad ni Naomi at yumakap na sa kaibigan. Ilang saglit pa ay nag paalam na sila sa dalawang dalaga. Lulan na sila ngayon ng sasakyan ni Blake at binabaybay ang daan patungong probinsiya. Nagulat pa siya nang biglang mag salita ito. " So, gagraduate ka na pala. Ano nga ulit ang course mo? biglang tanong ng binata. Gusto niyang siguraduhin ngayon ang damdamin ng dalaga para sa kanya. " Oo, maikling sagot ng dalaga saka ngumiti. " Siya nga pala, nalalapit na ang Debut ni Carrie. Wag kang mawawala ha, wika ng binata, saka lumingon sa gawi niya. " Ah oo, sinabi niya rin sa akin yan kagabi, sagot niya saka tumungo. Sa titig ng lalaki pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib sa labis na kaba. Mas matanda lang si Mira kay Carrie ng ilang buwan. " Kamatis ka ba, biglang tanong ng binata. Kumunot naman ang noo niya sa tanong na yon. " Hindi, bakit, wala sa loob na sagot niya. Imbes na sumagot ay humagalpak sa tawa ang binata. Tumingin siya ng masama dito saka niya ito inirapan. "Hindi ka nakakatawa, patuyang sabi niya dito. Ngumiti ang lalaki ng malapad bago sumagot. " Ang pula mo kasi para kang kamatis, sagot nito at nag umpisa na namang tumawa. " Blake!!!!! bulalas ng dalaga. Pakiramdam niya totoo ang sinasabi nito. Tumingin siya sa rear view mirror at tinignan ang mukha. Pulang pula nga iyon. Umayos siya ng upo at hindi umimik. " Hmmmmmm name to name basis na tayo, natutuwa ako, wika ng binata nang nakangiti. " Ang sagwa kasi kung Kuya na naman itawag mo sa akin, sabi pa nito at nag babadya na naman sa pag tawa. " Ano ba!!! hindi nako natutuwa. Seryosong sambit ng dalaga saka tumungo. " Sorry hindi na kita aasarin, mahinang tugon ng binata saka hinaplos ang dalaga sa pisngi. " Napakainit ng palad nito, bulong niya. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Ang saya saya ko... piping sigaw ng dalaga sa kanyang isipan. Dinala ng binata ang kamay ng dalaga sa labi niya at hinalikan yon. Hindi alam ng dalaga kung bakit hindi siya makatanggi sa ginagawa ng binata. " So tayo na, si Blake ulit yon. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi niya alam sa isasagot sa tanong na yon. " Anong tayo na, hindi mo nga ako nililigawan, sagot niya. Hindi rin niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para sabihin yon. Tumawa ang binata bago sumagot. " Sabagay, may point ka, sagot ng binata, hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga. Ni sa panaginip ay hindi na naisip na mangyayare yon. At maramdaman ang ganung klase ng kaligayahan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD