Prologue
The cold air blowing through my ears as I walk to a surface that my toes can't feel. I see nothing but white smoke all over the place. I keep moving forward without seeing what's ahead of me.
"Nasaan ako? Anong klaseng lugar 'to? Am I dreaming or what?", I started talking to myself. I don't know anything about this place and why I am here. This is too unreal to be considered reality. "Should I keep walking? Or just slap my face to wake up?", I asked myself again. But I ended up facing this fantasy. I'm pretty curious too. And besides, this is just a dream so it won't harm me. This neither looks like a nightmare.
A strong wind suddenly blew towards me. I ducked as I couldn't keep my balance. I closed my eyes and grit my teeth. It's a nightmare. Damn
The wind stops but I'm still afraid to see anything. Suddenly a noise was heard and so I slowly opened my eyes.
All eyes are staring at me. A lot of people wearing white clothes appeared in front of me and they all have white wings. Wait what?! Wings?!
"Aren't I too old to dream about angels?"
I slowly stood up and I awkwardly look at them. I don't know what to do. Should I talk to them or just walk away?
"Are you one of us?", one angel asked me. But before I could answer another question was asked, "Where are your wings?"
"I...I don't know". That's the only thing I could say. I too have a lot of question about this place... these creatures...this situation.
A heaven-like place and there are lots of angels. My dreams weren't that weird before. Maybe...I'm dead? Sht! Hope not. Ni hindi ko pa nasabi kay Totoy na crush ko siya.
Suddenly, all the angels make way and bow down their heads. Then an angel appeared. She looked different compare to the others. She is wearing an elegant white gown and dressed with gold accessories. She is also wearing a gold crown and is very beautiful. Is she somewhat like the leader of this g**g?
But wait, why is she walking towards me? Am I blocking her way or...
She stopped in front of me smiling brightly. "You finally came", she calmly said. Even her voice is soothing my ears. And what did she say?
"M..me?", I pointed my finger to myself to clarify. She gracefully nodded. "Why? Am I d...dead?", I stuttered. I'm afraid to hear a 'yes'.
"We've been waiting for you", she added. What? This is getting weird.
"For me? But why? And who are you?"
She smiled before answering, "I'm Queen Yesha of Queendom Nythaniel. The Queendom is dropping an angel's feather once a year and whoever receives that feather can make a wish and we will grant it."
"But I haven't received or saw any feather", I said with full of confusion.
"Touch your chest"
I followed her order and was shocked when I felt something. "Wait. What's this? H..how come", I panicked as a feather necklace appeared and was hanged on my neck.
"That necklace isn't visible in real world. We appeared to the chosen one through a dream. And that is why you are here right now." I slightly gasped the situation but still got a lot of questions in my head.
"Cho...chosen one? For what reason? Why me? Random pick? Trip niyo lang?".
"The feather chose you, dear. Desperate prayers bring miracles."
I couldn't argue more. I've been desperately praying for something I want but I thought would never be mine. Now I'm facing something that might answer those prayers. I feel like I'm in a dangerous situation but willing to risk everything.
"Now tell me your wish"
A small ball of tear formed in my eyes as she asked me that question. I smiled in disbelief that the blessing I've been waiting for is finally in front of me.
Miracles do happen.
BABY ANGEL
Ina's POV
Marriage is a sacred sacrament and it is accompanied with great responsibilities.
Rings...
Vows...
Marriage contract...
They are all nothing without commitment. We all have the freedom to choose our partner whom we will spend the rest of our lives with. We are also free to decide when we will walk in the aisle of cathedral and say each other's vows.
Unfortunately, I don't have that kind of freedom.
"Ina, anak. Pinadala na dito ang larawan ng ka-match mo.", kalahating gising pa lamang ang kaluluwa ko nang marinig ko ang tawag ni Mama.
Tama ang narinig niyo, "larawan ng ka-match ko". Hindi ako ang pumipili ng taong jojowain at pakakasalan ko. Bahagi iyon ng relihiyon namin kung saan ipapadala ang mga larawan namin sa ibang bansa at i-mamatch kami sa isang tao na kabilang din sa ganitong relihiyon. Masasabing ma swerte ako dahil sagot na nila jowa ko at hindi ako mamamatay na virgin. Pero sa kabilang banda ay kinakabahan ako. Kung ikaw ba namaý magpapakasal sa taong hindi mo kakilala. Ni hindi ka pa sigurado kung anong lahi siya at kung ano ang kulturang nakagisnan niya.
"Lagay mo na lang diyan ma.", walang ganang sagot ko. Ilang beses na akong pinadalan ng ka-match pero hindi palaging natutuloy. Magandang bagay yun para sakin, dahil sa tuwing iniisip ko na may ka-match na ako, kinakabahan ako na baka dito na magtatapos ang kalayaan ko. Kalayaang lumandi.
Don't misunderstood. Hindi yung literal na p****k o yung nang aagaw ng jowa. Definition ng landi sakin ay 'happy crush' lang. Yung hindi mabilang ang crush mo na kahit sino i-ship sayo nafa-fall ka dahil marupok ka. Yung parang tangang umaasa sa tao kahit hindi naman talaga magiging kayo sa huli dahil nga sa arranged na ang marriage ko. Ini-enjoy ko na muna ang oras na malaya pa akong lumandi sa mga crush ko dahil hindi ko na yun magagawa kapag na confirm na ang ka-match ko.
Tumayo na ako sa kama saka nag ayos ng sarili. Naligo ako at nagbihis ng damit panlabas. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Wala din naman akong gagawin dito sa bahay kaya naisipan kong gumala kasama ang Tulips.
"Saan ka na naman pupunta?", tanong ni mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Wala na din naman siyang magagawa dahil nakabihis na ako.
"Aattend lang ng event", simpleng sagot ko habang nagtatali na ng sintas ng sapatos.
"Anong event na naman iyan? Anong oras kang uuwi? Sino mga kasama mo?", sunod-sunod na tanong ni mama na parang adik ang anak sa sobrang sigurista.
"Kasama ko si Mother Horn", Yun tawag ko sa isang manager namin na siyang ginagamit kong magic word kapag nagpapaalam sa parents.
"Ah ok.", And it works everytime. *smirk*
***
"Oh andito na si Ina!", banggit ni Jimmy nang makapasok ako sa cafe. Mukhang ako na lang ang hinihintay. Nandito na si Jimmy, Mina, Nathan, Yanyan, Jill, Tan, at si Totoy my loves. Ay wait-
"Asan si Jose?", tanong ko nang mapansin na hindi pa pala kumpleto ang grupo.
"Andun sa computer shop. Naglalaro sila ni Jordi", sagot ni Tan.
"Yiee ba't siya hinahanap mo? Crush mo ba si Jose? Ayieee", at itong lentek na Mina ay inasar na naman ako sa iba. Siya talaga mahilig mang-isue sakin, dalawa sila ng ate niya. Mas magaling pa sila sa match makers ng religion namin. Sa tuwing i-shiship nila ako sa isang lalaki, na fa-fall ako. Sila din may pakana diyan kay Totoy kaya medyo nadala din ako. Punyeta.
"Oo! Crush ko si Jose. Ha ha ha", sarkastikong sagot ko. Tumawa lang sila at sunod sunod na 'ayie'ang narinig ko. Kinakabahan na nga ako baka't pati kay Jose ay ma-fall ako.
Umorder na ako ng drink habang sila'y nagkwekwentuhan lang dahil naka-order na sila. Hindi kami nagkita-kita ngayon upang mag practice kasi wala pa namang event. Talagang trip lang naming gumala. Team building tawag dun.
Nang makabalik na ako ng table bigla silang tumahimik. Mga gagong 'to, ako na naman pinagtritripan nila.
"Oh, bakit kayo tumahimik?", tanong ko. Yung iba nagpupumigil na tumawa. Umupo ako sa tabi ni Jimmy. "Pinagtritripan niyo ba ako?", tanong ko sa kanya. Siya ang napili kong tanungin dahil alam kong hindi niya ako mareresist.
"Hmmm", parang lokong tinikom niya lang ang bibig pero halatang meron siyang sasabihin at nagpipigil din ng tawa.
"Sabihin mo o eexpose ko sekreto mo?", mahinang banta ko. Ako pa lang kasi ang sinabihan niya ng tungkol dun sa confession niya kay Yanyan. Hindi ko alam kung tatawa ako o maaawa sa kanya. Eh pano ba nama'y napaka-unexpected kasi ng lahat. Hindi ko akalaing confirmed nga talaga itong si Jimmy. Kaya pala hindi siya ma-akit akit sa charms ko dahil lalaki pala ang hanap niya. Buti't hindi siya crush ni Mina dahil magiging 'Jin senpai' part two na naman sana.
"Hoy gago!", napangisi ako sa reaksyon niya. Talagang magandang blackmail ito.
"Ano na?", tanong ko ulit.
Sumenyas siya na lumapit para bumulong. Ginawa ko din naman yun. "Alam na namin kung sino crush ni Totoy", bulong nito.
Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa sinabi niya. Bigla akong nalungkot dahil siguradong hindi ako yun. Malayo ako sa ideal girl ni Totoy at hindi ako babaeng babae para magustuhan niya.
Wala din naman akong pake kung hindi man niya maibalik itong nararamdaman ko dahil sa huli, hindi din naman siya ang taong pakakasalan ko.
"Ah ganun ba? Sige, pm mo na lang sakin mamaya", walang ganang sagot ko kay Jimmy at nagpatuloy na lang sa pag inom ng milktea.
"Luh? Hindi ka curious?", pang-aasar niya. Inirapan ko na lamang siya at walang kamalay-malay na nalipat ang tingin ko kay Totoy. Napansin kong bigla siyang umiwas nang magtama ang mga mata namin. Agad na din akong umiwas dahil parang may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag kung ito'y pag-asa o pagkadismaya.
***
9:27 PM
Binuksan ko laptop ko para manood ng video ng paborito kong vlogger. Ito ang tamang oras para mag Youtube dahil mabilis ang internet namin kapag alas nuwebe ng gabi.
"Sana all pa Youtube Youtube lang. Sana all walang assignment", biglang umupo sa tabi ko ang kapatid kong lalaki dala-dala ang kanyang notebook at ballpen.
"Mamaya na ako gagawa ng assignment, hindi pa gumagana utak ko.", bored kong sagot at nagpatuloy na lamang sa paghanap ng mapapanood na video. Hindi na din naman siya sumagot dahil nagsimula na siyang gumawa ng school works niya.
Ini-click ko yung bagong video ng paborito kong vlogger saka gumamit ng earphones para hindi ko maistorbo ang kapatid kong bipolar.
Naging paborito ko itong vlogger na 'to dahil napaka-all out ng personality niya at hindi boring yung content niya palagi. Magaling siyang magpatawa at very smooth lang palagi ang mga biro na binibitawan niya. Pero bakit hindi ako natatawa?
May bumabagabag sa isip ko ngayon. Tila hindi pumapasok ang kahit anong ingay na naririnig ko galing sa video. Wala akong maintindihan dahil lumilipad ang isip ko.
Sino kaya ang tinutukoy nilang crush ni Totoy? Possible kayang maging ako iyon? Kung hindi, anong gagawin ko?
Kung hindi...
Baka siya na ang huli kong crush.
Sa susunod na buwan ay magkikita na kami ng bago kong match. Kailangan kong kontrolin itong nararamdaman ko bago pa lumalim dahil ako lang din ang mahihirapan. Maybe it's time to uncrush Totoy.
*ting*
Pinause ko muna ang video nang mag ingay ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino. Well, inexpect ko din naman ang taong 'to. Siya lang din naman parati kong ka chat.
Jimmy: Gorl
Ina: Ano?
Jimmy: Gusto mo na bang malaman?
Ina: Ang alin?
Jimmy: Sus! Kunwari ka pa pero hinihintay mo din naman chat ko kasi curious ka na.
This kid knows me well.
Ina: Edishing! So sino na?
Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Jimmy: Paano kung hindi ikaw?
Tangina! Edi masakit.
Ina: Okay lang.
Jimmy: HAHAHAHAHAHAHAHA
Ina: Sasabihin mo o hindi?
Jimmy: Hulaan mo muna
Ina: Tangina ka talaga!
Jimmy: Sige na. Para may thrill hahahaha
Ina: Si Mina?
Jimmy: No.
Ina: Si Eza?
Jimmy: Gorl wag mo nang idamay ang bata dito. Naunahan pa tayo nun. Sana all may jowa.
Ina: Eh sino pa ba? Wala nang babae sa Tulips.
Jimmy: Hmmm
Ina: OMG! Lalaki?
Jusko! Wag naman sana. Ayokong maranasan ang naranasan ni Mina.
Ina: Si Yanyan?
Jimmy: Hope not.
Ina: Si Nathan?
Jimmy: Akin lang si Nathan.
Ina: Luhhh! Clingy ka cyst?
Jimmy: Last guess
Ina: Ikaw?
Jimmy: OMG! ANG BOBO MO PALA
Ina: BOBO KA DIN! PUNYETA!
Jimmy: HAHAHAHAHAHAH
Hindi na ako nag reply at hinintay ko na lamang na sabihin niya kung sino.
Jimmy: Ikaw, bobo