Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Nanginginig buong sistema ko. Hindi ko alam kung totoo 'to o pinagtritripan lang ako ng gagong 'to.
Ina: Huh? Anong ako?
Jimmy: Ikaw ang crush ni Totoy! Hays gusto mo talagang ipaulit ah no? Bakit? Hindi ka makapaniwala?
Ina: Paanong ako? Pinagtritripan mo ba ako? Akala mo kinikilig na ako niyan?
Jimmy: Ayaw mong maniwala edi wag
I'm trying to gasp the situation. I started to enumerate my traits to figure out the possibilities that a fine man like Totoy will have a crush on me. Except for height, I cannot see anything good about me. I feel like I'm not attractive enough for him.
"Okay ka lang?", nabaling ang atensyon ko nang magsalita ang kapatid ko sa tabi. Narealize kong nakatulala na pala ako.
"Ha? Ah.. inaantok ako", pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang earphones na kumakalabit sa tenga ko saka agad na tumayo at pumasok sa kwarto.
Patapon akong humiga sa kama para isipin ulit ang sinabi ni Jimmy. Hindi pa din ako makapaniwala. Feeling ko talaga pinagtritripan lang ako neto eh.
*ting*
Kinapkap ko phone ko na naitapon ko sa kama. Siguro babawiin na nitong si Jimmy ang sinabi niya bago pa ako umasa. "Talagang uupakan ko ang hayop na 'yon. Pag ito hindi totoo, ewan ko n- " Naudlot ang inis ko nang makita kung sino yung nag chat.
Nakita ko pangalan ni Totoy at bumilis ang t***k ng puso ko. Tinignan ko muna sa notification bago ko buksan ang chatroom.
Totoy sent a photo
Hindi ko makikita kung sa notification lang kaya napilitan akong buksan ang chat.
Bumungad sakin ang larawan kung saan may dalawang ticket.
Totoy: I have two movie tickets
Putangina! Alam kong ibibigay niya sakin yung isa dahil magdedate kami! I'm not a psychology student for nothing. Mukhang totoo ang sinabi ni Jimmy puchaaa! Ano irereply ko? Shet! Keep it casual, Ina. Relax.
Ina: Sml?
Totoy: Sad
Ina: Hahahahah joke lang. Bakit? Bibigay mo sakin yung isa?
Totoy: Yes
Ina: Wow! First time mang libre ah? Gusto mo yayain ko sina Mina para marami tayo?
Totoy: No
Ina: Luhh. Sasabihin ko din naman sa kanila na KKB eh. Pramis! Hindi ko sasabihin na libre mo yung sakin. Okay ba 'yon?
Totoy: Gusto ko tayo lang.
Inilapit ko yung mukha ko sa screen nang masigurado kong tama ba ang nababasa ko. "Gusto ko tayo lang" AAAAAAHHHHHHHHHH kinikilig ako!
Ina: Ayiee gusto mo akong ka date ha? Oh sige. See you
Totoy: Yes
Hindi na ako nag reply pa dahil mukhang hindi na kakayanin ng puso ko ang saya nang nararamdaman ko ngayon.
***
"Saan ka nanaman? Ba't nakaayos ka ng ganyan? Hindi bagay sa'yo", inirapan ko ang kapatid kong mahilig mag bahagi ng opinyon kahit walang may pake. Medyo babae kase ang ayos ko ngayon. Eh syempre minsan lang magyaya ng date itong si Totoy kaya sagadin ko na.
"May date ako. Bakit?", sagot ko habang patuloy na nagsusuklay ng buhok.
"Tss. Date ka diyan. As if naman may magkakagusto sa'yo"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga'y kontrabida itong mokong na'to. Nakipagbreak lang siya sa girlfriend niya, biglang naging bitter na sa lovelife ko. Pfft
"Baka lunokin mo yang sinabi mo. Hindi mo ba alam kung sino ang pakay ko ngayon?", Hinintay niya lang ang kadugtong ng sasabihin ko. "Ha! Si Totoy my loves lang naman."
Ilang segundo pa bago mag register sa utak niya ang sinabi ko. Isang malakas na tawa ang natanggap ko sa kanya.
"HAHAHAHAHAH. May lagnat ka ba? O nananaginip ka ng gising? Be realistic din naman pag gumawa ka ng kwento. Tss"
"Aba't ayaw maniwala!" Kinuha ko phone ko para pakita sa kanya ang convo namin ni Totoy kagabi. "Oh! Panaginip pala ha?" At hindi na siya nakapag-angal pa dahil sa matibay kong ebidensya. Napangisi na lamang ako dahil ako ang panalo ngayon sa aming dalawa.
Nagpatuloy na lamang ako sa pag-aayos at biglang tumahimik ang mokong kaya hindi ko na siya pinansin.
"Ate", natigilan ako sa ginagawa ko dahil sa biglang umiba ang tono ng pananalita nito. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha.
"Bakit?", simpleng sagot ko.
"Baka lumalalim na yang nararamdaman mo kay Totoy ha. Alam mo namang hindi pwede, diba?", mahinahon ang pagkasabi niya at alam kong seryoso na siya ngayon.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano na kalalim itong paghanga ko kay Totoy, pero sa tuwing nandyan siya o kahit man lang makita ko pangalan niya sa screen ng phone ko ay bumibilis ang t***k ng puso ko na tila'y may humahabol sakin. Ewan ko kung "crush"pa ba ito o simtomas na ng pag-ibig. "Alam ko din naman sa sarili ko na hindi ko pwedeng palalimin ito sapagkat iba ang taong pakakasalan ko. Ako lang din naman ang kawawa kapag lumalim pa. Sa ngayon, makikipagkita na lamang muna ako sa kanya. Minsan lang naman kasi talaga siya manglibre kaya take the opportunity na kahit as a friend na lang."
"Kaya mo na yan. Malaki ka na", nilagpasan ko na lamang siya dahil aalis na ako. "Mag dala ka ng payong, mukhang uulan", pahabol niyang wika.
"Wow. Weather forecaster ka? Hindi bagay sa outfit ko ang payong", tumayo na ako matapos maitali ang sintas ng sapatos ko.
"Bahala ka"
***
Ilang metro na lang at maaapakan ko na ang lugar kung saan matutupad ang isa sa mga pangarap ko. Nakakaramdam ako ng konting kaba sa hindi malamang dahilan. Palagi ko namang nakikita si Totoy pero bakit parang iba itong pakiramdam ko ngayon? Dahil kaya hindi ito 'practice' kundi isang 'date'?
Biglang nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag-text.
[From: Totoy]
Binabasa ko pa lang kanino galing, biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
[Am here at kettle corn]
Binilisan ko ang paglakad dahil baka kanina pa siya naghihintay dun.
Nang medyo malapit na ako, binagalan ko ng kaunti ang lakad dahil ayokong makita niya akong hinihingal at haggard. Malayo pa lang ay tanaw ko na siya dahil sa tangkad niya. Nakasandal siya sa pader habang hawak ng isang kamay niya ang dalawang popcorn at yung isang kamay naman niya'y abala sa pagscroll sa cellphone. Simpleng oversized shirt at pants lang ang suot niya habang naka takip na ang bangs nito sa mata dahil sa haba ng buhok. He somehow radiates that 'Oppa' vibe.
Umigham muna ako bago ko siya tinawag. "Totoy!", limang metro ang layo namin sa isa't isa nang tawagin ko siya at sinabayan ko na din ng kaway. Agad din naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko at kumaway din ng konti. As usual, he is keeping that poker face with him.
"Kanina ka pa?", banggit ko nang tuluyang makalapit sa kanya.
"Not really. Take this", inabot niya sakin ang isang popcorn.
Those small things make my heart go crazy but I should keep it casual.
"Wow. Parang himala talaga na nanglilibre ka ha? Anong meron? Birthday mo?", tanong ko kahit alam kong malayo pa birthday niya.
"Nah. I just want to treat you something", nagtaka ako sa sagot niya.
"Huh? Bakit? Wala ka namang utang na libre sakin ah?"
"You will know soon."
Bigla akong natahimik at napaisip sa sinabi niya.
"Let's go. The movie is about to start", nauna na siyang naglakad at ako nama'y biglang natauhan saka sumunod na din sa kanya.
***
"Ohmaygad! Umiyak ka?", reaksyon ko nang umilaw na ang sinehan dahil tapos na ang movie. Nakita kong namumula ang mata at ilong niya.
Miracle in Cell No.7 kasi pinanuod namin at halos lahat ng kasabay naming manuod ay kanya-kanyang pahid din ng mga luha. Hindi ako umiyak kasi ilang beses ko nang mapanuod ang Korean version nito at hindi talaga ako mabilis madala ng emosyon basta mga pelikula.
Iniwas niya ang mukha niya sakin at pasimpleng pinunasan ang mga luha nito. Ang cute pucha. "Omg! First time kitang nakitang umiyak ha. Akala ko pusong bato ka pa kay Mina."
"No. I didn't"
"Eh bakit namumula yang mata mo?", sinubukan ko pang silipin pero iniwas niya parin mukha niya sakin.
"Napuwing lang ako"
Tinawanan ko lang siya dahil sobrang halata na pero deny pa rin ng deny. Ang cute lang. Nakakainis!
"Hala tayo na lang pala nandito. Tara na!", akmang tatayo na ako nang biglang hinawakan niya wrist ko dahilan para matigilan ako. Bumilis ang t***k ng puso ko at parang nanigas ang buong katawan ko.
"Dito muna tayo", mahinang wika niya. Dahan-dahan ko siya tinignan at nakayuko lang ito.
Bumalik ako sa pagkaupo habang hawak pa rin niya ang wrist ko. "Nahihiya ka bang lumabas? ", tanong ko.
"No.", tipid niyang sagot.
"Ano ka ba! Okay lang yan. Hindi lang naman ikaw ang umiyak. Malungkot din naman kasi ang movie kaya tara na", imbes na tumayo, mas humigpit ang pagkapit niya sa wrist ko.
"I have something to say...", nag-aalangan niyang sabi. Biglang nanindig balahibo ko dahil sa tono ng kanyang pananalita. Palaging seryoso ang kanyang mukha pati pananalita pero parang iba ngayon. Feels like he's about to say something important and serious.
"A-ano yun?", nauutal na ako sa lamig ng aircon sa sinehan pati na din sa kanya.
"The reason why I invited you here...just you...",pagkasabi niya nun ay inilipat niya sa kamay ko ang kamay na kanina'y nakahawak sa wrist ko. Ano mang salita ang susunod na lumabas sa bibig niya ay kinakabahan ako. Ramdam kong aaminin niya na ang nararamdaman niya para sa akin. Ayoko ko din namang umasa na may gusto din siya sa akin, pero... bakit parang ganun ang tinatakbo ng isip ko? Bakit parang ganun ang nakasulat sa mukha niya? "Ina...I... I like you". At sa pagkakataong narinig ko na mula sa kanya ang mga salitang yun, bakit parang hindi na ako masaya?
Isang mahabang katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa. Biglang nawala ang ginaw at napalitan ng init ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa sinabi niya.
"Baka lumalalim na yang nararamdaman mo kay Totoy ha. Alam mo namang hindi pwede, diba?"
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi kanina ng kapatid ko. Ngunit iyon nga ba ang dahilan bakit bigla akong nagdalawang isip sa kanya? "Totoy... hindi pwede..."
"I heard you like me too", pagputol niya sakin.
"Yes. I did. Pero...kasi--", parang hindi ko alam saan ako magsisimulang magpaliwanag sa kanya.
"You did? How about now? Do you still like me?"
Saglit akong natigilan ng maalala ko ang isang panaginip na maaaring naging rason kung bakit biglang nagustuhan ako ni Totoy.
"Kailan pa?", mahinahong tanong ko.
"What do you mean?"
"Your feelings for me. When did it started?",nang maitanong ko iyon ay biglang umiwas ang kanyang tingin.
"I...I don't know either. I woke up one day and my mind can't stop thinking about you. Everytime I see you my heart beats like crazy. The same feeling to the love that I failed before. Now, I don't want to lose a chance again. And that's why I'm telling you this, Ina."
"I'm right.", I smirked.
"What?"
"That feeling is not real, Totoy.", binawi ko ang aking kamay na hawak niya. Nagtaka siya sa sinabi ko.
"How can you judge my own feelings? Just say If you don't like me. It's fine."
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Yes I do. I still do like you, Totoy. Kahit anong pilit ko na huwag lumalim itong nararamdaman ko sa'yo hindi ko magawa. Kahit hindi ko inaasahan na magugustuhan mo ako mas lalo pang lumalalim itong lintek na pakiramdam. Ikaw ang unang taong naiisip ko pagkagising sa umaga at ikaw din ang huli kong naiisip bago matulog-- "
"Let's date.", namumula niyang sabi nang hindi pa ako tapos magsalita. Gusto ko man sabihing 'Oo' pero hindi ko magawa.
"I can't date someone I can't marry.", parang may kumurot sa dibdib ko nang sabihin ko iyon. Nasa pagkakataon na akong abot-kamay ko na ang matagal kong hinihiling pero hindi sumasang-ayon ang aking isip at puso.
"Then, let's not break up. I can marry you, Ina.", Putangina. Iyon ang mga salitang gustong gusto ko marinig sa taong ayaw kong pakawalan.
"I'm arranged with someone.", Umiba ang expresyon niya nang sabihin ko iyon. "Parte yun ng relihiyon namin. Oo, crush kita pero hanggang dun lang. I can't cross the line. I'm sorry"
Yun ang rason na sinabi ko. Pero ang totoo, parang hindi ko gustong nagugustuhan niya ako dahil parang ginayuma lang siya. Amin ko sa sarili kong pagsisisihan ko ang naging desisyon ko ngayon. Hindi ko alam kung dadating pa ulit ang pagkakataong ito. Hindi ako sigurado kung si Totoy nga ba ang pinadala sa akin ng Anghel sa panaginip ko. At hindi din ako sigurado kung si Totoy nga ba talaga ang tinitibok ng puso ko. Ako mismo hindi maintindihan itong puso ko. Mabilis itong mahulog kahit kanino. Marupok na kung marupok, pero hindi ito ang gusto ko.
"I understand. But can I still like you from a distance, right?", he said full of seriousness. Parang hindi ko na maigalaw ang dila ko kaya hindi na ako sumagot. "I'm fine that I can't date you but I can't stop liking you. Give me some time to overcome this feeling."
Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko sa huling salitang sinabi niya.
"O-oo naman! Hahaha sino ba naman ako para pigilan iyang puso mo. Atsaka friends pa rin naman tayo. Hindi naman ito makakasira sa grupo. Hihi ", That was awkward. "Tara na?" Nauna na akong tumayo at pansin ko din namang sumunod siya.
Sa isang iglap, tila nagkapalit kami ng sitwasyon ni Totoy.
***
Nakatayo ako sa entrance ng mall habang naghihintay ng taxi. Nakakabingi ang sabay sabay na pagbagsak ng makakapal na patak ng ulan. Nagisisi akong hindi ako nagdala ng payong. Tsk.
Nag offer din naman kanina si Totoy na ihahatid niya ako sa amin kasi may sasakyan siya ngunit tumanggi ako dahil hindi ko kaya ang awkwardness sa loob ng sasakyan pag nagkataon. Hindi ko din naman inaasahan na uulan ng ganito kalakasan eh napakainit kanina nang umalis ako sa bahay.
Nakakaramdam na ako ng kaba dahil tila hindi na tumitigil itong pagbagsak ng ulan. Bilang na din ang mga bumabyaheng jeep at taxi kasi pabilisan din ng takbo ang mga tao kaya puno na. Parami ng parami na ang taong naghihintay ng may masasakyan at parang tumataas na ang baha.
Dinampot ko ang phone ko nang bigla itong mag vibrate. Nabasa ko yung text ni Papa. Sabi niya na maya-maya na muna ako umuwi dahil tumataas na ang tubig doon sa amin. Susunduin na lamang niya ako kapag bumaba na.
Napabuga na lamang ako ng hangin saka bumalik na muna sa loob ng mall.
10:30 PM
Panay check ko sa labas kung pupwede na ba akong umuwi pero parang wala ata planong tumila itong ulan.
*Phone ringing...
"Hel--"
[HINDI KA PA NAKAUWI?!]
Inilayo ko ng kaunti ang phone sa tenga dahil biglang may sumigaw sa kabilang linya.
"Obvious ba? Hinihintay kong tumila ang ulan"
[ ASAN KA BA? Gusto mo sunduin kita?]
"OA mo Jimmy ha! Okay lang ako dito. Susunduin din naman ako ni Papa kapag bumaba na yung tubig baha." Itong si Jimmy, sobra pa kay Papa kung maka sermon sakin. Though, appreciate ko din naman na concern siya sakin.
[Nasa SM ka?]
"Oo"
[Magsasara na yan mamaya. Saan ka magstastay?]
"Hindi ko alam. Try ko ulit pumara ng taxi ", agad na din akong tumayo para mag-antay sa labas. Unfortunately, wala paring nagbago sa sitwasyon. Marami pa ring hindi makasakay at halos wala nang bumabyahe ngayon.
[Ano na? Makakauwi ka pa ba?]
"Hays. Mukhang maliligo na lang muna ako sa ulan para makapunta sa isang 24-hour fast food chain." Wala na akong maisip na ibang paraan. Hindi na din naman ako pwedeng mag stay sa loob ng mall kasi closing hours na. Wala na din akong masasakyan dito. At hindi ko alam kung kailan ako masusundo ni Papa dahil hindi pa tumitigil ang ulan.
[Hintayin mo ako dyan, magpapaalam ako kay Mama na gagamitin ko yung motor. Stay there kung hindi ka pa makatyempong umalis. Inform me if nasaan ka incase makasakay ka ng jeep o taxi. Ibababa ko na muna ang tawag. Save your battery, Ina. Stay safe!]
"Hoy Jimmy teka--", ibinaba na niya ang tawag bago pa ako makaangal. Napabuga na lamang ako ng hangin.
Inilibot ko ang paningin ko para ma trace kung saan ako pwedeng dumaan para makarating doon sa pinakamalapit na McDo. Hindi din naman ganun kalayo atsaka may extrang damit ako palagi sa bag incase mabasa ako ng lubos.
"Bahala na", akmang lulusong na ako sa ulan at baha nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Ina!"
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na yun. Nakita ko si Jose papalapit sa kinatatayuan ko habang may dalang payong.
"Oh? Nandito ka din? ", biglang nakahinga ako ng maluwag dahil may kasama na ako.
"Kanina ka pa? Ikaw lang mag-isa?", tanong niya.
"Kasama ko kanina si Totoy pero kanina pa siya umuwi."
"Hindi ka man lang niya hinatid sa sitwasyong 'to?", Ngayon ko lang ata nakita ang ganitong side ni Jose. Siya kasi yung tipong mahilig mang-inis na parang walang ka seryosohan sa buhay.
"Hindi sa ganun. Hindi pa naman kasi malakas yung ulan kanina atsaka may agenda pa ako dito sa mall kaya pinauna ko na muna siyang umuwi. Hindi ko din naman inexpect na lalakas ng ganito", pagsisinungaling ko.
"May sasakyan ako. Hatid na kita.", he offered.
"Gustuhin ko mang umuwi, hindi ko magawa kasi mataas yung baha sa amin at hindi ata makakadaan yung mga sasakyan dun. Maghahanap na muna ako ng lugar na open 24 hours kung saan ako makapagstay hangga't bumaba na yung tubig doon sa amin."
"Samahan na kita. Tara", Nahihiya ako at gusto kong tumanggi pero sa sitwasyong ito, wala akong choice kundi tanggapin ang offer ni Jose.
***
"Salamat", wika ko nang iabot sakin ni Jose ang mainit na kape. Nilibre na din niya ako dito sa fast-food chain kung saan muna ako nagstastay. Tinext ko na din si Jimmy na okay na ako at may kasama na ako ngayon kaya hindi na niya kailangang sunduin ako baka kasi siya naman yung mapano. "Okay lang ba talaga sa'yo? Pwede ka din namang umuwi na. Safe naman ako dito.", tugon ko.
"Okay lang din naman akong hindi na muna umuwi. Sanay na din mga tao dun na minsan lang nila ako makikita sa bahay.", pabiro niyang sabi.
"Alam mo, hindi ako sanay sa'yo ngayon. May kabutihan ka pa din palang natitira sa katawang 'yan", sabi ko sabay higop ng kape. Tumawa na lamang kaming pareho.
Napasulyap ako sa labas at tila gumiginaw na dito. Maliban sa malamig ang panahon, malamig din ang aircon dito sa McDo. Naka T-shirt lang ako na siyang kakapalit ko sa nabasang shirt ko kanina. Pansin din ni Jose na niyayakap ko na sarili ko kaya inabot niya sakin yung suot niyang jacket.
"Okay lang. Ikaw naman magiginawan n'yan", pagtanggi ko.
"Tanggapin mo na Gorl. Rare opportunity lang 'to"
"Tss.", ngumisi ako ng konti saka kinuha yung jacket niya. "Mabait ka din nman pala. Ba't di mo araw-arawin yan? ", biro ko habang sinusuot itong jacket niya. Kahit papano ay nabawasan ang ginaw sa katawan ko.
"Mabait naman ako ha. Teasing is just my way of wanting to get closer with you"
Tumawa lang ako ng mahina at hindi na ako sumagot pa. Hindi ko na muna binubuksan phone ko dahil nagse-save ako ng battery para ma contact ko si papa sakaling tumigil na ang ulan. Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasadan ang ulan sa labas.
"Ina", nabaling atensyon ko nang tawagin ni Jose pangalan ko.
"Hmm?", yun lang naging sagot ko.
"Can I ask you something?"
"Sure"
"About Jill...", nang banggitin niya ang pangalang 'yun ay bigla akong natigilan. Hindi ako umimik at hinintay lang ang kadugtong ng sinabi niya. "Is he your..."
"Yes. We used to date.", ako na ang dumugtong sa kanya.
"So tama nga ang hinala ko, na ex-boyfriend mo siya. Wow! Bilib ako sa'yo ha", komento niya at pumalakpak pa talaga.
"Tss. Bilib saan? Na naging ex ko ang pinaka famous na member ng Tulips? ", casual na sagot ko.
"Na nakaya mong wag ipahalata tuwing practice na may past kayo"
"Eh magkaibigan pa din naman kami. May closure naman yung breakup namin at pareho naming pinagdesisyunan yun. Atsaka matagal na din yun, nakalimutan na namin pareho.", Baka nga may natitipuhan na din itong si Jill na babae kaya hindi ko na siya guguluhin and besides, naka moveon na din naman ako sa kanya at sigurado ako sa sarili ko na wala na akong nararamdan para sa kanya.
"Can you tell me how the two of you met? You know, he is some kind of richass kid with strict parents hahahaha", pabiro niyang wika.
"Chismoso ka din eh, noh? "
"Curious lang ako baka mala Cinderella yung love story niyo. Sige na, wala na din naman tayong pag-uusapan sa sitwasyong 'to. Bored na ako", pagpupumilit niya. Wala din namang mawawala kung ikwento ko at bored na din ako kasi hindi ko mabuksan itong cellphone ko.
"Hmmm. Inintroduce lang din naman siya ng friend ko, si Nana. Hindi ko na maalala kung bakit kami naging close pero yun nga. Palagi akong sumasama kapag naghahangout kami. Itong si Nana nauuna palaging umuwi kaya kami palagi ni Jill yung naiiwan, siguro nga dahil dun mas naging close na kami hanggang sa tuluyang nahulog na kami sa isa't isa."
"Talaga? Alam mo bang medyo chick boy din iyang si Jill?", natawa ako sa sinabi niya. Marami na din namang nakafling si Jill after nang breakup namin pero hindi ko na din pinapansin yun.
"Yes. And maybe I'm just one of his chicks? I don't know. I don't want to judge him."
"But Jill is really good when it comes to dating.", he commented.
Tumango din ako bilang pagsang-ayon. "Yes he is. He makes every moment special for you. Masaya ako na nakilala ko siya at hindi din naman ako nagsisi na nagging jowa ko siya"
"Can I ask why the two of you broke up?"
I bitterly smiled. "I don't want a secret relationship. Natatakot akong ipakilala siya sa parents ko dahil sa religion namin. Same goes for him, takot din siyang ipakilala ako sa Mom niya. Nag decide na lamang kami na tapusin na lang yung ralasyon namin at manatiling maging magkaibigan. Nagulat na din ako na kasama niyo pala siya. Kay liit nga naman ng mundo"
"Wala na ba talagang chance na magkabalikan kayo?", tanong niya.
Umiling ako saka sumagot. "Wala na akong feelings sa kanya. Atsaka may nagugustuhan na siyang iba kaya okay na ako."
"Mabuti kong ganun"
"Ano sabi mo?", hindi ko masyadong narinig dahil mahina pa sa daga ang pagkasabi niya.
"Ah wala. Eh si Totoy?", biglang kinilabutan ako ng marinig na naman ang pangalang yun. Bigla akong nakaramdan ng konsensya sa pag reject sa kanya kanina. Hindi ko alam kung ano yung naging epekto nun sa kanya. Hindi naman sa hinihintay ko pero, hindi siya nagchat man lang kung nakauwi na ako.
"A-anong kay Totoy? Syempre kaibigan natin siya",awkward ang pagkasabi ko nun.
"Alam mo bang may gusto din siya sa'yo?". Tumango ako bilang sagot "Ba't di na lang si Totoy jowain mo? Mabait parents ni Totoy, siguradong magugustuhan ka nila.", nakangiti niyang sabi pero parang nag-aalangan siya na sabihin ang mga 'yon.
"Tss. Kung pwede lang akong magjowa sinagot ko na 'yon", Huli na nang marealize ko ang mga sinabi ko.
"So niligawan ka nga niya?", pigil-tawa itong si Jose dahil napansin niyang nahihiya na ako. Hindi pa din talaga mawawala ang pilyong ugali nitong si Jose.
"Oo. Pero hindi ko siya sinagot. Alam mo na kung bakit.", matamlay kong wika. Naparami na ang nasasabi kong sekreto sa lalaking 'to.
"Religion?", tumango lang ako sa tanong niya. "Eh wala pa naman yung ka match mo eh. Okay lang namang magjowa muna. Edi break lang kayo pag nandyan na yung pakakasalan mo"
"Hindi ganun kadali yun. Tss", napasandal na lang ako sa upuan. "Si Mina at Nana nga kay gandang mga babae wala pang jowa. Baka nakakaganda nga talaga maging single noh? Siguro gumaya na lang ako sa kanila na maging single for life habang wala pa yung match ko ", tumawa si Jose sa sinabi ko.
"Sigurado kang walang jowa si Mina?", nagulat ako sa sinabi niya. May hindi ba ako nalalaman kay Mina?
"Medyo.", bigla kong inilapit mukha ko kay Jose dahilan para umatras siya ng kaunti "Bakit? May nalalaman ka? Share mo na naman", pabulong kong sabi.
"H-hindi ako sigurado. Pero parang may something sa kanila ni Yanyan eh. Ewan baka sobrang friendly lang talaga itong si Yanyan.", wika niya sabay kibit-balikat.
Napasandal ulit ako. "Hays. Ganun din sinabi ni Jimmy sakin last time. Pero hindi naman siguro. Eh parang papasok na yan sa seminaryo si Mina eh. Parang hindi interesado sa mga lalaki. Tss."
"Sabagay... Inaantok na ako. GIsingin mo na lang ako pag nandyan na sundo mo", sabi niya saka inihiga ang ulo sa mesa.
Tumayo muna ako para umorder ng fries. Ganitong oras kasi dinadalaw ako ng gutom imbes na antok.
Binuksan ko phone ko para i-check yung mga messages. Sunod-sunod lang ang pasok ng mga ito at sa iisang tao lang iyon nanggagaling, kay Jimmy. Kahit si Papa ay hindi na nakapagtext sakin, mukhang nakatulog na siya kakahintay humupa ng ulan at baha. Pati na din si Totoy ay hindi na muling nagtext o chat. Pero si Jimmy...
Siya ang kaisa-isahang taong sobrang nag-aalala sa akin. Siya ang taong palagi kong kasama na sobrang komportable akong ipakita lahat ng baho ko. Siya din nakakarinig ng mga rant ko sa buhay. Siya palagi kong sinasabihan ng mga sekreto ko. Drinking buddy niya ako kahit hindi ako masyadong umiinom, sa madaling salita, ako ang yaya niya tuwing nachuchubebang siya sa kalasingan. Palagi akong nagrereklamo na ayoko na siyang kasama sa inuman pero hindi ko siya matiis.
Minsan kinakabahan na ako dahil baka hindi lang maging kaibigan ang tingin ko kay Jimmy. Sa sobrang close namin ay mapagkakamalan na talaga kaming mag jowa. Ewan ko ba ba't ang gaan ng loob ko sa kanya. Isa siya sa mga taong hindi ko gustong mawala pero alam ko namang sa huli ay dadating ang pagkakataong hindi ko na siya palaging makakasama dahil magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay. Hays, kung pwede lang sanang siya na lang yung ka-match ko.
Minamasdan ko lang si Jose habang natutulog sa harap ko at ako'y kumakain ng fries. Hinubad ko yung jacket na suot ko saka kinumot sa kanya. Medyo hindi na din ako giniginaw dahil hininaan na nila yung aircon.
"Now tell me your wish"
Biglang sumagi sa isip ko ang misteryosong napanaginipan ko noong isang gabi. Naalala ko ang mga salitang binitawan ko sa panaginip na 'yun.
"I just hope I could meet the right guy as soon as possible"
Naalala ko na naman si Totoy. Paano kung siya na pala yung ipinadala ng anghel sa panaginip?
Did I lose my chance? Hindi ko na ba mababawi yun?
Paano naman kaya kung hindi talaga siya na naging dahilan para mag udyok sakin na i-reject siya?
Paano kung ang taong yun pala ay matagal ko nang kasama at hindi ko lang namamalayan?
Paano kung hindi ko pa pala na-meet ang taong 'yun?
Please give me a sign, Angel Yesha.
A light, white feather caught my sight. Nanggaling iyon sa itaas pero hindi ko alam paano ito lumusot sa kisame ng McDo. Bigla na lamang itong sumulpot. Parehong-pareho ang hitsura nito sa kwintas na nakasabit sa liig ko sa panaginip. Nakita ko na lamang na dahan-dahang bumabagsak sa harap ko at dumapo kay...
"Jose?", mahinang banggit ko sa pangalan niya.
Bigla siyang nagising "Hmmm? Andyan na sundo mo? ", medyo inaantok pa ang tono ng kanyang pananalita.
Bakit dumapo ito kay Jose? At bakit hindi niya ito nakikita?
"Ano religion mo?", diretsahang tanong ko.
"Ginising mo ako para itanong 'yan?"
"Please answer me. What's your religion, Jose?", napansin niya ang pagkataranta ko at ipinagtaka niya iyon.
"Katulad nang sa inyo."
Nagsitayuan mga balahibo ko nang sagutin niya iyon.
Anong ibig sabihin nito?
Ito na ba ang sign na hinihingi ko?
Si Jose ang nakatakda para sa akin?