Kabanata 1
"Maxine!" Tawag niya upang makuha ang atensyon ng kaibigan niya na nasa kusina. Nang marinig niyang muling tumunog ang international na telepono sa bahay, na pag-aari ng mga magulang ni Maxine at kung saan siya ay nakikitira.
They’ve been friends since their freshman year, and now they’re both working at the same publishing company in Makati. She is from Iloilo City. Her parents aren’t professionals and aren’t as wealthy as Maxine’s family, and they are separated. In contrast, Maxine lost her parents at a young age. Only Maxine’s maid took good care of her, and her grandparents adored her so much. That’s why Maxine somewhat a spoiled brat, but she's kind to her. They treat each other like sisters. She feels lucky to have met Maxine, especially since she has no family in Manila.
She is a scholar at their university; only her tuition fee is covered, so she works part-time to support her allowance and other expenses. Luckily, Maxine took her in, so she doesn’t need to rent an apartment or pay for electricity, internet, or water.To return the favor and the privilege she received, she helps Maxine with her assignments, projects, and exams, as they are classmates in the Literacy course.
"Ay anak ka nang nanay mong duleng!" bulalas niya nang magulat siya dahil bigla na namang tumunog ang telepono. Ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng kanyang kaibigan na ang sabi ay may kukunin lang sa kusina kaya't napabuntonghininga siya at tumayo mula sa kinauupuan at lumakad papunta sa may sala, kung nasaan ang telepono.
"Hello," kaagad na bati niya sa kabilang linya.
"Pack your things. I'll be at the airport tomorrow, and I want you to meet me there. We’re going back to the province together," sabi ng lalaking-lalaki ang boses sa kabilang linya.
Bumuka ang kanyang mga labi at lumaki ang kanyang mga mata. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso, sa hindi malinaw na dahilan.
"Didn't you hear what I said, Maxine? I'm taking you with me to the province. It's time for you to learn how to manage your father’s farm and understand what it’s like to live a simple life. Hindi lang puro pag-club at paglalaro ng damdamin ng mga lalaki ang alam mo. Alam mong muntik nang magpakamatay ang anak ni Mr. Rosales dahil sa iyo?" dugtong ng nasa kabilang linya.
"Ahm—"
"Don't speak. I know you'll just deny it. I'm not like my parents, Maxine. You can’t fool me easily. And God, if your father were alive, he’d probably be disappointed with what you’ve become," pagpatuloy ng lalaki.
Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Mukhang napagkamalan pa siyang si Maxine dahil siya ang sumagot ng tawag.
"Alright, I gotta go. I have other important things to attend to. Just make sure you’re at the airport tomorrow by 8 a.m., or else I will cancel all your credit cards—or worse, send you back to the States and let your auntie Amara discipline you. And I swear, you will not like it, Maxine." Tapos ay naputol ang linya.
Napatitig siya sa telepono parang siya ang natatakot para kay Maxine dahil mukhang galit na galit ang Tiyuhin nitong galing America. Minsan na ito na kwento ni Maxine sa kanya.
Alejandro Delmundo was a retired army officer with high rank. He is strict, perfectionist, and demanding. Hind siya naniwala noong una pero ngayon konbinsido na siya.
"Oh, anyare? Bakit namumutla ka diyan?" nakakunot-noong tanong sa kanya ni Maxine na may hawak na ice cream.
Nakasuot ito ng spaghetti at short. Na madalas niyong isuot dahil mahilig ang babae sa mga kinulang sa telang damit. Kulang na lang minsan ay maghubad ito.
Bumuntonghininga siya. "Tumawag iyong Tiyuhin mo, uuwi na raw siya sa Pilipinas at dapat raw ay sunduin mo siya sa airport bukas na bukas rin. Alas otso ng umaga at huwag ka raw ma-late-"
"Wait, what? Did l hear it right?!" bulalas ng babae na para bang binuhusan ng malamig na tubig.
"Sadly yes. He wants to take you with him, in your province-"
"No..no.... I don't want to go with him! Hindi ko nga kaya mag-stay sa probinsya kahit isang gabi lang, tumira pa kaya roon?" bulalas ni Maxine at nilagay ang ice cream bowl na hawak sa may lamesa at napakagat ito sa kuko.
"Should l go and elope with Erick instead? So, my Uncle can't reach me, what do you think, Mikaela?" giit ng babae kaya't nanlalaki naman ang kanyang mga mata.
"Baliw ka ba? Kakilala mo pa nga lang kay Erick 'e. Ni hindi mo pa nga siya sinasagot tapos nakikipag tanan ka sa kanya? Isa pa'y hindi ba'y binigyan naman tayo ng two months leave ng kumpanya? Why don't you take this chance to relax and recharge? Province life is the best life, l swear. Less pollution and less crowded," seryosong sabi niya sa kanyang kaibigan at kinuha ang ice cream na kinakain nito kanina at sumandok siya para tikman.
"I have an idea!" biglang bulalas ni Maxine at hinawakan ang kutsara na akmang susubo niya sa pangalawang pagkakataon.
"Ano naman iyon?" kunot-noo tanong niya sa kaibigan.
Tinignan siya ng babae mula ulo hanggang paa tapos bigla siya nitong hinila sa may whole body mirror nakadikit sa may dinding.
"Tignan mo, hindi ba't parang kambal tayo? Magkamukha at magkasing katawan pa. Although you are bit tan, but look, paniguradong hindi nila masasabi kung sino sa ating dalawa si Mikaela o si Maxine. Lalo na kapag kakakita pa lang nila sa atin," nakangiting paliwanag ng kanyang kaibigan.
Totoo. Palagi nga silang nagpapakamalang kambal dahil hawig silang dalawa. Parehos rin sila ng second name na Grasya. Kaya siguro nag-click din sila kaagad.
"Oh, ano nais mo ipahatid? Bakit bigla mo na lang iyan sinabi? Eh matagal na naman tayong pinagkamalang kambal a," aniya at binawi ang kamay sa kaibigan.
Napakagat ng ibabang labi si Maxine at tumingin sa kanya na para bang nagmamakaawang pusa.
"Naku, alam ko ang tingin na iyan, Maxine. May hihingiin ka sa aking pabor ano? Ganiyan na ganiyan ginawa mo kapag gusto mo nang idispose ang lalaki mo. Aba'y huwag mong sabihin gusto mong itaboy ko si Erick? Akala ko ba gusto mo nga makipagtanan sa kanya-"
"Hindi ito about kay Erick. I like him. He is mature and he knows what he wants. You know that l like smart men, and especially wealthy men. And has everything. He is smart, rich, masculine, handsome and very skilled in bed," nakangiting sabi ni Maxine.
Napasinghap naman siya. "Kaloka ka, sinuko mo na?!"
"You mean my virginity? Yes, but that the issue at this moment. I need you, Mikaela, to get away with my Uncle Alejandro," giit ni Maxine at hinawahan pa ang kanyang mga kamay.
"A-Ano gusto mong gawin ko? Kausapin siya-"
"No, it's useless to talk with him and refuse to go with him. He is stubborn, and he probably won't let me get away with this," kagat labing sabi ni Maxine.
"Eh ano? Ano gagawin ko?" seryosong tanong niya.
Huminga ng malalim si Maxine. "Magpanggap kang ako. I mean, let's swap identity. You will go to the airport tomorrow and meet my Uncle. Then you will go with him in our province since unlike me, you love province life, Mikaela. You will probably enjoy staying there, unlike me. It's will be a hell for me."
"What? Seryoso ka ba diyan?!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.
"I'm afraid to say but yes. I'm desperate so please help me this once hmmm," pagmamakaawang sabi ni Maxine sa kanya na kulang na lang ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Kaya't napapikit siya ng mariin. She doesn't know if she will help her or not. Ini-imagine pa lang niya na makakaharap niya at makakasama ang masungit at striktong Uncle nito ay parang nawawalan ng lakas ng tuhod niya.