bc

The Royal Encounter

book_age16+
304
FOLLOW
1K
READ
billionaire
time-travel
fated
princess
drama
comedy
bxg
another world
cruel
passionate
like
intro-logo
Blurb

River is a ruthless business tycoon and the son of President of country.

Adelaide is a generous princess from the past 1889.

A mystery happened; Adelaide found herself in 2021. Habang si River naman ay nakita ang babae and used her for emergency. But he didn't expect that Adelaide will stick to him, saying she came from the past.

What will happened in this chaotic royal encounter?

chap-preview
Free preview
Simula
YEAR 1881 PRINCESS ADELAIDE'S POV Siguro ay iniisip lahat ng tao sa siyudad ay wala na akong mahihiling pa. Nagkakamali sila doon. Mahirap maging maharlika. Mahirap maging prinsesa. At hindi 'ko gusto ang buhay 'ko. Oo at marangya. Nakukuha lahat ng kailangan at gusto. Kung nanaisin, ay pwede mo rin paikutin sa'yo ang mundo. Ngunit hindi iyon ang gusto 'ko. Ang kailangan 'ko lang ay kalayaan. Sobrang dali lang iyon para sa iba. Ngunit sa prinsesa na tulad 'ko? Hindi ganon. Ang hirap makipag-sabayan. Ako ang huling prinsesa, ngunit nais na akong ipakasal ng mahal na Reyna! Hindi ba't napaka-sakim noon? "Ayoko pong magpakasal!" Ulit 'ko pa habang nakaupo ang aking mga magulang sa itaas. Nakakalungkot, ngunit hindi 'ko sila pwedeng ina at ama. Nais 'ko tawagin sila sa ganong paraan, pero ipinagbabawal iyon sa loob ng palasyo! "Ikaw ay dapat ng magpakasal!" Sigaw ng mahal na Hari. Napaatras pa ang ilan, pero gaya ng tawag sa'kin ng ilan-para akong rebelde at hindi nagpapatinag sa kahit sino man. "Ako ay bata pa lang, Mahal na Hari! Ayokong malayo sainyo..." Hindi 'ko maiwasang maging emosyonal dahil ilang beses 'ko na itong ipinilit. Pero tila sarado ang tenga nila. Hindi nila ako pinakikinggan. "Kaya ka lumalaki na parang walang natutunan sa palasyo! Kung hindi kami ang makakatulong ay si Fabio ang hayaan mo-" "Sa mayabang na 'yon? Hin-" "Mahal na Prinsesa!" Sigaw ng Hari at tumayo. "Hindi mo ba naiintindihan na kabastusan ang ginagawa mo? Ilang beses mo kaming sinuway! Gumawa ng bagay na hindi dapat! Hinayan ka namin! Pero talagang inuulit mo ang pagiging bastos-" "Mahal na hari..." Pagpapakalma ng Reyna. "Hayaan mo ang Prinsesa... Masama ang loob nito sa'tin dahil mawawalay siya.." Hindi ako makapaniwala na iyon lang ang narinig ng aking ina. Hindi ba nito naisip na bata pa ako? Na magpapakasal ako sa taong hindi 'ko mahal? "Bumalik ka na sa iyong silid, Prinsesa Adelaide." Pagputol ng Hari sa usapan, "Kung walang itutulong sa siyudad ang iyong sasabihin ay hindi 'ko papakinggan." Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ayokong magpa-kasal kay Fabio! Tinignan 'ko ang sarili ngayon sa salamin. Nakaayos na ang buhok 'ko at maraming palamuti iyon. Ilang beses 'ko sinubukang tumakas at umalis sa siyudad! Pero walang tumutulong sa'kin. Wala akong kakampi! Walang kahit sino ang handang tumulong sa'kin! Mayroong isa, pero ako'y nagdadalawang isip kung dapat ba na tanggapin 'ko ang alok niya! Magarbo ang suot 'kong baro para sa kasalang ito. Halos lahat ay binabati ako dahil magiging asawa na ako ng Prinsipeng iyon. Pero sino ang matutuwa? Masyadong hambog ang lalaking 'yon at hindi 'ko talaga nais magpakasal. "Napaka-ganda niyo mahal na prinsesa," wika ng isang ginang na nag-aayos sa'king buhok. "Alam niyong hindi 'ko gusto ito," Awat 'ko pa sa mga ngiti na ibinibigay nila. Halos alam ng buong siyudad na hindi 'ko gusto si Fabio. Kung kani-kanino ako humingi ng tulong! Pero wala! Tinatakot sila ng Mahal na Hari at Reyna! Ilang beses akong humingi ng simpatya at nagmakaawa na itigil ang kasalang ito. Bata pa ako. Marami pa akong pwedeng gawin sa mundo! Bakit hindi nila ako hayaan na hanapin at unahin ang sarili? Napayuko ang ginang at hindi na nagsalita pa. Mabuti! Dahil hindi ako nagagalak sa mga nangyayari! Nakatayo ako sa harapan ng salamin habang inaayusan ng ilang beses. Gusto nila ay perpekto at maayos kagaya ng iba. Nang ma-kuntento ay nagsi-alisan rin sila. Samantalang ako ay iniisip na kumapit na sa patalim. Paano kung patulan 'ko na ang alok ng mangkukulam na iyon? Wala naman akong mawawala! Mas marami pang mawawala sa'kin pag naikasal ako sa hambog na iyon. Sabi ng matandang 'yon ay isigaw 'ko lang daw kung kailangan 'ko siya. Tinignan 'ko ang sarili sa salamin. Ayoko talaga ng buhay prinsesa. Gusto 'ko lang maging normal na tao. Gusto 'ko maranasan na pumili. Gusto 'ko matuto sa sariling kamalian. Ayoko ng buhay na sunud-sunuran! Dumagundong lalo ang puso 'ko ng marinig na nagsisimula na ang pagdiriwang. Bigla akong napatayo at hindi na nag-isip. Pinunit 'ko ang ibaba ng baro para makalabas sa maliit na bintana. Buo talaga ang loob 'ko na tumakas at huwag magpakasal. Ngunit nahihirapan lang ako-pagkatapos ng pagtakas ay kanino ako tatakbo? Sino ang aking pupuntahan? Wala akong kakampi dahil binantaan ang lahat na pag ako'y tinulungan na tumakas... ay mananagot. Naiintindihan 'ko. Ngunit masakit pa rin sa'kin. Ngayon ay pupuntahan 'ko ang mangkukulam. Kahit ano pang mapait na pwedeng mangyari ay hahayaan 'ko na lang! Mas mapait na mabuhay kasama ang taong hindi mo mahal! Mayabang at arogante pa ang isang 'yon! Pagkalabas 'ko ay walang guardia. Nasa harapan siguro halos lahat. Mabilis akong tumakbo patungo sa kakahuyan at isinigaw ang pangalan ng matanda. "Folina!" Hindi 'ko alam ang ginagawa. Ngunit desperado na talaga ako. Narinig 'ko ang malakas na sirena galing sa palasyo. Senyales iyon na nalaman nila na nawawala ako. Siguro ay ilang sandali na lang ay mahuhuli na nila ako! Kinabahan ako nang walang magpakita sa'kin. "Folina!" Sigaw 'ko lalo nang makarinig ng kaluskos at tunog ng kabayo. "Bakit?" Bigla akong napalingon sa likuran at nakita sa wakas ang matanda. Nilapitan 'ko ito habang umiiling sakanya. "Ayokong magpakasal... Tulungan mo ako," lumapit ako dito at lumuhod. "Ano ba ang nais mong mangyari?" "Gusto 'ko mapunta sa lugar na walang nakakakilala sa'kin," Pinagdaop 'ko ang aking palad. "Tulungan mo ako. Pasensya na sa pagtanggi-" Nagulat ako ng may maramdaman sa tagiliran. Nakita 'ko ang kamay ni Folina doon. May itinusok siya. "Masusunod, Mahal na prinsesa." Iyon ang huli 'kong narinig bago mawalan ng malay. Nagising ako sa gitna ng pasilyo. Marangya iyon pero hindi ito ang palasyo namin... Nasaan ako? Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ng isang litrao. Matandang lalaki na nakangiti. President. Dominico C. Serrano Republika ng Pilipinas 2021-2027 Nagtaka ako sa nakasulat. Republika ng Pilipinas? Ito ay pilipinas pa rin? Kung ganon ay nasaan ako? Bakit hindi pamilyar ang lugar na ito? 2021? Ano ang numerong ito? Imposibleng taon? Sa aming kaharian ay may apat din na numero at sinisimbolo noon ang taon. Ngayon ay taong 1881 pa lang. Kaya ano ang sinisimbolo ng numerong ito? At ano ang presidente?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook