14: Act Like Normal

272 Words
"May mga bagay na ginagawa ka– na talagang kakaiba sa'min," sabi ni River noong mapag-isa na naman kaming dalawa sa loob ng silid kung saan niya ako hinila. Nginitian ko ito. "Ano bang gusto mo na mangyari? Sinunod ko naman ang gusto mo." "You're not a fvcking cartoon princess or something... Don't talk to birds or anyone just because you want too." Kumunot ang noo ko. Ayan na naman siya sa mga salita na hindi ko maintindihan. "Alam mo, kung kailangan ko pa sabihin sayo paulit-ulit na hindi ko nga maintindihan ang sinasabi mo?" Napairap pa ang lalaki– pero mabilis din siyang suminghap at tinitigan ako. "Natural na sakin ang magsalita ng wikang ingles. Dapat ay matutunan mo din iyon." Napabungisngis ako. "Siyang tunay? Gusto ko rin matutunan iyan!" "Huwag ka rin masyadong malalim magsalita." Sita niya. "Do I really need to fall in her trickery and just make believe myself that she is really a princess from 1800?" Tila kausap na lang nito ang sarili. "Ano?" Sinilip ko ang mukha nito. "Alam mo, huwag kang masyadong sumimangot. Ginagawa mo atang personalidad ang pagkunot ng noo at pagtitig ng masama sa mga bagay. Lagi ka pang galit." Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi ko. "Hindi ako galit. Kailan ako nagalit?" Napangiwi ako. "Kung ganon ay normal na mukha mo iyon?" Tumango ito sakin. "That's my normal face." Kahit hindi ko naintindihan, nakuha ko naman ang sagot nito sa pagtango niya. Dios mio! Kung normal niyang mukha iyon– paano pa kaya pag galit na talaga siya? "Ah ganon... ganito pala ang normal mong ekpresyon. Laging galit." "Hindi ako galit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD