Hanggang ngayon ay tinititigan ko pa rin ang painting ng aking silid. Hindi ko naman magawang makatulog dahil nga hinihintay ko si River upang sabihin ang totoo patungkol sa posibleng hindi ko pagbalik. Karapatan niyang malaman. Kung gusto ko siya at ayaw masaktan, hindi ko siya dapat paasahin. "Adelaide!" Nakita ko si tita na hinihingal sa pintuan. Mabilis akong napatayo dahil sa pag-aalala. "Ano pong nangyari sainyo?" Mabilis kong dinaluhan ang ginang. "Ayos lang po ba kayo?" "Si River!" Aniya. "Si River, nasa ospital!" Kumabog ang dibdib ko sa balita nito. Anong nangyari kay River!? Dalawa kami ni tita na magkasama sa ospital. Ang daming media sa labas at mga guardia dahil narinig ko na nandito ang dalawang anak ng presidente. Si River at si Tracy. "River!" Sabi ko noong mak

