"Lorna!" Narinig niya ang sigaw ni Susan. Lumingon siya rito na may matinding lungkot na nadarama. "Wala na ang pera, cellphone pati credit card ko, Susan." Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap ni Susan sa kanya. "Ang mahalaga hindi ka nasaktan, paano pang naging magkaibigan tayo may awa ang Panginoon, Lorna. As long na kompleto ang mga kamay at paa natin at hindi tayo PWD person, kakayanin natin, okay? Magtiwala lang tayo sa Panginoon." Hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Tunay nga na nakikilala ang tunay na kaibigan kapag nasa gitna ka na nang kagipitan. "Susan... maraming salamat. Mukhang wala akong mabibili ngayong damit." "Huwag mong isipin 'yon, libre ko ngayon kaya huwag ka ng malungkot at bibili tayo at kakain tayo ngayon sa MCDel." Wala na s

