NAPAIGTAD siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagmamadaling nilapitan niya ito sa center table pero agad ding nagbago ang kanyang isipan, hindi niya pwedeng sagutin lalo na at maririnig sa labas ang tunog nito. Iisipin ng kanyang Ninong Royce na may kasama si Susan sa apartment nito at magdududang siya ang nasa loob. Aminado siyang siya ang hinahanap nang kanyang Ninong Royce. Malaki ang atraso niya rito at panigurado siyang nagtatalo na ang kanyang ninong at ang kanyang magaling na tita. Halos nakakabingi ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Nanatiling nakatayo lang siya habang hinihintay kung kailan matatapos ang pagtunog ng kanyang cellphone. Nang marinig niya ang papaalis na sasakyan ay tila nakahinga siya ng maayos. Tanda iyon na nakaalis na ang kanyang ninong. Pagd

