"You're a disgrace!" Muli dumapo sa kanyang kabilang-pisngi ang isang palad ng kanyang ina na si Mrs. Guerrero. "Leave, isa kang kahihiyan sa pamilyang ito," singit naman ng kanyang ama na si Mr. Guerrero. "Ilabas lahat ng mga gamit niya, manang!" Utos pa ng kanyang ama sa kanilang mayordoma. "No need, I know the truth, Pa, Ma. Hindi niyo naman ako tunay na anak but God knows how much I'm so thankful for both of you. Salamat sa pag-aaruga sa akin, tinatanaw ko po iyong utang na loob. Muli akong humingi ng tawad dahil sa pagkakamaling nagawa ko sa pamilyang ito. Patawad kong hindi ko napigilan ang tunay na silakbo ng aking damdamin, I have to go," mahabang tugon niya. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili na huwag maging emosyonal sa harapan ng mga taong nag-aruga at nagmahal sa

