"Salamat," aniya sa kaibigang si Susan. "Ano'ng nangyari?" kunot-noong tanong nito. Kasalukuyang nasa bahay siya ngayon ni Susan. Mabuti na lamang at okay lang dito ang pansamantala niyang pakikituloy. "Naalala mo ba iyong plano ko sa pagdating ng 18th birthday ko? I give him my precious pearl, Susan." "Gagà ka ba? Naku, talagang tinototoo mo 'yon, Lorna?!" Hindi maipinta ang mukha ng kanyang kaibigan. Ang kaninang lungkot na awra niya kanina ay napalitan ng kakaibang ngiti sa mga labi. "Masarap palang maangkin ng taong tunay mong mahal, ang totoo, wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko." "Gosh, bàliw ka na nga. Really, and you did it?!" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Susan. "Yeah," simpleng sagot niya. "Kaloka ka, paano kung malaman ng Tita Kristine mo at ng mga magulan

