Chapter 14

1552 Words
Nag-e-enjoy akong kasama si Jordan. Ibang-iba siya sa inaakala ko noon. Ni hindi ko lubos maisip na may sense of humor siyang kasama. May pagka-jolly siya at kabaligtaran sa inaakala kong masungit at supladong lalaki na kinaaayawan ko. Habang kumakain kami sa restaurant ay para lang kaming nakikipag-double date kina Julius at Mariz. Magkasundo ang dalawa kahit pa nga ngayon lang nagkasama ng husto. After naming kumain ay nagtungo muna kami sa malapit na mall para mamili. Wala kaming anumang baong personal na gamit ni Mariz kaya obligadong bumili. Ayokong i-online ang pagbili at madalas hindi tumutugma ang dumarating na order ko. Bihirang-bihira na mangyari iyon! Matapos makapamili, inaya ko munang magpunta ng restroom si Mariz dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. "Alam mo, nakakatuwa kayo ni Jordan pagmasdan. Isang tingin ko pa lang sa inyong dalawa, may spark na agad!" kinikilig na bulalas ni Mariz. Lihim akong kinilig sa kaniyang sinabi. Sa totoo lang ay daig ko pa ang bumalik sa pagka-teenager sa bawat oras na nakakasama ko si Jordan. Nagiging kakaibang tao ako! "Halika na Mariz baka naiinip na sina Jordan at Julius sa paghihintay." Ilang metro lang ang layo ng dalawang lalaki mula rito sa restroom. Nauna akong lumabas sa may pintuan pero agad din napaatras pabalik dahil sa sumalubong sa akin. Tila napako ang mga paa ko mula sa kinatatayuan ng makita si Ryan. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas mula ng huli ko siyang makita. Malaki na ang ipinagbago ng kaniyang anyo dahil humaba ang kulot niyang buhok. Kung ‘di lang iyon nakatali, malamang hanggang balikat na ang haba niyon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang payat na katawan. Nakasuot siya ng jeans na tinernuhan niya ng pang-itaas na black t-shirt at white rubber shoes. Pormahan ng mga gangster lang ang peg ni loko! Pagak akong natawa nang mapansin ang kaniyang mga braso at kamay na puno rin ng tattoo. Ang kaniyang labi ay nangingitim katulad ng mga eyebag sa ilalim ng mga mata niya. Punong-puno ng lungkot ang mata niyang nakatitig sa’kin na akala mo ay tunay. Matapos ang ilan segundong pagsusuri sa kaniya, biglang nag-iba ang timplada ng katawan ko. Naalala ko ang lahat nang ginawa niyang kagàguhan sa akin kung kaya biglang nag-init ang ulo ko. "Get out!" bulyaw ko sa kaniya. "Ikaw pala iyan, Ryan? Buhay ka pa pala!" sabad naman ni Mariz na sinuri rin ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Babe, pwede ba tayong mag-usap?" Makikita sa mata ni Ryan ang labis na kalungkutan. Ang dalawa niyang mga kamay ay kapwa nanginginig din sa kaniyang tagilirang bahagi ng katawan. "Ang kapal ng apog mong humarap sa kaibigan ko! Bakit, ano ba sa palagay mo ang dapat ninyong pag-usapan pa? Sa tingin mo, karapat-dapat kang kausapin ni Mariz? What the hèll!" mapang-uyam na saad ni Mariz. "Marami tayong kailangang ayusin sa relasyon natin. Mag-usap tayo Jela at kalimutan na natin ang nangyari," may pagsusumamo sa tinig ni Ryan. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niyang iyon. Pakiwari ko'y umusok ang bumbunan ko pati na ang aking ilong. "Mahal kita Jela at handa akong gawin ang lahat para lang mapatunayan sa iyong totoo ang mga sinabi ko." Dumako ang kaniyang mga mata sa aking labi at kapagkuwa'y pababa sa masagana kong dibdib. Umangat ang lahat ng dugo ko sa ulo at nagdilim ang aking paningin. Wala ng maraming seremonyas at maraming salita, sinuntok ko si Ryan sa kaniyang mukha. Dahil sa lakas nang pagkakasuntok ko sa kaniya ay tumilapon siya palayo mula sa aking kinatatayuan. "Ang lakas ng loob mong magsabing mahal mo ako, samantalang manyakis ka!" Ipinagpag ko ang mga kamay upang ipakitang nandidiri ako sa kaniya. "Sa susunod na humarang ka sa daraanan ko ay hindi lang suntok ang matatamo mo!" “Cool!” Nilingon ko si Mariz. "Umalis na tayo!" aniko. "Babe..." Nagmamakaawang tawag sa akin ni Ryan. Nilingon ko si Ryan saka nginitian nang nakakaloko. "Don't call me, Babe." Nag-middle finger ako sa kaniya saka hinila ko na sa kamay si Mariz upang tuluyang makaalis sa lugar na 'yon. "Ang galing mo, girl!" natitilihang sabi ni Mariz na lumulundag-lundag pa. "Para kang timang diyan!" natatawa kong saway sa kaibigan. "Nakikini-kinita ko na ang itsura ni Ryan noong mahuli mo siya!" Malakas niyang tawa ang umagaw ng pansin sa mga taong nagdaraan sa aming paligid. "Nandito pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap." Naputol ang aming pag-uusap nang sumulpot si Jordan sa aking tabi. "May asungot kasing biglang umepal kaya ayun inupakan muna ni Jela," matabil na kwento ni Mariz. "Asungot?" kunot-noo namang tanong ni Jordan. "Mariz!" Pinandilatan ko ng mga mata ko ang kaibigan. "Huwag mong pansinin si Mariz. Pwede ba tayong pumunta ng bar? Para kasing gusto kong uminom," tanong ko kay Jordan. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang magpaalam gayong pwede namang pumunta kami roon ng kusa. "Hindi maaari." Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. "At bakit?" 'Di ko napigilang mapataas ang aking boses. Inisang hakbang ni Jordan ang pagitan naming dalawa at hinaplos ng kaniyang daliri ang aking pisngi. "Hindi makabubuti sa health mo ang parating pag-inom ng alak. Imbes sa bar tayo magpunta, dadalhin ko na lang ikaw sa lugar na hindi mo pa napupuntahan dito sa Batangas." "Oh, so sweet!" echoserang bulalas ni Mariz na umakto pang kilig na kilig. Sinikmat ko siya ng matalim na tingin pero hindi man lang nasindak ang gàga. Bagkus tinawanan lang ako. Lukaret talaga! "Galit ka ba?" tanong sa'kin ni Jordan. Nanghahaba ang ngusong umismid ako sa kaniya. Paano ako magagalit gayong may punto naman siya. Pero kung si Ryan ang kaharap ko ngayon ay tiyak na pauunlakan agad niyon ang imbitasyon ko. Nagagawa niya kasi ang mga bagay na hindi niya magawa kapag wala ako sa ilalim ng espiritu ng alak. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan at saka ngumiti kay Jordan. "Tara, puntahan na natin ‘yong lugar na sinasabi mo!" Ipinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang kanang braso. "Gosh, nasaan ba si papa Julius? Para tuloy akong chaperon ninyong dalawa," maktol ni Mariz. "Nasa sasakyan na siya at hinihintay na tayo," tugon ni Jordan. "Aba, ano pang hinihintay natin dito? Tara na at nang makasama ko na rin si papa Julius. Ang lagay ba ay kayo lang ang " Nauna nang maglakad si Mariz. Naiiling kong pinagmasdan ang papalayong kaibigan. Ibang-iba sa Mariz na nakakasama ko dati. SA parke ako dinala ni Jordan. Medyo hindi ko appreciate ang lugar dahil ‘di ako mahilig pumunta sa ganito. Para sa akin ay pambata ang lugar na ‘to. Hindi ko magawang makapagreklamo dahil ayokong ma-offend siya lalo’t narito rin sina Mariz at Julius. “Bakit dito niyo naisipan magpunta?” Ang sarap gawaran ng award ni Mariz sa pagiging mahadera. “Bakit, ayaw mo ba sa lugar?” balik tanong ni Julius. “Akala ko ba dadalhin niyo kami sa espesyal na lugar? E puro damo lang itong nakikita ko rito,” mataray na sagot ni Mariz. “Hindi ka ba nature lover?” Si Julius ulit ang nagtanong. “Nature lover! Pero sana sa araw tayo nagpunta rito at hindi gabi. Wala kaya akong makitang maganda sa paligid!” Pinaikot-ikot ni Mariz ang kaniyang mga mata. Hindi ko na napigilan pang matawa dahil ‘pag ganitong tinotoyo si Mariz, tiyak na walk out ang kasunod niyon. Kapag nangyari iyon ay may dahilan na rin akong sumunod sa kaniya at makaalis sa lugar na ‘to. Malakas na tili ni Mariz ang umingay sa buong paligid nang buhatin siya ni Julius at saka naglakad palayo. Susundan ko sana sila nang hilahin ni Jordan ang kamay ko kaya napabalik ako sa kaniyang tabi. “Hayaan na natin sila. Samahan mo na lang akong mag-stay rito,” aniya. “To be honest, hindi ako mahilig sa ganitong lugar.” “I know. Kaya nga kita dinala rito ay para kahiligan mo,” tugon niya. Nagsimula siyang maglakad at dahil hawak niya ang isa kong kamay ay napilitan na rin akong sumunod sa kaniya. Higit na madilim ang bahagi ng parke na binaybay namin. Medyo nahirapan pa ako sa mga damong nadaanan ko dahil may kalabuan ang mga mata ko sa dilim. Maagap naman sa pag-alalay sa’kin si Jordan. Bumangga pa ako sa matigas niyang dibdib nang huminto siya sa paglalakad. Nang mag-angat ako ng paningin ay gayon na lamang ang pagkamangha ko sa nasilayang ganda ng lugar. Sa liwanag ng buwan ay nasilayan ko ang mga halamang nakapalibot. May nalalanghap akong mabangong simoy na tila nagmumula sa mga bulaklak. Sa isang tabi ng damuhan ay may tent na nakalatag. Sa tabi naman niyon ay may mga panggatong na feeling ko ay liliyaban namin upang makalikha ng bonfire. “Wow...” Tanging nasambit ko. “Dito tayo magre-relax. Nagpalagay na rin ako ng tent para kapag gusto mong magpahinga ay makakapagpahinga ka habang minamasdan ang mga bituin sa langit.” “Hindi halatang pinaghandaan mo ang pagpunta rito,” pabiro kong sabi. Hinapit niya ako sa baywang upang ipalapit sa kaniyang katawan. “Gusto ko lang maging memorable ang unang araw ng date natin.” Nakangiting ikinunyapit ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg. “Perhaps... you did it!” Nakakakilig ang kaniyang ginawa at kahit hindi niya sabihin ay ito talaga ang pinaka-unforgettable moment ng aming date.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD