Chapter 13

1217 Words
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mariz sa amin ni Jordan ng sabay kaming lumabas ng silid. “H-hindi ko alam na nandirito ka pala Jordan!” gulat na gulat pang bulalas nito. “Yeah. Palabas na talaga kami ni Jela para puntahan ka,” tugon naman ni Jordan. Nandidilat ang mga matang tumingin sa ‘kin si Mariz saka pekeng ngumiti. “Akala ko magpapaalam ka kay tita na rito muna tayo mag-stay ngayong gabi?” “Oo nagpaalam na ako at pumayag sila.” Nginitian ko siya at saka tumingin kay Jordan. “Kung gayon...” Bumaling pa si Mariz kay Jordan. “Bakit nandito siya?” Inginuso pa niya sa akin ang binata kung kaya gusto ko sanang matawa sa kaniyang anyo. “Pwede bang isama na lang natin ang boyfriend ko?” Matamis na ngiti sa labi ang iginawad ko hindi para kay Mariz kundi para kay Jordan. “Ano?! Pakiulit mo nga’ng sinabi mo?” Hindi ko alam kung sadyang nabigla siya sa’king sinabi o sinadya niya lang talaga na mapaatras dahilan para mawalan siya ng balanse sa pagtayo. Mabuti na lamang at maagap si Jordan na sinalo siya kung hindi ay tuluyan na siyang dumausdos sa sahig. “Masyado kang over reacting, te!” Inismiran ko si Mariz nang hawakan ko siya sa kaniyang braso. “Ay, sino ba ang ‘di mag-o-over react gayong kanina lang sa may sasakyan ay isinusumpa-sumpa mo pa-” Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin dahil alam ko na ang kasunod niyon kaya agad kong tinakpan ang bibig niya ng palad ko. “Binabawi ko na lahat ng mga sinabi ko,” bulong ko sa kaibigan. Napapalatak na inalis ni Mariz ang palad ko sa kaniyang bibig at saka hinarap ako. Nanliliit ang mga matang tinitigan niya ako sa mukha pababa sa aking katawan. Pinandilatan ko naman siya ng mata ko bilang tugon sa kaniyang ginagawa. Isa na rin iyong paalala ko na tumino siya. “Mukhang gutom na kayo girls, tara na munang kumain sa may restaurant ni Julius.” Agaw pansin ni Jordan sa namumuong tensiyon sa pagitan naming dalawa ni Mariz. “May restaurant si Julius dito?” May kumislap na kung anong bituin mula sa mga mata ni Mariz. “Siya mismo ang may-ari ng hotel na ‘to,” pahayag naman ni Jordan. “Oh my! Nandito rin ba siya ngayon?” Tila nakalimutan na ni Mariz ang kaninang pagdadrama. “Yes at naghihintay siya sa’tin sa ibaba,” tugon ni Jordan. Naiiling na lumapit ako sa tabi ni Jordan nang magtititili si Mariz na akala mo’y kinurot ng pino sa singit. Napapitlag ako sa pagkakatayo nang kumapit ang malaking palad ni Jordan sa isa kong kamay. Libo-libong boltahe ng kuryente ang nanulay na nagdulot ng kilig sa aking pakiramdam. Hindi ko naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kay Ryan dahil sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko ay bigla ko rin iyong binabawi mula sa kaniya. Wala kasi akong maramdamang spark kagaya nang nararamdaman ko mula kay Jordan. Iba ang hatid na nginig sa aking pakiramdam kapag siya ang kasama ko. Bukod pa iyong literal na panginginig sa kama kapag kasama ko siya. Rawr! “Hoy, Jela!” Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon kay Mariz. “Bakit?” maang ko pang tanong. “Mamaya ka na managinip. Kumain na tayo at gutom na ako! Iyang laway mo paki-reserve mo ‘pag kayo na lamang ni Jordan ang magkasama. Para mayroon ka rin ilalaban sa kaniya kapag kayo na lang ang nagkakainan!” litanya pa nito. “Mariz!!!” puno nang panggigilalas kong bulalas saka pasimpleng kinapa ang aking labi at baka mam’ya ay meron ngang laway ro’n. Mabilis na naglakad palayo sa akin si Mariz matapos akong belatan. Gusto ko sana siyang habulin pero narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jordan na tila aliw na aliw. Inirapan ko siya at saka nagpatiuna sa paglakad mula sa kaniya. Plano kong huwag siyang kausapin hanggang sa maisipan ko na lamang siyang batiin. Ganito ako kapag tinotoyo, hindi ako nakikipag-usap sa kahit sinong tao lalo na sa mga nambubwìsit sa’kin. Malakas kong tili ang pumalibot sa paligid nang hapitin ako ni Jordan sa aking baywang. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha upang dampian ako ng magaang halik sa labi. “Baka makita tayo ni Mariz,” usal ko habang ang isa kong braso’y kumapit na at naglambitin sa kaniyang batok. Ang taray-taray ko noon sa kaniya pero para naman akong maamong tupa na ngayon. “Naiinis ka pa rin ba?” malambing niyang tanong saka masuyong hinaplos ang aking pisngi. Nanghahaba ang ngusong inirapan ko siya. Kung kanina’y nagpaplano akong h’wag siyang kausapin dahil sa labis na inis, biglang nag-iba ang takbo ng aking isipan. P-parang... mas bet ko na lang yatang magkulong kaming dalawa sa loob ng kwarto na inookupa ko. Roar! Kakabigin ko sana ang kaniyang ulo para halikan ng kapwa marinig namin ang malakas na tili ni Mariz. May panghihinayang man sa naudlot na pakikipaglandian, kinakailangan ko muna o mas tamang sabihin, namin ni Jordan magpreno. Hindi ko rin kasi pwedeng pabayaan si Mariz at baka ako pa ang singilin ng kaniyang ina. Napakataray pa naman niyon! “Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong ko sa kaibigan. Wala naman akong napansing kakaiba sa kaniya. Ni hindi nga siya mukhang nasaktan o sinaktan ng ibang tao. “Ang gwapo ni Julius!” kinikilig niyang sambit. “Ang mukha niya sobrang kinis!” dagdag pa niyang sabi. Literal na naalog at umikot ang mundo ko nang alug-alugin ako ni Mariz. Kulang na lamang ay bumaon na rin ang lahat ng kaniyang mga kuko sa aking braso. Tumikhim ako upang ipaalala sa kaniya na nasasaktan ako sa kaniyang ginagawa. “Halika nang kumain Mariz, gutom lang iyan!” Tipid akong ngumiti na may kasamang pagdilat ng mga mata ko. “Gosh! Pwede ba nating isabay si Julius?” Tila balewala lamang sa kaniya ang ginawa ko. “Actually...” Sabay kaming napatingin ni Mariz kay Jordan at natanawan namin si Julius na papalapit sa aming kinatatayuan. “Jela!!!” impit na tili ni Mariz. “Magtigil ka! Nakakahiya ka!” saway ko sa kaibigan. “Ang gwapo talaga niya!” Pinapungay pa nito ang kaniyang mga mata. Ngayon ko lang nasaksihan ang malanding side ni Mariz dahil si Shane ang talagang maboka pagdating sa mga lalaki. Pinaningkitan ko ng mga mata ko si Mariz ng bigla na lamang siyang lumapit kay Julius sabay angkla ng kaniyang mga kamay sa braso nito. “My god, Mariz!” nakukunsuming bulalas ko. “Our meal is ready. Shall we?” nakangiting sambit ni Julius. Para namang nalaglag ang panga ko nang magsalita ito. Grabe! Buong-buo ang boses niya! Para lang siyang DJ sa radyo! Halos hindi ko na naikurap-kurap pa ang mga mata ko sa pagtitig sa mukha ni Julius at kagaya nang sinabi ni Mariz, makinis nga iyon. Ano kayang ginagamit niyang facial wash? “Honey, seloso akong tao kaya h’wag mo namang masyadong titigan si Julius.” Saka ko pa lamang naikurap ang mga mata ko nang magsalita si Jordan. “Tama si Jordan, Jela. Sa kaniya ka lang tumitig dahil akin si Julius!” Kinindatan ako ni Mariz. Ang bruha! Talagang nilaglag ako ng dahil sa kakerengkengan. Humanda ka sa akin mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD