Chapter 12

1133 Words
Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpabalik sa’king katinuan. Ang anumang gagawin ni Jordan ay hindi natuloy dahil kapwa kami natigilan. “Baka si Mariz iyan,” pabulong kong saad. Puno nang pagsuyong tumitig siya sa’kin at parang gusto kong kiligin sa paraan ng kaniyang pagtitig. “B-bakit?” mahina kong tanong dahil nag-alala rin akong marinig ni Mariz at baka bigla na lamang pumasok. “Ba’t ‘di mo na lang sabihin sa kaniya ang tungkol sa atin?” “Ano?!” Dahil sa kabiglaan ay naitulak ko siya ng malakas. Mabuti na lamang at magaling siyang magbalanse ng kaniyang sarili kung kaya hindi siya tuluyang nalaglag sa kama. Nakunsensiya ako kaya hinila ko siya sa kaniyang braso. Isang pagkakamali dahil ako ang napayakap sa kaniya. Pakiramdam ko’y sobrang lamig ng buong silid kahit pa nga sakto lang naman ang buga ng aircon. “Pwede natin sabihin kay Mariz ang tungk-” Ipinatong ko ang mga daliri ko sa kaniyang labi. “Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa kaniya? Na ka-sèxmate kita kaya ‘wag siyang magtaka kung ba’t nandito ka sa loob ng silid ko?” mahinang asik ko sa kaniya upang ‘di marinig ni Mariz. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng mga kamay niya sa’king braso at nang tumingin ako sa kaniyang mukha ay parang gusto kong kabahan dahil sa sobrang dilim ng bakas niyon. “Sèxmate?” ramdam ko ang panganib sa kaniyang tinig. “Ganiyan ba ang tingin mo sa ginagawa natin?” “Hindi ba?” mataray kong tugon para ikubli ang takot. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi saka mapang-uyam na ngumiti. Nagpumilit akong kumawala mula sa kaniya ngunit lalo lamang humigpit ang kapit ng kaniyang mga kamay. Mga kamay na ngayon ay parehong nasa baywang ko na. “Jordan...” sisinghap-singhap kong usal nang pumisil ang kaniyang kamay. “We’re not sèxmate.” Patuloy lang sa pagpisil ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay humahaplos pababa sa aking hita. Impit akong napahalinghing dahil sa mainit na pagdampi ng kaniyang labi sa aking leeg. “Hindi sèx ang kailangan ko sa’yo,” bulong niya sa likod ng aking tainga. “Kung gayon ano’ng kailangan mo sa akin?” Sa kabila ng pagkahumaling ay nagawa ko pa rin iyon itanong. “Ikaw!” Nagtititili ako nang buhatin ni Jordan kasunod nang pagpapahiga niya sa akin sa ibabaw ng kama. “Anong ginagawa mo?” Parang tukso na nag-slow motion ang galaw niya nang pumatong siya sa ibabaw ng aking puson. Pinanginigan ako ng kalamnan nang ikiskis niya ang kaniyang naninigas na kahandaan sa b****a ng aking pagkababàe. Kahit ilang ulit kong pinaalalahanan ang sarili na si Jordan ang lalaking nasa harapan ko ay patuloy pa rin akong nanatili sa kaniyang ilalim. Sarap na sarap ang pakiramdam ko habang idinidiin ang sariling kasarian sa naninigas niyang kahandaan. Sa loob ng dalawamput apat na taon, ang kalandiang itinatago ko sa sarili ay kusa nang lumalabas sa tuwing nakakasama ko siya. Tuluyan nawala ang limitasyong inilatag ko sa sarili ng dahil sa ginagawa namin ni Jordan na tila nagugustuhan ko na rin. “You feel me, Honey?” Ang kaninang naka-poker face niyang mukha ay nakangiti na ngayon habang nakatitig sa akin. Para bang sinasabi niyon na wala akong kawala sa masarap na kamandag ng kaniyang alindog. Bahagya niyang ginalaw ang kaniyang balakang kung kaya bumaon sa loob ng pagkababàe ko ang nagngangalit niyang pagkalàlakì. “J-Jordan...” halinghing ko. “That’s right, Jela. Moan my name!” Nanginig ako nang masilayan ang masidhing pagnanasa mula sa kaniyang mga mata. “J-Jordan, h-hindi tama ‘to.” Pilit kong hinahamig ang sariling katinuan ng sa gayon ay mapigilan ko pa ang maling ginagawa namin. “Normal lang na nasa kandungan mo ako dahil ako ang nakauna sa iyo.” Sa sinabing ‘yon ni Jordan ay bigla akong natauhan. Para akong binuhusan ng natunaw na yelo mula sa timba. Siya nga ang nakakuha ng virginity ko pero ‘di ibig sabihin niyon ay lagi rin naman naming gagawin ang mortal na kasalanang ito. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at saka buong lakas na bumangon mula sa pagkakahiga. “What’s wrong?” tanong niya. “Isang pagkakamali ang ginawa kong pag-aalay ng aking sarili. Galit na galit ako nang mga panahong iyon kay Ryan kaya hindi ko na inisip pa kung ano ang tama at mali.” Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi para pigilin ang namumuong tensiyon sa aking pakiramdam. “Ang lahat sa pagitan nating dalawa ay pawang mali, Jordan.” Kumunot ang kaniyang noo habang patuloy na nakatitig pa rin sa’kin. “Ginamit kita sa personal kong interes at ‘di ko inisip ang maaaring maging resulta niyon sa ating mga magulang.” Tuluyan nang humulagpos ang mga luhang pilit kong pinipigilan. “Stop crying, Honey!” Niyakap niya ako saka masuyong hinagod-hagod ang aking likuran. “I'm sorry, Jordan. I did not mean to hurt you. Hindi ko ginustong maging parte ka nang pagganti ko kay Ryan,” humihikbi kong wika. “Huwag mo nang banggitin pa ang pangalan ng gàgong ‘yon dahil hindi ko siya gustong naririnig mula sa iyong labi.” Bahagya akong lumayo mula sa kaniya at saka tinitigan ko siya sa mukha. “Hindi pagkakamali ang nangyari sa ating dalawa dahil ako mismo ang pumilit sa iyo na may mangyari sa atin.” Umangat ang isa niyang palad sa aking pisngi at puno ng pagsuyong humaplos doon. “Jordan...” Maingat niya akong kinabig papalapit sa kaniya. “Hindi ko alam kung paano manligaw pero pwede bang ako na lang ang boyfriend mo?” Napaawang ang mga labi ko dahil sa kaniyang ipinahayag. Hindi na halos kumurap ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniya dahil baka nagkamali lang ako ng dinig. “Hindi ako kagaya ng mga kapatid ko na mahilig manligaw dahil iisa lang talaga ang babaeng gusto kong ligawan.” Ang kaniyang mga mata ay sinalubong ang titig ko. “Siya lang din ang gusto kong mapangasawa at makasama hanggang sa aking pagtanda.” Napalunok ako ng laway dahil sa mga ipinahayag niyang iyon. Pakiramdam ko’y parang bomba ang kaniyang mga rebelasyon dahil labis iyong gumugulat sa akin. “Are you okay, Honey?” natauhan ako sa tanong niyang iyon. “Yes!” walang gatol kong tugon kahit pa nga ang totoo ay hindi ako okay sa mga naririnig. “Para kasing hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko,” malungkot niyang sabi. “Kalmahan mo naman kasi!” mataray kong sagot. “Sorry... pero ito lang talaga ang alam kong pampakalma.” Mahabang ungol ang pinakawalan ko nang pumisil ang mga kamay niya sa matatayog kong mga dibdib. Gosh! Mukhang ito na rin ang pampakalmang gugustuhin ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD