Inaya ako ni Mariz na magpunta ng Batangas dahil meron siyang biniling lote roon at gusto niyang ipakita sa akin.
Sa tuwing bumibili siya ng lote ay sa amin ni Shane niya iyon madalas na unang ipinapakita.
Hindi makakasama si Shane ngayon dahil meron siyang mahalagang lakad na hindi pwedeng ipagpaliban.
Isang sasakyan lamang ang ginamit namin ni Mariz upang makatipid sa gas. Mainam din iyon dahil palitan na lang kami sa pagmamaneho para kung sakaling mapagod ang isa, iyong isa naman ang papalit.
Isang oras na rin kaming nagbabiyahe at dahil Biyernes ngayon maaga pa ay lumarga na kami. Gayunpaman ay matrapik pa rin dulot ng ulan.
“Wala na ba kayo ni Ryan?” tanong sa akin ni Mariz.
“Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ko sa kaniya.
“Huwag ka nang magkaila pa. Nakita ko kayo ni Jordan noon sa club,” tugon niya.
“A-ano bang nakita mo?” kandautal kong tanong.
Ilang ulit pa akong napalunok ng laway at parang sinaniban ng ‘di magandang hangin sa katawan dahil nag-iba ang timpla ng pawis ko.
“Sa palagay ko ay hiwalay na talaga kayo ni Ryan. Hindi ka mara-rattle ng ganiyan kung kayo pa.” Mula sa daan, tumuon sa’kin ang tingin ni Mariz.
“Hindi ko mahal si Ryan.” Pag-amin ko.
“Dahil si Jordan ang mahal mo?” Ang ngiti sa kaniyang labi ay unti-unting sumilay.
“Hindi rin!” eksaheradang bulalas ko.
Mula sa kaniyang pagmamaneho, inihinto ni Mariz ang sasakyan upang humarap sa akin.
“Kung gayon bakit kayo naghiwalay ni Ryan?”
“Wàlànghiya ang gàgong iyon!” puno ng panggigigil kong wika. “Noong anniversary namin ay plinano kong ibigay ang virginity ko sa kaniya. Pero ang gàgo may kahalikang babae nang pumasok sa kaniyang unit!”
Malakas na pagsinghap ang tanging naitugon ni Mariz at kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkabigla sa aking isinalaysay.
“Mabuti sana kung halikan lang kaso si gàgo, ipinamukha sa’kin na lalaki raw siya at nangangailangan ng sèx!” Puno ng gigil kong pagpapatuloy sa kwento.
“Oh my God, bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang kapal ng mukha ng gàgong Ryan na ‘yon!” Yumakap sa’kin si Mariz kasunod ng masuyong paghagod ng kaniyang kamay sa aking likuran.
“Hindi ko na kailangan pang ikwento iyon sa iba dahil sa totoo lang ay hindi kawalan sa’kin ang break up naming dalawa ni Ryan. Pasalamat pa nga ako at nakilala ko rin agad ang kaniyang tunay na pagkatao.” Lumayo ako kay Mariz upang kuhanin ang baong tubig mula sa loob ng bag ko.
“Yeah! I agree with you! Sa ganda mo, marami pang mga lalaki ang hahabol sa iyo. Mabuti na lang talaga at hindi mo sa kaniya naibigay ang virginity mo.” Muntik ko nang maibuga ang iniinom na tubig dahil sa winikang iyon ni Mariz.
Dahil sa ginawa kong pagpigil sa tubig upang ‘di maibuga, sa ilong ko tuloy lumabas iyon. Ang sakit!
“Dahan-dahan lang sa pag-inom Jela, ‘wag mong isipin si Ryan. Hindi mo na kawalan ang baliw na ‘yon.” Hinagod ng isa niyang palad ang aking likuran.
Tumango-tango na lamang ako bilang pagtugon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa nangyaring ‘yon, kay Jordan ko ibinigay ang aking virginity.
“Ano nga palang nakita mo sa amin ni Jordan?” kapagkuwa'y pasimple kong tanong sa aking kaibigan.
“Nakita ko kayong dalawa sa may club kung saan sumayaw nang sumayaw ka sa gitna ng dance floor. Hindi kita tinawag no’n dahil tila seryoso ang inyong pinag-uusapan. Naisip kong baka may kinalaman sa family ang anumang pinag-uusapan ninyo dahil alam ko namang magkaibigan ang mga magulang ninyong dalawa,” tugon niya.
Nakahinga ako ng maluwang dahil sa tinuran niyang iyon. Nang maayos na uli ang paghinga ko ay nagboluntaryo akong magmaneho. Nagpalit pa kami ng pwesto saka nagpatuloy sa aming biyahe.
“Alam mo bagay kayong dalawa ni Jordan.” Basag ni Mariz sa tahimik naming pagbabiyahe.
“Hindi ko siya gusto! Saka matanda na siya para sa akin!” mariing tugon ko.
“Mas okay nga ‘yon dahil matured na. Mas responsible na ang mga ganoong klase ng lalaki. Isa pa magkakilala na rin ang mga family niyo kaya alam na alam mo na rin ang status niya.” May bahid panunukso ang tinig ni Mariz nang sambitin ang mga salita.
“Hindi siya ang lalaking pinangarap ko na maging asawa kaya huwag mo akong buskahin!” Inismiran ko siya na tinawanan lamang niya.
“Wala naman akong sinabing maging asawa mo siya. Ang sinabi ko lang ay bagay kayong dalawa.” Panay pa rin ang tawa ni Mariz.
“Kahit siya na lang ang huling lalaki sa mundo, hinding-hindi ko talaga siya magugustuhan!” mariin kong hayag.
“Baka kainin mo iyang sinasabi mo, ikaw rin!” Sinamaan ko siya ng tingin na ikinahalakhak niya. “Yummy pa naman si Jordan lalo na kapag iyong nasa bandang ibaba ay bumubukol.”
“Mariz!!!” natitilihang bulalas ko.
Nakarating kami ng Batangas at agad na kumain sa isang kainan. Goto ang pinakagusto kong kainin sa bayang ito dahil naiiba ang sarap niyon. Dito ako madalas kumain ng ganoong klase ng pagkain.
“Ayaw mo bang subukan ang nilabong talong?” tanong sa’kin ni Mariz.
“Nilabong talong?” kunot-noo kong tanong.
“Isa sa mga especialty food iyon ng Batangas. Masarap at masustansiya dahil talong mismo ang sangkap. ‘Di naman halata sa pangalan.” Ngumiti si Mariz.
“Kung iyon ang kakainin mo, patikim na lang.” May kaselanan din kasi ang sikmura ko pagdating sa pagkain kaya ingat na ingat akong kumain.
“Okay!” Ibinigay ni Mariz ang order namin sa serbidorang lumapit sa’min.
Naghintay kami ng ilang sandali bago tuluyang nakakain ng mga in-order namin.
Dahil sa sarap ng mga pagkaing kinain namin ay nakadama ako ng antok. Sinasabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.
“Nakaramdam ako ng antok,” sabay pa naming bulalas ni Mariz sa isa't isa at kapagkuwa'y nagkatawanan na lang.
Napagkasunduan namin mag-stay sa hotel na nasa malapit. Isa lang sana ang kukunin naming room nang ialok ng manager na magbukod na lamang kami ni Mariz dahil may promo.
Grinab namin iyon ni Mariz dahil gusto ko rin magpahinga. Hindi ako sanay na may katabi sa kama lalo at hindi si mommy o mga kapatid ko.
Magkatabi ang silid namin ni Mariz at dahil parehong maganda ang view na matatanaw mula rito sa balkonahe, napagkasunduan naming dalawa na kinabukasan na umuwi. Para kaming mga batang paslit na naghihiyawan habang nakadukwang sa balkonahe.
Nang magsawa kami sa kalokohan na pinaggagagawa namin, nagpasya na rin kaming pumasok sa loob ng aming silid upang makapagpahinga.
Tumawag pa muna ako kay mommy para ipaalam ang biglaang staycation ko rito sa Batangas at gaya ng dati ay marami na naman siyang inihabilin.
Medyo nanlalagkit ang pakiramdam ko kaya nagdesisyon na akong maligo. Ang robang nakabalot sa may plastic ang ginawa kong damit dahil wala akong pamalit na damit.
Kampante akong walang ibang tao sa loob ng silid na ‘to at siniguro ko rin naman na nakapad-lock ang pinto.
Aayain ko na lang si Mariz na umikot mamaya para mag-shopping.
Umupo ako sa kama sabay kalkal sa aking cellphone. Tiningnan ko kung ano ang pwedeng mabasa hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Hindi ko na napigilan pa ang sariling mga mata ng tuluyan iyong pumikit.
NAGISING ang diwa ko sa mainit na hanging humahaplos sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para makita kung saan galing ang mainit na hanging iyon.
“Jordan?” Napabalikwas ako ngunit agad din napabalik sa pagkakahiga.
Dumiin ang kaniyang mga kamay sa magkabilaang gilid ko kaya nakulong ako sa malabakal niyang mga braso. I gasped because of the impact of his presence.
“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko sabay nang pagbagal ng aking paghinga.
I knew I locked the door pero paano niya iyon nagawang buksan?
“The softness of your body is really addictive to me. Your natural smell drives me crazy,” namamaos niyang usal.
My eyes meet his cold dark eyes and I couldn't help myself but stare at him. I saw emotion in his facial expression, but he hide it fast.
“Paano mo nalamang nandito ako?” Sa kabila ng sitwasyon namin dalawa ay naisipan ko pa rin iyong itanong.
Sinusundan ba niya ako? Para kasing imposible na marating niya agad ang lugar na ‘to kahit pa sinabi iyon sa kaniya ni daddy.
Marahas ang ginawa kong pagtingin sa orasan na nakasabit sa may pader para tingnan kung ilan oras na akong nakakatulog. Isang oras pa lang mula nang maidlip ako kaya imposible na ang ama ko ang nag-utos sa kaniyang sumunod sa’kin dito.
“Napansin ko kayong dalawa ni Mariz sa may lobby.” Masuyong humagod ang kaniyang hintuturong daliri sa aking pisngi. “Hindi ko matiis na ‘di ka sundan kaya sinundan kita.”
“Pa'no ka naman nakapasok dito sa loob gayong ini-lock ko ang pinto?” asik ko sa kaniya.
Kung tutuusin ay pwede naman akong sumigaw pero hindi ko rin malaman sa aking sarili kung bakit para akong naestatwa pagdating sa kaniya.
“I have my way, Honey.” Inilapit niya ang kaniyang labi sa aking labi kung kaya lalo kong nadama ang init niyon.
“Jordan.” Idiniin ko ang mga palad ko sa kaniyang matigas na dibdib upang maipalayo siya sa akin.
Dumagsa ang mainit na pagnanasa sa mga ugat ko nang kumubabaw ang kaniyang katawan sa’kin.
“Hindi ka dapat natutulog sa ibang lugar ng walang damit.” Humaplos ang kaniyang palad sa aking hita.
Dulot ng matinding init na nagbibigay kilabot sa aking pakiramdam ay napaliyad ang katawan ko.
Nadarama ko ang matinding init na nagmumula sa katawan niya. Ang mga dibdib ko ay tayong-tayo dahil sa intense ng init na nag-aapoy sa aking kaibuturan.
Nagtama ang aming paningin at ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ay aking naririnig.
Humahaplos naman sa dibdib ko ang kaniyang dibdib at tila ipinahihiwatig niyon na nakikipaglaban siya sa sarili para pansamantala iyong kontrolin.
“I want you...”
Nanunuyo ang aking lalamunan at bigla akong nahirapang huminga dahil sa pagdagsa ng init sa aking katawan.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa pagsalimbuyon ng iba’t ibang uri ng emosyon.
“Jordan...” halinghing ko dahil sa ilan libong kiliting hatid ng kaniyang mga palad na gumapang sa’king dalawang hita dahilan para ilang ulit din akong mapaliyad ng katawan.
“F*ck!” Naglapat ang aming mga labi at hinuli ng kaniyang dila ang aking dila upang iyon ay sipsipin.
Ang buong lakas ko ay kaniya na rin nasipsip dahil ang mga palad kong nanunulak ay kusa nang pumulupot sa katawan ni Jordan.
Ramdam ko ang pag-alog ng kama dahil sa pagdiin niya sa’king katawan.
Bahagyang humampas ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan sa tapat ng aking puson kaya nadama ko ang nagngangalit niyang alaga na gustong kumawala mula roon.
“H-hindi na kasama sa usapan natin ‘to!” lakas loob kong sabi.
“Isasama natin.” Tuluyan na siyang bumaon sa kaibuturan ko matapos iyong sabihin.
“Jordan!” impit kong hiyaw sa kaniyang pangalan.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpatirik na lamang ng mga mata ko dulot ng matinding sarap ng kaniyang pagbaon.