Chapter 18

1366 Words
“Masarap ba?” nakangiti kong tanong habang tinititigan ang gwapong mukha ni Jordan. Nagluto ako ng paborito niyang ulam na kare-kare. Nagprito rin ako ng isda bilang pamares niyon. Gumawa rin ako ng minatamis na saging bilang panghimagas. Marunong akong magluto dahil ito ang gawaing madalas ituro sa amin ni mommy. Hindi raw ako dapat na magpagutom kung sakali man maisipan ko nang bumukod ng tirahan. Na-enhance na lang ng husto ang skills kong ito dahil tuwing Linggo ay ako na mismo ang nagluluto ng aming kakainin sa bahay. “Pwede na,” pahinamad na sagot ni Jordan. Nanghahaba ang ngusong isinalin ko ang tubig sa loob ng baso mula sa may pitsel. “Pasensiya ka na kung hindi masarap ang kinain mo.” Kinuha ko ang baso niya upang salinan din ng tubig. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi kaya inismiran ko siya. Sa palagay ko ay may niluluto siyang kalokohan para asarin ako. Impit akong napatili nang hilahin ni Jordan ang kamay ko at saka ipinaupo ako sa kaniyang kandungan. “Pwedeng-pwede ka nang magpakasal sa akin at tiyak na mabubusog parati ako sa mga luto mo.” Dinampian niya ako ng halik sa tungki ng ilong ko. Napangiti ako sa kaniyang winika. Sa sulok na bahagi ng aking balintataw ay masayang tinanaw ko ang imahe ng aming pamilya. Pamilyang kaming dalawa ang mag-asawa at kasama ang aming mga anak. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang maalala ang babaeng noon ay nakasalubong namin sa opisina at humalik sa kaniya. “Hindi pa ako handang magpakasal.” Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib at umahon ako mula sa kaniyang kandungan. Walang pagtutol akong narinig mula sa kaniya. Ni hindi niya ako pinigilan sa aking ginawa. “Kung tapos ka nang kumain ay roon ka na muna sa sala. Lilinisin ko lang ang mga pinagkainan natin,” saad ko. Isa-isa kong niligpit ang mga platong nasa ibabaw ng lamesa at saka dinala ang mga iyon sa loob ng lababo. Sa bawat galaw ko ay iniignora ko si Jordan para ‘di mataranta. Kunwari’y wala siya sa tabi-tabi na nakatitig sa akin. Sinisimulan ko nang sabunan ang isang plato ng biglang pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Nagtayuan pa ang lahat ng mga balahibo ko sa batok nang lumapat ang kaniyang labi sa aking balikat. Impit akong napaungol nang pumisil ang kaniyang mga palad sa’king dibdib. “Hindi mo na kailangang gawin iyan,” bulong niya sa likod ng aking tainga. “I-ipisin ang lababo kapag iniwanan pa natin ang mga hugasin,” kandautal kong tugon habang panay liyad ng katawan ko. Narinig ko ang pagak niyang pagtawa kaya binitiwan ko ang platong hawak. Binuksan ko ang gripo upang hugasan ang mga kamay kong may sabon. Gustuhin ko man na umungol sa kabila ng mapang-akit niyang pagpisil sa aking mga dibdib ay pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Pumihit ako paharap sa kaniya pero sinalubong niya ang mga labi ko ng kaniyang mainit na labi. “Why are you so pretty?” he sighs, leaning into me. “I’m not pretty,” tugon ko. “You’re pretty, Honey.” “Bolero!” Inismiran ko siya saka itinulak sa kaniyang dibdib. “Inaabala mo ang gawaing bahay ko.” Tili ko ang pumalibot sa buong kusina ng bigla na lamang niya akong buhatin at saka ipaupo sa ibabaw ng kaniyang kandungan. “I love you!” puno ng emosyon niyang pahayag. Natigilan ako sa ginagawang pagtulak sa kaniya. Walang kakurap-kurap ang mga mata ko nang titigan ko siya sa mukha. “Ikaw na lang ang kulang sa bahay na ‘to. Kinumpleto ko na ang lahat ng mga gamit dahil gusto kong pagdating ng tamang panahon ay nakahanda na ang mga iyan sa paggamit mo sa kanila.” Ang isa niyang kamay ay masuyong pinisil ang tungki ng ilong ko. Maang lang akong nakatitig sa mukha niya habang pilit inaapuhap sa aking sariling isipan ang maaaring isagot. Marahang humaplos sa isang hita ko ang isa niyang palad kaya napakislot ako sa pagkakaupo. Banaag ko ang masidhing pagnanasa sa kaniyang mukha at gustuhin ko man na magpumiglas mula sa paghaplos niya, tila wala naman akong lakas na gawin iyon. Ramdam ko pa ngang gustong-gusto ito ng aking katawan. “You feel me and I know your body wants me too.” Mapang-akit sa’king pandinig ang kaniyang tinig. Napaungol ako sabay nang pagnginig ng katawan ko nang pumasok ang kaniyang isang daliri sa loob ng aking ari. “F*ck!” Malutong niyang mura ang naririnig ko habang ang kaniyang isang daliri ay tuluyang naglabas masok sa aking pagkababàe. Kusa rin sumusunod ang katawan ko sa kaniyang ginagawa. Binuhat niya ako saka ipinasandal sa kaniyang matipunong pangangatawan. Naglakad siyang buhat-buhat ako at nang huminto siya ay saka ko pa lang din naisipan ilinga ang aking mga mata sa paligid. Napakalaki ng kwarto at hindi masabing panlalaki lang ang design niyon dahil parang iniadya pa nga sa mag-asawa. Napadilat ng malaki ang mga mata ko nang makita ang larawan naming dalawa sa may bandang gilid na pader. “Hindi ko maalalang nagpakuha tayo ng larawan na magkasama,” aniko saka pilit inisip kung saang lugar iyon maaaring kinuhanan. Maingat niya akong inilapag sa ibabaw ng kama saka tumayo siya para lapitan ang larawang tinutukoy ko. “May isang activity sa foundation na hiniling ko sa iyong ama na sumali ako. Laking tuwa ko na naroon ka rin kaya naman nakiusap ako sa photographer na kahit anong mangyari ay dapat na makuhaan niya tayong dalawa. Buti na lang at magaling siya.” Kwento ni Jordan habang may ngiti sa kaniyang labi. Napangiti ako sa nakikitang saya sa kaniyang mukha. Tila hinahaplos ang puso ko ng malamig na kamay. Umahon ako sa kama saka maingat na ibinalik ang larawan sa lugar kung saan niya iyon kinuha. Lumapit ako sa kaniya at ikinunyapit ang mga braso ko sa leeg niya. “Ito ba ang kwarto nating dalawa?” Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi bago ako tuluyang siniil ng halik. Ipinikit ko ang mga mata ko at buong pusong tinugon ang kaniyang halik. Kaybilis ng mga sandali at sunod kong namalayan ay nasa ibabaw na kami ng malambot na kutson at wala ng mga saplot sa katawan. Bumaon sa kaloob-looban ko ang tigas na tigas niyang ari at kakaibang kiliti ang sumigid sa aking pagkatao. Mahabang ungol ang pinakawalan ko ng lumapat at naglaro ang kaniyang dila sa ibabaw ng aking dibdib. Parang uhaw na sanggol siya na sige sa pagsipsip at animo ay may gatas mula roon. Dahil sa matinding antisipasyon na aking nadarama ay naisubsob ko ng husto ang kaniyang mukha. Pinagsawa naman niya ang kaniyang dila sa pagsipsip sa aking mga dibdib at salit-salitan iyong kinagat. Ang bibig niya ay walang pigil na para bang isa iyong masarap na tinapay. “J-Jordan...” halinghing ko. My heart race fast and I felt like I was lost in the middle of the forest kung saan kaming dalawa lamang ang taong naroroon. “Will you be my wife?” naririnig kong tanong ni Jordan sa gitna ng masarap na pag-alindog. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kaniya. Ang pangarap kong proposal ay hindi sa ibabaw ng kama habang pinaiilaliman ng sinumang lalaking magpo-propose. “Kapag ba tumanggi ako ay papayag ka?” Ewan ko rin kung bakit iyon ang naisagot ko sa kaniya. “Hindi!” Malakas na singhap ang kumawala mula sa loob ng bibig ko nang dumiin ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan sa aking katawan. “H-hingiin mo muna ang basbas ng ama't ina ko. Kapag napapayag mo sila na magpakasal ako sa iyo ay buong puso akong magpapakasal.” “Is it a deal?” tanong niya sa’kin. “Yes!” Nang ngumiti si Jordan ay saka ko pa lamang napagtanto sa’king sarili ang mga ipinahayag ko sa kaniya. Parang imposible namang ‘di papabor ang ama ko sa kasalang hihilingin ni Jordan gayong iyon nga ang gusto niyang mangyari. Gusto nga niyang magkaapo na e! Naitampal ko ang kaliwang palad sa’king noo. Mukhang nagkamali pa yata ako nang pakikipag-deal kay Jordan. Ako rin ang talo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD