Unang araw ko sa kumpanya ni daddy kaya tuwang-tuwa akong inikot ang bawat sulok ng kaniyang opisina.
Ito muna ang ipinagamit dahil hindi pa nagagawa ang mismong opisina na laan para sa'kin.
Para akong batang punong-puno ng kuryusidad sa mga gamit na naroroon kaya binuklat ko ang bawat folder na mahawakan gayundin sa mga libro na naroon.
"Trabaho agad?" Naiwaksi ko ang librong hawak ng bigla na lamang yumakap sa baywang ko ang mga braso ni Jordan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at akmang lalayo mula sa kaniya para kuhanin ang librong naiwaksi.
"Aabalahin ko ang trabaho mo." Lalo namang humigpit ang pagkakayakap ng kaniyang mga braso sa aking baywang.
"Jordan!" saway ko sa kaniya. "Nasa office tayo ni daddy. Baka makita tayo sa camera."
Sa pagkakaalam ko kasi ay maraming camerang inilagay rito si daddy dahil na rin sa labas pasok ang mga bisitang dumadagsa sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jordan saka pinihit ako paharap sa kaniya.
"Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong yakapin ka." Masuyong humagod ang kaniyang daliri sa aking pisngi.
Malamlam ang mga matang tumitig ako sa mukha niya saka kapagkuwa'y kusang yumakap ang mga braso ko sa kaniyang baywang.
"I can sleep to you tonight," puno ng lambing kong pahayag.
"Are you sure?"
"Yes!" Nginitian ko siya at ikinunyapit ang mga braso ko sa kaniyang leeg. "Gusto mo bang matikman ang luto ko?"
"Magluluto ka para sa akin?" Hinapit niya ako palapit sa kaniyang katawan.
“Kung gugustuhin mo,” nakangiting tugon ko.
“Of course, gusto ko!” Lumapat ang kaniyang labi sa aking labi.
Ilan sandali pa munang pinagsaluhan namin ang mainit na halik na iyon at saka kami bumitiw sa isa't isa.
“Wala akong magagawang trabaho ‘pag parati tayong ganito," nakalabi kong sabi.
Narinig ko ang kaniyang pagtawa at halata ang pagkaaliw niya. Kinurot ko siya sa braso na lalo lang niyang ikinatawa.
“Jordan!” Pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
“Alright!” Sumusukong itinaas niya ang kaniyang mga kamay.
“Pwede mo na akong iwanan at saka mo na lang balikan mamaya upang sunduin,” aniko.
“I can't leave you,” kalmado niyang turan.
“Bakit?!” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“I'm working here.” Sabay-sabay na naglinyahan ang guhit sa aking noo.
“Can you please explain how does it happen? Sa pagkakaalam ko ay CEO ka sa kumpanyang pinagmulan ko,” mataray kong salaysay.
“Honey nakalimutan mo na ba ang usapan ninyong dalawa ng iyong ama? Kasama ako sa makakatrabaho mo rito,” nakangiti niyang sabi sabay lakad patungo sa maliit na cabinet.
“So magtatrabaho ako na kasama ka, gano’n?”
Tila hindi niya pansin ang inis sa’king tinig. May kinuha siyang folder mula sa loob ng cabinet saka bumalik siya sa akin.
“Hindi ko pwedeng suwayin ang ama mo dahil ito ang kaniyang gustong mangyari.” Inabot niya sa’kin ang folder.
“Besides, may kasunduan na kayong dalawa bago pa natin ipaalam ang tungkol sa ating relasyon sa kanila.” Pagpapatuloy pa niya.
“E ‘di parang hindi rin ako lumipat ng kumpanya!” nakaingos kong turan.
“Hindi mo ba ako gustong makasama sa trabaho?” may himig tampo niyang tanong.
Hindi sa ayaw ko siyang makasama sa trabaho, medyo hindi lang talaga ako kumportableng gumalaw.
Pakiramdam ko kasi’y imbes trabaho ang aking gagawin, ibang trabaho ang magagawa ko.
Marahil masyado lang talaga akong green minded dahil sa pinaggagagawa namin ni Jordan, kaya tuloy kahit konting dikit lang namin ay para na kaming mga palito ng posporo na bigla na lamang nag-i-spark.
“Let's have a deal.” Marahas na nabaling ang paningin ko sa kaniya.
“Deal?” Tumango-tango siya.
“Anong deal na naman iyan? Malapit na akong magka-trauma sa kadi-deal mo sa akin!” mataray kong pahayag saka pinaikot-ikot ang mga mata ko.
Aliw na aliw siyang nakatingin sa’kin at halatang pinipigilan lang ang kaniyang sarili na mapahagalpak ng tawa.
“Ano na?!” bulyaw ko ng hindi pa rin siya nakibo.
Asar talong nilapitan ko siya at pinong kinurot sa kaniyang braso na tila hindi man lang tinalaban dahil tinawanan lamang ako ni loko!
Naiinis na lumayo ako mula sa kaniya saka padabog na binuklat ang folder na iniabot niya.
Pinasadahan ko iyon ng basa at gayon na lamang ang pagdilat ng mga mata ko sa nabasa.
“Ba’t ganito? Ano bang nangyayari sa kumpanya? Hindi ba gawa-gawa lamang ang mga report na ito?”
“Why?” tanong din niya sabay hakbang palapit sa’kin.
“Bakit kasali ka sa mga board members ng kumpanya?” Sinipat ko isa-isa ang bawat papel na nakapaloob sa folder para tiyaking hindi ako nagkakamali ng tingin.
“What's wrong?” Dumukwang naman siya sa harapan ko.
Nakukunsuming inilapag ko sa ibabaw ng table ang folder nang mapagtantong hindi ako dinadaya ng mga mata ko sa aking nababasa.
“Ano ba talagang trabaho mo sa buhay? Bakit ba parang mas mayaman ka pa kay Tito Benjie? Ilang taon lang naman ang tanda mo sa’kin pero parang ang dami-dami mong pera,” sunod-sunod kong sabi na tinawanan lamang niya.
Sabay kaming napatingin ni Jordan sa may pintuan nang pumasok doon si Tito Benjie.
“Hello! Naistorbo ko ba kayo?” nakangiti nitong tanong.
Hindi ko alam kung nang-aasar siya o sadyang wala talaga siyang alam sa kung anong meron sa pagitan naming dalawa ni Jordan.
“Your on time!” Nakipagdaupang palad naman ang huli sa’king tiyuhin.
“Good!” Tumingin sa gawi ko si Tito Benjie. “Let's start your work!”
Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ng aking tiyuhin. “Tito Benj, anong ginagawa mo rito?”
“Tinawagan ako ng daddy mo tungkol sa pagsisimula mo rito sa kumpanya. Ayaw niyang mahirapan ka kaya sinabihan akong alalayan muna kita hanggang sa ganap mo nang maunawaan ang takbo ng kumpanya,” paliwanag nito.
“Kung gano’n, anong silbi ni Jordan dito?” pasuplada kong tanong.
“Tagapagpaligaya sa pamangkin ko!” nangingiting tugon naman nito.
“Tito Benjie!!!” natitilihang bulalas ko.
Sinasabi ko na nga ba’t may alam siya sa pagitan namin dalawa ni Jordan. Asar na asar tuloy ako habang tinitingnan ang pagha-high five nilang dalawa.
Ang mga loko pinagkaisahan ako at halatang wala akong kakampi kahit sino sa kanila.
WALA akong ibang ginawa kung ‘di ang umikot nang umikot sa buong gusali. Simula sa ibabang bahagi hanggang dito sa opisina ng ama ko ay puro papel na lamang ang aking hinaharap.
Sina Jordan at Tito Benjie ay panay ang pag-uusap na parang walang katapusan ang kanilang topic. Sa oras lamang ng tanghalian sila nahinto sa pag-uusap dahil kumain kami.
Sinilip ko silang dalawa sa kabilang opisina at may pagbabakasakaling meron akong makitang interesanteng bagay mula roon.
Napanguso ako ng walang kahit isang papel na nagkalat sa lamesang nasa kanilang harapan.
“Nandito raw sila para tulungan ako, pero wala namang ginawa maghapon kundi magkwentuhan,” bulong ko sa hangin saka inirapan ang dalawang lalaki.
Nakabalik na ako sa loob ng opisina ni daddy ng bigla akong may naisipang gawin.
Nilinis ko ang ibabaw ng lamesa at saka niligpit ang mga papel na nagkalat doon. Kinuha ko ang bag ko saka dahan-dahan nang lumabas ng opisina. Siniguro kong hindi mamamalayan ng dalawang lalaki ang aking pag-alis.
“Aalis ka na, Mam Jela?” tanong sa’kin ni Lea na siyang sekretarya ng ama ko.
“Ssh! H’wag kang maingay! ‘Pag hinanap ako nina Jordan at Tito Benjie, pakisabi na hindi mo alam.” Kumindat ako sa napamaang na babae sabay ba-bye.
Mabilis ang naging paghakbang ko patungo sa elevator at agad na sumakay roon. Pinindot ko ang button pababa ng ground floor dahil doon na ako dadaan.
Bago pa mamalayan ni Jordan ang aking pagkawala ay tiyak na nakasakay na ako ng taxi.
Parang batang paslit na nakawala mula sa kaniyang bantay ang peg ko. Sobrang saya at pasipol-sipol pa nga ako nang dukutin ang earpiece mula sa loob ng aking bag.
Isinalpak ko na iyon sa magkabilaang tainga ko saka nakinig ng magandang musika.
Nasa magandang mood na ako nang pakikinig ng bigla na lamang huminto ang elevator.
Gayon na lamang ang pag-awang ng mga labi ko nang makitang si Jordan ang taong iniluwa ng pintuan.
Parang itinulos ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa.
“H-hi!” nakangiwing bati ko sa kaniya.
“At saan ang punta mo?” Nakasimangot ang kaniyang gwapong mukha nang itanong iyon.
“A-ahm...” Wala akong masabi dahil tiyak kong magagalit siya kapag sinabi kong lalayasan ko sila ni Tito Benjie.
Ilan sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa siya na rin ang kusang bumasag niyon.
“Gusto mo na bang umuwi?”
Ubod tamis akong ngumiti sa kaniya at hinawakan ko ang isang kamay niya para hilahin siya papasok sa loob ng elevator.
“Uwi na tayo. Magluluto pa ako ng ulam para sa’yo,” malambing kong sabi.
Tinitigan pa muna niya ako sa mukha at kapagkuwa'y sumagot siya ng, ‘okay!’
Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya saka kinabig ko siya sa batok upang maglapat ang aming mga labi.
“Sorry...” malambing kong bulong sa kaniya.
Humigpit ang yakap ng isa niyang braso sa aking baywang. “Tatanggapin ko ang sorry mo ngayon dahil paglulutuan mo ako ng ulam. Pero sa susunod na ulitin mo ito ay hindi na pwedeng ulam ang kapalit!”
Natawa ako sa kaniyang winika. Ang nakalingkis kong braso ay lalo ko pang inilingkis ng husto.
Mapang-akit kong sinabi habang pinapupungay ang aking mga mata, “pwede bang ako na lang ang kapalit ng ulam?”