Ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay binibiyak iyon sa may gitna kagaya sa isang bukong tinataga.
“What happen to you?” nag-aalalang tanong ni Jordan.
“Pwede bang umalis ka na? Parati ka na lang narito gayong hindi ka naman dito nagtatrabaho.” Pagtataray ko sa kaniya.
Tinawanan niya ako dahilan para lalo akong mainis. Siniringan ko siya ng mga mata ko.
“Anong nakakatawa? Mahirap ba sa iyo intindihin ang sinabi kong umalis ka?” Medyo tumataas na ang tono ng aking boses.
Yumukod siya kung kaya nagkalapit ang aming mga mukha. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa mainit na pagdampi ng kaniyang hininga sa aking balat.
“Alam mo bang gumaganda kang lalo sa tuwing nagagalit ka?” paanas niyang usal.
Mapang-akit na humaplos ang isang palad niya sa pisngi ko kasabay nang pagdaloy ng libo-libong kiliti sa loob ng aking katawan.
“B-baka maabutan na naman tayo,” paalala ko sa kaniya.
Gusto kong magtunog galit ang boses ko pero parang naging pabebe iyon. Kainis!
“I don't care,” aniya habang unti-unti rin bumababa ang kaniyang tingin sa ibabaw ng dibdib ko.
“Jordan!” Pinandilatan ko siya ng mga mata ko saka inihalukipkip ang aking mga braso.
Nakipagtitigan ako sa kaniya at ilang sandali rin nagtagpo ang aming mga paningin.
Nadi-distract ako ng mapupula niyang mga labi habang nakatitig kuno ang mga mata ko sa kaniyang mga mata.
Ako ang unang sumuko sa aming dalawa dahil hindi ko kayang tagalan ang kaniyang pagtitig. Para kasi akong matutunaw sa paraan ng kaniyang pagtingin.
“Umalis ka na, Jordan!” matigas kong sabi.
“I’m sorry but I can't.” Lumitaw ang mapuputi niyang mga ngipin nang ngitian ako ng kaniyang labi.
Hindi ko na nagawa pang gumalaw ng mula sa kaniyang pagyukod bigla na lang niya akong hinila paahon mula sa upuang kinauupuan ko.
Para akong paslit na napasunod lang sa kaniya. Iyon bang tipong inosente at walang kamuwang-muwang kung saan man lugar niya dadalhin.
“Excuse me, Boss!” Tila nagising ang diwa ko nang lumapit kay Jordan ang isang lalaki.
“I told you not to disturb me, right?” malamig na wika ni Jordan.
“Boss may naghahanap kasi sa iyo at gusto ka raw niyang makaus-” Natigil sa pagsasalita ang lalaki ng bigla na lang sumulpot ang babaeng akala mo ay sawa.
“Hi, Babe!” Malanding kumunyapit ang mga braso nito sa leeg ni Jordan sabay halik sa labi.
Animo'y isa lang akong aninong hindi pansin ng dalawa habang puno ng kapusukang naghahalikan sa aking harapan.
Hindi ko alam kung ba’t nakadarama ako ng inis sa nasasaksihan gayong ‘di ko naman nobyo si Jordan.
Sa sobrang inis ko ay tinabig ko ang kamay niyang nakakapit sa’kin saka malakas na tumikhim. Nahinto ang kanilang paghahalikan saka sabay na tumingin sa akin.
“Inaabala mo ang pagtatrabaho ko!” asik ko kay Jordan sabay talikod sa kanila.
Walang lingon likod at malalaki ang mga hakbang kong binaybay ang daan pabalik sa aking opisina.
“Sinasabi ko na nga ba’t katulad din siya ni Ryan na walànghiya at isa ring manloloko! Sèx lang talaga ang habol nila sa mga babae!” nagngingitngit kong bulong sa hangin.
“Honey, let me explain.” Humarang si Jordan sa aking daraanan pero hindi ako pumayag na kaniyang mapigil.
“H’wag mo akong matawag-tawag na honey dahil hindi tayo magsyota!” Buong pwersa ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib dahilan para maalis siya sa aking daraanan.
“Jela!” Hindi ko pinansin si Jordan at dumiretso ako hanggang sa marating ang aking opisina.
Dinampot ko ang ibinato kong wood stand sa may sahig at muling inihagis iyon sa may pader.
“Bwìììsìiittt!!!!” hiyaw ko upang ilabas ang matinding emosyong lumulukob sa akin.
Sunod-sunod na katok sa pintuan ang aking narinig pero hindi ko pinansin. Ini-lock ko ng husto ang door knob at saka lumapit sa lamesa kong puno ng paperworks.
“Dina huwag mo akong istorbohin at marami akong trabahong tatapusin. Sa mga taong maghahanap sa’kin lalo na si Jordan ay sabihin mong huwag na kamong pumunta rito. Unahin na lang kamo niya ang kaniyang trabaho bago ako LANDIIN!” Pinakariinan ko pa ang huling salitang sinambit.
Huli ko na lamang naisip ang aking mga ipinahayag kay Dina ng medyo makalma na ako.
“Mam hindi ko po pwedeng sagutin si Mr. San Rafael ng ganiyan dahil siya ang CEO ng kumpany-”
“Ano?! Anong pinagsasabi mo?” Putol ko kay Dina.
“Shìt!” Naitampal ko ang palad sa noo nang maisip na pag-aari nga pala ni daddy pati na nina Tito CJ, Tito JC at ng iba pa nilang mga kaibigan ang kumpanya.
Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong i-handle ang sariling kumpanya ng aking ama.
“Mam nandito na si Mr. San Rafael,” pabulong na sabi ni Dina sa intercom.
“Sabihin mo wala ako!” pasinghal kong sagot na parang kaharap lamang si Dina.
“Pero mam...”
“Ikaw ang tatanggalin ko sa trabaho kapag nakapasok siya rito!” banta ko sabay patay intercom upang putulin ang aming pag-uusap.
Ibinagsak ko ang katawan sa couch at saka hinilot-hilot ang aking sintido. Nakaramdam ako ng ginhawa at ilang sandali pa ay namimigat na nga ang talukap ng mga mata ko.
Hindi ko na namalayan pa ang taong pumasok dahil sa tuluyan na rin nga akong nakatulog.
MALAMYOS na musika ang naririnig ko at kaysarap namnaming pakinggan niyon.
Ang romantikong tugtugin ay may hatid na saya sa puso ko at dinadala ako niyon sa sa ibang dimension ng mundo.
Nang ilinga ko ang paningin sa paligid ay labis akong namangha sa ganda ng mga dekorasyong nakikita ko. Tila ba nasa enchanted forest ako na marami ang mga fairies na nakatira roon.
Labis na nagagalak ang puso ko sa nasisilayang kagandahan. Hindi ako pumayag na matanaw lang iyon kaya nilapitan ko pa ang mga bulaklak na alam kong artificial lamang dahil sa iba’t ibang kulay niyon.
Napasinghap ako nang mahawakan ang bulaklak. Hindi iyon artificial dahil buhay ang pakiramdam ng talutot sa aking palad. Dinala ko iyon sa tapat ng ilong ko at tama nga ang aking hinala. Tunay nga ang bulaklak!
Hinayaan ko ang sariling matuwa sa pagpisil-pisil sa mga bulaklak. Hindi ko na pinitas pa ang iba ng sa gayon ay maaari pa silang mamukadkad.
Masayang-masaya ako at nalimutan ko na rin ang totoo kong mundo. Ni hindi ko nga napapansin ang taong kanina pa masayang nakatingin sa akin.
“Napakaganda ng mga bulaklak na ‘yan, parang ikaw.”
Marahas ang ginawa kong paglingon kay Jordan. “Anong ginagawa mo rito?”
“Pinagmamasdan ka,” tugon niya.
Napalunok ako sa sariling laway nang masilayan ang simpatikong ngiti sa kaniyang labi.
May kakaiba sa kaniyang ngiti dahil kayang-kaya akong dalhin niyon sa mundong puno ng makamundong ganap.
“Jordan!!!” natitilihan kong bulalas ng bigla na lamang niya akong hapitin sa aking baywang.
Napakabilis talaga niyang gumalaw. Ni hindi ko namalayan ang kaniyang paglapit sa akin.
“You’re beautiful,” namamaos niyang sambit.
Alone and not able to choose.
It's so different when you're not by my side.
I'm trying to forget you,
but I can't do it.
With each movement of mine,
I'm always looking for you.
Parang tumagos sa puso ko ang liriko ng awitin na pumailanlang. Tila talaga nananadya sa sandaling kaharap ko si Jordan.
“Let’s dance, Honey.” Kaylambing ng kaniyang tinig.
“H-hindi ako marunong sumayaw,” utal kong sagot.
Nasa magkabilaan kong balakang ang mga kamay niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng mga iyon habang idiniriin ako sa kaniyang katawan.
“Alam mo ba na paboritong kanta ni daddy ang awiting pumapailanlang?” Sa tangkad ni Jordan ay napilitan pa akong tingalain siya.
“Ang kantang iyan ang madalas awitin ni daddy dahil puno ng pagmamahal ang kahulugan.” Pagpapatuloy niya. “Ilan ulit ko na rin napakinggan iyan at ikaw lang din ang naiisip ko sa tuwina.”
Maang akong napatitig sa kaniya habang iniisip ang mga sinabi niya. Ilan ulit pa akong nagpakurap-kurap ng mga mata ko.
“Naiisip kita sa kantang iyan,” nakangiti niya pang saad.
“Hindi naman ako ang writer ng kantang iyan,” turan ko.
Pumalatak siya ng tawa at kinabig ako payakap sa kaniyang katawan. “Ikaw ang gusto kong alayan ng kantang iyan.”
“Ang pangit mo namang mamili ng kanta!” mataray kong tugon para pagtakpan ang kilig na nadarama ko.
“Maganda ang liriko ng awiting iyan kung iyong pakikinggan.”
“Napaghahalataan talagang matanda ka na, Jordan!”
Gusto kong matawa sa naging anyo niya dahil nakita ko ang pagngiwi ng kaniyang mukha. Tumingin ako sa kanang bahagi namin upang iwasan ang kaniyang mga matang panay ang titig sa akin.
Nahagip ng paningin ko si Dina na may kasamang lalaki mula sa hindi kalayuan. Ang lalaki ay ang lumapit kay Jordan na tumawag pang boss dito.
Nanumbalik sa isipan ko ang huli naming kaganapan sa opisina kung kaya mabilis kong itinulak si Jordan palayo sa akin.
“Uuwi na ako at tiyak na hinahanap na rin ako nila mommy!”
Agad akong lumayo sa kaniya upang lapitan si Dina na nakikipag-usap sa lalaki. Napansin ko pa ang pabebeng pagkilos nito na lalong nagpadagdag sa inis ko.
“Ay!”
“Umuwi na tayo, Dina!” matigas kong pahayag sabay hablot sa kaniyang braso.
“Maaga pa, mam.”
“Kerengkeng ka rin no” inis kong saad habang kinakaladkad ko siya palayo sa lugar na iyon.
“Sayang ang genes mam! Aray!” Kinurot ko ng pino ang braso niyang hawak ko.
“Kaya pala nakakapasok sa opisina ko si Jordan dahil kumekerengkeng ka rin sa kaniyang tauhan!” galit kong saad.
“Nagustuhan mo rin naman,” nakalabi niyang bulong.
Matalim kong tinapunan ng tingin si Dina dahilan para manahimik siya sa kaniyang mga ibinubulong.