MAJA-RUTH
Second subject na at kailangan ko nang pumasok ng classroom. Absent na tuloy ako sa first subject, kainis talaga 'tong si Bunsay. Hays. Papasok na ako ng silid ng bigla ko nakasalubong ang guro ko sa geometry, matalim ang titig nito sa'kin na para akong kakainin ng buhay. Problema ng guro na yan?
"Ms. Sto Domingo." Lumingon ako sa likuran ko. Wala namang estudyante.
"Ma'am? Ako po ba?" Salita ko sabay turo sa aking sarili. Kumunot ang noo nito at nakahalukipkip pa. Patay!
"Malamang, may ibang Sta Domingo paba dito?"
Napaisip tuloy ako. Meron ba pa? "Ay! Wait lang ma'am magtatanong lang ako sa ibang estudyante kung meron ba." Napansin kong galit na ito. Wrong moves, Ruth.
"Kapag ikaw bumagsak sa subject ko, Sto Domingo, hindi na kita bibigyan pa ng chance na makapasa pa."
E, anong connection ng apelyido ko sa subject nito? Tsk! Minsan ang mga guro di mo rin maintindihan. Sasabihin, ibabagsak ka, tapos bibigyan ng project para makapasa. Hays. Ang labo talaga. Tsk! Tsk!
"Ma'am? P'wdeng magtanong?"
"Nagtatanong ka na."
"Anong connection ng apelyido ko sa subject mo? Kapag bumagsak po ba ako sa subject mo, mag iiba po ba ang apelyido ko? Ayeeh! Bet ko yan, ma'am lalo na kapag naging, Aguilos na ako. Ay! Bingga!! Sige po ma'am ibabagsak ko po ang subject niyo. Hehehehe!"
"Maja Ruth sto. Domingo!"
Ay hala!! Problema ni ma'am?
"Ma'am? Ayaw niyo po ba ng Aguilos? O, sige po, ano nalang po apelyido niyo para dalawa na tayong Salvador."
"Inside the classroom, NOW!!"
Wengya! Ang labo ni ma'am. Hays. Nag marcha nalang ako papasok ng silid at tumungo sa kinauupuan ko. "Ang labo mo talaga ma'am." Salita ko pa at kumuha ng notebook at ballpen. Magsusulat nalang ako ng true to life story ko, tapos ipapadala ko kay Ms Charo Santos. Tama!
Ang bright ko talaga.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Pagtatanong ni Kiray.
"Bulag bes? Nakita mo na nga kung anong ginagawa ko, nagtatanong kapa. Tsk! Bakit ba ang werdo ng mga tao ngayon? Kanina si ma'am, tapos ngayon ikaw naman, Kiray. Yung totoo, pinag-kakaisahan niyo ba ako?"
"Anong ka dramahan na naman yang pumasok sa kukurte mo, Ruth at humuhugot ka?"
"Ako pa talaga? Bakit di niyo tanungin ang sarili niyo."
"Ewan ko sa'yo babae ka."
"Bakla ako bes, bakla! Namo to."
"Absent kana nga first subject, saan kaba naglulusot?"
"Kasalanan ng pinsan kong maganda. Kanina pa sana ako dito kung di lang siya nag susuot kung saan-saan. Nakabangga ko pa si Dart Babe sa hallway habang nagmamadali ako sa paglalakad, saka nagkatitigan pa kami. Haay! Akala ko nga may laman ng bata ang bahay bata ko."
"Maka Dart Babe ka naman akala mo e boyfriend na. Lawak rin talaga ng imahinasyon mo, Ruth. Titig lang bata agad?! Ay wow!!"
"Hehehe! Pabor mo na yan sa'kin, walang masama kung tawagin ko siyang babe, liligawan ko yan kapag di na uurong dila ko. At walang mawawala sa'kin kung mag iimagine ako ng matayog. You know, dream ko yan."
"Hindi ako susuporta sa'yo, bahala ka gumapang sa Dart babe mo na yan. Iiyak ka lang. Taga sa bato yan."
"Alam mo ikaw, kung di lang kita bestfriend, iisipin kong may gusto ka rin kay Dart babe ko. Naku! Kiray, sinasabi ko na sa'yo."
"Hoy! FYI, Maja Ruth na asumera, wala akong gusto kay Dart, suluhin mo, ibulsa mo na rin kung mag saka, sabay kandado."
"Salamat naman. Hehehe! Labyow, Kiray. Kaibigan nga kita."
Tss...
Hindi na ako kinibo ni Kiray at tumahimik nalang siya. Maya-maya pa ay, pumasok na si Ma'am Salvador at may kasama ito.
OhEmGe!!
Nagtama ang tingin namin ng papasok ito ng silid. Teka nga! Sinusundan ba ako ng lalaking 'to? Bakit dito yan napadpad sa classroom namin? Siguro may pag tingin rin sa'kin si Dart babe. Haaay. Ito na ba yun? Lord, give me a sign.
"Aray naman!" Bakit ba ang lupit niyo sa'kin? Sign lang naman ang hinihingi ko, hindi ko naman sinabi na bagsakan niyo ako ng decorasyon sa taas ng kisami. Kainis! H'wag na nga lang, ako na hahanap ng paraan.
"sto Domingo? Are you okay?"
Nakita na nga nila ang reaksyon ng mukha ko, magtatanong pa kung, I am okay? Siya kaya sa lagay ko, tapos tatanungin ko siya kung "Are you okay?" Ano kaya pakiramdam nun.
"Ayos lang ma'am, don't mind me." Napapa-english tuloy ako. Bosit! Sakit sa totoo lang.
Mamaya ko na indain ang sakit, nandito si Dart Babe, nakakahiya sa kilay nitong makapal, pero bagay naman dahil sa makalaglag nitong mukha.
"Okay class, we have a new transferee." Panguna ni ma'am. Malamang transferee, taga exclusive boys yan e. "Please introduce yourself, Mr." Dagdag pa ni ma'am.
"Florence Dominic Aguilos, Dart for short, transferee from the other school, school of exclusive for boys, boys ng mga guwapo at mabango. Please be good to me. Thank you."
Mahangin rin pala si Dart Babe, pero okay lang yan, love love parin kita Dart Babe. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya, maya-maya pa ay sinabi siya ni ma'am na umupo nalang sa may bakanteng upuan. Wengya lang! Nagkataon ang katabi kong upuan ay bakante.
Tahimik lang ito na umupo sa bakanteng upuan at nakapanumbaba kaagad. Hays. Parang sumikip ang paligid ko dahil sa kanya.
"sto. Domingo."
Ano na naman ang kailangan ng guro na 'to? Bakit ako nalang palagi ang nakikita. Hays.
Tumayo ako at sinagot ko siya.
"Ma'am? Bakit po?"
"Dahil absent ka sa first subject, bmawi ka sa akin ng di kita isusumbong kay Mudra mo."
Tsk! Grabe talaga sa'kin ang guro na 'to, harsh masyado, palibhasa kasi mas maganda ako sa kanya at makinis ang kutis.
"Sabay ganun po talaga ma'am? Ang harsh niyo po."
"Quiet!!"
"Ah oklkay."
"Answer the problem solving. Simplify, 10b-4c-4b+5c."
Easy ng problem hindi niya masagot. Tsk! Tsk!
"Ma'am, hindi niyo po ba kayang sagutin, at sa'kin niyo pa mismo ipapasagot? Diba guro ka? Dapat alam mo ang sagot?"
"sto. Domingo!! Answer!"
Isa pa ma'am, ipapa-kick na talaga kita sa school na 'to.
"Sagutin mo raw ang tanong ni ma'am."
Ano daw? Napalingon tuloy ako sa gawi ni Dart Babe. Chance ko na rin na magpakitang gilas sa kanya. Albert Einstien, attack!
"Simplify 10b-4c-4b+5c, the answer is 6b+c. Easy. That's all, thank you."
Ay! Perfect!! Bingga ng sagot ko.
"Nasagot mo? Ang galing hah?"
'Yan tayo, Dart Babe e.
Ngumiti nalang ako habang ang lahat ay nakatingin sa akin. Sinaniban lang talaga ako ni Lolo Einstien, kaya ganun nalang kabilis ang sagot ko. Hahahaha!
"Sit down sto Domingo."
Wika ni ma'am sa'kin at bumalik na sa pagkaka-upo.
Sa canteen.
"Paano mo nasagot yun? Himala, tumabi lang si Dart sa'yo, nasagot mo agad yung problem."
"Hahaha! Para-paraan lang yan Kiray. Nga pala, nagtext sa'kin si Lola Heart, at Mon Love, gogora raw tayo sa birthday ni Pungga. Ano sama tayo?"
"Busy ako e, bakit kasi ngayon pa? Magbabantay ako ngayon ng tindahan namin, wala si Mudra. Next birthday nalang tayo gogora, next month kay Mon Love diba?"
"Ganun ba? Sige, next time nalang. Etetext ko nang ulit si Lola Heart, at Mon Love na babawi tayo next time. May hinabilin rin kasi sa'kin si Mudra Thots."
Tahimik nalang kami ni Kiray at ipinagpatuloy ang pagkain ng biglang may tumabi sa'kin.
"Can I join?"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa eksina ngayon.