Chapter 4

1540 Words
MAJA-RUTH "Can I join?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Hoy! Ruth! Join raw ohh!!" Salita ni Kiray sabay tapik ng balikat ko. Ang babaeng 'to, mannerism niya na ata ang manghampas o tumapik ng balikat ko. Gantihan ko rin kaya ng maranasan niya rin. "Hah? Ahh... Sige, umupo ka." Sino naman kaya ang lalaking 'to. "Ahh by the way, I'm Darvin, new student rin ako, but hindi ko pa natuntun ang classroom ko dahil dumiretso nalang muna ako dito sa cafeteria. Anong mga pangalan niyo? P'wde makipag-kaibigan?" Bakit ba lapitin ako ng mga gwapo? Mygad! Baka pagselosan 'to ni Dart babe lagot ako. "Hi, ako si Kiray, kaibigan ko 'yang katabi mo." Sabay abot ng kamay nito kay Darvin raw. "Hahaha! Ang cute ng name kasing cute ng may-ari." Naku!! Bolero rin pala ang isang 'to. Baka paasa rin siya, alam na alam ko ang mga ganyang moves. "Hahahaha! Maraming salamat Darvin." Sagot naman ni Kiray at kinikilig pa ang baklang 'to. "Ruth." maiksi kong sagot at patuloy lang sa kakalamon ng aking pagkain. "Ang gandan ng name mo, Ruth, bagay na bagay sa'yo." Mahampas ko kaya 'to ng sling bag ko. H'wag na h'wag mong purihin ang pangalan ko, kung alam mo lang. Pasalamat kana rin at gwapo ka. Tahimik lang ako habang si Kiray at Darvin ay nag kukwentuhan.. Maya-maya lang ay nakita kong papasok si Dart babe dito sa cafeteria. Juicecolored, baling-bali ang mga ulo ng mga babae sa kanya. Bosit!! Dami kong karibal sa kanya. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. "Bro!! Here." "Magkakilala kayo?" Maya-maya ay tanong ko. "Yes, my bestfriend." Ngiting sagot nito at napansin ko naman na papalapit si Dart sa table namin. "Yow! Ikaw pala yan, naks naman! Naligaw ka ata." "Ulol! Ang isang gwapong katulad ko ay dapat lang ipubliko. " Tahimik lang kami ni Kiray at nakikinig sa usapan ng dalawang gwapong boylet. "Bakit ka pala napadpad dito?" Tanong pa nito at umupo sa tabi ko, gush! Napa-gitnaan ako ng dalawang gwapo. Ganda ko talaga. Maya-maya lang ay lumipat si Darvin sa tabi ni Kiray. Kinilig na naman ang baklang may matres. "Hindi ba pwedeng lumipat ang isang gwapong tulad ko dito sa school na 'to?" Darvin. "Hahahaha! Aba! Gaya-gaya ka rin ano?" Dart. "Gago! Mas malapit nalang kasi ang bahay namin dito, lumipat na kami kahapon lang." Darvin. "Lumipat? San malapit?" Singit ko "Ahh diyan lang sa may village malapit dito. Bakit, Ruth?" Darvin. "Kasi diyan lang din ang bahay namin. Hehehe!" Ngiting sagot ko. "Woow! Sana magkapit-bahay tayo ng mahatid at sundo kita." Ano daw? Hatid sundo? Boyprend lang ang drama? "Ahh hehehehe! Salamat naman, pero nandiyan naman si Mama para ihatid ako." Pagrarason ko nalang. "Ganun ba? Sayang naman." "Ahem! May kasama po kayo." Tss... Agad naman ako napatingin kay Dart babe. Nagseselos ba siya? Sana nga.... Hehehe! "Sorry na agad." Nahihiyang sagot ko. Humaba ang usapan ng dahil kay Darvin, naging alipores na tuloy kami ni Kiray. Tawa ng tawa ang dalawang gwapo. Hays. Sa loob ng classroom, tahimik lang ako habang nakikinig ng music sa aking phone ng biglang may tumabi sa akin. "Ano 'yan?" Si Dart babe pala. "Soundtrip." Maiksi kong sagot. "Pa-share naman." Okay lang siya? "Ahh okay." Agad ko ibinigay sa kanya ang isang earphone. Now playing, Love me like you do. Hindi ko namalayan na naka sandal na pala sa balikat ko ang lalaking 'to. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Waaah! Kinikilig ang matres ko mga bes. "Aham! Dart?" Isang boses ng babae ang rinig kong tumawag sa kanya. Agad naman napa-mulat si Dart babe dahil dun. Kabanas na babaeng 'to! "Hi! Sweety." Ano daw? Sweety? Si Dart babe may sweety na? "Aki?" Agad tumayo ng matuwid si Dart at hinalikan niya ang babae sa pisngi. Yung kilig ko kanina biglang nawala ng dahil sa nasaksihan ko. May girlfriend na pala si Dart babe ko? Bakit din ako na inform? Parang gusto kong sabunutan ang babaeng hinalikan niya. Bosit! "Paano ka naka-pasok dito?" Rinig kong pagtatanong niya sa Agi raw, o Aki ba 'yon!? "Visiting you, na miss kita." Putik! Balatan kaya kita babae ka. "Pwde mo naman ako hintayin sa bahay ah, saka pumasok kapa talaga dito sa classroom namin." Oo nga naman, trespassing yang ginagawa mo, bruha! "Hahaha! Sobrang miss lang talaga kita." Tss... Arte-arte, hindi naman bagay. "Please sweety, uwi ka tapos ng klase mo, doon nalang kita hihintayin sa bahay niyo." "Ang landi." Pabulong kong sabi. "What! May sinabi ka ba?" Agad na tanog ni Agi, este Aki. "Hah? Wala ahh! Sabi kasi sa kanta malandi." Rason ko sabay irap. Akala mo e kagandahan. "By the way, thid is Ruth, and Ruth this is Aki my girlfriend." Pakialam ko!? "Hi!" Tipid kong salita. Maghihiwalay rin kayo. (Insert evil smile) "Hello." Nice to meet you girl. Nice mo mukha mo! Palaka ka! "I have to go, uwi ka agad. Okay? I love you." Sabay ganun? Tapos may pahalik-halik pa sa labi? Ampopo!! Hindi ko nalang pinansin ang palakang yun, sinubsob ko nalang ang mukha ko sa aking desk at patuloy parin sa pakikinig ng kanta. Ang sakit sa dibdib, yung taong pinapantasya mo may mahal na palang iba at pinaka worst pa sa lahat, harap-harapan pang ipinakita sa'yo. Hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako. Bigla naman may yumugyog sa'kin. "Ruth? Ruth, gising." Rinig kong tawag sa'kin ni Kiray. "Hmmp... Ano ba, natutulog yung tao, istorbo kayo." Anas ko sabay angat ng aking ulo. Nagulat naman ako sa aking nakita. Yung mukha nila parang naka kita ng multo. "Bakit ganyan ang tingin niyo sa'kin?" Pagtataka kong tanong, agad inabot sa'kin ni Kiray ang salamin nito. Pag tingin ko... Anong mukha meron ako? Sabog na sabog ito at para akong namatayan ng butiki. "Ba't ganyan ang mukha mo, babae?" Pagtatanong ni Kiray. Tumayo ako at agad lumabas ng classroom at dumiritcho na nga ladies room. Agad kong pinag masdan ang aking mukha. Resulta ito ng iyak ko kanina. Oo, umiyak ako ng dahil kay Dart babe. "Bosiit!!!" sigaw ko sa loob ng cr. Inayos ko nalang ang aking sarili at huminga ng malalim. "Okay lang yan Ruth, maghihiwalay rin ang dalawang yun. Maganda ka, maganda ka, at higit sa lahat maganda ka. Cheer up!" Pagpapalakas ko sa aking sarili. Palabas na ako ng cr ng bigla ako sinalubong ni Dart. "Are you okay?" Lintik na lalaking 'to! Kunwari concern ang drama. "Yah! Okay lang ako, sige alis na ako, babalik na ng classroom." Salita ko at akma na sana siyang lampasan ng bigla niya akong hinawakan sa braso. "Bakit?" Tanong ko. "Sorry." Hah? Sorry? Saan? Sa paasa? Gago mo! Pasalamat ka nagpipigil ako ng damdamin ko sa'yo. Bosit! "Sorry saan?" Tanong ko ulit at umiwas ng tingin nito. "Sorry kasi umiyak ka ng dahil sa akin." Litchugas nga lalaki! Bakit niya alam? "Iniyakan? Ikaw? Kapal mo dong oi! Napuwing lang ako, at nadala sa kanta. For what na iiyakan kita? Haller!" Parang gusto ko tuloy kiligin, pero wait lang! Hindi pwde! Magpipigil pa rin ako. "Hahaha! Halata ka masyado, the way you talk at yung titig mo kay Aki na parang patayin mo na. Hahaha!" "Ewan ko sa'yo, dun ka sa girlfriend mong maganda!" Anas ko at inalis ang kamay nito sa aking braso, subalit nagulat nalang ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kanya at agad hinalikan sa labi. Hangiiin!!! Hindi ako makahinga. Daaart! Anong ginagawa mo? Nagsisigaw sa kilig ang aking utak. Shit! Ang lantod ng lalaking 'to! Totoo ba 'to? As in, for real? Napapikit nalang ako ng aking mata at niraramdam ang halik niya. Alam kong mali, pero bahala na, biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Myghad! Dart babe! Ilang segundo pa bago ito kumalas. s**t lungs!! Nakaawang ang aking labi ng bigla ito ngumiti sa akin. "Want more?" Lintik! Ang gago mo! Hindi na ako nakapag-salita at walang imik na iniwan ito. "Hey! Ruth! Wait!" Rinig ko pang tawa nito, subalit di na ako lumingon at dire-diretchong naglakad ng hallway. Nakahawak ako sa aking labi at naka ngiti hanggang sa nakabalik na ulit ako ng classroom. Halatang namumula ang mukha ko. Hays. Bakit ba agad-agad ako nagpahalik sa lalaking yun? Ay! Mali, siya yung humalik sa akin. Maja Ruth lang ang pangalan ko, pero di ako maharot na babae. Tss... Nalalasap ko parin ang tamis ng unang halik ko kay Dart babe. Maya-maya lang ay pumasok r si Dart, at naka-tingin ito sa akin. "H'wag kang magpahalata, Ruth, isipin mo nalang na walang may nangyaring halikan." Salita ng konsensya ko. Sabi ko, titig palang nakakabuntis na, what about yung halik pa niya? Umiwas ako ng tingin at kunwari may hinahanap sa aking sling bag. "Are you okay now? I'm sorry kung hi-" Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng bigla kong tinakpan ng sandwich ang bunganga nito. "Hehehehe! Masarap ba? Meron pa dito, tuna sandwich." Umiba ang timpla ng mukha nito. Patay na naman ako sa lalaking 'to. Pakiramdam ko tuloy dalawa lang kami ang tao dito sa loob ng klase. "Wooahh! Ang sweet naman ng dalawang 'to, nagsusubuan pa ng sandwich." Singit ni Darvin sabay tapik ng balikat ni Dart babe, at agad niya naman kinuha ang sandwich sa bunganga nito. "Saaawreeey!!" Sambit ko sabay peace sign.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD