DART
Nasa hallway ako habang naglalakad patungong cafeteria ng biglang may tumawag sa'kin.
"Dart!?" Huminto ako sa paglalakad at nilingon kong sino.
"Hi." nakangiting bati nito sa'kin. "I'm Lizyl." Pagpapakilala ia niya.
"Why? Anong kailangan mo?" Agad kong tanong at napayuko naman siya dahil sa sinabi ko.
"Ahh wala naman, gusto ko lang magpakilala. S-sige alis na ako." Hindi na ako nagsalita at sinundan ko nalang ng aking tingin.
Napapailing ako habang nagpatuloy sa paglakakad hanggang sa nasa harap na ako ng cafeteria.
"Oi! Dart!" Bungad sa'kin ni Jeff sabay tapik ng aking balikat. "Pucha! Gwapo mo ngayon ah!" Tsk! Gag*ng 'to.
"Matagal ko nang alam na gwapo ako, Jeff, hwag kang bakla diyan." Usal ko sa kanya at pumasok na sa loob ng cafeteria.
"Woooh! Maka gwapo ka diyan, akala mo habulin ng chicks."
"Taas noo 'to Jeff, kahit saang parte ng mukha ko gwapo talaga ako."
Iniwan ko siyang nakatayo at agad naman ako naghanap ng bakenteng mesa.
"Dart! Here." Rinig kong tawag ng isang babae sa may bandang dulo.
It's Kiray.... Tsk!
No choice ako kundi puntahan siya at agad naman sumunod si Jeff sa likuran ko.
"Hi, dito kayo, classmate naman tayo, diba? O, may kasama ka pala. Hi." Bati sa'min ni Kiray.
"Hi, beautiful. Hehehehe. Kaibigan ko pala si Dart." Salita naman ni Jeff at umupo na ako sa may bakanteng upuan.
Napansin kong hindi niya ata kasama si Ruth. Hmmmp....
I'm wondering why. Tsk!
"Where's Ruth?" Walang pigil na tanong ko kay Kiray at agad umiwas ng tingin dahil sa ngiti nito.
"O, nasa locker niya, may kinuha lang. Hahahaha!"
Kumunot naman ang aking noo dahil sa lakas ng tawa niya.
"Hoy! Lakas makatawa." Usal ni Jeff sa kanya.
"Sorry naman, naalala ko lang kasi 'yong ginawa ni Ruth kay Dart."
Ang ingay niya
"Hah? Bakit? Anong ginawa niya?"
" kasi 'yong..."
"H'wag ka ngang tawa ng tawa diyan. Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka tumawa." Ani Jeff at pailing iling pa ito.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag kukwento si Kiray sa nangyari kanina sa classroom.
Na bwisit kaya ako sa ginawa ni Ruth. Tsk! Pero ang hindi ko talaga makalimutan ay 'yong bigla ko siyang hinalikan sa labi.
Sa aaminin ko, ang lambot ng labi niya. Parang marshmallow na malambot nguyain.
"Hoy! Anong ningiti-ngiti mo diyan!?" Singhal sa akin ni Jeff .
"Wala. Tara na nga, linya na tayo para maka kain na." Aya ko kay Jeff at tumayo naman ito.
Habang nasa pilahan ako, hindi ko inaasahan na darating si Aki. Si Aki ay girlfriend ko, mahigit dalawang taon na kami, okay naman siya, malambing at masarap kasama. Hahahaha! Tulad ng ibang babae, selosa at mood swings. Tsk! Tsk! 'Yon nga lang minsan wala na sa lugar 'yong pagseselos niya. Nakakasakal na rin. Hays...
Matapos naman umorder ng pagkain, agad kami bumalik ni Jeff sa table ni Kiray, andiyan na rin pala si Ruth at ang pinagtataka ko lang bakit kasama niya si Darvin.
"Oi, pre! Dito ka rin pala? Hahahaha!" Bungad sa'kin ni Darvin.
"Ah oo, niyaya kami ni Kiray."
Sagot ko naman.
"Wooah! Pareng Jeff! Na miss kita, pa kiss..." Ani Darvin at naka nguso pa ito kay Jeff.
"Hooooy!!! Maka miss ka diyan! Nakakahiya ka! Hahahaha! I miss you to pareng Darvin." Sabat naman ni Jeff ...
Kahit kelan talaga.
Napansin kong naka ngiti si Ruth sa akin... Nagtama ang aming mga mata at tila bang walang may kumukurap.
Hindi ko ito pinansin at naalala ko naman ulit ang ginawa niya sa akin kanina.
Nakakahiya...
MAJA-RUTH
Naiihi ako sa kilig. Bwisit!! Bakit ba kasi, Dart nandito pa kayo sa table namin. Ayiiiieee.... Kinikilig talaga ako. Hahahaha!
Maya-maya lang ay nawala rin ang kilig ko nang maalala ko na naman ang girlfriend niya.
Maghihiwalay rin kayo. Pangako 'yan.
Ang bitter ko naman. Huhuhuhu! Bakit ba kasi nagka girlfriend kana, Dart my babe hindi mo man lang ako hinintay. Huhuhuhu!
"Woi!!! Ayos ka lang?" Usal sakin ni Kiray.
"Hah? Ahh.... Oo okay lang ako. Heehehe!" Napayuko tuloy ako dahil ang tatalong boylet ay sa'kin naka tingin.
Sheeeeyt! Bakit ba kasi ang gugwapo niyo???
Tahimik kami habang kumakain. Maya't maya lang ay nagsalita s Darvin upang mabasag ang katahimikan.
"Ruth? Alam ko ba 'yong assignment na binigay ni Teacher Sawada sa chemistry?"
"Hmmp... About chemical 'yon diba? Oo, madali lang 'yon. Hehehehe!" Sagot ko at ipinagpatuloy ko ulit ang pagkain.
"Ruth? Pakopya. Hehehehe. Sige na, kaibigan naman tayo." Usal naman ni Kiray at ningusuan pa ako.
"Hoy! Mas may alam ka kesa sa akin." Usal ko sa kanya.
"Eeee.... Sige na, alam ko naman na matalino ka e. Please!!!!"
Hays... Loka loka talaga.
"Geh! Tawag ko sa'yo kapag tapos ko na. Isali ko na rin kayo.
Mukha nila.
"O, bakit?" Takang tanong ko.
"Ahh. Hehehehe. Wala, sige salamat naman. Yeeees!!!" Si Darvin at kumain na ulit.
Hoy! Dart babe, hindi ka man lang ba sasagot sa'kin? Tsk! Pasalamat ka love na love kita.
Keshe nemen e....
Matapos naming kumain ay nagkuwentuhan pa kami, maliban kay Dart babe na tahimik at may katext ata.
Woi! Sino yan? Girlfriend mo na naman yan no?
Kainis naman e! Bahala ka nga diyan!! Bwisit!!
Classroom
"Okay class, get one whole sheet of paper." Sabi ni Teacher Reley.
"Teacheeeer???" Silang lahat maliban sa'kin na tahimik lang na kumuha ng papel.
"At bakiiiit???? Nagsabi na ako sa inyo na may surprize quiz ako. Hindi ko naman kasalanan!"
Grabeng teacher! Walang patawad. History pa naman.
"Number one!! Who is the prince of Egypt?"
Ang dali niyan teacher... Hehehehe.
"Number two!! What is the firt bridge build in the world?"
Easy....
"Number Three!! Who is the enventor of Motorola mobile?"
History ba yan??? Tsk! Kung anu-ano nalang ang tinatanong basta related sa subject na tinuturo niya.
Matapos ang 30 questions ni teacher ay agad naman pinasa ang mga papel.
Bahala ka nga diyan teacher. Ikaw na humusga!
Dismaya naman ang iba kong kaklase dahil sa surprize quiz ni Teacher Reley...
Matapos ang quiz hindi naman siya tumagal sa classroom at dismiss na agad ang klase.
Ngiting tagumpay ang buong klase.
"Ruth?" Tawag sa'kin ni Kiray.
"O, bakit?"
"Ang hirap ng quiz, may sagot kaba don?"
"Ahh... Hehehehe.... Meron."
"Buti nalang at may pumasok pa sa kukote ko kahit kunti. Hehehehe!"
"Oo nga e, buti nalang may utak kapa. Hahahaha!"
"Grabe ka hah!?" Nakanguso ito habang naka tingin sa'kin.
Tinawanan ko lang ito at di na pinansin.
Kinuha ko ang aking cellphone na 3310 nokia at tnext si Lola Heart.
Text conversation...
-Maja Ruth-
Hello Lola Heart, kamusta ang buhay?
-Lola Heart-
Hoy! Maka lola ka diyan, akala mo e matanda na ako. Gage ito. >>__<<
-Maja Ruth-
Ahh.... Hehehehe. Sorna agad nasanay lang.
-Lola Heart-
Tss... Pakyu ka! Kainis! Palibhasa kasi ganda mo sa sarili. Hahaha!
-Maja Ruth-
Umaapaw sa ganda ang maganda mong kaibigan. Wahahaha!
-Lola Heart-
Tse... Hwag assuming masaktan ka lang. O, akala ko ba may klase ka? Ba't ka pala napa text?
-Maja Ruth-
Babalita ko lang sa'yo na asama ko si Dart babe. Hahahaha! Kinikilig ako dito Lola... Wahahahaha!
-Lola Heart-
Mabaliw kana sana at h'wag ng gumaling pa! Hahahaha!
-Maja Ruth-
Ang harsh mo sa'kin. Thank you ha? Thank you. :(
-Lola Heart-
Wahahahaha! Mamaya na ang text, inaasikaso ko pa mga gamit ko. Bye! Bye! Lunurin ka sana ng kagandahan mo at ng mapansin kana ng Dart babe mo na yan. Hahaha! Walang porebeeeeer tandaan mo yan MAJA RUTH!!!
Langyang babaeng 'yong! Ang sweet sweet nyang kaibigan, pramis...
Hindi na ako nag reply pa at ibinalik ko nalang sa aking bag ang 3310 kong cellphone...
Unique ang cellphone kong 'to. Kahit mahulog man ng ilang beses ay gumagana parin. Hahahaha!
Pinagmasdan ko nalang si Dart babe habang naka-subsob ang mukha sa arm chair.
Natutulog ba yan?
Kahit tulo laway ka pang natutulog, ang gwapo gwapo mo rin. Hehehehe....
Hiwalayin mo na kasi 'yong Aki na yon at ibaling mo nalang sa'kin ang iyong pagtingin. Hahahaha! Pramis, mamahalin kita ng binggang-bingga. Walang labis, walang kulang. Peksman! Mamatay man ang kapitbahay namin ngayon.