Chapter 6

1726 Words
MAJA-RUTH NAGLALAKAD ako sa hallway ng school nang biglang may tumawag sa'kin. "Sto. Domingo?!" Agad ko naman ito nilingon. Si Teacher Reyes—ang aking adviser. "Ms Sto. Domingo...." Tawag niya ulit. "Ser? Bakit?" Takang tanong ko sa kanya. "I need you." She need me? Bakit naman kaya? Hala! Anong gagawin ni Ser? Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "P-po? Anong kailangan niyo sa'kin, ser?" Kabado kong tanong. Geez... Anong kalokohan naman yan ser... "Relax, I need you... Next week may quiz bee ang bawat school." Aniya. "Tapos po?" "Walang representative ang school natin para sa quiz bee na yan, wala si Sta. Ana, may sakit at di pa sigurado kung makakalabas ba agad ng hospital 'yon." "E, ano naman ang koneksyon ko diyan, ser?" "Look, Ikaw ang napili ng lahat na papalit kay Sta. Ana, alam namin na matalino ka pagdating sa lahat, please Sto. Domingo, pumayag kana, next week na 'yong quiz bee, at wala tayong representative." Ganun lang 'yon? s*******n? Nice.... "E, ser.... Hindi naman ako magaling diyan e, tsamba tsamba lang 'yong mga sagot ko sa'yo. Bintot-bintot lang 'yon ser. Hehehehe." Parang nagtaka pa si ser... "Anong bintot-bintot ang pinagsasabi mo, Sto. Domingo?" "Ahh... Ano ser ba... 'Yong hula-hula, ganern." "Daming mong alibay, bata ka. Pumayag kana para naman sa school 'tong gagawin mo. Saka may makakasama ka naman." "Makakasama? Sino naman po? Saka paano kapag natalo po? Hays." "Si Mr. Aguilos ang makakasama mo, may tiwala naman ako sa iyo, alam kong kaya mo yan at maipapanalo mo yan." Si Dart babe ang makakasama ko? Ibig sabihin, matutulog kami sa iisang kwarto tapos magkatabi kami. Hehehehe. Nice. "Hoy! Sto. Domingo! Ano? Papayaga kana ba? Para sa school natin 'to at magiging sa'yo na rin." "Kelan nga 'yon ser?" "Next week na, may ilang araw kapa mag study... Two days tayo mawawala, I mean, mag stay sa Cebu, may budget na rin ang school para sa atin. Ikaw nalang ang pwdeng makakatulong." "May magagawa pa ba ako ser? Andiyan na e, saka andiyan rin si Aguilos. Hehehehe. Pabor." "Hoy! Hoy! Hoy! Bawal landian doon hah? Utak muna bago puso. Naku!" "Ser naman e. Hehehehe... Jowk lang po. Sige ser, sabihan ko muna si Mayora ng malaman niya rin ang tungkol dito." "Inaasahan ka namin, Ruth. Sige, bukas ng umaga punta ka sa faculty room ng makausap natin ang Dean para ipaalam na pumayag kana. Regional pa naman 'yon." Alam ko naman na regional 'yon e. Nakakakaba lang kasi, hindi ko pa nasubukan makipag competation sa iba't ibang school. Hanggang classroom lang talaga ako. Hays.... Hindi ko naman kasalanan na matalino ako, I mean, may alam lang pala. Hehehehe. Baka sabihin ng iba, ng aassume na naman ako. Tsk! Kay Dart babe, oo, asumera talaga ako. Tss... "So, ano? Tomorrow morning bago ang first period report ka sa akin. Okay? Salamat, Sto. Domingo." "Sige na nga ser, ano pa nga bang magagawa ko? Push ko lang 'to ser, saba di mabokya. Hehehe." "May tiwala ako sa'yo, Ruth. I have to go, may aasikasuhin pa ako. Salamat, ulit" Hindi na ako sumagot at sinundan ko nalang ito ng tingin. Napapailing na rin sa mga sinabi ni Sir Reyes. "Makakasa ko si Dart babe? Hehehe... Kinikilig na ako, two days, two days ko siyang makakasama. Hehehehe! Aja! Gagalingan ko ng di mapahiya sa kanya, at syempre sa school na rin." Napapangiti nalang ako habang kausap ang sarili. Bahay... "Ma? Andito na ako." Tawag ko sa aking inang mayora. Hehehe. Agad ako napaupovsa mahabang sofa sa aming sala at patuloy ang paglayag ng aking isipan. "Ruth, anak? Kamusta ang araw mo? Gutom kana ba?" Si mayorang maasikaso sa kanyang mga anak. Tumayo nalang ako at lumapit sa kanya. "Nakaka-duga ang araq na 'to, ma." Sagot ko sabat nguso. Sa totoo naman e, nakakaduga ang araw na 'to, lalo na 'yong sinabi ni Sir Reyes. Pero masaya naman, makita ko lang si Dart babe ay masaya na ako. Hehehehe. "Ma? May sasabihin sana ako." "Ano 'yon anak?" Si Mama mayora. "May gaganaping regional quiz bee next week, sa cebu po 'yon gaganapin." Paliwanag ko. "Oh, tapos?" Slow naman ni mama e. Tss... "Representative po ako ng school namin. Two days po kami doon." "Anong problema don?" Ayan naman e. "Ma, aalis ako, kasama ang isa pang kalahok at si Sir Reyes. Alam mo ba 'yon, ma?" "Oo alam ko, quiz bee, kasali ka." "Alam mo naman pala e. Magtatanong kapa." "Kakasabi mo lang, Ruth na kasali ka, malamang inulit ko lang." Si mama, pilosopo rin e. Kung di lang kita nanay, mayora thots ka... Nabatukan na kita. Tss... "Okay lang sa'yo, ma?" Paninigurado ko. "Oo naman, mabuti 'yong sumali ka diyan ng magamit mo rin yang talino mo." Nice "Okay lang pala sa'yo, ma?" "Oo naman. May tiwala naman ako sa'yo na kaya mo yan, at mapapanalunan mo yan anak. Tiwala sa sarili, at manalangin." Napa-ngiti ako at niyakap ko si mama. "Salamat, ma, your the best. Hehehe." "Oh, sya-sya, maupo kana't ipaghanda na kita ng merienda mo." "Ang ganda talaga ni mama. Hehehe." "Matagal ko ng alam na magand ako, Ruth." Asumera rin 'tong nanay ko e. Psst... "Nagmana ka talaga sa'kin, ma. Maganda na at mapag-mahal pa." "Gutom lang yan, oh! Kain." At saka niya nilapag sa mesa ang niluto niyang maja blanca. Yummy....Busog na naman mga alaga ko sa tiyan. Hehehe... "Thank you ulit, mama Thotssie. I love you." "Galingan mo sa quiz bee, anak." Naka-ngiting sambit nito. "I will, ma." At saka nagpatuloy sa pagkain. Gabi na at naisipan ko ng magpahinga sa aking kwarto. Agad naman ako nahiga at kinuha ko 'yong 3310 kong cellphone. 'Yan lang ang nilalabas ko s school. May Iphone 6plus naman ako, ayaw ko lang gamitin, mahirap na baka manakaw, bili pa naman sa'kin yan ni Papa. Pinag-kaingatan ko talaga, mahal e. Hehehe. Tiningnan ko ang aking cellphone. Isang text mula sa di kilalang tao. "Hmmp... Sino kaya 'to?" Takang tanong sa sarili. From: +639151434422 Hello, Ruth. Good evening. Napaisip tuloy ako kung bakit kilala niya ako. Tsk! Tsk! Baka scam 'to tapos hihingi nang picture, tapos eedit na nakahubad ako, tapos ipopost sa f*******:, tapos kakalat ang picture ko, tapos pagkaguluhan sa social media, tapos.... Tapos.... Tapos.... "Waaaaah!!!! Sisikat ako. Waaaahh...." "Ruth?! Anak! Okay ka lang ba? Anong nangyari? Ha?" Nagulat naman ako dahil sa biglang pagpasok ni mama sa aking kwarto. "Ruth? Are you okay? Sagutin mo si mama." "Hah? Ah.. Eh.. Hehehehe. Okay lang ako, ma, hehehe. Nag sasanay kasi ako kung paano magulat kapag nanalo ako sa quiz bee. Hehehehe." "Dios ko! Bata ka, akala ko kung napano kana. Matulog kana." "Okay, ma. Good night." Sinundan ko nalang ng tingin si mama habang papalabas ito ng aking kwarto. "Wheew!" Napa-sipol pa tuloy ako. Tss... Bakit ba kasi kung anu-ano ang iniisip ko. Hays. Binasa ko ulit ang text na 'yon. "Hello, Ruth. Good evening." Napaisip ako, 3310 lang pala gamit ko. Malabong hihingi ng picture ko. Hehehehe. Chos lang! Sino naman kaya 'to? Replayan ko kaya tutal unli naman ako e. Hehehehe.... Text conversation -Ruth- Sino ka? Bakit mo ako kilala? +639151434422 Hey! It's me, Dart. I get your number from Kiray, your friends, right? Oh me ghed!!! For real? Si Dart babe? Wait! Baka niluluko lang ako nito. Andon na ang kilig e. Bibitinin ko muna. E co-confirm ko. -Ruth- Weeh? Di nga? Baka ginagamit mo lang ang pangalan niya. Naku! Don't me. +639151434422 Yes! Ako nga 'to, hiningi ko ang number mo kay, Kiray. -Ruth- Hindi ako naniniwala. +639151434422 Hays... Gusto mo patunayan ko sa'yo na ako 'to? -Ruth- H'wag na! Di parin ako naniniwala. +639151434422 Hahahaha. Hinalikan kita sa labas ng banyo, pinakain mo sa'kin ang tuna sandwich na buo, at pasimple mo akong tinitingnan nong tulog ako. So? Di kapa rin maniniwala? Paano niyang nalaman na tinitigan ko siya habang tulog siya? May third eye ba siya? +639151434422 Hey! Still there? Ano? Naniniwala kana? -Ruth- Ah.. Hehehe. Oo... +639151434422 Akala ko pa naman pagdududahan mo pa ako e. -Ruth- Slyt... Hehehe... Bakit ka pala nappatext? Save ko number mo hah? +639151434422 Yah, sure... Wala naman, naisip ko lang. -Ruth- 'yon lang yun? Di nga? Okay, save ko na. -Dart babe- Oo, bakit? Ayaw mo? -Ruth- Ah hindi naman sa ganun, nakaka-panibago lang kasi. Hehehe. Baka kasi mag-amok 'yong gf mo, kapag may katext kang iba. Alam mo naman. -Dart babe- No, no, ayos lang... Hindi naman 'yon magagalit. Classmate naman kita e. -Ruth- Ahh oo nga pala ano? Classmate tayo. Hehehe... -Dart babe- May sinabi pala sa'kin si Sir Reyes. Ikaw ang sub ni Sta. Ana sa quiz bee next week? -Ruth- Oo, hehehe. Kanina lang ko sinabihan ni Sir. Kinakabahan nga ako e. -Dart babe- Bakit ka naman kabahan? Relax, ako makakasama mo, mawawala yang kaba mo. Hehehe. Gusto ko ng kiligin ng binggang-bingga!.. Hangiiiin!!!! Bakit ba kasi, Dart babe?... -Ruth- First time ko kasi sumali sa ganyan. Kaya medyo kabado ako, at nakaka-tense. -Dart babe- Relax, nandito ako, dalawa tayo ang lalaban sa quiz bee, galingan mo, gagalingan ko rin, galingan nating dalawa ng mapa sa atin ang champion. -Ruth- Salamat, Dart. Sana nga panalo, bukas ng umaga tutuloy ako sa faculty room. -Dart babe- Ganun ba? Sige, sasamahan kita. Okay lang ba? Buntisin na ako ng kilig.... Naiihi na rin ako. Hahahahaha! Dart... Dart... Dart.... Bakit ba ang sweet mo sa'kin??? -Ruth- Kung okay lang sa'yo, okay rin sa'kin. Hehehe... Salamat. -Dart babe- Anytime, Ruth. So, paano? Kita nalang tayo sa school bukas. -Ruth- Sige, Dart. Hehehehe. Myghad!! Ikaw ba yan, Dart? I can't believe this. -Dart babe- Sige-sige... Good night, cutie. See you tomorrow. ;-) Huwaaaaah!!!! Tinawag niya akong cutie... Lumulevel-up na tayo, Dart... Hahahaha... Pusuan niyo ako, please!!!!! -Ruth- Good night, handsome. -Dart babe- Hahahaha.... Salamat, tatanggapin ko talaga yan. -Ruth- Hehehehe ... Good night, Dart. Sweet dream. Hindi ko na hinintay ang reply niya, nilapag ko nalang ang aking cellphone sa itaas ng side table ng kama ko at saka humiga. Hehehehe... Kinumpleto mo pa lalo ang gabi ko, Dart. Haays... Sana... Sana.... Boyfriend na lang kita, pero malabo ata. Tsk! Di bali, masaya na ako na nagtext siya sa'kin. Hindi pa naman huli ang lahat sa amin. Hehehehe. Maghihiwalay parin sila ng girlfriend niya. Ang sama ko na tuloy. "Makatulog na nga, bukas magkikita naman kami ni Dart babe. Good night world!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD