Chapter 7

1566 Words
DART UMAGA at kailangan ko ng bumangon. Bago pa ako tumungo sa banyo, ay tiningnan ko muna ang aking phone. Three text messeges.. First text from Darvin -Darvin- Yoow! Good morning pogi, see later sa school. Mwah! Second text from Aki -Honey <3- Good morning hon, I miss you so much. Take care. See you soon. Third text from Ruth -Ruth- I just woke up, and you're already on my mind. Good morning, world. Have a bless morning. Ingat. Hehehehe. Sa tatlong nagtext may kinatuwa ko ang huli. Although napa-ngiti ako sa text ni Aki, pero mas naging maganda ang umaga ko dahil sa text ni Ruth. -Dart- Good morning, Ruth. See you later. At saka ko nilapag ang phone ko sa study table at tumungo na sa banyo. Makalipas ang bente minutos ay lumabas na ako ng banyo, tumungo sa closet ko at kinuha ang unipormi. *Tok! Tok! Tok!* "Dart, hijo, gising kana ba?" Boses ni Mama na nasa labas ng kwarto ko. Mabilis akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Patakbo akong tumungo sa pinto at binuksan ko 'yon. "Good morning, mah." Bati konat saka hinalikan sa pisngi. "Himala ang aga mo ngayon. May gagawin kaba sa school niyo?" Si mama na nagtatanong. "Meron mah, mag rereview para sa quiz bee na darating next week." Paliwanag ko. "Oo nga pala, good luck at galingan mo." Ngiting tugon ni mama. "Oo naman, mah, may problema nga lang. Yong kasama ko sa quiz bee na si Sta. Ana ay nasa hospital ngayon, may sakit at di na ata makaka-laro sa quiz bee next week." "Oh? So, paano yan? Ikaw nalang mag-isa kung ganun?" "Sana, pero nabalitaan ko kay couch, may kasama na ako. Hehehehe." "Sino?" "Si Ruth, mah. Kaklase ko siya at sa sasabihin ko sa'yo, kahit medyo loka-loka 'yon sobrang talino, nakaka-amaze, dahil tinatawanan niya lang bawatga sagot niya sa mga guro namin." "Hahahaha! Mga ganyang babae masayang kasama at kausap. Kung sa kalokohan ay nonsense silang kausap, pero pagdating sa seryosong usapan at pagsubok, diyan lumalabas pagiging henyo nila." Napa-titig ako kay mama habang naka-ngiti ito sa akin. "Bakit di mo siya imbetahin dito sa bahay mamaya sa dinner? What do you think, hijo? Gusto kong makilala ang, Ruth na yan, she's interesting, hijo." Napa-awang ako sa sinabi ni mama. "Are you serious, mah? I mean, bakit ang bilis naman? Kung si Aki nga matagal pa bago naka-tongtong ditp sa bahay, pero si Ruth agad-agad." Kumunot ang noo ni Mama. Huminga siya ng malalim. Parang nagtampo ata. Tsk! "Sige h'wag nalang." Malumanay nitong salita. Ayan Dart! Nagtampo na si Mama. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito. "Okay, okay, iimbitahin ko siya later, don't be sad na po. I love you." At saka ko siya hinalikan sa noo. "Tss... Kung napipilitan ka, 'wag nalang." "Hahahaha! Mah, it's okay, i'm sorry, then." "Talaga?" Biglang kuminang ang mga mata nito. "Yes, mah. Di kita matiis e." "Akala ko naman...." "Para sa'yo, mah. Kakausapin ko si Ruth mamaya." "Sige-sige, magluluto ako ng masarap. Hehehehe." Sabi na nga ba. Kapag may gusto syang tao pinag-uukulan niya talaga ng oras. Sa aaminin ko, ayaw ni mama kay Aki. Bakit? Dahil raw sa maarte at sosyalira. Turn off kasi yun kay mama, ayaw na ayaw niya sa babae ang ganun. Sinubukan ko naman kausapin si Aki, pero parang wala langbsa kanya. Haaays. Hindi ko alam anf gagawin. Mahal ko naman si Aki. Ang tanong. Mahal niya rin ba ako? Kaya niya ako sinagot dahil ba sa gusto ng mga pinsan at kaibigan niya? Hindi ko na inisip 'yon at tumungo kami ni Mama sa gapag para sa umagahan. Makalipas ng kense minutos ay napag-dicisyonan ko ng umalis. 6:35 na ng umaga. "Take care, hijo, 'wag mong kalimutan ang sinabi ko. I love you, son." "Yes, mah. I love you too." At saka ako sumakay sa aking motor. Dahil mabilis ang patakbo ng aking motor, sampung minuto lang ay nasa skwelahan na ako. Parking lot Rinig ko na ang bulungan ng mga babae. Tss... "Hi, Dart." "OMG!! Ang gwapo niya talaga." "Haays... Di nakakasawang titigan." "I love you, Dart. Be mine." 'Di ko sila pinansin at dumiritcho akong nglakad. Maya-maya, narinig kong may tumawag sa'kin sa likuran. "Dart!" Lumingon naman ako. Si Darvin. "Dre, good morning." Bungad sa'kin ni Darvin. "Oh? Himala ang aga mo rin." Tanong ko. "Hahahaha. Oo naman, bakit? Bawal bang pumasok ng maaga? Nagbabago ang tao." Paliwanag niya. "Oo na, okay." Maiksi kong tugon. Sabay kaming naglakad ni Darvin, bago paman namin matungo ang aming classroom ay napadaan kami sa faculty room. Naalala ko tuloy si Ruth, at 'yong sinabi ni mama. Mapa-hinto ako sa harap ng faculty. "Oh? Bakit?" Ani Darvin. "Mauna kana, dre, maghihintayin lang ako." Paliwanag ko. "Sino?" "Si Ruth, dre." "Si Ruth? 'Yung kaklase natin na may kaibigang loka-loka na si Kiray?" "Loka-loka, pero mga matatalino." "Hahahahaha. Alam ko yon. Sige-sige, mauna na ako sa'yo. See you later, dre." Tumango lang ko at saka niya ako iniwan. Tinungo ko ang bench na asa harapan ng faculty room. Dito ko hihintayin. Habang hinihintay ko siya hindi mawala sa isip ko 'yong text niya. Binasa ko yon ulit at napapailing nalang ako. Kakausapin ko na rin sya tungkol sa dinner na sinabi ni mama. Napa-tingin ako sa kawalan, naipikit ko pa ang aking mga mata at nilalanghap ang simoy ng hangin. "Good morning, Tall, Dart, and handsome. Hehehehe." Napa-dilat nalang ako ng aking mga mata at tumambad sa'kin ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Ruth. Nagkatitigan kami ng mga oras na 'yon. Maya-maya lang ay nagsalita siya ulit. "Hi. Hehehehe." At saka lumayo siya sa'kin. "Andiyan kana pala." "Nandito na nga ako. Hehehehe." "Hahahaha. Sabi ko nga nandito kana." "Oo nandito na ako. Hahahaha." "Pilosopo ka talaga, Ruth." Napa-ngiti ako. "Eh..." Halatang kinikilig. "Let's go?" Aya ko sa kanya. "Hah?" Nagulat pa ata. "I said, let's go." Pag-uulit ko pa. "Saan?" Nakalimutan niya ba? "Hahahaha. Ganyan kaba kapag nakaharap mo ang isang gwapong tulad ko? Nagkaka-amesia ka kasi." Napa-ngiti ako dahil sa reaksyon ng mukha niya. Namumula ang mukha at nahihiya itong tumingin sa'kin. "Hey!! Are you okay?" Tinapik ko pa siya sa balikat. "Hah? Ah... Oo, okay lang ako." Umiwas pa siya ng tingin ko. "So, let's go to the faculty room? Nakalimutan mo ata ah! May usapan tayo kagabi." "Ah? Oo nga pala. Sorry, Dart." "It's okay." "Tara na?" Aya niya. "Hahahaha. Kanina pa kita niyayaya, Ruth." "Eh... Sorry." Napa-ngiti ulit ako. Faculty room "Good morning student." Bati sa amin ni Teacher Reyes. "Good morning, teacher." Sabay kami ni Ruth. "Ms Sto. Domingo, next week na 'yong quiz bee, galingan mo, galingan nyong dalawa. School natin ang dala nyong pangalan." Wika ni Teacher. "Yes, Sir." Sagot namin. "Ahh... Ser? Ano po ang micanics ng laro?" Pgtatanong ni Ruth. "Good question, Sto. Domingo. First round ay esay, ang tanong ay magsisimula sa history. Ibig sabihin, madali lang ang mga tanong sa esay, pero h'wg kayong manigurado, pag-aralan niyo pa rin ang mga history tungkol sa bansa natin, o sa buong mundo. Hindi naman nilahat. Yong mga nai-lecture natin ay doon sila kukuha. Kuha niyo ba?" Tiningnan ko si Ruth, at parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Teacher. "Ah... Okay po. Hehehe." "Isa-isa kayong isasalang sa quiz bee na yan, kaya galingan niyo." Tumango kami. "E yong round two ng quiz , ser?' Tanong ulit ni Ruth. "Ganun parin, Sto. Domingo, pero medyo mahirap ang mg tanong, lalo na't ibang subject na naman ang itatanong." "Anong subject, ser?" Si Ruth. Ayaw ko munang maki-singit, mas gugustuhin ko kasi na makinig nalang muna kesa sa magsalita. "Geometry, at ang nasa last round ay ang subject na Chemistry. Mag-ingat kayo sa baway sagot na itatanong sa inyo, icalcula niyo muna sa inyo utak ang inyong mga sagot, h'wag pa dalos dalos. Kapag naipasa niyo ang tatlong round na iyan, sigurado pasok na agad kayo sa final. Sana hanggang sa huli ay napanalunan niyo ang quiz bee na yan." Napa-buntong hininga si Teacher at ngumiti sa amin. Nagkatinginan rin kami ni Ruth, at ang reaksyon ng mukha niya ay hindi nagbabago. Naka-ngiti parin. Matapos ang ilang impormasyong sinabi ni Teacher Reyes ay agad kaming lumabas. Naunang naglakad sa akin si Ruth ng bigla ko syang tinawag. "Ruth?!" Huminto ito at lumingon sa'kin. "Free ka ba mamaya?" Nagulat siya sa aking tanong. "Hah? B-bakit, Dart?" Nauutal nitong sabi. "Hahahaha. Relax. My mom, she's inviting you forba dinner. She wanted to met you, at hindi ko siya matanggihan, magtatampo siya sa'kin." "Ako? Bakit? Anong meron?" "Ikinwento kita sa kanya dahil ikaw ang makakasama ko sa quiz bee, kaya siya nagka-interes sa'yo." Paliwanag ko pa. "Akala ko pa naman, gusto niya na akong maging daughter in law." Napa-ngiti ako sa sinabi niya. "Kahit kelan, pilosopo ka talaga." Napapailing kong sabi. "Asumera lang. Hehehe." "So, paano? Susunduin nalang kita sa inyo? If you don't mind, ihahatid na rin kita mamaya ng alam ko agad ang bahay niyo." "Sige, ayos lang naman sa'kin, pabor 'yong makasama kita sa motor mo. " "Okay, cutie." Hindi na siya nagsalita at magkasabay na kaming naglakad ng hallway patungo sa aming classroom. Nice! Pinag-titinginan kami ng mga estudyante nagbubulong-bulungan sa tabi. "Dart?" Tawag sa'kin ni Ruth. "Bakit?" "Maraming salamat. Hehehe. Hayaan mo babawi ako next time." Aniya at nahihiya ang sabi. "Ayos lang maganda ka naman e." Ngumiti ako at saka ko siya kinindata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD