Chapter 8

2216 Words
MAJA-RUTH INHALE, EXHALE. 'Yan ang palagi kong ginagawa sa ngayon, kinakabahan kasi ako. Bakit ba!? Dahil susunduin ako ni Dart? O, dahil sa ma meet ko ang pamilya niya? "Kasi naman eh!!" Usal ko sabay lakad pabalik sa loob ng aking kwarto. Bihis na bihis ako. Naka white dress off shoulder pa ako with white doll shoes, at naka tali ang mahaba kong buhok. Naka ilang balik na rin ako sa harapan ng malaking salamin. "Maganda kana." Napa lingon ako ng biglang pumasok si Mama. Hindi ko man lang siya naramdamang pumasok. Lumapit si mama sa'kin at tumungo sa aking likuran sabay hawak sa magkabila kong balikat. Sa salamin na kami nagkatinginan. "Dalaga na ang baby ko. Maya-maya mag kaka-boyfriend na rin." Ngiting usal ni mama. "Mama naman, wala pa sa plano ko ang magka boyfriend no, saka mommy naman ni Dart 'yong nag invite sa'kin ng dinner." Sagot ko naman kay mama. "Sos! Aminin mo kinikilig kana. Hahahaha!" Magaling ka talagang mang asar ma. Kinikilig? Oo, pero may kunting kaba. Ewan ko ba. "Diba crush na crush mo yang Dart na yan? Kahit di mo sabihin sa'kin alam ko, Ruth." "Marami kasing reporter ma, kaya alam na alam mo." "Hahahaha. Halika na nga, sa sala mo na hintayin ng sundo mong gwapo. Ayeeeeih!" "Mama talaga oh!" Infairness, kinikilig naman ako sa panunukso ni mama sa'kin. "Super thank you mama Thots. You'rE the best mama in the wholw universe." Niyakap ako ni mama at saka kami lumabas ng kwarto. Hindi naman tumagal ang paghihintay ko. Ilang minuto lang ay may bumisina sa labas ng bahay. Tumungo ako sa labas ng pinto at tama nga ako si Dart ang dumating. Akala ko motor ang dala nyang pagsundo sa'kin. Isang black sport car lang naman pala 'yon. Sinalubong ko siya na naka-ngiti. "Hi." Bati sa'kin. "Hello. Tara sa loob." Anyaya ko at sumunod naman siya sa akin. "Ma.... Nandito na po ang sundo ko." Sinalubong rin ni mama si Dart at humalik ito sa pisngi. Ma, bomibingga kana kay Dart babe ko ah! Isipin ko nalang na ikaw ang may crush sa kanya. Chos lang! Hehehe. "Good evening tita, susunduin ko lang po ang anak niyo." Si Dart. Ang gwapu-gwapo mo talaga, Dart babe. "Ingatan mo yang anak ko, hijo. Bago mag alas-onse ng gabi dapat nandito na siya sa bahay." Paghahabilin ni mama. Napa-nguso nalang ako. Cinderella lang ang drama? Bakit di niya nalang gawin alas dose para ramdam ko naman 'yung moment na kunwari tatakbo ako palabas ng bahay nila at hahabulin ako dahil sa naiwan ko ang aking white doll shoes. Hehehehe. Feeling lang! Ito naman. "Opo tita, masusunod po, it's just only a dinner with my family. Maraming salamat po sa pagpayag." Ani Dart. Ang bait, at magalang rin pala. "Oh siya, umalis na kayo at baka kagahin kayo sa daan. Mag iingat kayo okay?" Salita pa ni mama at yumakap ito sa'kin. "O.a mo talaga ma, kakain lang naman kami." "Hahahaha. Ikaw bata ka. Mahal ka lang ni mama." Ngiti niya at hinalikan ako sa pisngi. Sa loob ng kotse tahimik na nagmamaneho si Dart. Nakakabingi ng tahimik na 'yon. Maya-maya lang ay nagsalita ako. "Akala ko ba motor ang gagamitin mong pang sundo sa'kin. Hindi mo naman sinabi na kotse pala." "Pwde ba 'yon? Sa gandang mong yan iaangkas kita sa motor?" "E..." Nahihiya tuloy ako. "Ang ganda mo nga ngayon e, bagay sa'yo ang simpleng kasuutan mo." Keshe nemen e.... Kenekeleg eke. Sarap mong hampasin ng purse na hawak ko. Chooos! "Salamat, Dart." Ngumiti siya sa'kin, at kitang kita ang mapuputi nitong ngipin na pantay. "Ganyan kaba?" Usal niya. "Ha?" "I mean, ganyan ka, ang yaman mo pala, hindi mo sinabi na ganun ang estado mo sa buhay." "E... Kasi, di ako showy. Hehehehe. Ayaw kong pag usapan ako, at ayaw ko rin ipaalam dahil hindi naman 'yung mahalaga. Hehehehe. Sapat na akin may mga kaibigan akong di ako nilalayuan dahil sa mas may kaya ako sa kanila. Hehehe." "Humble. Your unbelievable, Ruth. Mayaman na, mabait, at matalino." Tumatalon ang puso ko sa sobrang tuwa at kilig. Dart naman.... Bakit ba??? "Ruth?" Tawag niya at tumingin sa akin. "Dart?" "Thank you." At saka ngumiti. "Ayos lang. Hehehehe." Biglang katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. "We're here." Napatingin ako sa isang bahay na malaki. Pero kung ekukumpara sa bahay namin, medyo malaki 'yong bahay namin. Hehehehe. Lumabas ito at agad naman siya lumipat sa pinto kung saan pagbubuksan niya ako. Gosh!!!.... Ibang klaseng treatment 'to. Act like a boyfie. Hehehe. Inalalayan niya ako sa paglakad, naramdaman ko nalang na humapit ang kamay nito sa aking baywang. Para akong kinuryente. Napatitig ako sa kanya at ngumiti ito sa akin. "Gwapo mo talaga. Titig palang nakakabuntis kana. Hahahaha." "Really? So, kung titigan pala kita palagi, malamang marami na tayong anak. Hahahaha." Laglag panga ako sa mga sinabi niya. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya dahil sa sobrang hiya ko. "Hey! kidding. Hahahaha. Ang cute mo." Peste ka Dart babe.... Sumusobra na yang pakilig mo. Naiihi na ako sa aking undies... Tumahimik nalang ako at di na ulit nagsilita baka mamaya kung ano pa ang mga pambanat na sasabihin nito at di ko na mapigilan ang sarili kong yakapin at halikan ka. Engot ko tuloy. Sa labas ng pinto ay may naghihintay na isang babaeng maganda at naka ngiti ito sa amin. Mama niya siguro.... Ang ganda niya. "Finally! Dumating na rin ang bisita ko. Hello, Ruth, nice to meet you, hija... Ang ganda mo pala." At saka niya ako hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Feeling close lang? Chos. "Hehehehe. Good evening po, ma'am. Nice to meet you rin po." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at inalalayan pumasok sa loob ng bahay nila. "Ehem!" Napalingon kami ng biglang umigham si Dart. Kalimutan siya. "Dart... Sorry son, na excite lang ako. Hehehehe. Thank you for inviting her. Halika nga dito. Ang gwapo gwapo mo ngayo." Makulit rin pala 'tong mommy ni Dart. Imbes na sumabay ay nauna ito sa amin at upumo sa mahabang sofa. Napansin kong kumunot ang noo nito ng tumingin sa kanyang cellphone. Why? Dart babe? Agad naman ito tumayo dahil may tumawag sa kanya. Sinundan ko nalang siya ng aking tingin hanggang lumabas ito. Saan ka naman pupunta? "Hayaan mo siya, girlfriend niya yung tumawag. Nag aaway na naman sila. Haays..." Napabuntong hininga nalang ang mommy ni Dart. Bakit nanan dila nag-aaway? Sa anong rason? Hindi ko nalang pinansin at tumungo na kami sa hapag. Bumungad sa akin ang napaka raming pagkain. Sira ang diet mga teh. Nakakagutom. "Pinag handaan mo talaga 'to ma'am. Hehehehe. Sobrang dami naman po." "Your my special visitor, hija and don't call me ma'am. Tita, tita Mars." "Sige po tita Mars. Hehehe." Maya-maya lang ay may isang lalaking pababa ng hagdan at naka ngiti ito sa amin. Kamukha ni Dart. Magkasing gwapo. Meet the family, Aguilos. "Good evening po." Bati ko. "Good evening, hija. It's nice to see you here. Where's Florence Dominic?" Sasagot pa sana ako ng biglang sumabat si Dart babe. "I'm here, Dad." Nakapamulsa itong lumapit sa amin. "Where have you been? We have a visitor, kung saan-saan ka pumupunta." "Sorry, dad. May kinausap lang." "Who? Aki? Tsk! Tsk!" What's wrong about, Aki? Ayaw ba nila para kay Dart babe? Mmm... Siguro gusto nila ako para sa anak nila. Hehehehe. Nag aassume na naman ako. Tumungo kaming apat sa hapag at nagsimula ng kumain. Nakkailang sa kanila. Katabi ko si Dart babe, at magkatabi naman ang mommy at daddy nito. Maya-maya pa ay nagsimula ng magsalita si Tita Mars. "How's school, hija?" Bungad ni tita Mars. "Maayos naman po. Hehehe." "Magka-klase pala kayo ni Dart?" "Ahh opo tita. Hehehe." "Ano nga ulit ang pangalan mo?" "Maja Ruth....sound wierd, right tita? Hahahaha. Maja Ruth Sto. Domingo." Nagulat naman ata sila sa pangalan ko. Tss... Wierd nga kasi. "Ahh... Ruth? Can I ask you?" Daddy ni Dart babe. "Sure tito. Ano po yun?" Nakangiti kong sabi. "Who's your fathers name?" E.... Bakit niya naman itatanong pangalan ni Daddy? "Ruth? Hija? Are you okay?" Tawag sa akin ni Tita Mars. "Sorry po. Ano kasi." Paano ko ba sasabihin ang pangalan ni Dad sa kanila. "Are you afraid?" Si Dart. Tumingin ako sa kanya at umiling. Hindi ko takot. Hindi ko lang kasi alam kung paano e approuch ang pangalan ni dad, baka kasi mabigla ko sila. "And who's your fathers name? If you don't mind?" Daddy ulit ni Dart babe. "E... Si ano po. Chairman Harry Lopez po." Agad ako napayuko ng sinambit ko ang pangalan ni Dad sa kanila. Walang may nagsalita. Bakit naman kaya? "Si Harry Lopez?" Pag uulit ni tita Mars. "Paanong nangyari? Sto. Domingo ang gamit mo." Si Dart. "Ahh hehehe... Wala lang po. Gusto ko lang, ayaw ko kasing malaman ng lahat. Hehehehw." "Wierd!! Kung mapapansin mo sa school natin, halos lahat ipag sigawan na anak sila ng malalaking tao dito sa pilipinas, pero ikaw? Ayaw mo?" Si Dart babe. "E... Wala lang talaga. Hehehe. H'wag mo nalang pansinin. Hehehe." At saka ipinag-patuloy ko nalang ang pagkain ko. "Okay, okay alam ko na kung bakit. Hanga ako sa'yo hija." Ani tito at ngumiti sa akin. "By the way, maiba tayo. Ikaw ang makakasama ni Dart sa quiz bee? Right?" "Yes po. Si Teacher Reyes ang pumili sa'kin. Actually, hindi ako ang ka partner ni Dart, dahil nagkAroon ng emergency yung makakasama sana ni Dart, kay ako 'yong kasama niya." Paliwanag ko. "Well, great. Good luck sa inyo at sana iuwi niyo na panalo kayo, ang pangalan ng school na dala niyo." Si tito at ngumiti. "Yes dad, we will." Sagot ni Dart babe. Matapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kami ng mommy at daddy nito. Sa likod ng bahay nila, Dart ay doon ko naisipan tumambay muna. "Ruth?" Tawag sa'kin ni Dart. "Oh? Ikaw pala." Wika ko at ngumiti. "Ang sarap kausap ng parents mo, nakakatwang si mommy mo pa talaga ang nag invite sa akin. Hehehehe. Pero salamat rin sa'yo." "Ayos lang, saka pasensya kana rin kung matanong sila." "Okay lang yun, karapatan nilang magtanong." "Bakit ba? I mean, bakit hindi Lopez?" "Lopez naman talaga ang dala ko. Sto. Dominggo si Mama, yan lang ang nilalagay ko. Hehehehe. Sinabi ko na sa'yo diba? Ayaw ko ng exposure sa public." "Paano yung quiz bee? Baka doon kapa makilala ng lahat." "Hindi naman, kakausapin ko si Teacher Reyes." "Ganun?" "Oo naman. Hehehehe." Katahimikan. Naupo ako sa isang sementong upuan kung saan upumu rin si Dart babe. Kanina ko pa siya napapansin na wala siya sa hulog. "Dart? Ayos ka lang? Kanina ko pa kasi napapansin na wala ka sa hulog, may problema ba?" Huminga siya ng malalim at saka dahan dahan niya itong ibinuga. "Break na kami. Nakakatwang sa dahilang walang kwenta." Ngumiti ito ng mapait. "Sabi ko na nga ba, napipilitan lang siya sa akin. Hahahaha." Hiwalay na sila ni Aki? Bakit nakaramdam ako ng lungkot? Diba dapat masaya ako, dahil nagkatotoo ang hiling ko? Pero bakit di ako masaya? "I'm sorry." Tanging sambit ko at yumuko. "Ayos lang. Hehehehe. Sumubra ata gwapo ko, kaya di na nagustuhan. Hahahaha. Ikaw, Ruth?" "H-hah? Anong ako?" "Ikaw? Tanungin kita, magugustuhan mo ba ako?" Gusto kong matuwa sa tanong niya. Pero parang naawa naman ako. "Mamahalin mo rin ako, Ruth? Hindi mo ba ako iiwan o ipagpalit?" Gusto kong sabihin sa'yo na, oo, magugustuhan kita, oo, mamahalin kita, at hindi, hindi kita iiwan. Dahil ikaw si Dart, si Dart babe ko. "Ruth?" Bumalik ako sa reyalidad ng bigla nya akong tawagin. "D-dart?" Seryoso syang naka titig sa akin. Bakas sa mukha nya ang lungkot. "Iiwan mo rin ba ako?" Pagtatanong nya ulit. "H-hindi... Bakit naman kita iiwan?" Kinakabahan naman ako e. "Dahil, baka makahanap kapa ng mas mahigit sa akin." "Hindi pwde yun, Dart. Ikaw lang ay sapat na. Masaya na ako na nag-iisa ka lang sa buhay ko. Ganun 'yon." Nagulat nalang ako dahil sa bigla nya akong niyakap. "Please h'wag mo akong iwan, h'wag mo akong iwan kagaya ni Aki, Ruth." Nakaramdam ako ng awa at the same time kinikilig rin ako kahit papaano. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya at hinaplos ang likod nito. "Hindi bagay sa lalaki ang umiiyak. Tahan kana, wala kang mapapala kung iiyak ka." Agad naman siya kumawala at ngumiti. "Maraming salamat." "Wala 'yon." Matapos ang kalahating oras na usapan ay napa disisyunan ko na ring umuwi. Nagpaalam na rin ako kin tito at tita. Pagdating sa harap ng bahay ay hindi muna ako lumabas. "Maraming salamat ulit." Salita ni Dart at ngumiti. "Thank you rin. Hehehehe." Aktong lalabas na ako ng kotse ng bigla nya ako pinigilan. Laking gulat ko nalang na dumampi ang labi nito malapit sa aking labi. Parang kinuryente ang buo kong katawan dahil don. Natulala ako sa ginawang paghalik ni Dart. Pakiramdam ko 'yon ang unang halik na natanggap ko sa kanya. E, 'yon naman diba, maliban lang sa pilit yung halik na ginawa niya sa'kin noon. "Good night, Ruth. See you tomorrow." Nakangiting sabi pa nito ng tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bahay. Hindi ko mn lang namalayan 'yon? Nakapasok na pala ako? Grabe ang epekto mo, Dart. Nakatulog ako nong gabing 'yon na may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD