CHAPTER 2

2702 Words
"HINDI mo ako maiintindihan, Lily. Pero sana dumating ang panahon na matatanggap din ninyo ang desisyon ko." Bakas ang kaseryosohan sa binitiwang salita ni Ara. Napangiwi siya, hindi parin makapaniwala. "Ito, inumin mo." "A-ano iyan? Lason?!" "Hindi, tubig lang 'yan." Binuksan ni Ara ang bote at tumungga. "O, safe, sayo na." Ngali-ngaling tinanggap ni Lily ang inumin pero sa huli ay dinala rin sa bibig. "Saan tayo papunta? Anong lugar 'to? Sabihin mo sa k-kanyang ibalik tayo sa Earth!" turo niya sa nilalang. "Hindi ganoon kadali 'yon, Lily. Hindi ko ma-explain, pero parang naka-program na ang sasakyang ito pauwi sa planeta nila." Nanghihina parin ang mga tuhod niya sa pagkalito. Pati ang spaceship ay nakakamangha. Ang kinalalagyan nila ay pabilog. May control system sa gitna at dalawang malaking swivel chair sa harap niyon. "At ito rin, para sa 'yo," pagkuway sabi nito. Inabot sa kanya ang isang green na bato na kasinglaki ng piso. "Ano naman 'yan?" "Special to. Marami kang p'wedeng magawa, kapag nasa labas ka ng Earth, kung dala mo 'to." "May powers?" taas ang kilay na tanong ni Lily. "Ahh. . . parang ganoon na nga." "Kaya kong mag-teleport nito? O, maging hero kagaya ni superwoman?" "Hindi," kakamut-kamot sa ulo na sagot ni Ara. "'Pag nasa iyo 'yan, kaya mo nang makipag-usap sa kanila. Maiintindihan mo sila, at sila din sa 'yo. Kaya mo na ring huminga kahit walang dalang mask or 'yong gadgets. Hindi ko actually alam kung ano'ng tawag doon. Basta basically, kaya mong tumira sa labas ng Earth kapag nasa iyo 'yan. See? Mayro'n din ako." Ara showed the very same stone over her chest. It was made ito a fine necklace with silver chain. "Ay! ayoko. Baka 'pag nagtagal maging kamukha ko sila 'pag dala-dala ko 'yan." "Hindi, Lily, trust me. Ginawa iyan para sa tao lang." "Bakit ngayon wala naman akong ganyan, okay lang naman ako?" "Kasi naka-program sa spaceship na 'to na makagalaw at makahinga tayo nang maayos. Kakailanganin mo iyan kaya ingatan mo," saad ng pinsan.           The stone was glimmering. Inside it was a golden light that seemed to be beating. She took it off from Ara's palm and waited for a magical moment, but she got dissapointed. Akala niya ay may bigla siyang mararamdamdamang energy o surge of power paglapat niyon sa balat niya kagaya sa TV, pero wala. 'Hmp! Ordinaryo.' "Maghanda na kayo, malapit na tayong lumapag," narinig niyang sabi ng halimaw. "Uy, tagalog?" Naiintindihan niya na, iyon pala ang ibig sabihin ni Ara. Buo ang boses ng halimaw, in fact, 'Maganda ang boses ng interpreter! Tunog DJ. Kung hindi ka nakatingin, parang ang gwapo ng nagsasalita! Pa'no kaya nila ginawa 'to?' titig niya sa bato. Sa labas ng bintana ay kita ni Lily ang kulay berdeng planeta. 'Ito na siguro ang planeta nila. Magkakulay sa balat nila, e.'           She could not bring herself to stare at the horrendous creature. Mukha namang tao ang tindig pero malaki—like--MALAKI! Tantiya niya ay nasa seven feet ang taas! Dark green na may pagka brown ang balat na mukhang magaspang, pahaba ang mukha at malaki ang bibig. Pahaba din ang tainga at may palikpik sa likod noon. She could just remember her little brother's dragon collection. 'Hu May Gad! Gusto ko ulit mahimatay!' As the spaceship descended to the planet, Lily could see some vast greeneries and portions of land full of buildings. 'High tech. sila?' Well, just like what the articles says, Aliens are insanely more advanced in terms of technology compared to humans, now she realizes how true it is. Earth people should feel ashamed bragging their new inventions, she thought. There were huge and tall buildings everywhere and long fly overs that looked like small intestines. Ang mga busy na sasakyan sa daan ay hindi na nakasayad sa lupa. May ilan ding hugis motorsiklo na lumilipad sa ere na minamaneho ng kamukha din ni Gavin. May naglalakihang billboards na nakadikit sa mga buildings, naka-play doon ang sa palagay niya ay commercials ng mga produkto. Namangha si Lily dahil kitang-kita niya ang malalaking planeta sa kalangitan. Ibang-iba sa Earth. Halos pare-pareho ang hitsura ng mga tagaroon, sa kulay lang nagkaiba. Kumikilos naman ang mga iyon ng normal. Normal, as in, parang mga tao lang din. Ugong ng pagbukas ng pintuan ng spaceship ang pumukaw kay Lily mula sa pagmamasid. "Saan na tayo?" tanong niya kay Ara. "Nasa headquarters tayo ng ama niya, general ang ama niya ng army dito." 'Totyal si jowa!' naisip ni Lily. 'Pero hindi kaya ipapatay kami dito through firing squad?' Nakakapit sa braso ni Ara na sumunod sila sa likod ni Gavin. Matikas ang tindig ng huli, may suot itong metal na armour at shoulder pads at thick black leather suit na hapit sa katawan. Agaw pansin din ang nakalambiting golden scabbard sa gilid ng balakang. "Welcome back, My Lord." The two people who're standing beside the  humungous door bowed as they greeted the newcomer then opened the door. They looked similar to Gavin, just slimmer and smaller. The latter just gave a single nod without uttering a word. Together the three of them passed the entrance that leads to a wide hallway. "Dito na muna kayo, pupuntahan ko lang si ama. If you need anything, just tell Mali," tukoy nito sa kalahi na nandoon din sa kwarto. Kung si Gavin ay kulay green, ang Mali namang ito ay mapula, walang palikpik. Mas maliit din ang katawan at mas makurba, kaya wild guess niya ay babae. "Sige," sagot ni Ara. Tumalikod na ang lalaki at lumabas. "Pare-pareho talaga ang hitsura nila couz, noh? Ganyan ba lahat dito?" "Shhh! Tandaan mo na naiintindihan ka na nila," bulong ni Ara kay Lily. Tumigil naman siya sa kadadada dahil tumagos isip niya ang pananakot nito, baka lamunin siya bigla ni Mali kapag narinig siya. The two women silently seated in a black couch while waiting for Gavin. After almost an hour of waiting, the latter arrived. "Kumusta ang naging usapan ninyo ng ama mo?" tanong ni Ara. Lumapit sa nobyo at hinawakan sa braso. "Gaya ng inaasahan, pero hindi rin magtatagal iyon, hayaan muna natin siya," sagot ni Gavin. "Don't be so worried," anitong hinapit sa baywang ang babae at banayad na ngumiti. 'Owkay. So, mukhang mabait ang Gavin na ito gaya ng sabi ni pinsan.' Nasa ganoon silang tagpo nang biglang bumukas ang pinto. Mula doon ay iniluwa ang isa pang kauri nito. Pareho ang hitsura at laki kay Gavin kaya lang ay mas maangas kumilos at mukhang nanghahamon ng away. May malaki itong peklat sa kanang pisngi na tumuloy hanggang sa gilid ng labi. Agaw pansin din ang nakasukbit nitong mahabang metal pole na may nakakatakot na malaking blade sa dulo. Parang sandata lang ng demonyo. Lumapit ito kay Gavin sa mabibigat na hakbang nang hindi man lang sila binalingan ng tingin. "Are you fuckin' out of your damn mind, Gavin?! Hindi mo na dinala pabalik ang babae mo dito, nagbitbit ka pa ng isa pang laruan!" Napakislot si Lily sa biglang pagsigaw nito. Nakabibingi na halos mayanig ang eardrums niya. Aba! Aba! Kung maka laruan ang butiking 'to! Mas kamukha mo pa nga ang action figure sa bahay, e.' Siyempre hanggang sa isip lang iyon ni Lily dahil nanginginig ang tuhod niya. Kung natakot siya kay Gavin sa una nilang pagkikita, ay mas nanlambot ang mga buto niya sa presensiya ng bagong dating. Sino pala ang demonyo? "Watch you tongue, Juda." Mababa ngunit mahihimigan ang banta sa boses ni Gavin. "You know too well that the noble blood is taking the edge off and it is our duty to salvage our kind. Yet you still choose to stick your ass to these shitty creatures? Ipagpapalit mo ba ang kapakanan ng lahi natin para sa isang walang kuwentang tao? Wala na bang halaga iyon sa iyo?" "Alam mong hindi totoo iyan!" Nasa sulok lang sina Lily at Ara, nakikinig sa palitan ng malalakas na boses ng dalawang lalaki. "Then move your horny c**k and ditch these bitches!" 'Hindi ba p'wedeng chill chill nang kaonti? Kailangan ba talaga magpalakasan ng sigaw?' Umiiling na nagbaba ng tingin si Gavin. "Hindi mo naiintindihan. Hindi mo naiintindihan dahil hindi ka pa nagmahal." 'Pak! Ayon, o! ang sarap sa tainga!' Juda scoffed. She felt quite blessed nang walang lumabas na apoy sa ilong nito. "Baliw ka na talaga, Gavin," saad nito at tumalikod. Diretso ang lukot na mukha ngunit kagyat na tinapunan ng nagbabagang tingin si Lily. 'Yikes! Nakakatakot ang yellow na mata!' Napatago siya sa likod ng pinsan sa pag-aakalang bigla nalang siyang hiwain nito gamit ang dalang karet ni Diyablo. Napakislot si Lily sa pabalandra nitong pagsara ng pinto. Nagbitaw ng buntong-hininga si Gavin, ganoon din si Ara. "Sino ba 'yon?" siko niya sa pinsan. "Juda, my younger brother," si Gavin ang sumagot. "Ipagpaumanhin ninyo ang ipinakita niyang kilos." "Naiintindihan ko si Juda, Gav," sabi ni Ara. Uy, Gav, shortcut.' "Ako din, naiintindihan ko siya." Of course naiintindihan niya! May choice ba siya? Sa hitsura niyon? Pati spinal cord niya nag-give-up sa sindak! But well, actually, they're of the same page, so she really have nothing to say. *** NAKASALAMPAK si Lily sa malambot na kama habang kinakalikot ang batong binigay ni Ara. Nilagyan iyon ng chain para maging kwintas para hindi daw mawala. Si Ara naman ay nag-aayos ng mga bulaklak sa vase; nasa loob sila ng kuwarto nito at ni Gavin. "Couz, ano pa ba ang powers ng kuwintas na 'to?" "Powers, hmmn." Huminto ito sa ginagawa at nag-isip. "Wala naman masyado pero walang ibang nagmamay-ari ng ganyan kundi si Gavin lang. Pinasadya raw n'ya kasi iyan sa isang scientist ng kung anu-ano, para sa akin." "Oh, I see. Tagalog lang ba ang ini-interpret nito sa kanila?" "Formal tagalog and English lang. Kaya 'pag gumamit ka ng slang words, hindi nila maiintindihan 'yon." "Kaya pala napaka-deep and old ng mga tagalog nila. Siyanga pala couz, ano'ng pangalan ng planetang ito?" "Sauros." "May meaning?" "Hindi ko alam, e," anitong tumawa. "Wait, let's google it," sabi niya at kinuha ang cellphone sa bag. "Shocks, no signal?" " tawa ulit ni Ara. Nanlulumong ibinalik niya ang cellphone sa bag. "Pano ako uuwi, Ara? Ihahatid ba ako ni Gavin? Kung ayaw mo na talagang bumalik sa atin, paano naman ako? Wala akong balak maging green at marami pa akong gustong gawin sa buhay." Hindi pa nga siya nakakapagtapos ng college, e. "I'll talk to Gavin about that, sa ngayon, magpahinga ka muna. Lily, s'yanga pala, mas mabilis ang takbo ng oras dito compared sa atin. Baka magtaka ka pagbalik mo na isang taon kana dito, sa atin isang buwan palang. "You mean noong nagbakasyon ka ng one month, all those time, nandito ka?" "Yeah." 'Kaya pala mukhang hindi na nabigla ang mga people doon nang makita sila.' "Pa'no ka pala napunta dito?" Ngumiti ito habang inaalala ang nangyari. "Doon parin, sa likod ng gym. Hinabol kasi ako ng aso kaya nagtago ako doon. Akala ko props para sa play ng kindergarten students ang shuttle kaya pumasok ako. Ayun, naisama ako pauwi dito." Natawa din siya sa epic na kamalasan ng pinsan. Pero malas nga ba? Nang dahil sa buang na asong iyon ay natagpuan ng babae ang always and forever nito. "Wala akong plano magtagal dito nang ganoon, couz. Kung mahahatid ako ng kung sinuman--kahit hindi si Gavin--ngayon ay gugustuhin kong umuwi na agad. "P'wera lang 'yong Juda. Lahaaat, lahat sa lalaking iyon ay nakakatakot. Ang sundang niya, ang mukha, ang tindig, pati utot yata niyon nakakatakot!" "Lily, hindi sa sinisiraan ko si Juda. Actually, hindi ko siya nakausap nang matagal ever since, nakikita ko lang siya sa mansion. Ganun talaga siya, parang laging galit. Kinatatakutan siya ng mga tagarito dahil siya ang pangalawa sa ama niya pagdating sa paghawak ng army. Si Gavin, more on paperworks siya, sa opisina. Kaya siguro mas makabubuting iwasan mo si Juda." "Okay, okay, I get it. Don't worry, wala din akong planong makipaglapit sa ganoong. . . a, Napalingon sila sa pintuan nang pumasok mula doon ni Mali. "My lady, handa na po ang magiging kuwarto ninyo." "Sige. Salamat, Mali. So, couz, lipat na muna ako doon. Ayaw ko namang makaistorbo sa, you know, romance n'yo ni Gavin. She got amused on how Ara's face went maple red by what she said. She witnessed how the couple truthfully love each other, so she's having a second thought about opposing it. It seems that Gavin is harmless and bears a pure heart, has a stable job and to top it all, a son of high ranking noble! Ano kaya kung siya ang nasa posisyon ni Ara? Kakayanin niya kayang tumira doon? Paano kung nabuntis siya? Mukhang butiki?! What if 'Oh, NO! NO! NO!' Malakas niyang ipiipinilig ang ulo para burahin iyon sa isip. "Over my dead high-maintenance, georgeous body!" Bakit ba niya naisip ang ganoong idea? Yes, my lady?" tanong ni Mali na nakatingin sa kanya, nakataas ang mga kilay nito na tila pinagtatakhan ang kilos niya. "Ah--wala." HALOS magkaka-pressure sore na ang lahat ng sides ng kanyang puwet sa tatlong oras na pagkakahiga at upo sa kama. Wala kasi siyang ibang magawa simula nang iwanan siya ng pinsan, hindi naman siya makatulog. "OA naman ang laki ng kuwartong 'to, kasya yata pati bus. Wala namang laman. Wala bang TV man lang or radyo?" "Anong oras na ba ngayon? Uso ba ang relo dito?" Nagpalinga-linga siya pero walang nakita. "Sabi ko na." Kinapa niya ang cellphone sa bag at binuhay. "Eleven-ten AM," basa niya. Umalis ako ng bahay ng alas diyes so after all what happened, mahigit isang oras lang ang lumipas? Mukhang totoo nga ang sinabi ni Ara na mabilis ang galaw ng oras dito." Bumangon si Lily mula sa kama, nagsuklay at inayos ang sarili. Nag-spray din ng paborito niyang Carolina Herrera perfume. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-ayos kahit na magdidilig lang ng orchids sa garden. Maingat niyang inikot ang knob ng pintuan at binuksan. Sinilip muna ang tahimik na labas bago lumabas. Tanging ang matataas lang na kisame at ang mahabang hallway ang nakikita niya. "Sa laki ng mansion na ito, saan na ang mga nakatira?" Her throat felt dry, she wanted to grab some refreshments, thus she's up looking for the kitchen. Mali is nowhere to be found so she invited herself to roam around the entire place. She could not find Mal "Saan na ang kusina? Hindi ba sila kumakain?'' Ilang dipa sa unahan ay may alley na naman papasok sa kanan. Mula doon ay may naririnig siyang boses na nag-uusap kaya baka iyon na ang hinahanap niya. Sa pagliko ni Lily ay napasinghap siya nang makita si Juda kasama ang isang babae. Babae 'yon kasi pula, theory niya. Nasa akto ito ng paglalapit ng mga mukha na parang nagbubulungan. Nabaling ang tingin ng babae sa kanya. Para namang matalas na kutsilyo ang biglang paggalaw ng mga dilaw na mata ng lalaki patungo sa kanya. Baka importante o sikreto ang pinag-uusapan ng mga ito at nagkataon na nadatnan niya. Talk about wrong timing! Napalunok siya kahit wala namang ilulunok, ang hirap pala gawin ang ganoon. "S-sorry po," sabi niya sabay yuko. Tumalikod siya para sana umalis na pero narinig niya ang tunog ng mabigat na sapatos ng lalaki palapit sa likod niya. Napahinto siya sa paghakbang at nanigas ang mga leeg. Pigil ang hininga, ramdam niya ang malakas na presensiya ng lalaki sa likuran, wari ito'y naglalabas ng napakalakas na aura at ang enerhiyang iyon ay kumalat sa paligid nito. Lalo na nang bahagyang dumaplis sa braso niya ang dulo ng pula nitong kapa. Napakislot siya, laking pasasalamat ni Lily na dumaan lang ito. Hindi nagsalita o lumingon man lang. Tila nanlalambot ang mga butong napabuga siya ng hangin nang hindi na ito makita. Whoa!' Parang nag-super sayan lang. "Saan ang punta mo?" tanong ng babaeng kasama ni Juda. Nandoon pa pala ito nakatayo sa likod niya. Nakompirma niyang babae nga ito dahil sa boses. "Uhm. . . sa kusina po sana. Gusto ko lang humingi ng maiinom." "May papasok sa kanan kasunod nito, nandoon ang kusina." Hay, may kusina naman pala.' "Salamat po. Ako nga pala si Lily." "Frida," sagot ng babae, may pagkasopistikada ang pananalita nito. "Maraming salamat, Frida," ngumiti lang ang babae kaya nagpaalam na siya. "Pambihirang Judang iyon! Bakit ba ganoon siya makatingin? Wala naman akong atraso sa kanya. Kailangan ba lagi siyang nananakot? P'wede namang maging magalang kagaya si Gavin," litanya niya nang mapag-isa habang naglalakad papuntang kusina. "Kung nasa earth ka at nanligaw ka sakin, nakoow! Hinding-hindi kita papansinin!" Napaigtad na naman siya nang sa pagpasok ng kusina ay nakita ulit ang subject ng kanyang pagkainis. Kagat labing lumayo si Lily sa bungad ng pintuan nang dumaan ito palabas ng silid. 'Me and my stupid mouth!' Tampal niya sa bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD