CHAPTER 3

2384 Words
"LILY, nag-usap na kami ni Gavin. Ang sabi niya, sa makalawa aalis sila papuntang ibang planeta. Pagkabalik galing doon, mahahatid ka na pauwi ng Earth," excited na balita ni Ara sa gabi ng pangatlong araw niya doon. "Really? Hay, alamat naman! Maaasahan talaga ang jowa mo! Ilang araw ba sila doon sa travel nila?" "Hindi ko alam pero hindi naman siguro magtatagal masyado. Konting hintay na lang pinsan, at makakabalik kana sa normal mong buhay." "Oh, right! But, couz, is your decision final? Hindi ka na ba talaga sasama sa akin pauwi?" Ara smiled. "Nandito na ang happiness ko, Lily, kaya final na ang decision ko. I'll just hope that someday, I can face Mom and Dad and tell everyone the truth. Sa ngayon, ang alam lang nila ay nagbakasyon ulit ako. Okay na rin 'yon, para walang masyadong gulo." Hindi nito tinuloy ang pag-aaral para nga makapunta na doon. Kinuha ni Lily ang kamay ng pinsan at kinulong sa sariling kamay. "You know what? Honestly, I am happy for you. I can see great love in your eyes, both you and Gavin. Sincere ako ha, masaya ako at nahanap mo na ang happiness mo." "Thanks, Lily," mamasa-masa ang mata nilang nagyakapan. Kahit hindi sila masyadong malapit nito noon, nagkasama naman sila ngayon at masarap pala itong kasama. "I will miss you, couz." "Ako din. A, before I forget, ayaw ko kasing maiwan dito nang nag-iisa habang nasa ibang lugar si Gavin, kaya hiniling kong sumama." "Sasama ka? Tapos ako?" "Gusto mo bang sumama?" "Kahit. . . nandoon si Juda? Sasama ka pa rin ba?" Natigilan si Lily. "Si Juda, kasama?" Tumango ang pinsan. "Aaa. . . heh, hindi ko alam. Gurl! Kung alam mo lang kung paano ako pagpawisan sa tuwing nakikita ang Judang 'yon! Pati pem-pem ko nanginginig!" Natawa si Ara sa mga pinagsasabi niya. "Lily, relax! Sinabi ko nga sa 'yo na umiwas ka sa kanya pero hindi naman siguro namumugot agad ng ulo 'yon." "A, ewan ko! May sa demonyo talaga ang lalaking iyon, e! Feel na feel ko ang dark aura niya! Parang si Taguro, ba. "Baliw! Pag-isipan mo para masabihan ko agad si Gavin." "O, sige." Sa totoo lang, kung hindi lang talaga siya natatakot maiwan sa palasyong iyon kasama ang mga halimaw ay hindi na siya sasama sa biyahe, nakakahilo kaya! Nakakarayuma man ang takot na dulot ni Juda sa kanya pero titiisin na lang niya iyon, at least kasama naman si Ara at mabait naman si Gavin, hindi naman siguro siya pababayaan ng mga ito.Sa totofsdnjd UMAGA, oras na ng pag-alis nila. Lumalaki ang butas ng ilong ni Lily sa bigat ng bitbit na malaking bag. "Ano ba kasing laman ng bag mo, Lily? Paano ka nagka-gamit ng ganyan kadami?" saad ni Ara. "Donations for the poor ni Mali, mga damit. Kasi nga diba, hindi natin alam kung ilang araw tayo doon." "Iyan na ba lahat ang dala mo, Lily?" tanong ni Gavin. "Yes, Gav. Chos! Pang-Ara lang pala 'yon," aniyang kinampay ang kamay sa harap ng lalaki. "Okay, pumasok na kayo, mea amor," tawag nito kay Ara. 'Amor?Hang sweet!' "Pakisamahan mo naman si Lily sa magiging cabin niya. Iwanan nalang ninyo iyang bag. Juda will take care of it," si Gavin ulit. "Ay! Ay, no no," iling ni Lily. "Okay lang ako, kayang kaya ko 'to. Ang gaan nga e, o! Huwag mo nang distorbohin ang beauty ni Juda," sabi ni Lily na hinila ang bag papunta sa cabin. Pagkapasok sa kuwarto ay pabagsak na binitiwan ni Lily ang dala. "Shocks! Magkaka-muscles na yata ako nito!" "Okay ka na ba dito?" tanong ng pinsan niya. "Okay na okay, bumalik ka na doon." "O, sige. Right next to this cabin, ang amin na. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." "Kay, go na. Humayo ka at magpakarami," usal niya at isa-isang sinalansan ang mga gamit sa kuwarto. *** Habang naghahanda ang kapatid sa shuttle kasama ang dalawang tao, kaharap naman ni Juda ang ama. "How many times do I have to reprimand you about these unnecessary war against the Aranae, Juda?! You even did it without my permission. Why are you always breaking my rules?!" Dumagundong ang boses ng ama niya sa buong opisina. Galit ito dahil nakipaglaban na naman siya sa mga gagamba nang walang pahintulot mula dito. "Ama, alam kong nagkaroon tayo at ang planetang Aranae ng kasunduan na hindi magsisimula ng digmaan, pero palihim na kinuha ng mga walang kuwentang gagamba na iyon ang mga sandata mula sa mga ibon na dapat ay nakalaan para sa atin! Ano ang inaasahan mong gawin ko? Magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan? Ngayon na nalasap na nila ang pait ng pagkataob, hindi na sila mangangahas na manlamang sa atin," saad niya sa nagngangalit na ngipin. Kumukulo pa rin ang loob niya kapag naaalala ang panlalamang ng mga maliliit na utak ng mabalahibong insektong iyon sa planeta nila. "Paano kung hindi kayo nanalo? Ano'ng mangyayari sa hukbo? Sa iyo? Hindi ako basta-basta makakapunta doon dahil wala man lang akong alam! Hindi pa rin nawawala ang pabigla-bigla mong desisyon, Juda, at dahil diyan posibleng maraming buhay ang maglaho. Kung hindi man ngayon, maarahil ay sa hinaharap." "Ama, wala ba kayong tiwala sa kakayahan kong mamuno?" kariringgan ng hinanakit ang ngayon ay mababa nang boses ni Juda. Bahagya namang kumalma si Silvio. "Hindi kita inilagay sa posisyong iyan kung wala akong tiwala sa iyo, Juda, you know that. But you really have to fix that temper of yours," saad nito sa nangigigil na boses. The rotten fruit, black beast and squanderer. Iyon ang bansag sa kanya ng nakararami. Dahil lagi silang nakukompara ni Gavin, siya ang laging nasa ibaba, laging masama at mali. Si Gavin, matanda sa kanya ng dalawang taon. Kalma, mabait at malumanay habang siya ay ang kabaliktaran. Aminado siyang may pagka mainitin ang ulo niya. Alright, he has a very bad temper, 'cause he can't stand dealing with weak people and low lives. Sauro—the planet with elite cavary is praised and extolled by the other realms. Kaya walang puwang sa kanila ang mga papatay-patay na nilalang. He wants thrill, excitement! Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikipagbakbakan siya. It's as if hundred of fireworks are being lit inside his body. Nabubuhay ang kanyang sistema kapag nakakaamoy ng dugo ng kalaban at dahil diyan ay naging bihasa siya sa pakikidigma. Nagkalaon, nang mapatunayan ng ama niya ang kanyang kakayahan, inatasan siya nitong  mamuno sa buong army ng Sauros, kasunod nito. "Just like Gavin." "I never compare my sons. You two are a different poles, totally unlike. Kaya huwag mo na siyang isali sa usapang ito. Sumasakit ang ulo ko sainyong dalawa," anang matanda at minasahe ang sintido. "Bakit ninyo siya pinayagang kupkupin ang taong iyon, ama?" Napabuntong hininga si Silvio. "Wala akong kakayahang labanan ang pusong umiibig." "Love?" Malakas na napahalakhak si Juda. Napahawak pa sa tiyan habang nakayukong yumuyugyog ang balikat. "That made my day! Katunog mo na si Gavin ngayon. Naniniwala pa pala kayo sa ganyan, Ama? Isa lang iyang kabaliwan at nababaliw na ang kapatid ko. That's a fact! And here's one more fact, ginagawa siyang mahina ng nilalang na iyon." "Sa buhay Juda, darating ang panahon na mararamdaman mo ang bagay na iyan. And when that moment approaches you, however strong you are, you can't win against it." "Oh, yeah? f**k, not me. I tell you, not me," sagot niyang natatawa parin. "Hindi ko kailangan iyan para mabuhay. I have everything I want. Wealth, honor and power. Women are lining up, competing themselves just for me to f**k them. Kung kailangan ko ng lahi, mas lalong hindi ko kailangan iyan. Si Gavin, hindi na siya nakikipagtalik sa mga babaeng Sauro mula noong makilala niya ang taong iyon, isang kahangalan!" "Huwag mo nang guluhin ang kapatid mo sa bagay na iyan, dahil wala na tayong magagawa. Mas lalong magiging magulo kung sasalungatin mo siya. Tanggapin natin ang taong iyon, dahil siguradong hindi siya bibitawan ni Gavin." Napabuga ng hangin si Juda. "Whatever. May I?" tanong ni Juda na inilahad ang kamay patungo sa pintuan. " Hinihintay na ako ng mabait kong kapatid sa shuttle." "Hmn, mag-iingat kayo." *** Aabot sa limang oras ang biyahe nila patungong Piscis. Si Gavin ang kumukontrol ng shuttle kaya maya-maya ay pumupunta ito sa control room habang ang tatlo ay nasa kani-kanilang cabin. Gamit ang ECD o Electronic Communication Device na braso sa braso ni Juda, palihim siyang nakipag-usap sa sekretary of defense department ng planetang Anguis, isa sa kalaban nilang lugar. May hologram ng katawan ng kausap na taong ahas ang lumalabas mula doon. Hindi na mabilang sa kamay ang digmaan na nangyari sa pagitan nila. Bakit siya nakikipag-usap dito? Dahil may sarili silang transaksyon. Mas malaki ang supply ng materyales na napupunta sa Sauros kumpara sa Anguis kaya mataas ang demand doon. Paano nga naman makakalaban ang mga ito sa digmaan kung hindi sapat ang mga sandata? Kaya pumupuslit siya ng mga iyon patungo sa Anguis nang lingid sa kaalaman ng lahat. Of course, that tricky favor isn't cheap. Anguis is a diligent client, a good payer. Wala siyang naging problema sa tatlong beses nilang naging transaction. In fact, nagbigay na ang Anguis sa kanya ng malaking halaga para sa paunang bayad. Unfortunately, this past few months ay nagkukulang ang supply na nabibigay ng Piscis sa Sauros kaya hindi pa niya naibibigay ang mga atraso niyang materyales sa Anguis. "Juda, I'm sure you knew the purpose of my call," saad ni Elko, isang ahas. Ang katawan nito ay natatakpan ng kulay itim na kaliskis Matingkad na dilaw ang mga mata. kung ikukumpara sa tindig ng mga Sauro maliit ang mga ahas pero kilala ang mga ito sa angking talino. Nakasuot ang ahas na nasa hologram ng tight black shiny overall suit. May makikita ring pulang bato na nakadikit sa itaas ng noo nito. "Elko, it's so great to see you!" bungad ni Juda sa kausap. "Certainly, how can I possibly forget? You're my most priority. But you know, you still have to give me a little more time." "Ilang beses na naming natanggap ang salitang iyan galing sa iyo, Juda. Mukhang hindi mangyayari ang pinapangako mo." "Magtiwala lang kayo sa akin, tatawag ako kapag maipapadala ko na. I'm sorry but need to go, may paparating," saad niya na bahagyang tiningnan ang pintuan ng cabin saka pinatay na ang tawag. Saan siya kukuha ng ibibigay sa Anguis? Kaunti lang ang makukuha nila sa Piscis. Kagaya ng hula niya ay may kumatok nga sa pintuan ng cabin niya at base sa lakas niyon ay nahuhulaan niyang ang kapatid. Mabuti nalang at hininaan niya ang boses kanina habang kausap si Elko. "Gavin?" Bungad niya nang mapagbuksan. "May I have a word with you? Are you busy?" Kumibit-balikat siya. "Wala pa sa kondisyon, siguro mamaya," aniyang pilyong ngumisi. Napapailing na lang ang kausap sa biro niya. "Tulungan mo akong ibalik si Lily sa Earth." "Anong maitutulong ko?" Humilig siya sa hamba ng pintuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Since you hold a great access to the army's shuttles, baka puwede mo akong bigyan ulit ng isa." " pagmamayabang ni Juda. "Mabuti at gagawan mo na kaagad ng paraan ang pagdispatsa sa taong iyon. Isasabay mo ba ang babae mo?" "Don't start, Juda." Juda scoffed. "Aasahan ko ang shuttle." "Consider it done, brother." *** Hindi na masyadong tirik ang araw nang marating nila ang planeta ng mga isda. Hindi na nag-aksaya ng panahon at dumiretso ang apat sa laboratory para kausapin ang head Scientist. "Wow, Ara gold fish! 'Yong isa mukhang aruana. May galunggong din! Ang ku-cuuute! Ang colorful! May sarili silang aquarium sa ulo!" bulalas niya habang hawak ang cellphone at kinukuhanan ng picture ang mga nakikita. "Lily, come on. Bumaba na tayo." Sa tuwa ay hindi niya napansin na naglanding na pala ang sinasakyan nila sa harap ng isang malaking putting building. "Just what I said in the e-message, iyon lang ang maibibigay naming bilang ng materyales sa ngayon, kasi may ibang planeta din ang kumuha. Kailangan naming pagkasyahin kung ano ang nagawa ng laboratoryo," sabi ni Dr. Polim, ang head ng Laboratory. Mataba na pandak, nakasuot ng puting lab coat. "Naiintindihan namin, Dr. Polim," saad ni Gavin. "Tungkol nga pala sa nabanggit ninyong bagong invention, maaari ba naming makita ang samples niyon?" "Oo Gavin, siyempre. Hali kayo," giniya sila ng doktor sa loob ng isa sa mga kwarto ng laboratory. Si Juda naman at ang dalawang babae ay nakasunod lang. Katabi ng kuwarto na pinasukan ng apat ay may nakabukas na pintuan. Nasilip ni Lily mula doon ang isang katawan ng tao na nakalagay sa isang malaking glass tube na may tubig, kalbo at nakahubad--kaya napukaw ang curiousity niya. Dahil abala ang mga kasama sa pagsunod kay Dr. Polim kaya maingat siyang nakapuslit papasok sa kabilang silid para lapitan ang nakitang tao. 'Babae? Taga Earth 'to eh! Bakit nandito siya?' Sa palapulsuhan ng babae ay may nakakabit na itim na tubo, gayun din sa paa at may parang oxygen mask sa mukha. Kasing puti na ng papel ang namumutla nitong balat. Hinawakan ni Lily ang salamin at marahang kinatok. "Ate, hellooo? Ate, buhay ka pa ba?" Hindi kumikilos o tumutugon ang babae, nanatili lang nakapikit pero kita niya ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib nito. 'Anong ginagawa nila sa kanya?' "Hoy! Ano'ng ginagawa mo diyan?! Umalis ka diyan!" sigaw ng isa sa mga staff ng laboratory. Nabigla si Lily sa biglang pagsigaw nito kaya natabig niya ang test tubes na may lamang yellow na tubig. "Ay! Juice colored!" Marahas niyang naitakip ang kamay sa bibig nang makita ang nabasag na gamit. "Hala! Oh, My Gosh! Sorry po! Hindi ko sinasadya!" Sinubukan niyang pulutin ang mga nahulog na gamit kaya nahiwa nang kaunti ang daliri niya. "Ouch!" "Anong ginawa mo?!" sigaw ng staff na mukhang hindi makapaniwala sa nangyari. Siya namang pagdating ng mga kasamahan niya at ni Dr. Polim dahil narinig ng mga ito ang pagsigaw ng staff. "Anong nangyari?" tanong ni Juda. "Iyang kasama n'yo! Binasag lahat ang specimen!" turo nito kay Lily." Dr Polim! Ang specimen, naubos lahat!" "Ano?!" tanong ng doctor sa gimbal na anyo. "H-hindi ko sinasadya! Sumigaw kasi siya kaya nabigla ako. Natabig ko ang test tubes!" anang babae na nilapitan ni Ara. "Nasaktan ka ba, Lily?" tanong ng pinsan. "Hmn, daplis lang naman." "Doctor, anong gagawin natin?" tila maiiyak na ang staff. "Ipagpaumanhin po ninyo ang nagawa ng kasama namin. Babayaran na lang namin ang mga nasira," saad ni Gavin. "Malaking halaga ang kapalit niyon, Gavin," sabi ni Dr. Polim. "Naiintindihan ko. Idagdag nalang ninyo ang bayarin ng mga nasira sa magiging bill ng mga kinuha naming supply ngayon." "Pero doctor, hindi ganoon kadali ang kumuha ng specimen na iyon!" saad ng staff. "Makakagawa pa ba kayo ulit ng ganoon, doctor?" tanong ni Juda. "O-oo siyempre. Siyempre, Juda." sagot ni Dr. Polim. "Mabuti kung ganoon. Hihintayin namin ang listahan ng buong bayarin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD