***Warning!!! This chapter contains MATURE content. Parental guidance is highly encouraged.
NAPAPANGIWI si Lily sa bawat hakbang na ginawa. Paano, nasundan pa ng isa ang nangyari sa kanila ni Juda sa tabing ilog, mukhang agresibo yata ang crush niya. Yeah, crush palang kasi wala naman silang label, splurge of emotion bale ang nangyari. Kung sa mga teenagers, M.U, malabong usapan, worst, baka mauwi pa sa one night stand. Bakit niya nasabi iyon? Kasi naman, wala siyang nakitaang pagbabago dito, maangas parin at hindi palasalita. Kagaya nalang ng mga sandaling iyon, hard to reach na naman ang distansiya ng paglalakad nila.
"Nahihirapan ka bang maglakad?"
'Nagtanong kapa!'
"Gusto mo bang buhatin kita?"
"Naku, huwag!" Iling niya. " Keri naman." Ang totoo ay gustong-gusto niya kaso nahihiya siya. "Pwede bang break muna tayo?" aniyang naupo sa bato
Lumapit ito sa kanya at tumabi ng upo. "Malapit na tayo. Base sa sinabi ni Balbo, sa likod ng bundok na iyan ang lungsod." Turo nito
Kumalam ang tiyan ni Lily kaya hinalungkat niya sa bag ang tinapay na dala. Hinati niya iyon sa dalawa at ibinigay sa lalaki ang isa. "Gusto mo?"
Nasorpresa si Lily nang yumuko si Juda at diretsong sinubo ang tinapay na hawak niya.
'Shocks! 'Di ko expect yun ah. Ang heart ko!'
"Sana pagdating natin ng lungsod hindi na matagalan ang pagrescue sa atin." Sabi na lamang niya kasi nakakaasiwa ang atmosphere.
"Hindi tayo mahihirapan dahil may komunikasyon ang Rattus sa Sauros. Sigurado akong makakauwi agad tayo. Huwag kag mag-alala." anito na malamlam na tumitig
"Hmmn." Tango ni Lily na napangiti. Itinaas ni Juda ang kamay at hinaplos ang pisngi niya.
'Ang cute ng gesture! Sweet naman pala itong lalaking 'to!'
"Halika na. Kaya mo bang maglakad?"
"Oo." This time, binagalan na nito ang paghakbang.
LILY could say na lumalambot na nga si Juda sa kanya, binabawi na niya ang unang conclusion. Isang gabing pagkalimot lang pala ang katapat. In fact, nagpapakita na ito ng concern sa kanya, na gustung-gusto naman niya!
Gabi, nagpapahinga ulit sila sa gitna ng gubat. Nakaupo si Lily sa hita ni Juda habang muli ay ginagamot ang sugat nito sa tagiliran.
"Nagda-dry na siya. Mabuti at nakadala tayo ng gamot, tingnan mo hindi nainfect." Kinuha ni Juda ang kamay niya at dinampi sa bibig.
"Salamat."anito
Napangiti si Lily, tumuwid siya ng upo at hinalikan ang pisngi ng lalaki. Napukaw siguro ang makamundo nitong pagnanasa dahil naglakbay ang kamay ni Juda sa dibdib niya at hinimas. Hindi pa nakontento, ipinaloob sa damit at pinagpatuloy iyon. Napahawak siya sa braso ng lalaki at mas inilapit ang katawan. Napakagat-labi siya nang nilaro nito ang tainga niya gamit ang dila. Nararamdaman na niya na namamasa na ang kanyang baba.
"Juda..." kusa na niya binuka ang hita nang dumapo doon ang daliri ng lalaki. Tuluyang nag-give up katinuan ng utak ni Lily nang isinilid nito ang kamay sa loob ng panty at nilaro ang kanya. Unlike noong nagdaang gabi, wala siyang maramdamang matalas sa kuko nito.
Nabasa siguro ng lalaki ang iniisip niya kaya nagsalita ito. "Pinutulan ko kanina."
'Ah, yun pala.'
Parang pusang malakas na napaungol si Lily nang pinadulas nito ang daliri sa loob at kalikutin iyon. Akala niya ay siya lang ang naaapektuhan sa nangyayari pero naririnig niya ang mabigat na paghinga ni Juda.
"Juda... Juda sige pa..." aniya na pinagalaw ang balakang kasabay ng pagbayo ng kamay nito. Nanigas at nanginig ang buong katawan ni Lily nang mailabas ang namumuo sa puson. Napakagat siya sa braso nito.
"Lipat tayo doon." Anas ni Juda na binuhat siya. Wala nang lakas si Lily para magtanong kung saan ang ibig nitong sabihin basta nafeel nalang niya na maingat siyang inihiga sa bato. Lumuhod ang lalaki sa gitna ng mga paa niya at yumuko. Tinuyo nito ang lahat na inilabas niya kanina sa pamamagitan ng bibig, natorete na naman siya. Iba talaga ang hatid ng mahaba nitong dila sa katawan niya lalong-lao na sa baba. Favorite na niya iyon, simula ngayon.
Nang makontento at makitang handa na ulit siya ay umibabaw na ito at naghanda na si Lily sa isang nakakayanig mundong pag-iisa.
"AKO SI JUDA, army commander ng planetang Sauro. Nais kong makausap ang namumuno sa lungsod na ito." Matigas at puno ng awtoridad na pakilala ng lalaki. Pagkarinig ng mga guwardiyang daga ay yumuko ang mga ito at bumati.
"Dito po ang daan." saad ng guwardiya. Dinala sila ng mga tauhan ng building sa isang receiving room. Ilang sandali ay pinatawag si Juda para makausap na ang pinuno.
"Hintayin mo ako dito." anito sa kanya. Tumango siya bilang sagot
Sa maikling sandali simula nang makaalis si Juda ay may pumasok na apat na armadong daga. Lumapit ito kay Lily at padaskol siyang hinawakan.
"A-anong gagawin niyo sakin? Anong kasalanan ko? Juda?! Juda?!" Hinawakan siya sa batok ng isa sa mga iyon habang tinutulak palabas ng kwarto. "Saan nyo ko dadalhin?!"
SA kabilang banda. Nagawang makipag-usap ni Juda sa ama gamit ang malaking screen na nasa conference room.
"Masaya akong nasa mabuting kalagayan kayo, Juda." Si Silvio. "Magandang ideya na sa Rattus mo napiling mag-emergency landing. Asahan mo ang rescue shuttle bukas para sunduin kayo diyan."
"Salamat, ama." At dumilim na ang screen
"Maraming Salamat, Mori. Tatanawin kong malaking utang na loob ang bagay na ito." baling niya sa pinuno ng lungsod
"Walang anuman, Juda, sa mahabang panahon na sinusuportahan ng Sauros ang depensa ng Rattus, ikinagagalak kong makatulong sa iyo." anang daga. "Calem, ihatid mo ang ating butihing panauhin sa magiging kwarto niya."
"Yes, Sir." Yuko nito at nagpatiunang naglakad.
"Balikan muna natin ang kasama ko nang sa gayun ay magkasabay na kaming magpunta sa kwarto." aniya
Nahagip ng mga mata ni Juda nang tila natigilan ang lalaki. "Anong ginawa ninyo sa tao?"
"Paumanhin po, pero malinaw ang utos ng pinuno na ikaw lamang ang aasikasuhin."
"Anong sinabi mo?! Kasama ko siya kaya kung paano nyo ako asikasuhin ay ganoon din dapat sa kanya!" Medyo lumaki na ang boses ni Juda kaya halos dumagundong ito sa hallway. Nanatiling nakatayo lang ang kausap kaya sa mabibigat na yapak ay bumalik si Juda sa conference room.
"Mori, anong ginawa nyo sa kasama ko?!" buwelta niya nang makapasok sa kwarto
"Juda, huminahon ka. Naglaan lang ako ng ibang kwarto para sa tao."
"Dalhin mo siya sa harap ko ngayun din, Mori kung ayaw mong magdusa sa mahabang panahon." Nagbabanta ang tono ng salita ni Juda
Napabuntong-hininga si Mori pagkuway sumenyas sa guwardiyang nasa likuran. "Mas maiging mauna kana sa magiging kwarto mo. Ipapasunod ko nalang doon ang kasama mo."
Binigyan ni Juda ng nagbabantang titig ang kausap bago siya tumalikod at lumabas.
TATLONG mahihinang katok ang nagpatayo kay Juda mula sa pagkakaupo sa loob ng silid. Hinihintay niya ang pangako ni Mori na ipahatid si lily sa kwarto.
Gumaan ang kanina pang mabigat niyang loob nang makitang pumapasok ang babae.
"Juda!" Ramdam niya ang takot sa babae dahil nanginginig pa ang mga kamay na yumakap ito sa kanya. Gumanti din siya ng kasinghigpit. Labis ang pag-aalala niya dahil alam niyang iba ang pakikitungo na binigay ng mga ito sa tao. Kahit sa Sauros ay ganoon din, pero dahil kapamilya ito ni Ara kaya hindi nito naranasan ang malupit na pagtanggap.
"Anong ginawa nila sa'yo?" puno ng pag-aalala ang salita ni Juda
"Kinulong nila ako sa dungeon. May kasama akong mga nakakatakot na hayop sa ibang selda." Napamura si Juda nang Makita ang pamumula ng palapulsuhan nito at paa. Alam niyang marka iyon galing sa pagkakagapos.
Akma siyang lalabas para sugurin si Mori ngunit mahigpit siyang pinigilan ni Lily. "Juda! Please, huwag na, ayokong magkagulo ulit. Ang mahalaga nandito na ako, ligtas at magkasama na tayo."
"Hindi ko basta-basta nalang mapapalampas ang ganitong pangyayari, Lily. Sinaktan ka nila!"
"Teka, teka! Hindi naman masyado. Itinali lang nila ako, yun lang. Please Juda, gusto ko nalang umuwi, ng tahimik."
Gustung-gusto nang manakmal ni Juda ng leeg ng daga pero dahil ayaw niyang pag-aalahanin si Lily kaya nanatili na lamang siya sa kwarto. Masyado nang masaklap ang dinanas nito sa mga nakaraang araw. Sigurado siyang higit kanino man ay ang katawan nito ang nangangailangan ng maayos na pahinga. Tiningnan niya ang ang babaeng nakayakap. Napakaliit nito, kay puti at kinis. Halos nakikita na niya ang mga ugat nito sa nipis ng balat. Kung gagamitan ito ng pwersa ay siguradong magkakalasog-lasog na kaagad ang mga buto. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang maliit nitong pisngi. Tatanggalan niya ng kaluluwa ang kung sinumang magkamaling manakit sa taong nasa harap niya.
Tumingala ito at ngumisi. "Hindi ka pala dapat pinagpapaalala, kasi siguradong magkakagulo."
"Magpahinga ka na. Babantayan kita."
Naamused si Juda dahil mas pinili ni Lily na maligo muna bago magpahinga, masayang masaya itong pumasok at naglublob doon, kumakanta pa. Napakamalinis talaga nito sa katawan.
NAKAHIGA sila sa malapad na kama. Ang madilaw na kulay ng ilaw ay nagbigay ng kalmang pakiramdam sa buong kwarto.Nakatukod ang kamay ni Juda sa ulo habang nakatungo kay Lily.
"Mukhang nagustuhan mo ang pagkain kanina."
"Oo, masarap parang manok. Anong klaseng karne iyon?"
"Fera bestia."
"F-fera bestia?" napangiwi si Lily, parang gustong bumaliktad ng sikmura niya at ilabas ang lahat ng laman nang maalala ang hitsura ng hayop. Kung alam lang niya na iyon ang inihain ay pumitas na lang siya ng dahon sa labas at pinapak.
Yumugyog ang balikat ni Juda dahil natatawa sa reaksiyon ng babae. Para itong nakaalala ng nakakadiring bagay.
"Nagbibiro lang ako. Isang klase ng ibon iyon, sagana ang Rattus sa ganoong hayop kaya gusto nilang ipatikim sa atin."
"Ah, yun naman pala."
Mahinang pinisil ni Juda ang tungki ng ilong ni Lily. "Bubwit ka talaga."
Inilapit ni Lily ang labi sa lalaki at masuyong hinalikan ang peklat. Ito ang isa sa pinakagusto niyang tingnan sa mukha nito. Ang ganoon kalaking bakas ay naghahatid ng hindi kaaya-ayang alaala pero mas nakadagdag iyon sa karakter ng lalaki. Mas badass itong tingnan at kung hindi pa ito nakikilala ng iba ay siguradong katatakutan.
Walang reaksyon mula sa lalaki kaya nagsalita siya.
"Juda, ayaw mo ba ng halik? Kasi... napapansin ko, ako lang lagi ang gumagawa." nahimigan ni Juda ng tampo ang boses ni Lily kaya nag-inat siya at tumuwid ng upo, sumunod naman ito.
"Hindi naman sa ganoon. Wala lang talaga sa amin ang ganyan."
"Ganoon ba, eh paano ninyo pinapakita ang feelings nyo?"
"Ganito." Lumapit ito sa babae at dinampi ang pisngi sa pisngi ng dalaga at bahagyang kiniskis. Iyon pala ang ibig sabihin noon. Kaya pala lagi nitong ginagawa iyon sa kanya. Napangiti si Lily, parang hinahalikan na pala siya ni Juda kahit noon pa.
"Turuan mo din ako kung anu-ano ang ginagawa ng mga mag-asawa sa Sauros."
"Sa pagkakaalam ko ay naipakita ko na sa iyo kung paano." saad nito sa nangingislap na mata
"Ah eh, nakalimutan ko. Pwede ulitin?" pilyang sagot ng babae na nagpangiti kay Juda
Kumilos ito at dumagan sa ibabaw ni Lily kaya napahiga ang babae. "With pleasure, sweetheart."
Nang gabing iyon ay pinagsaluhan na naman ng dalawa ang malamig at mapayapang gabi, sa malambot at malinis na kama, sa lugar kung saan ligtas. Tanging ang mga makakapal na pader lamang ang nakarinig ng mga nakakaakit nilang ungol ng pag-ibig.
"Lily... Lily." blurred pa ang paningin ni Lily pero sigurado siyang mukha ng babae ang nasa harap niya. Kinusot niya ang mga mata at tumitig.
"Ara? Ara, ikaw nga?!" may kagalakan niyang hinawakan ang balikat ng pinsan para masigurong totoo nga ang nakikita niya. Natatawang tumango ang kaharap.
"Oo, ako 'to!
Hindi mapasidlan ang tuwa ni Lily, nandito na nga ang pinsan niya para sunduin sila. Makakauwi na sila sa Sauros at matatapos na ang lahat ng hirap nila ni Juda. Speaking of Juda.
"Si Juda? Nasaan siya?"
"Nasa receiving room. Kausap yung Mori at si Gavin. Magready kana at aalis na tayo maya-maya."
Magiliw na pumunta si Lily ng banyo at naghanda para sa pag-alis. Strange, pero ang excitement na nafeel niya ay iyong kagaya ng nararamdaman niya kapag umuuwi siya ng Bahay.
'Maybe this is destiny. Hindi aksidente ang pagkakasama ko sa Sauros. It's like I was born to be there.'
Naabutan nila Ara at Lily ang magkapatid na nag-uusap sa hallway ng mansiyon. Mukhang seryoso ang mga ito dahil nakakunot ang mga noo.
"Juda!" Napalingon ang tinawag at nakangiting inilahad ang kamay, buong pusong tinanggap ni Lily iyon. Nakaramdam siya ng matinding warmth sa masuyo nitong pinisil sa maliit niyang kamay.
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Hmn." tango niya. "Hi Gavin!"
'Masarap pala ang kapatid mo!' Iyon ang lumabas sa isip ni Lily pero nahiya naman siya sa sarili.
"Masaya ako at mabuti ang kalagayan mo, Lily. Handa na ba kayo? Uuwi na tayo sa Sauros." si Gavin.
Magkahawak ang kamay na binagtas nila Juda at Lily ang kinalalagyan ng shuttle. Mas malaki iyon kumpara sa ginamit nila noong pumunta sila sa Piscis. Triangle shape na maitim. Sa paligid ay nakahilera ang mga army ng Sauros, ang bilang ni Lily ay nasa bente. May bitbit na malalaking baril at naka armour.
Naproud si Lily sa Nakita. Ilan lang ang mga iyon sa hukbo na hinahawakan ng pinakamamahal niyang si Juda. Hindi parin siya makapaniwala na ang matigas at nakakahilakbot na commander ng Sauros ay kaholding-hands na niya ngayon. Bumitaw si Lily sa kamay ng lalaki at payakap na kumapit sa braso nito. Nakangiti namang tiningnan siya ni Juda.
'Hmmn, kilig much!'
Nandoon din ang ibang mga taga Rattus pati ang nagngangalang Mori, na napag-alaman niyang pinuno ng lungsod.
"Maraming Salamat sa tulong na ibinigay ninyo, Mori." sabi ni Juda at nakipaglamano.
"Walang anuman. Mag-iingat kayo sa paglalakbay."
Iyon lang at namartsa na silang lahat papasok ng shuttle pauwing Sauros. Ngayon na may bagong pag-ibig na umusbong kay Lily, magkakaroon na siya ng dahilan para manatili sa kalawakan.