ISANG linggo na ang dumaan simula nang makabalik sila sa Sauros. Magmula nang nakarating sila ay hindi pa ulit nakakausap ni Lily si Juda. Ang sabi ni Gavin ay busy daw ang huli sa trabaho. Mukhang plano ng Sauros na rumesbak sa pag-ambush ng mga Anguis sa kanila. Kahit habang tumatagal ay mas lalong gusto niyang makasama ulit ito ay inintindi na lang niya. Kung sana may cellphone lang doon para kahit malayo sila ay pwdeng magtext or call.
'Akala ko ba, high tech.' himutok ni Lily habang naglalakad sa lawn. Hindi masyadong mainit ang planeta ng Sauros kagaya ng Pilipinas. Nasa kalagitnaan na sila ng araw pero parang alas siyete lang ng umaga ang dating, may lamig parin ang ihip ng hangin.
"Frida, ngayon na dumating na ang mapapangasawa mo, siguradong matutuloy na ang kasal ninyo." rinig ni Lily nang mapagawi siya sa taniman ng nga bulaklak. Naalala niya si Frida, ito iyong nakita niyang kasama ni Juda noon.
'Ikakasal na si pala si Frida.'
Bumalik siya sa pinanggalingan dahil ayaw niyang magmukhang nakikinig ng usapan ng iba.
"Pag-uusapan pa namin ng maigi ang bagay na iyan." mahina na dahil nakalayo na si Lily sa kinaroonan ng mga ito pero iyon ang huling narinig niyang sagot ni Frida
Ayaw pa niyang bumalik sa kwarto dahil siguradong manlalata na naman siya. Hindi din available ang pinsan dahil sumama ito sa jowa sa trabaho. Buti pa ito, masyadong close kay Gavin, hindi nagdadalawang-isip ang lalaki na isama sa lakad. Kung sana ganoon din siya kay Juda.
Maliban sa kachikahan si Ara, kain tulog ang ginagawa niya sa buong araw, so saan pa nga ba ang susunod niyang destinasyon? Edi ang kusina.
"My lady, ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" tanong ng tagatulong
"Tsaa lang po sa ngayon, salamat." sagot niya na humila ng upuan at sumalampak doon.
Wala naman kasing masyadong activity ang katawan niya kaya hindi din siya laging nagugutom. Nakapangalumbabang inunti-unti niyang ininom ang tsaa habang binabalikan ang paglalakbay nila ni Juda. Napapangiti siya sa tuwing naalala kung paano ito laging nagbi-beast mode noon. Halos itattoo na sa noo nito ang salitang "I HATE HUMAN!" Wala itong pakialam kung anong nangyayari sa kanya sa likod habang busy ito sa kakalakad. Masyadong harsh, pero naisip niya, siguro ganun lang talaga sa una. Kahit mga tao nga hindi mo rin naman agad magiging close sa simula. But habang tumatagal, Juda became softer, hindi man ito ganoon kashowy pero nakikita niya iyon sa mga maliliit na bagay na ginagawa nito.
Napangisi si Lily nang maalala ang pagkahulog niya sa butas.
'Ang lalaking iyon! Humanda talaga siya, hindi ko pa siya nasisisngil sa pangdedeadma niya sa akin. Hinayaan ba naman ako doon mag-isa. Paano kung nabalian pala ako, o may ahas sa loob? Kung makita ko lang yun, patatumblingin ko talaga siya!'
Napatigil siya sa naisip, kung magkikita sila, kailan na naman kaya mangyayari iyon? Bakit grabe ang nararamdaman niyang pagkamiss sa lalaki? Its as if nalayo siya sa taong pinakamahalaga sa kanya. Is she falling inlove? Ganun ang nafeel niya noong nainlove siya ex niya noon eh. Iyong tipong hindi mo madescribe ng maayos pero mabigat sa loob.
'Oh no. No no no.' Mariin niyang pinikit ang mga mata at umiling-iling. Nagtataka ang mga kasambahay na nasa gilid. 'Infatuation lang ito, deep feeling na kaakibat ng lust. Mawawala din ito, lalo na 'pag nakauwi ako sa Earth at hindi na nakikita si Juda.'
Lumamig na ang iniinom kaya nawalan na siya ng gana. Tumayo siya at nilapitan ang lababo para hugasan ang tasa.
"My lady, kami na po ang bahala diyan."
"Ah, hindi na po. Konti lang naman 'to." may katandaan na ang Saurong nasa harap niya. Mukhang ito ang namamahala ng buong kusina.
"Kung iyon po ang kagustuhan ninyo." anitong yumuko at hinarap ang trabaho
Lumabas si Lily ng kusina. Saan na naman ang next stop niya? Naalala niya na Malaki ang Bahay. Tanging ang harap at right wing lang ang napupuntahan niya kung saan ang kwarto nila ni Ara, wala naman siyang sadya sa ibang parte, pero ngayon, since she has all the day para magliwaliw, lilibutin niya ang loob.
Left wing, bakit ang laki ng bahay? Ilang pamilya ba ang nakatira doon? Magkamag-anak ba si Frida at Juda? Baka extended family. Tinalunton niya ang malaking hallway, gaya ng kabila, tahimik din doon. Pero nang mapadako siya malapit sa dulo ay may narinig siyang yabag ng sapatos. Curious, tumuloy siya sa paglakad at tiningnan kung sino iyon. Sa pagliko ni Lily sa isang alley ay nabunggo siya sa dibdib ng isang Sauro.
"Ay!" matigas ang katawan nito kaya parang laruan lamang siyang nagbounce pabalik. Nawala ang balanse niya pero mabilis siya nitong nahawakan sa baywang.
"Lily?" Sorpresang saad ni Juda. Halatang hindi din nito inakalang makikita siya doon
"Juda!" lumiwanag ang mukha niya sa saya na nakita ang lalaki. Agad siyang yumakap ng mahigpit sa baywang nito, dahil iyon lang din ang abot niya. Nawala ang kaninay mabigat niyang naramdaman nang makita ang mukha nito. Naiiyak siya sa labis na pagkamiss na makasama ang lalaki. Sinamyo niya ito, she always feels safe whenever she smells those familiar natural scent.
"Kumusta ka na? Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan? Araw-araw kitang hinintay, miss na miss na kita." aniyang mas hinigpitan ang yakap.
Nakita ni Lily ang tahimik na ngiti sa mga mata ni Juda, masaya din ito sa pagkikita nila pero bakit parang may humalo doon na, pagod? Lungkot? Hindi niya mapangalanan. Ah, siguradong pagod, dahil masyado na itong busy sa trabaho simula nang nakabalik sila.
"Pagpasensiyahan mo na, sadyang abala lang ang lahat, lalo na ako."
"Alam ko, nabanggit na sa akin ni Ara. Plano niyong maghiganti sa Anguis. Nag-aalala ako sa iyo."
"Oo, tama iyan pero wala kang dapat ipag-alala, ito na ang trabaho ko noon pa." Hindi na nagsalita pa si Lily. Oo nga naman, kahit noong wala pa siya ay siguradong nakikipaglaban na ito ng patayan sa iba, kagaya nalang ng nasaksihan niya sa Rattus.
"Magkakasama na ba tayo ulit?" tanong ni Lily. Nangangati na ang kamay niyang mahawakan ito, mahalikan at madama ang banayad na haplos ng lalaki sa katawan niya. Marinig ang boses nitong tila musika sa kanyang tainga.
Bumuntong-hininga si Juda. "Ikinalulungkot ko pero hindi pwede, marami pa akong kailangang gawin. Sa katunayan, papunta na ako ngayon sa head quarters. Sana maintindihan mo." hinawakan siya nito sa balikat.
"Aah, ganoon ba." napatungo si Lily at nalungkot sa narinig. Akala niya ay magagamot na ang pagkamiss niya sa lalaki.
"Bran, ihatid mo siya sa kwarto niya." saad ni Juda. Hindi niya alam na may kasama pala sila, lumabas mula sa likod nito ang isang kawal na Sauro.
"Yes, My Lord." Iginiya na siya nito pabalik ng right wing. Huminto si Lily at nilingon ulit si Juda na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan, nakatanaw lang sa kanila
"Juda, kailan tayo ulit magkikita?" habol niyang tanong
"Sa maikling panahon." iyon lang ang sagot nito. Malabo diba?
Kung hindi lang inutusan ng lalaki ang kawal na ihatid siya ay ayaw niyang humiwalay sa tabi nito. Kahit na nga ba bitbitin siya ng lalaki at gawing key chain para makasama siya kahit saan. Pero dahil nahihiya din siya, ayaw niyang makadistorbo sa trabaho, plus ayaw din niyang isipin ni Bran na matigas ang ulo niya, ay sumunod na lamang siya. Malungkot na tumalikod si Lily at nagpatuloy sa paglakad. Sana nga ay magkaoras na si Juda para makasama siya. Pilit tinatanggi ng isip niya na inlove siya, pero iba ang reaksyon ng puso niya.
PALINGA-LINGA si Lily sa garden dahil hinahanap niya ang kapares ng batong nasa singsing ni Ara.
"Engagement ring, couz?" naalala niyang tanong sa pinsan isang araw. Nagandahan siya sa batong nakadikit sa suot nitong singsing. Kakulay niyon ang pang umagang kalangitan na natatabunan ng mga puting ulap. Magical and calming.
"Hindi, nakita ko lang itong bato sa garden doon sa kabila. Nagandahan ako kaya sinabihan ko si Gavin na gawing singsing."
Gusto din niyang magkaganoon, unique kasi. Hindi makikita ang batong iyon sa Pilipinas, ewan lang niya sa ibang bansa, kung meron man ay siguradong mahal.
Napunta si Lily sa isang malapad na lawn. May sahig itong semento at nakaharap sa isang veranda. Sa magkabilang gilid niyon ay may parte pa ng lupa na tinutubuan ng damo. Ang railings ng veranda ay ginagapangan ng vines na may maliliit na bunga kagaya ng grapes, may bulaklak din iyon na hawig ng yellow bell. Natatabunan ng ganoong halaman ang buong pader ng bahay sa bahaging iyon.
'Ang ganda naman dito.' tingala ni Lily. Sa pagbaling ng tingin sa kaliwa ay nakita ni Lily ang hinahanap. Mag-isa lang iyon at napapagitnaan ng semento at damo sa di kalayuan. Namimilog ang mga mata niyang tiningnan ang pagkislap ng maliit na bato.
'Ayeern, nakita din kita.'
Hawak ang bato, sunod na inusisa ng babae ang nakasarang malaking pintuan. Brown iyon na may nakaukit na malaking dragon. Inakyat niya ang anim na baitang na hagdanan, nilapitan ang pintuan at sinubukang ikutin ang bakal na knob. May clicking sound siyang narinig kaya alam niyang hindi iyon nakakandado.
Napag-alaman ni Lily na iyon ang labasan ng left wing dahil pamilyar na sa kanya ang hallway sa loob. Doon niya nakita si Juda noong isang araw, baka makatagpo ulit niya ang lalaki ngayon. Binagtas niya ang daan habang pinalibot ang tingin, nagbabakasakaling makita ang laman ng isip. Natigil si Lily nang marinig ang tila nasaging metal na bagay, hinanap kung saan iyon nagmula. Dinala siya ng mga paa sa nag-iisang kwarto sa kanan, nakabukas ang pintuan niyon ng kalahati. Dahil chismosa, hindi niya napigilang hindi usisain ang narinig. Maingat siyang lumapit sa gilid ng pintuan at sumilip.
'Hala, di kaya ako maboljakan nito?'
Bahagya siyang napaigtad, gumawa ng ingay ang pagsinghap niya. Si Frida nakadikit kay Juda! Mabilis siyang tumalikod at nagtago sa likod ng pader. Malinaw na nakakapit ang isang kamay ng babaeng Sauro sa balikat ng lalaki habang magkalapit ang mga pisngi nito.
'Anong ginagawa nila?'
Nakakabinging tumambol ang dibdib ni Lily. Diba sabi ni Juda, parang halik na rin ang ganoon? Ibig sabihin si Juda at Frida naghahalikan? Naalala ni Lily noong una na nakita din niya ang dalawa malapit sa kusina sa ganoong tagpo. Akala niya noon na nag-uusap lang dahil wala pa siyang alam sa custom ng mga Sauro.
Nilukob ng malamig na pakiramdam ang buong katawan ni Lily, gumapang iyon hanggang sa batok, naitakip niya ang kamay sa bibig.
'Bakit sila naghahalikan?'
Gusto niyang iprocess sa utak ang mga pangyayari pero hindi gumagana ang isip niya. Sa puntong iyon ay lumabas si Frida sa kwarto at binigyan siya ng walang kaemo-emosyong tingin bago umalis. Ibinaba niya ang nanginginig na kamay at ikinulong gamit ang isang palad.
Anong gagawin niya? Hindi niya alam anong gagawin niya.
"Lily." narinig niyang sambit ni Juda, hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Parang naduwag ang mga paa niyang lumapit at harapin ang lalaki. Anong sasabihin niya? Anong sasabihin nito sa kanya?
"Lily." Tawag ulit nito, mas pinalakas ang boses para marinig niya. Katunog niyon ang tatay na nauubosan na ng pasensiya. Kailangan niyang harapin si Juda, kailangang maklaro nito kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya kung hindi ay mababaliw siya sa kakaisip. Sa mahinang hakbang ay pumasok siya sa kwarto. Nakatayo ito sa gilid ng mesa, ang kalahati ng puwet ay bahagyang nakatukod doon, nakakrus ang mga braso sa dibdib.
"Sorry, nadistorbo ko ang pag-uusap niyo."
"Anong kailangan mo?" tanong ng lalaki at dinampot ang baso sa mesa, inisang inom ang laman niyon.
"G-gusto ko lang klaruhin k-kung ano ang ginawa ninyo ni Frida."
Ilang Segundo bago sumagot ang lalaki. "Alam mo na naman iyon hindi ba?"
Hindi niya inakalang basta nalang nitong aminin iyon. Hindi man lang ba ito magbibigay ng rason o depensahan ang sarili? Nangingilid ang preskong luha sa mata ni Lily.
"Bakit?" Unti-unting humahapdi ang ilong ni Lily at lumalaki ang bara sa kanyang lalamunan. Halos wala nang boses ang lumabas kaya pabulong niyang nasambit iyon.
Nagtagpo ang kilay ni Juda, nagtataka sa tanong. "Bakit?"
"Akala ko... Akala ko okay tayo. Akala ko... mahal mo ako." Ayon at nasambit na niya salita.
"M-mahal?" bulalas ng lalaki. Itinakip nito ang palad sa bibig na tila natatawa, napapailing na yumugyog ang balikat. "Bakit mo naman naisip ang nakakatawang bagay na iyan?"
Hindi makapaniwala si Lily sa nakikita. Ito ba ang Juda na nakasama niya sa Rattus? Ang bumubulong sa kanya ng masasarap na salita? Ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at nagpakita ng kabaitan? Bakit parang kaharap niya ang Juda na nakilala niya noong una?
"Pero may nangyari sa atin, Juda. Ibinigay ko ang sarili ko saiyo, pati puso ko. Yung...yung pinaramdam mo sa akin, yung mga hawak mo. Ano palang ibig sabihin nun?" tuluyan nang nabasa ng luha ang pisngi ng babae, walang tigil iyon na hindi na niya makita ang lalaki. Pinahid niya ang mga mata gamit ang likod ng kamay at lumapit.
"Juda... Huwag ka namang ganyan, o. Huwag kang magbiro ng ganyan." pagmamakaawa ni Lily. Alam niyang hindi nagbibiro si Juda dahil narin sa nasaksihan niya kasama si Frida pero nagbabakasakali parin siyang biglang babawiin iyon ng lalaki at ikulong siya sa yakap.
Inabot niya ang braso ng lalaki pero bahagya itong lumayo kaya naiwan sa ere ang kamay ni Lily. Gustung-gusto na niyang hawakan si Juda dahil pakiramdam niya ay nananaginip lang siya. Gusto niyang makasiguro na totoo ang lahat. Hindi parin matanggap ng sarili na binabato siya ng ganoon kalupit na salita ng lalaki.
"Ganoon ba talaga ka kahangal ang mga taga mundo? Dahil lang nasiyahan sa pagtatalik, nabubulagan na kaagad ng pag-ibig? O sadyang nahumaling ka lang ng husto sa katawan ng isang Sauro? Mas malaki, mas masarap." nakakaloko itong humalakhak. Tawang-tawa sa naisip habang dinudurog na ang buong pagkatao ni Lily. "Naaliw lang akong subukan kung ano ang pakiramdam ng katawan ng isang tao kaya nagawa ko iyon, wala din naman palang pinagkaiba kahit sa dagang taga Rattus." pagmamayabang na sabi nito. Naintindihan ni Lily na si Elysia ang ibig sabihin ng lalaki.
Kung gusto siyang durugin ng lalaki ngayon sa mga salita ay nagtagumpay ito. Piling-pili ang mga ginamit nito laban sa kanya pero napatunayan niya na noon na mabuti ang loob ni Juda, anong nangyari? Bakit nagbago?Hindi na niya makita ang lamlam ng tingin nitong binibigay sa kanya.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito?"
"Dahil nakakatuwa." kibit-balikat nito. "Hindi masama para sa nakakabagot na araw. Malinaw naman siguro sa iyo noon pa na ayaw ko sa mga tao hindi ba? Sa totoo lang, kung hindi dahil sa hangal kong kapatid na nauto sa kalahi mo ay matagal ka nang nakalagmak sa ilalim ng mansion na ito kasama ang mga mabangis na hayop."
"No, nagsisinungaling ka. Alam ko, at ramdam ko na may nararamdaman ka para sa akin!" turo ni Lily sa sarili. Namangha siya dahil nagawa niyang sabihin iyon ng mariin sa kabila ng gumuguho nang dignidad.
"Tigilan na natin ang walang kwentang usapang ito. Umalis kana dahil marami pang akong importanteng gagawin." sabi ng lalaki na tumalikod at dinampot ang kumpol ng papel na nasa mesa.
"Juda, please..." lumapit ulit si Lily para yakapin ang lalaki pero bigla siyang tinapik nito. Dumapo sa pisngi niya ang malaking kamay dahilan para bumagsak siya sa sahig. Bumangga pa ang balikat niya sa likod ng bakal na upuan, napaungol siya sa sakit. Pakiramdam niya ay nayugyog ang laman ng ulo niya, bahagya siyang nahilo kaya hindi kaagad nakabawi. Kung hindi lang natabunan ng nagulong buhok ang hilam niyang mga mata ay nakita niya sana ang gimbal sa anyo ni Juda.
Nang makabawi, ay tinukod ng babae ang kamay sa sahig at sa tulong ng silyang naroon ay dahan-dahang tumayo.
"Umalis ka na kung ayaw mong mas malubha pa diyan ang mangyari sa iyo." saad ni Juda
Sapo ng babae ang pisngi sa nanginginig na kamay. Rinig parin ang mahinang hikbi na binibitawan nito habang nalakad palabas, napatiim-bagang si Juda.
"Isang bagay pa," sabi ng lalaki, tumigil ang babae at muling lumingon. Natigilan si Juda nang makita ang pamumula ng pisngi ni Lily, bahagya pang dumugo ang sugat nitong marahil ay nasagi ng kuko niya.
"Sa makalawa ay ihahatid ka ni Gavin pabalik sa mundo ninyo."
Bumahid ang lubos na kalungkutan sa basang mga mata ng babae pero mahinang tumango.
"Iyon lang, makakaalis kana."
"Sa huling pagkakataon..." napigil ang pagtalikod si Juda sa pagsalita muli ni Lily. " ...pwede bang makita kita sa pag-alis ko? Paniniwalaan ko ang lahat ng sinabi mo ngayon at aalis ako ng matiwasay, kung pupunta ka sa pag-alis ko."
"Iyon lang ba ang gusto mo?"
Mahinang tumango ang babae bilang sagot.
"Asahan mo ang pagdating ko."