Chapter Seventy: Meeting the Tenth Generation

1091 Words
Chapter Seventy: Meeting the Tenth Generation                  Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising na siya. Madaling araw palang ay buhay na buhay na ang kanyang diwa. Hindi niya kasi mapigilang kabahan sa mga mangyayari ngayong araw. Ang naging usapan ng lahat kahapon tungkol sa Liderlik Denemesi o trial ay hindi maalis sa kanyang isipan. Kinakabahan siya, daig pa niya noong nag-exam siya para makapasok sa pagiging pulis. Nag-asikaso na siya ng kanyang sarili at pagkatapos ay nagsuot ng jogging pants at itim na hoodie. Sinuot na din niya ang paborito niyang rubber shoes at lumabas na ng bahay. Nag-stretching pa muna siya bago nag-jogging paikot sa kanilang subdivision. Naka-tatlong ikot na siya bago siya nagdesisyong magtungo sa jogging area. nakailang laps din siya bago pumunta sa restaurant ni Lola Igna. Doon ay sinalubong siya ni Angel at kinuha ang kanyang order. Isang silog meal ang inorder niya at hindi nagtagal ay inihatid din sa kanya. Isang tipikal na umaga para sa kanya.                  “Ready ka na, Xel?” tanong ni Harold sa kanya. Nasa park sila ngayon at alas-dos na ng hapon. Kasama niya ang ilang member ng inner circle niya na sina Tony, Richard, and Lorence. Nagkasundo sila na hinatayin si Kris at sasakyan nito ang gamit. “Actually hindi ko alam. Kinakabahan ako,” he honestly said. Ngumiti naman ang mga kasama niya at inakbayan siya ni Tony. “Relax lang Xel. All is well. Ilang buwan na din tayong nagtetraining. Ilang sakit na ng katawan ang inabot natin. Ngayon pa ba tayo aatras? Mas magandang matapos na ito para wala na tayong iniisip pa. Wala ng self-doubting,” sabi nito sa kanya. Sumang-ayon naman siya at ang kanyang mga kasama. “Tama si Tony. Hindi tama na magself-doubt tayo. Dapat may confidence tayo. Mukhang hindi naman tayo pahihirapan nila Don Timoteo. Kasi kung hindi tayo makakapasa sa Liderlik Denemesi, sino ang magmamana ng mga pwesto nila? Hindi ba’t sinabi niya kahapon na kailangan na nilang magretire. They not young anymore,” sabi naman ni Richard. Napatango silang lahat. Dito siya bilib kay Richard. Madalas manahimik pero laging pasok sa banga ang mga sinasabi nito. “Nakita niyo na ba ang inner circle ni Don Timoteo?” tanong niya at umiling ang apat. “Hindi Kuya eh. Ang madalas lang naming makita ay si Bernard. ‘Yung iba daw laging nasa misyon. Palaging pinadadala sa ibang bansa. Ganoon nga siguro kagulo ang Cosa Nostra dahil lagi na lang silang busy,” sagot ni Lorence. “Ikaw bata ka pa, ready ka bang pasukin ang trabaho bilang member ng inner circle? I mean belong ka na sa Cosa Nostra noon pa man pero kaya mo kaya?” tanong niya. “Aba kuya! Kayang-kaya! Kakayanin! Papatunayan ko sa’yo at sa inyong lahat na karapat-dapat akong mapasama sa inner circle ng eleventh generation!” sagot nito.                  Hindi nagtagal ay dumating na din ang van ni Kris. Pagsakay nila ay katulad kahapon ay nandoon na din ang kambal at si Kris ang nagmamaneho. “Si Sir Renato ng apala? Hindi umuwi sa inyo, Axel?” tanong ni Mykel at umiling naman siya. “Hindi. Mukhang busy para sa trial natin,” sagot niya. “I know na kapag pumalpak ako, he will shoot me nonstop until I sh*t his bullets.” “Yari tayo sa kanyang lahat,” dugtong pa ni Harold.                  Pagdating nila sa main mansion ng Cielo ay hindi pa din niya mapigilang mamangha. Ito ang pangalawang beses niyang makapunta. Sinalubong ulit sila ng butler at inihatid kung nasaan sina Don Timoteo. Pero hindi katulad kahapon na sa isang opisina, ngayon ay sa ibang kwarto na naman sila dumaan. Hindi na sila umakyat sa staircase. Nakailang liko sila at tatlong hallway ang dinaanan nila bago sila nakarating sa isang kwarto. Kakaiba ang kwartong iyon dahil kulay ginto ang pinto at sa taas nito ay may insignia ng Cielo Famiglia ang nakalagay. Binuksan ng butler ang pinto at bumungad sa kanila ang mga paintings. Animo’y nasa isang museum sila. Nilibot niya ang silid at napagtantong ito ang hall of leaders. Ang mga larawang naka-display ay mga larawan ng mga naging boss ng Cielo. Una niyang nakita ang larawan ng founder na si Giovanni Santos. Bagsak at kulay blonde ang buhok nito at may pares ng asul na mga mata. Nakapaligid sa larawan nito ang mga larawan ng inner circle nito. Sunod-sunod na ang pagkakadisplay ng mga paintings. Mula sa unang founder na si Giovanni Santos hanggang kay Don Timoteo. “This is the Hall of Leaders. They are the past bosses of Cielo.” Napatingin sila sa nagsalita at kapapasok lang ni Don Timoteo. Isa-isa na ding pumasok ang ilang lalaki at napagtanto niyang ito ang miyembro ng inner circle ni Don Timoteo. Naglakad papalapit sa kanila ang matanda, may hawak itong baston na kulay itim at makikitang medyo hirap na din ito sa paglalakad. “Tingnan niyo ang spot na iyon.” Itinuro nito ang isang bakanteng bahagi ng hall. May isang malaking frame na nakalagay doon at sa ilalim nito ay isang name plate na may mga katagang: Eleventh Generation. “Kung makakapasa kayo sa Liderlik Denemesi, mailalagay ang mga mukha niyo sa frame na iyan,” sabi ng isang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at medyo may kaitiman ang kulay ng balat. Kulot ang buhok ngunit kulay pula naman ito. Balbas sarado din ito at nakasuot ng isang itim na shades. “Please introduce yourself Grendel,” utos ni Don Timoteo. “My bad. I’m sorry. Anyway, I’m Grendel Honarocio, member of tenth’s inner circle and kasalukuyang pinuno ng Yagmur—ang isang assassination group,” pakilala nito. “Mas magandang ‘wag na natin itong patagalin pa para matapos na,” sabi ni Don Timoteo at tumalikod na. Agad na nagbigay daan ang kasapi ng inner circle nito at lumabas na ng Hall of Leaders. Nagkatinginan silang lahat at nagdesisyong sundan ang tenth generation. Naglakad sila sa isang hallway na nasa dulo ng Hall of leaders. Binuksan ni Bernard ang isang pinto at bumungad sa kanila ang isang hagdan pababa. May mga maliliit na lamp shades na nalakagay sa mga pader. Bawat is ay may isang metro ang pagitan. Medyo madilim ang daan kaya ingat na ingat sila sa pagbaba. Nang makababa sila ay nakita nila ang isang higanteng pinto. Gawa ito sa bakal na animo’y vault sa bangko ang desensyo. Umusok ito bigla at bumukas. Doon nila nakita sa loob si Renato na nakangiti sa kanila. “Welcome! To the Cielo’s training ground!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD