Chapter Seventy-one: The Trial

1049 Words
Chapter Seventy-one: The Trial                  Naglakad sila sa isang hallway na nasa dulo ng Hall of leaders. Binuksan ni Bernard ang isang pinto at bumungad sa kanila ang isang hagdan pababa. May mga maliliit na lamp shades na nalakagay sa mga pader. Bawat is ay may isang metro ang pagitan. Medyo madilim ang daan kaya ingat na ingat sila sa pagbaba. Nang makababa sila ay nakita nila ang isang higanteng pinto. Gawa ito sa bakal na animo’y vault sa bangko ang desensyo. Umusok ito bigla at bumukas. Doon nila nakita sa loob si Renato na nakangiti sa kanila. “Welcome! To the Cielo’s training ground!” sigaw sa kanila ni Renato. Dito niya napansin na nakasuot ito ng business suit na kulay itim. Maayos ang pagkakatali sa buhok nito at mukhang bago ng antiparang suot nito. Halatang pinaghandaan talaga ni Renato ang araw na ito. Pumasok sila sa loob at mas namangha sa kanilang nakita. Para silang nasa isang arena. May malawak na platform sa gitna at may mga bleachers na gawa sa semento. Para silang nasa arena kung saan ginanap ang laban nila Eugene sa Ghost Fighter. Dito niya din napansin ang dalawang babae na may suot na maskara. Isang masquerade mask na natatakpan ang mga mata nila. Kulay ginto ang mga maskara nila at may palaputing pulang rosas. Kulay berde ang buhok nila pero magkaiba ang haba. Ang isa ay may mahabang buhok samantalang isa ay may maikling buhok na pixie cut. “Good day! We are the Nel Mezzo. We are independent referee in Cosa Nostra. I am Hyacinth,” pakilala ng babaeng may mahabang buhok. “And I am Iris,” pakilala ng babaeng may maikling buhok. “Kami ang papagitan sa mangyayariang trial ngayong araw. Nasa amin ang desisyon kung kayo ba ay panalo, talo, o table ang laban,” sabi ni Hyacinth. “Kinuha ko ang Nel Mezzo para maging patas sa magiging trial natin. Now, let me explain kung papaano ang magiging trial natin. This generation’s trial will be like tournament. Kalalabanin niyo ang bawat isa sa amin. This is what we called the Battle of the Circle,” sabi ni Don Timoteo. Biglang nagkaroon ng ingay at unti-unting bumaba ang isang higanteng monitor. Doon ay nakita nila ang kanilang mga larawan, maging ang mga larawan ng tenth generation. “Let me explain further,” sabi ni Renato at lumapit sa kanila. “Bawat laban ay may kakaibang set-up. This training grounds can adapt in every situation. Kaya ‘wag na kayong magtaka kung papaano nagkaroon ng tubig, bulkan man iyan, o kung ano pa man.” Itinuro ni Renato ang screen kaya napatingin sila. “The battle will be in random. Pipili ang program kung sino ang maglalaban. The program of the battle will be three battles a day. So sa araw na ito, tatlong laban ang magaganap,” dugtong pa ng hitman. Mas lalong tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Tinitigan niya isa-isa ang mga member ng inner circle ni Don Timoteo. Kitang-kita ang pigiging sanay nito sa labanan. Kita niya ang mga peklat na nagsisilbing medalya sa bawat Gerang kinasangkutan nila. Ano ba ang laman nila? Mga bago palang sila. Wala pa gaanong kasanayan. Masasabi niyang may advantage siya dahil dati siyang pulis pero hindi iyon sapat. Hindi din niya pwedeng maliitin o i-underestimate si Don Timoteo. Matanda man ito pero kitang-kita niya na sanay na sanay ito. “Bago ang lahat, hayaan ko munang ipakilala ang aking mga inner circle. Kilala niyo naman na si Bernard. Siya ang aking right-hand man at madalas niyong makita. Siya ang pinuno ng Firtina. Si Grendel na pinuno ng Yagmur.” Nilapitan ng matanda ang isa sa mga kasama nito. “Ito si Casper. He is the second-in-command in Yagmur division.” Tinitigan nila ang lalaki. Mukhang ito ang pinakabata sa inner circle ng matanda. Sa tingin niya ay nasa forty to forty-five years old ito. Medyo napangiti siya sa kanyang naisip. Bagay na bagay ang pangalan nitong Casper dahil sa kulay ng balat nito. Parang kakulay n anito ang multong bata sa palabas na Casper. Wala din itong buhok pero hindi katulad ng nasa palabas na mapaglaro o masiyahing multo, ang Casper na nasa harapan nila ay walang mababakas na kahit anong emosyon. Nakatitig lang ng malamig sa kanila. “Next, this is Vincent. The head of Bulut division. I know na alam niyo naman ang Bulut division. They are the investigation team ng Cielo,” sabi ni Don Timoteo. Si Vincent ay katatamtaman ang pangangatawan. Kita nila ang muscles nito sa biceps na bumabakat sa suot nitong t-shirt na pinatungan ng isang camouflage na vest. Moreno ang kulay ng balat nito. Ang buhok nito ay nakatali sa isang bun at kulay blonde. Sa tingin niya ay nasa edad singkwenta na ito pero ang porma ay parang teenager pa din. May suot ding dog tag sa leeg nito at ilang accessories sa pulso nito. “And this is Sinbad,” turo sa lalaking kulay violet ang buhok. Clean cut ito at ito lang ang maayos na nakadamit. Sa tingin niya ay nasa singkwenta na din ang lalaki. “He is the leader of Duman Division. He knows exactly how to stalk you,” dagdag pa ni Don Timoteo. Tumingin si Don Timoteo sa Nel Mezzo at ngumiti. “Maybe can we start? Or gusto niyong bigyan ko pa kayo ng oras?” “Hindi na po. Mas magandang magsimula na tayo,” sabi niya. Tumango naman ang dalawang Nel Mezzo. “Kung ganoon. Opsiyal ko ng binubuksan ang Liderlik Denemesi ng Cielo Famiglia. The Battle of Circles!” sigaw ni Hyacinth at bigla na lamang nagkaroon ng fireworks sa paligid. “Sisimulan na ang pagpili kung sino ang unang sasalang sa labanan ngayon,” sabi ni Iris. Biglang tumunog ang screen at may lumabas na ekis na green sa mga larawan nila. Nagpalipat-lipat ang ekis sa kanilang mga larawan. Tumagal ng sampong minuto ang pagpili. Ting! “Nakapili na at ang ating unang mga kalahok ay sina Bernard na mula sa tenth generation versus Harold na mula sa eleventh generation!” Napatingin siya kay Harold at tumango sa kanya ang kanyang right-hand man. “Kaya ko ito, Xel. I will win this and I will not let you down!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD