Chapter Seventy-two: The Battle of Circle: Harold vs. Bernard

1100 Words
Chapter Seventy-two: The Battle of Circle: Harold vs. Bernard                  “Kaya ko ito, Xel. I will win this and I will not let you down!” sabi niya kay Xel. Tumango sa kanya si Xel at niyakap. “Good luck,” bulong nito sa kanya. Umakyat na siya sa platform at nakita na din niya ang pag-akyat ni Bernard. Nagstretching pa ito sa kanyang harapan at hindi niya maiwasang  mainsulto dahil sa ginagawa nito. “The Battle of Circle. Harold vs. Bernard!” sigaw ni Iris at nagkaroon pa ng spotlight para sa kanilang dalawa. “The battle begins in five! Four! Three! Two! One! Battle begins!” Nagsimula na siyang ilabas ang kanyang mga dynamite. Sinindihan na din niya ang kanyang specialized cigarette. Nakita niyang may inilabas na taco si Bernard sa kanya. Ilang sandali lang ay may mga billiard balls na lumitaw sa harapan nito. Lahat ito ay may kulay berdeng kuryente na nakapalibot. Hindi niya alam kung ano ang mga magiging pag-atake ni Bernard sa kanya. Ito nga ang unang beses na makikita niyang lumaban si Bernard. “Ready?’ tanong nito sa kanya. “Always,” sagot niya. Siya ang unang sumugod. Mabilis siyang tumabok papalapit kay Bernard at nang mukha itong aatake ay mabilis siyang nag-iba ng direksyon. Mula sa kaliwa nito ay ibihagis niya ang kanyang mga dynamites at lumikha ito ng malaking pagsabog. Halos mabalot sila ng usok at amoy na niya agad ang pulbura. Did I get him? Nang mawala ang usok ay laking gulat niya nang makita na kahit gasgas ay wala itong natamo. Nakpalibot kay Bernard ang mga billiard balls at lumikha ito ng isang plasma shield dahilan upang hindi ito matamaaan. “Good attack but not so fast,” sabi ni Bernard. Gumalaw ang mga billiard balls at lumikha ito ng isang tatsulok na hugis sa unahan nito ay ang white cue ball.  “My turn!” sabi nito sa kanya at gamit ang taco ay tinira nito ang cue ball. Agad na nagiba ang mga balls at limipad sa kanya. Natamaan siya sa balikat at tiyan. “Electro Balls!” sigaw nito sa kanya at bigla na lamang siyang pinalibutan ng mga ito. “What the—” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang maglabas ng kuryente ang mga cue balls at naramdaman niya ang mga boltahe nito sa katawan. Hindi niya mapigilang mapahiyaw dahil sa sakit na nararamdaman niya. “Harold!” dinig niyang sigaw ni Xel sa kanya. “A-ayos lang ako!” sabi niya at pinilit niyang tumayo. Hindi biro ang makuryente. Dama niya ang pagkasunog ng kanyang balat. Dama niya ang boltaheng dumaloy sa kanyang katawan. “That’s my electro balls. I am using the electric system na naimbento mismo ng fifth generation ng Cielo Famiglia. This balls are consist of electric pads at bawat isa ay may one hundred volts. It can actually kill you,” sabi nito sa kanya. Lumpiad pabalik kay Bernard ang mga cue balls at muli nitong tinira ang bola. Mabilis niyang pinindot ang isa sa mga box na nasa baywang niya at lumabas ang isang disc na may apoy. Mabilis niyang sinakyan ito at nakailag sa muling pag-atake ni Bernard. “Hindi lang ikaw ang may kakaibang weapon!” sigaw niya. Gamit ang disc niya ay mabilis niyang pinaikutan si Bernard. Nakita niya ang pagiging alerto ni Bernard sa magiing pag-atake niya. Naghagis siya ng limang dinamita mula sa kaliwa at limang dinamita mula naman sa kanan. “Hindi ‘yan uubra!” sigaw nito sa kanya at muling umatake. Ngunit hindi na siya umilag pa. ang disc na sinasakyanniya ay kumalas pa sa anim na disc at agad itong humarang sa pag-atake ni Bernard sa kanya. Ang mga disc ang nagsilbing shield niya laban kay Bernard. “Ito ang aking LAI System. Ang mga disc na ito ang nagsisilbing shield ko laban sa mga pag-atake mo. Inembento ito ni Sarah para sa akin,” sabi niya. “Tapusin na natin ito!”sigaw niya. Mula sa kanyang baywang ay kinuha niya ang isang dinamita na kulay pula. Sinindihan niya ito ng kanyang specialized cigarette. Nang masindihan ay umapoy ito ngunit biglang nagbago ang hitsura nito. Mula sa pagiging dinamita ay naging baril na may model na G3 SAS. Mabilis niyang binarily si Bernard ngunit ang mga cue ball nito ay nag-from ng isang block at hinarang ang kanyang mga naging tira. Dahil naging occupied si Bernard sa pagtira niya ay mabilis siyang naghagis ng limang dinamita. Huli na nang makita ito ni Bernard at hindi na muling nakailag pa. Lumipad ng ilang metro si Bernard at nasunog pa ang damit nito. Nilapitan ni Iris ang lalaki at tiningnan ang kalagayan nito. Ilang sandali lang ay itinaas na ang kanang kamay nito. “Bernard can no longer fight! The winner of this match is Harold form eleventh generation!” sigaw ni Iris. “Yes!” Sigaw niya. Napalingon siya sa kanyang mga kasama niya at nag-akyatan ang mga ito sa platform at niyakap siya. “Yes! Buena mano!” sigaw ni Tony. “Magandang simula ito para sa ating lahat!” sabi naman ni Richard at sumang-ayon agad sila. “Magaling, Harold.” Napalingon sila kay Don Timoteo na nasa baba ng platform. “Salamat po, Don Timoteo,” sabi niya. Lumingon siya kay Bernard na may nakapalibot ng nurses at nilalagyan na ng gamot at benda ang mga naging sugat nito. “Pinatunayan mo lang na karapat-dapat ka sa posisyong right-hand man. Pero hindi pa dapat ang tamang oras para magsaya. May ilang laban pang sasalang ngayong araw,” sabi nito sa kanya. “Alam po naming iyon, Don Timoteo,” sabi ni Xel at tumingin ang lahat sa binata. “Gagawin naming ang lahat to become your successor.” “Mabuti kung ganoon.” “Mawalang galang na pero oras na para malaman kung sino na ang susunod na lalaban,” sabi ni Hyacinth. Muli silang napatingin sa malaking screen at muling nagpalipat-lipat ang berdeng marka sa kanilang mga larawan. May malaking ekis naman na pula ang mga larawan ni Harold at ni Bernard. Ting! “Ang susunod na maglalaban. Tony at Casper!” ***                  “Seriously? Nagawa mo pang kumain ng popcorn?” tanong ni Rhea sa kanyang kapatid na si Kronos. Lumingon naman sa kanya si Kronos at umismid. “Bakit? Nagiging mainit na ang laban sa pagitan ng tenth at eleventh generation.” “Bakit mo pa pinanunuod? Hindi ba’t alam mo na kung ano ang magiging resulta?” “I know pero hindi ko alam kung papaano sila magtatagumpay.”                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD