Chapter Seventy-three: The Trial: Tony vs. Casper

1053 Words
Chapter Seventy-three: The Trial: Tony vs. Casper                  Nang makita niya ang larawan niyang may berdeng marka ay inihahanda na niya ang kanyang loob, ngayon niya maipamamalas talaga ang husay niya sa paghawak ng katana. Ilang taon na din siyang nagsasanay sa paghawak nito. Nakiusap pa siya sa kanyang Uncle Thomas noon na ngayon ay namayapa na na tulungan siya at sanayin sa paghawak ng katana. Tiningnan niya ang magiging katunggali niya. Si Casper. Sa pagkakaalam niya ay tinagurian sword emperor si Casper. Si Casper ang pinakamagaling na swordsman sa tanang kasaysayan ng Cielo Famiglia. Nakita niya ang espada nitong nasa baywang nito. Katulad kanina ay walang reaksyon ang mukha nito. Hindi niya tuloy Mabasa ang iniisip nito. Alam niyang mahihirapan siya dahil isang sword emperor ang kalaban niya pero hindi niya ito aatrasan. Ipinangako niya kay xel at kay Uncle Thomas niya na mananalo siya sa lahat ng kanyang laban. “The battle of circle. Tony versus Casper! The battle begins in five! Four! Three! Two! One! The battle begins!” sigaw ni Iris. Tinanggal na niya ang sheath ng kanyang katana. Nakita niyang tiningnan ito ni casper. Ang kanyang katana ay kulay itim. Sa gitna ng blade ay may kulay pulang guhit na animo’y dugo. Ang hawakan nito ay naglalaro sa kulay itim, ginto, at pula. Nakatingin lamang ito sa kanya. Tila minamanmanan ang kanyang mga galaw. Nagkatitigan din sila. Wala ni isa sa kanila ang may balak na sumugod. “Tony,” tawag nito sa kanya. Itinuro nito ang sahig kaya napatingin siya. Nagulat siya nang makitang nagkakaroon ng tubig ang buong platform. “What the hell?” sigaw niya. Yumanig ang platform at nila mas lalong tumataas ito. Dito na niya napansin ang pagkakaroon ng glass wall ng buong platform. Yumanig ang paligid hanggang sa tuluyan na silang nakulong sa loob. Para silang nakakulong sa isang enclosure. Nagsimula na ding umakyat ang tubig. “This is my kingdom,” sabi ni Casper sa kanya.  Nakatingin lamang ito sa kanya at katulad kanina ay walang kahit anong emosyon. F*ck! Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Ganoon na lamang ang takot niya nang muli niyang tiningnan ang sword emperor at naglabas ito ng kakaibang awra. Isang nakakatakot na awra. Hindi niya mapigilang manginig ang kanyang tuhod. Pero kahit na natatakot siya ay hindi siya susuko. Hindi kailanman siya susuko. Mabilis siyang sumugod. Ipinorma na niya ang kanyang katana at handa ng bigyan ng bigwas si Casper ngunit bigla siyang napatigil. Bigla siya hindi makahinga. Laking gulat niya nang makita ang kamay ni Casper na nasa kanyang leeg. Sinasakal na pala siya. “Too slow,” sabi nito sabay buhat sa kanya. Nakaya siyang iangat sa lupa gamit lamang ang isang kamay. Mabilis siyang inihagis hanggang sa tumama ang likod niya sa glass wall. Napahawak siya sa kanyang leeg at napaubo. Pilit hinahabol ang kanyang hininga. “Being a swordsman is very difficult. Hindi mo dapat hinahayaang mabasa ng kalaban ang mga kilos mo,” sabi nito sa kanya. Nanginginig siyang tumayo at tinitigan ang lalaki. “Naisahan moa ko doon,” sabi niya at muling pumorma. Napatingin siya sa tubig na umabot na sa kanyang binti. Muli siyang sumugod at nakita na niyang tinanggal nito sa sheath ang espada nito. Nakahanda na nitong i-block ang kanyang atake kaya nang malapit na siya ay agad siyang kumabig sa kaliwa nito. Sakto naman na sa pagkabig niya ay ang pagtira nito. Mula sa kaliwa ay inundayan na niya ito ng hiwa. Mabilis na tumalon palayo sa kanya si Casper. Nakita niyang napunit at dumugo ang kaliwang braso nito. Nanlaki ang mga mata niya ng ngumiti ito sa kanya. Isang nakakatakot na ngiti. Mabilis itong sumugod sa kanya. Nagbanggaan ang kanilang mga espada. Nagkikislapan ang mga espada nila kasabay ng mga talsik ng tubig. Nang makalayo si Casper ay mula sa itaas ay sumugod ito at muli niyang nasangga ang atake nito. Lumayo sa kanya si Casper. “I can say you have a good blacking skills. Pero hindi naman dapat na puro depensa na lang ang gagawin mo,” sabi sa kanya. “I know. Iyan ang sinabi sa akin ni Uncle Thomas. I need to attack,” sagot niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang espada at sumugod. Nakahanda na si Casper para i-block ang kanyang espada ngunit nang nasa harapan na siya ay bigla niyang inilipat ang espada sa kanyang kaliwang kamay at ito ang ginamit niya para masugatan si Casper. Inaasahan ni Casper na masasalag nito ang kanyang espada pero dahil inilipat niya sa kaliwang kamay ang katana ay hindi na nito nagawa pang salagin. He managed to wound him sa tagiliran. Natumba si Casper sa  basang platform.Napansin niya na umabot na sa tuhod ang taas ng tubig. Basang-basa na din siya at maging si Casper. Biglang lumapit si Hyacinth at sumenyas. Tiningnan nito si Casper at pagkatapos ay itinaas ang kaliwang kamay. “Ang nanalo—si Tony mula sa eleventh generation!” sigaw nito. Nadrain ang tubig na nasa loob ng platform at nang maubos ang tubig ay yumanig ang paligid. Kasabay nito ang pagbaba ng platform at pagkawala ng glass wall. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Xel at ngumiti siya. “Oo naman. Wala naman akong gaanong naging sugat,” sabi niya. Lumapit sa kanya ang kanilang boss at hinawakan ang leed niya. “You have bruises,” sabi nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang leeg. Dama niya ang sakit pero kaya naman niya ito. “Malayo ito sa bituka, Xel,” sabi niya. Lumingon siya kung nasaan si Casper at nakitang may mga nurse nang lumapit doon. “Grabe ang kaba ko! Biruin mo natalo mo ang sword emperor!” sabi ni Richard at ngumiti naman siya eh. “Oo nga eh.” “Congratulations, Tony.” Lumingon sila kay Don Timoteo. “Two wins. Not bad for the starters. Pero may mga kailangan pa kayong laban na dapat panaluhin.” ***                  Napatingin si Renato sa mga miyembro ng inner circle ni Axel. Wala naman siyang mga naging problema sa mga ito dahil alam niyang mananalo ang mga ito. ang inaalala niya ay kung papaano kahaharapin ni Axel ang matanda. Mas malakas at matalino si Don Timoteo kumpara sa mga inner circle nito. Mananalo kaya si Axel laban kay Don Timoteo?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD