Chapter Seventy-four: The Trial: Richard vs. Grendel

1045 Words
Chapter Seventy-four: The Trial: Richard vs. Grendel                  “At ang huling laban para sa araw na ito!” sigaw ni Iris. Lahat sila ay napatingin sa screen at muli na namang umarangkada ang pagbili ng berdeng marka sa kanilang mga mukha. Ting! “Ang mga manlalaro para sa huling laban sa araw na ito. Richard mula sa eleventh generation at si Grendel na mula sa tenth generation!” sabi ni Hyacinth. “Good luck, Richard,” sabi ni Axel sa kanya. Ngumiti siya at nakipag-fist bump pa siya. “’Wag kang mag-alala. I will win this,” sabi niya at umakyat na sa platfor. Kasabay niyang umakyat si Grendel at naiiling siya dahil sa hitsura nito. Ayaw niya kung papaano ito manumit at masakit sa kanyang mata ang kulay pula nitong buhok. Mukha itong manok na pangsabong sa paningin niya. Okay, he keeps those thought in himself. Ayaw niyang sabihin ito at talagang sasabog sa galit ang kalaban niya. “The fight between Grendel and Richard will be boxing,” sabi ni Iris. Biglang may lumabas na apat na poste sa apat na sulok ng platform. Pagkatapos ay may mga tali na kumonekta sa apat na poste. Ang platform nila ngayon ay nagmistulang boxing ring. May umakyat sa kanilang dalawang babae na ngayon lamang niya napansin. Mukhang kasama ito nila Hyacinth dahil may mga suot din itong maskara. Isinuot sa kaniya ang kulay dilaw na boxing gloves. Tiningnan niya si Grendel “The Battle of Circle: Richard versus Grendel. The battle begins in five! Four! Three! Two! One! Battle begins!” Kasabay ng pagsigaw ni Hyacinth ay nag pagtunog ng ring bell. Ngumiti sa kanya si Grendel. “Hey, before we start, may itatanong ako,” sabi nito sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya. “Ano?” tanong niya. “Do you know the story of Beauwolf?” tanong sa kanya. Umiling naman siya at pumorma na. Nagsimula na ding pumorma si Grendel sa kanya. “Well, Beauwolf is a literary an epic poem. Doon kinuha ang pangalan ko,” sabi nito sa kanya. “Well, magandang trivia ‘yan. I thought mula sa Hansel and Gretel ang pangalan mo. Opps! My bad, Grendel ng apala name mo!” Mabilis na sumugod sa kanya si Grendel. Nang magkatapatan sila ay mabilis siyang nagpunta sa gilid ngunit bumato na ng suntok si Grendel sa kanya. Mabilis niyang iniharang ang mga kamao sa mukha niya. Kaliwa! Kaliwete si Grendel!   Sa lakas ng suntok ni Grendel ay nasira ang kanyang depensa. Para itong espada nanaksak mula sa kung saan. Damang-dama niya ang nakakatakot na awrang inilalabas nito sa kanya. His fist is hard! I can’t take one of these in a critical spot! Dito na sunod-sunod na bumato si Grendel sa kanya ng mga suntok. Mabilis niya itong iniwasan. Naroong yumuko siya, ibinaling ang ulo sa kaliwa, o hindi naman ay sa kanan. Pero ang napansin niya ay ang kaliwang kamao lang nito ang gumagalaw. Ang kanang kamao ay nananatiling nasa depensa. It’s like he’s jabbing me with a battering ram! Malakas ang pwersa ng kaliwa niya! Patuloy siyang binabato ng mga suntok ni Grendel gamit ang kaliwang kamao nito. Siya naman ay patuloy na nasa depensa. Hindi pwedeng ganito lang ako. Kailangan ko ding pumalag! Nag-igting ang kanyang mga panga at sumugod na siya. Nag-slide siya sa kaliwa ni Grendel at yumuko. Nagpaikot-ikot siya gamit ang kanyang lowered stance at para bang gumuguhit siya ng infinity. Nalilito na si Grendel sa kanya. Hindi makahanap ng butas si Grendel upang bigyan siya ng isang suntok. Mula sa ilalim ay ay binigyan niya ng left hook si Grendel. Isang left hook na mula sa ilalim paakyat sa itaas. Nakailag si Grendel ngunit natamaan niya ang baba nito. Sinamantala niya ang momentum kaya mabilis niyang ginamit ang kanyang kanang kamao pero laking gulat niya nang makita si Grendel na handa na ulit bumato ng suntok sa kanya. Naunang nakabato ng suntok si Grendel at nakaiwas siya. Buong lakas niyang ibinuhos ang lakas niya sa kanang kamao at tumama ang kamao siya deretso sa mukha ni Grendel. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay matutumba na si Grendel. Pero hindi pa doon natatapos ang kanyang pagtira. Bago tuluyang tumumba si Grendel ay binigyan niya pa ito ng isang suntok mula sa kaliwa niyang kamay. Pinilit pa ni Grendel na tumayo at mabilis niyang inundayan ito ng suntok. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Hindi niya hinayaang makabawi pa si Grendel sa kanya. Idagdag pa dito na naiinis siya dahil sa hitsura niyo. Actually, he is a fashion conscious. Huling suntok na sana niya nang bigla na lamang itong natumba. Face straight sa platform. Umakyat si Hyacinth sa taas at tiningnan si Grendel. Wala ng malay at tanggal ang ngipin nito sa harapan. Tumayo si Hyacinth at sumensyas ng ekis. “Knockout! Ang nanalo ay si Richard!” sigaw ni Hyacinth. Dinig na dinig niya ang hiyawan ng kanyang mga kasama. Yumanig ang platform at nawala ang mga lubid at apat na posting sumulpot kanina. Lumingon siya sa kanyang mga kasama at lahat ay umakyat papunta sa kanya. Naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya nina Tony at Harold. “Whooo!!” “Panalo tayo!” “Three wins! Apat na lang ang kulang!” sigaw ni Lorence. “Magaling, Richard,” sabi ni Don Timoteo. “We are experience old men pero nagawa niyong matalo kami. Three wins in just a day. I am very proud of you three,” dagdag pa nito sa kanya. “Thank you, Don Timoteo,” sabi niya at ngumiti sa kanya ang matanda. “You can have all rest tonight. Bukas na ulit tayo magkikita. Kung gusto niyo dito na kayo mag-dinner. I will give you the south wing you can have your party of this day’s wins.” Tumalikod na ang matanda sa kanila at lumabas na ng training ground. Sinundan lang nila ng tingin ang mga matatanda. Si Grendel naman ay nasa isang stretcher na at knockout pa din. Bitbit ito ng dalawang nurse na lalaki. “Good job,” sabi ni Renato sa kanila. Tumingin sila sa hitman at nakangiti sa kanila. “Pero hindi pa ito ang tamang oras para magsaya. We still have fights tomorrow. Apat na laban pa ang kailangang ipasa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD