Chapter Seventy-five: Mykel and Celestine vs. Vincent

1161 Words
Chapter Seventy-five: Mykel and Celestine vs. Vincent                  “Ready na kayo?” tanong ni Axel sa kanila. Nasa entrance na sila ng main mansion at papunta na sa training grounds kung saan ginaganap ang Liderlik Nemesi nila. Tumango naman siya at ngumiti ang kapatid niyang si Mykel. “Yeah, ready na kami,” sagot ng kanyang kapatid. Tumango na sa kanila si Axel at sabay-sabay na silang naglakad papunta sa training ground. Katulad kahapon ay dumaan muna sila sa Hall of Leaders pagkatapos ay bumaba na sila sa training grounds. Hindi niya akalain na may training ground sa ilalim ang Cielo. ang pagkakaaalm lang niya ay ang training area sa may rooftop nito. Pagdating nila doon ay naghihintay na sa kanila ang tenth generation. Walang mapagsidlan ang saya niya nang makita sina Casper at Bernard na may mga benda—patunay lang na nanalo sila kahapon. Wala si Grendel ngayon, marahil ay nasa ospital at nagpapagaling. Napatingin siya kay Richard. Talagang napabilib siya nito dahil sa angking galing sa boxing. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Kaya kaya niya? kaya niya bang makipagsabayan sa kanyang kapatid at talunin ang magiging kalaban nila? “Hey.” Napatingin siya sa kanyang kapatid. Hinawakan nito ang kanyang kamay at alam niyang malamig ito. “’Wag kang mag-alala. Kaya natin ito. kaya mo ito,” sabi sa kanya at ngumiti siya. “Yeah. Kaya natin ito.” Napatingin na silang lahat sa taas ng platform nang umakyat na doon si Iris at nagsimula ng magsalita. “The second day of the Battle of Cirlce will about now to begin!” sigaw nito at muling lumabas ang malaking screen. Muling namili ang berdeng marka at sa pagkakataong ito at tatlo ang naging marka. Ting! Siya, si Mykel, at si Vincent. “Mykel and Celestine versus Vincent!” sigaw naman ni Iris. Umakyat na silang magkapatid at umakyat na din si Vincent. “The Battle of Circle will now begin in five! Four! Three! Two! One! Battle begins!”                  Tinitigan nilang magkapatid ang kanilang kalaban ngayon na si Vincent. Simple lang itong nakangiti sa kanila. Nag-aabang lang sila ng magiging hakbang nito. “Hindi ko na patatagalin pa ito. Mas maagang matatapos, mas maganda,” sabi nito sa kanila. Lumakad ito paikot sa kanila kaya dahan-dahan din silang nagpa-ikot ikot. “Now!” sigaw ni Mykel at mabilis itong sumugod kay Vincent. Mula sa harapan ay sumugod si Mykel samantalang siya ay sa likuran titira. Nakita niyang sumuntok si Mykel ngunit nakailag ito. Siya naman sinipa ang lalaki sa ulo at natamaan niya ito. Tumalsik ito ng ilang metro. “Not bad,” sabi nito sa kanila at tumayo. Tumingin ito sa kanila at pinatunog ang leeg nito. “Maybe I should start showing who I am,” dugtong nito. May kinuha itong isang syringe mula sa isang maliit na belt bag nito at itinurok sa braso nito. Nagtataka sila sa ginagawa nito. Isang kulay light green na likido ang itinurok nito sa sarili. Ilang sandali lang ay humiyaw ito sa sakit. Para itong nasasaktan ng husto dahil sa likidong ipinasok nito sa sarili. What the hell is happening? What is that liquid? Laking gulat nila ng biglang may lumabas na isang malaking pakpak sa likod ni Vincent. Kulay berde ito at slimy. Para itong pakpak ng paruparo pero madulas. Ang likidong tumutulo sa platform ay umuusok. Isang asido. “What the hell is that?” tanong ni Mykel. “I don’t know. Hindi ba’t isang scientist si Vincent? Maybe experiment niya iyan,” sagot niya sa kapatid. Biglang pinagaspas nito ang pakpak at ang mga likido nito ay nagtalsikan. Pareho silang umilag ni Mykel. Muling pinagaspas nito at sa pagkakataong ito ay nasabuyan sila ng inilalabas ng likido nito. Bumagsak sila ni Mykel. Natamaan siya sa kanyang mukha at kanang kamay samantalang ang kanyang kapatid ay sa kanang bahagi ng mukha nito. Pinilit niyang hindi mapasigaw sa sakit. Parang sinusunog ang kanyang  balat, laman, at maging ang buti. “Iyan ang bago kong gamot. Ang decaying liquid solution. Ang sino mang tatamaan ng bagay na iyan ay paniguradong mabubulok ang katawan. Pero ‘wag kayong mag-alala, may gamot ako para diyan,” sabi nito sa kanya. “F*ck!” sigaw ni Mykel at nakita niya ang mukha ng kapatid. May bigla na lamang nagkaroon ng mga asul na linya ang bahagi ng mukha nito na natamaan ng likido. “Sh*t!” sigaw din niya at nakita niya na nagkakaroon na din siya ng asul na linya mula sa braso niya paakyat sa kanyang mukha. “Membranes, wounds, kapag natamaan ka ng likido ay magkakaroon ito ng reaction dahilan upang mabulok ang iyong kahit na anong bagay na matamaan nito. At sa totoo lang ay ilang minuto na lang ang itatagal niyo. Maybe Mykel will have fifteen minutes left habang ikaw Celestine will only have ten minutes. Maybe hanggang mamayang gabi na lang kayo bago tuluyang mabulok ang inyong katawan at maging kalansay na lamang,” sabi ni Vincent sa kanila. Delikado. Mamamatay kami! “Halos lahat ng bagay ay kaya nitong tunawin maliban nga lang sa mga bakal na hindi kinakalawang,” sabi nito sa kanila. “Hindi kinakalawang?” tanong niya at tumango si Vincent. “Mapipigilan ba ng mga bagay na hindi kinakalawang ang pagkabulok ng katawan naming?” Tumango si Vincent. “Yes. Mabuti at naitanong mo,” sagot nito sa kanya. Tumingin sa kanya ang kapatid. “Well kung gan’on—” kinuha niya ang kanyang armas mula sa isang maliit na belt bag. Isang pako na gawa sa copper. “—mapipigilan nito ang pagkabulok ng katawan ko!” sigaw niya at kasabay nito ay itinusok niya ang pako sa kanyang pulso kung nasaan nagsisimula ang mga asul na linya. Ganoon din ang ginawa ni Mykel. Ang punyal nito ay mabilis na hiniwa ang balat na may asul na linya. Gulat na gulat si Vincent. “Our weapons are made of copper!” sigaw niya. Mabilis nilang pinaikutan ni Mykel si Vincent. Kumuha siya ng ilang pako mula sa bag niya at inihagis ito sa pakpak ni Vincent. She pins him using her nails at sa lakas ng pwersa ay natumba si Vincent. Agad na bumaon sa semento ang mga pako at kinuha n ani Mykel ang pagkakataon. Gamit nag punyal nito kinubabawan nito si Vincent at pinutol ang mga pakpak nito. “Game over!” sigaw ni Iris at umakyat sa platform. “Vincent violates one of the rules. No poisonous substances. Pero kitang-kita naman natin kung sino talaga ang panalo. The winner of this match are Mykel and Celestine!” sigaw nito. Mabilis na lumapit ang mga nurses sa kanila upang gamutin sila. Upang pahintuin ang epekto ng likidong iyon. Ang isa sa mga nurses ay may kinuhang syringe na may kulay asul na likido at itinurok sa kanila. Ilang segundo lang ang lumipas ay nawala ang asul na mga linya sa kanilang katawan at naging manhid ang kanilang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD