Chapter Seventy-six: The Trial: Lorence vs. Sinbad

1068 Words
Chapter Seventy-six: The Trial: Lorence vs. Sinbad                  Napatingin si Lorence sa kanyang Ate Celestine at Kuya Mykel. Duguan ang mga ito at may mga lason sa katawan dahil kay Vincent ng tenth generation. Mas lalo tuloy tinambol ng kaba ang dibdib niya. Nakakaapat ng panalo ang grupo nila at ayaw niyang matalo. Na baka siya pa ang dahilan ng pagkatalo ng grupo. Pinanuod niya mula sa ibaba ng platform na buhat sina Kuya Mykel niya at Ate Celestine. Nasa mga stretcher ito at inilalabas ng training ground. Lumingon siya kay Kuya Axel niya. Kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. Nag-aalala ito sa kanyang Kuya Mykel at Ate Celestine. Napalingon siya sa mga kasama niya. Lahat sila ay nag-aalala para sa kambal. Humugot siya ng malalim na hininga. Dalawa na lang sila ni Axel ang hindi pa lumalaban pero kung titingnan, mukhang siya na ang susunod na sasalang. Napahawak siya sa kanyang weapon. Sa ngayon ay kailangan niyang magtiwala sa kanyang sarili at sa kanyang weapon. Matagal siyang nagsanay para sa araw na ito. “Lorence.” Napatingin siya kay Axel. Nakangiti ito sa kanya at nilapitan niya, ipinatong nito ang kamay sa balikat niya at naramdaman niya ang marahang pagpisil nito. “Kaya mo ‘yan. Kaya natin ito,” sabi sa kanya. Ngumiti siya at tumango. “Tama! Kaya natin ito,” sabi niya at niyakap ang binata. Dahil sa pagyakap ng kaniyang Kuya Axel ay humupa ang kabang nararamdaman niya. Kumalma ang kanyang loob. “For the next battle, hindi na pipili kung sino ang lalaban. The boss’ stage is always on the end. So for the next fight, it will be Lorence versus Sinbad!” sabi ni Iris. Wala na siyang nagawa pa at umakyat na sa platform. Huminga siya ng malalim at pilit tininatago ang takot. “The Battle of Circle will now begins! Lorence versus Sinbad. The battle begins in five! Four! Three! Two! One! Battle begins!” sigaw ni Iris.                  “Makakaya mo ba akong talunin, bata?” tanong nito sa kanya. Dinig na dinig niya ang tono ng kayabangan sa lalaking ito. “Please, don’t underestimate me,” sabi niya. Isang creepy smile ang ibinigay sa kanya ni Sinbad. Sa lahat ng inner circle ni Don Timoteo, si Sinbad ang pinaka-creepy sa lahat. “Hey!” sigaw sa kanya at laking gulat niya nang biglang nasaharapan na niya ito at sinipa siya. Mabilis siyang yumuko para makaiwas ngunit hindi niya nakita ang isang paa nito. Sinipa siya nito at tumalsik siya sa sa gitna ng platform. Dama niya ang sakit ng sipa ni Sinbad sa kanya. “Always have presence of mind,” sabi sa kanya ni Sinbad. “Kailangan iyon sa pakikipaglaban. Huwag mong hayaang madistract ka ng mga iniisip mo,” dagdag pa nito. Tumayo na siya at tinitigan ng maiigi si Sinbad. Iniisip niya kung ano ang kakayahan nito. Hindi niya pa kahit kailan nakitang makipaglaban si Sinbad. “I will just cut the chase. Mas magandang matapos na kaagad ito,” sabi ni Sinbad. May kinuha itong isang ugat mula sa bulsa nito. “Ito ang anima roots. This help me extend my body,” sabi nito. Isinubo nito ang sinasabi nitong ugat at nginuya. Pinanuod niya itong kainin hanggang sa biglang lumakit ang katawan nito. Ilang sandali lang ay may mga galamay ang lumabas sa likuran nito. Mabilis na sinugod siya nito gamit ang mga galamay nito. “Damn!” sigaw niya. tumakbo siya at umiilag ngunit mabilis ang mga galamay. Inilabas na niya mula sa likuran niya ang kanyang weapon. Isang wide-edge dagger na may balot na cow print na benda. Umatake ng umatake si Sinbad sa kanya gamit ang mga galamay. Tumakbo siya sa hilagang direksyon at sinundan siya ng mga galamay. Huminto siya sa pagtakbo at bumwelo pasalubong sa direksyon ng mga galamay. Gamit ang dagger niya ay hiniwa niya ito. Naputol ito pero wala pang dalawang segundo ay muling tumubo ang mga galamay. “It’s no use! I can regenerate!” sigaw ni Sinbad sa kanya. Sa muling pagsugod ng mga galamay ay umilag siya at tinalunan ito pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Sinbad na nasa harapan niya. “Surprise!” sigaw sa kanya at susuntukin na sana siya pero hiniwa niya ang kamay nito. Pero katulad ng galamay nito ay mabilis lang itong nagregenerate. How? Papaano ko siya matatalo? “I told you to have presence of mind!” sigaw sa kanya at naramdaman na lang niya ang malakas na suntok nito sa kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay inalog ang kanyang lamang-loob. Gumulong siya sa ibabaw ng platform. Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas. Pero alam niyang hindi siya dapat sumuko. Pinilit niyang tumayo at tinitigan ng husto si Sinbad. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang wide-edge dagger. Dito na niya naisipang tanggalin ang bendang nakapalibot sa kanyang weapon. Nang matanggal niya ito ay bigla na lamang umusok ang kanyang dagger. “Oh? Mukhang may tinatago ka pang ability,” sabi nito sa kanya. Umatake ulit ito gamit ang mga kalamay at dito na niya hiniwa. Nang mahiwa niya ang mga galamay nito ay bigla na lamang nagkikisay ang mga ito at umusok. “What the hell? Anong ginawa mo? I can’t regenerate!” sigaw ni Sinbad sa kanya. Hindi siya nagsalita at lahat ng mga galamay ay pinutol niya. Hindi na nito hinayaang tumubo pa ulit. Nang matapos niyang putulin ang mga galamay nito ay tinitigan niya si Sinbad. “I told you, don’t underestimate me!” sabi niya at biglang sumugod. Inatake niya ito gamit ang kanyang dagger at hiniwa niya. Nakaatras si Sinbad kaya nakailag pero hindi niya hahayaan ito. Mabilis niyang hiniwa ang tiyan nito. Umusok ang tiyan nito at namilipit sa sakit. Bumubula ang naging sugat nito dahilan upang hindi agad magsara. “A-ano ba ‘yan?!” sigaw ni Sinbad sa kanya. “This is my wedge-edge dagger. I call this Sciolto which means melt. May asido ang dagger ko at kaya nitong sinugin ang kahit na anong bagay,” paliwanag niya. “Hindi maganda na minamaliit mo ang iyong kalaban,” sabi niya. Umakyat na si Hyacinth sa platform at tiningnan si Sinbad. Halatang hindi na ito makakalaban dahil patuloy na kinakain ng asido ang balat nito. Sumenyas na si Hyacinth at sumigaw na si Iris. “Ang nanalo ay si Lorence mula sa eleventh generation!”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD