Chapter Seventy-seven: The Final Trial: Axel vs. Don Timoteo

1211 Words
Chapter Seventy-seven: The Final Trial: Axel vs. Don Timoteo                  Pinanuod niya ang bawat isa kung papaano lumaban. Ang bawat isa ay talagang may angking lakas at kahit kay Lorence—na siyang pinakabata sa kanila ay sobrang galing. Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Ano nga ba ang kaya niyang gawin? May mga bagay na hindi talaga kayang ipaliwanag. Sadyang ibang-iba talaga ang mundong ito kaysa sa pinanggalingan niya. Bawat isa ay lumaban ng husto para maipaa ang trial na ito. Siya ang kanilang lider at kailangan niyang ipasa ang trial na ito. Tinanaw niya si Don Timoteo na nasa kabilang banda ng platform. Kausap nito ang kanang-kamay nitong si Bernard. Kaya nga ba niya? lider ng Cielo ang kahaharapin niya. Isang matandang may malawak na karanasan sa mundo ng mafia. Besides, matanda na ito. Hindi niya kayang saktan ang isang matanda. “And now for the final event for this trial! The battle of bosses. The Battle of Circle between Axel Santos and the Cielo’s tenth boss—Don Timoteo Santos!” sigaw ni Hyacinth. Tumingin siya sa kanyang mga kasama at isa-isa siyang niyakap ng mga ito. “Kaya mo ‘yan, boss.” “You can do it, Xel.” Huminga siya ng malalim at umakyat na sa platform. Nakita niya pang inalalayan pa ni Bernard si Don Timoteo. Hawak pa din nito ang baston nito. “The Final Battle begins! Axel versus Don Timoteo! The battle begins at five! Four! Three! Two! One! Battle begins!” sigaw ni Iris at dito na niya nilabas ang kanyang pistol na Dessert Eagles. “Just calm down my child. ‘Wag kang ma-tense,” sabi nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at lihim na kinakalma ang sarili. He knows kung ano ang nararamdaman ko. He is watching me. Watching my every move. “Kapag nasa laban ka o kahit na anong sitwasyon, you need to calm down. No need to freak out and internally screaming,” sabi pa nito sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang baril. How? How can I win against this old man? Nagtaka niya ng bigla nitong tinap ang sapatos nito sa semento. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. “Always clear your mind.” Napalaki ang mga mata niya nang biglang nasa harapan na niya ang matanda. Gamit ang baston nito ay hahampasin na siya ngunit nakailag siya. Nang makita ito ng matanda ay hindi niya akalain na mkakabawi agad ang matanda. Siniko siya nito at namaan sa kanyang panga. Sa lakas ng pwersa at tumalsik siya ng ilang metro. “Always think about your weak spots! Don’t let your enemy sees that,” pangaral nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang panga at naramdaman niyang basa ito. Nang tiningnan niya ito ay may dugon a. Pumutok pala ang kanyang labi. “Thank you for the lessons, Don Timoteo,” he said at tumayo na siya. Pinagpagan din niya ang suot niyang damit. “I guess it’s my turn now.” Sinimulan na niyang paputukan ang matanda. Mabilis na nakakailag ang matanda sa kanyang mga tira. Masyadong malikot ang target niya kaya hindi niya ito matamaan. Naubos na ang bala ng Dessert Eagle niya at mabilis niya itong pinalitan ng magazine. “Too slow to change!” sabi ni Don Timoteo. Nakita niyang hinawakan nito ng mahigpit ang walking stick sa ulo at hinatak ito. Ito pala ay isang espada. Ibinato ni Don Timoteo ang sheath ng espada nito. Itinutok na niya ang kanyang baril at pinaputukan. Napabilib siya nang masalag ni Don Timoteo ang bala at nahiwa pa ito. “My eyesight is still sharp,” sabi nito sa kanya. Muling tumakbo si Don Timoteo at pinagbabaril na niya ito. Mabilis na sumugod sa kanya ang matanda at sinaksak siya ngunit kahit papaano ay nakailag siya. Lumusok sa kanyang kwelyo ang espada nito at natamaan ang kanyang baba. Ginamit niya ang pagkakataong ito na kunin ang isa niya pang baril gamit ang kaliwang kamay at agad na pinaputukan ang matanda. Nadaplisan niya ito sa balikat. Umatras ang matanda sa kanya. Nakangiti ito. “Excellent,” puri nito sa kanya. Sumugod ulit siya inundayan ng suntok ang matanda ngunit nakailag ito. Suntok, sipa, at siko ang kanyang ginamit ngunit nasasalo ito ng matanda. Sadyang malakas siya. He knows my weak points. Sinipa siya ni Don Timoteo sa tiyan dahilan para lumipad siya ng ilang metro. Pakiramdam niya ay naalog ang kanyang lamang-loob. Lumapit sa kanya ang matanda at itinaas na ang espada nito. Kumislap pa ang espada dahil sa liwanag na hatid ng paligid. “This is how you finish your enemy,” sabi nito at sasaksakin na siya ng kalabitin niya ang gatilyo ng kanyang baril. Pinanuod niya kung papaano napaatras ang matanda ang bumagsak. Pinagmasdan niya ang pag-agos ng dugo mula sa hita nito. “Don Timoteo!” dinig niyang sigaw ni Bernard. Mabilis na umakyat ang right-hand man nito sa platform at umakyat ang mga nakaantabay na mga nurses. Pinanuod niya kung papaano lapatan ng paunang lunas si Don Timoteo. He feels guilty dahil sa ginawa niya. Hindi na niya napansin ang pag-akyat ni Hyacinth at nilapitan ang matanda. Ilang sandali lang ay humarap na ang babae sa kanilang lahat. “Ang nanalo, sa huling bahagi ng trial ay walang iba kung hindi si Axel Santos!” “Axel.” Nakatingin pa din siya sa matanda. “I know you feel guilty. Don’t be. This was all part of becoming a mafia boss. Ito palang, sisiw palang ang mga ganitong tagpo. Once you witness all the happenings inside the Cosa Nostra, mas malala pa ang mga makikita mo.” Tumayo siya at nilapitan ang matanda. Hinawakan nito ang kanang kamay at hinalikan. “Maraming salamat, Don Timoteo,” sabi niya at ngumiti. “Guys! Excuse me!” Napalingon silang lahat kay Kris na kaaakyat lang ng platform. “You forgot me! I didn’t have any opponent!” sabi nito. Natahimik silang lahat. Maging ang tenth generation din ay natahimik. “Holy sh*t! nakalimutan natin si Kris!” sabi ni Bernard. Si Sinbad naman ay nangiwi na lang. “Sorry, Kris. We forgot you. Nakalimutan namin na may namatay palang member a inner circle ko that’s why wala kang opponent. I am very sorry. Anyway, I think the Nel Mezzo would mind to extend another day? Perhaps, tomorrow?” sabi ni Don Timoteo. Tumango naman sina Hyacinth at Iris. “As if we have a choice,” sabi Iris. Binuhat na ng mga nurses si Don Timoteo at isinakay sa isang stretcher. Lumabas na ng training ground ang buong tenth generation hanggang sa naiwan silang eleventh generation. “Good job, dumbass Axel,” sabi ni Renato sa kanya. Ngumiti naman siya. Tinulungan siya ni Harold na makatayo. Lumapit si Tony at ibinigay ang isang panyo. Inilagay niya iyon sa kanyang baba na nadali ng espada ni Don Timoteo kanina. “Thank. I leaned from the best,” sagot niya. Lumapit ang kanyang mga kasama at niyakap siya. “Finally! We passed the trial!” sigaw niya at bigla naman siyang binatukan ni Renato. “Not yet, dumbass. Hindi pa nakakapasa si Kris.” “Bakit naman kasi naiwan ako? I was waiting for the whole time!” reklamo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD