Chapter Seventy-eight: The Forgotten Trial: Kris vs. Uccisore

1000 Words
Chapter Seventy-eight: The Forgotten Trial: Kris vs. Uccisore                  “Umm, seriously? Bakit hindi nila ako naalala?” tanong niya habang nasa Mangiatoia del leone sila. Pagkatapos ng laban ng nina Axel, Lorence at ng kambal ay dumeretso sila sa restaurant na ito para kumain. Napatingin naman sa kanya ang mga kasama nila at si Axel—ang mahal niyang Axel na nakangiti sa kanya. “Maybe Don Timoteo done it for purpose?” tanong ni Axel sa kanya. Napangiti naman siya. Muli na naman siyang nahulog sa mga magandang mata ni Axel. Pero minsan, pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap niya. Na para bang nagbago na ito ng husto. Pero iniintindi lang niya dahil kagagaling lang nito sa tatlong taong pagkaka-coma. “Siguro nga. Pero ang galing ng ipinakita mo! You even shot Don Timoteo!” sabi niya at bigla namang sumimangot sa kanya si Axel. “Oh please, ‘wag mo ng ipaalala sa akin. I feel guilty!” sabi nito sa kanya at inisang lagok ang iced tea na nasa harapan nito. Ngumiti na lang siya at piping humingi ng patawad. Huminga siya ng malalim. Kahit na nakalimutan siyang bigyan ng laban, ng trial ay papatunayan niya na karapat-dapat siya kay Axel. Paiibigin niya ulit si Axel sa kanya. ***                  “Tara na. Last fight na natin ito,” sabi ni Harold. Tumingin siya sa kanyang mga kasama. May mga benda o band aid sila, sina Mykel at Celestine ay bakas pa din ang mga asul na linya sa kanilang mga katawan. Si Axel na may band aid sa baba nito. Naglakad na sila papunta sa training ground na nasa ilalim ng Cielo Mansion. Pagdating nila doon ay nasa loob na ang tenth generation. May hinahanap siyang bagong mukha sa tenth family pero wala naman. Kaya mas lalo siyang nagtataka. Sino ang makakalaban niya? May trial bang magaganap para sa kanya? “Mabuti naman at nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay,” sabi ni Don Timoteo. Nakaupo ito ngayon sa isang wheel chair. “Kris, I am sorry if nakalimutan ka naming,” sabi nito sa kanya. Umiling lang siya. “Okay lang po,” labas sa ilong niyang sabi. Lumakad na si Iris paakyat ng platform at humarap sa kanilang lahat. “Magandang araw sa inyong lahat. Ang last na trial para sa Battle of Circle. The Forgotten Trial! Kris versus Uccisore!” sabi ni Iris. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Mukhang hindi niya yata narinig ng maayos ang sinabi nito. Itinaas niya ang kanyang kamay. “Excuse me!” sabi niya at tumingin naman ang babae sa kanya. “Anong sabi mo? Ucci—what?” tanong niya at humugot ng hininga si Iris. Magsasalita na sana si Iris nang biglang bumukas ang pinto ng training ground at pumasok ang isang robot. Malaki ito, mas malaki pa kaysa sa kanya. What the hell? May laki itong pitong talampakan at malaki ang pangangatawan ng robot na ito. Ang mukha nito ay nakasuot ng isang tear gas mask. Bawat hakbang ay dumadagundong at pakiramdam niya ay yumayanig sa paglapit nito sa kanila. “Let me explain,” sabi ni Bernard sa kanila. “This is a killing machine invented by Sinbad. We call this Uccisore,” paliwanag ng right-hand man. “’Wag na nating patagalin pa ang laban,” sabi ni Hyacinth kaya bumaba na sa platform ang kanyang mga kasama. Pinanuod niyang umakyat ang robot. Nakita niyang umapoy ang talampakan nito at umangat sa ere para makaakyat sa platform. “The final and forgotten battle of circle! Kris versus Uccisore! The battle begins in five! Four! Three! Two! One! Battle begins!” Pero bago pa man siya makabwelo ay biglang sumugod na ang robot sa kanya. Mabilis ang naging pagsugod nito sa kanya. Para itong rocket ship. Wala siyang nagawa kung hindi ang umilag ng umilag. Damn! It’s fast! Huminto sa paglipad ang robot at bigla nitong nag-arms forward. Nagtaka siya dahil sa ginawa ng robot. Laking gulat niya nangv biglang lumabas ang mga missiles. Mabilis siyang tumakbo at umiwas dahil sa mga ito. Kasunod nito ay may lumabas na machine gun sa magkabilang balikat nito at pinaputukan siya. “What the hell?! Give me a break!” sigaw niya. Tumakbo siya nang tumakbo at patuloy siyang sinusundan ng robot. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagkasira ng buong platform. Hindi pwedeng ganito lang ng ganito. Kailangan kong talunin ang robot na ‘yan. Robot lang iyan! Kinuha na niya ang kanyang mga kutsilyo at naghihintay ng tamang oras. Matapos maubos ang bala ng machine gun nito at may isang canyon na lumabas mula sa dibdib nito. Dinig niya ang pag-iipon ng enerhiya nito at pagkalipas ng anim na segundo ay bumuga ito. Isang laser beam ang inilabas nito. Yumuko siya at almost a centimeter na lang ang pagitan niya at ng laser beam. Kailangan kong matamaan ang robot na ‘yan. Kailangan hindi ako mabigo! Nang muling nag-iipon ng enerhiya ang robot ay kinuha na niya ang pagkakataong ito. inihagis niya ang tatlong kutsilyo niya papasok sa bunganga ng canyon nito. Pagkatapos ay ang dalawang natitira niyang kutsilyo ay ibinato niya sa ulo nito. Tumarak ang mga ito sa leeg ng robot. Hindi nagtagal ay biglang umusok ang robot at kasabay nito ang pagsabog ng robot. “And the winner is Kris form eleventh generation!” sigaw ni Hyacinth. And honestly, he didn’t feel happy about his success. “Not bad,” sabi ni Bernard kay Sinbad. Lumapit si Sinbad at pinulot ang mga parte ng robot. “This is a prototype only. Thanks Kris, nasubukan ko din,” sabi ni Sinbad. Napabuga na lang siya ng hangin. He is never happy in his success. Naiiling na lang siya at lumapit sa kanyang mga kasama. Nagkibit balikat na lamang ang kanyang mga kasama. Tiningnan niya si Axel. Ngumiti sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Good job, Kris,” sabi sa kanya. And it is enough to drive him like crazy.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD