Chapter Seventy-nine: The Veraset Toreni

1057 Words
Chapter Seventy-nine: The Veraset Toreni                  “Today is the day, dumbass Axel!” Napatakip na lamang siya ng kanyang mukha nang biglang buksan ni Renato ang kurtina ng kanyang bintana . agad na pumasok ang sinag ng araw doon. “Wake up, Axel!” sigaw sa kanya ng hitman. Wala na siyang nagawa nang hatakin nito ang kanyang unang pinangtakip sa kanyang mukha. Bumangon na siya at napatingin sa paligid. “Gumising ka na. Wala si Mama Natalie ngayon. I gave here a ticket sa isang hot spring sa bayan ng Teckslon. She’s with Bianca, Jasmin, and Ryan. No need to worry,” sabi nito sa kanya. Napabuntong hininga siya. “Inayos mo na talaga lahat ah,” sabi niya. Nameywang sa kanya si Renato. “Of course. Today is your succession ceremony! Pormal ng ihahayag sa buong Cosa Nostra ang pagiging bagong boss mo! You should be excited!” sagot nito sa kanya. Napakamot naman siya ng kanyang ulo. “Honestly, I’m not excited. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng ito. Last three days ago, I felt I was riding a roller coaster,” sabi niya at napahilamos siya ng kanyang mukha. Naramdaman niya ang paglubog ng kama sa kanyang gilid at napatingin siya sa hitman. Napatigil siya dahil sa kakaibang tinging ipinupukol sa kanya ni Renato. Pero hindi isang tingin na mapanghusga. Mga tinging may pang-unawa. “Hey, I know it’s hard. Na ang daming kakaiba sa mundong ito. Mga bagay na hindi mo aakalaing totoo. Mafia? Scientist? Tentacles? Wala pa ‘yan sa kalingkingan ng mga kakaibang bagay sa mundong ito. but we have to live this way or else mababaliw tayo ng tuluyan,” sabi nito sa kanya. Napamaang siya sa sinabi ni Renato. Pakiramdam niya ay naiintindihan siya nito. Na para bang nadaanan ni Renato ang kanyang pinagdaraanan ngayon. “Naiintindihan mo ako? This is crazy, okay?” sabi niya at ngumiti sa kanya ang hitman. “Being crazy is one of the qualifications in Cosa Nostra. Sige na! ‘Wag ka ng masyadong magdrama diyan. Ceremony starts later at three in the afternoon,” sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kanyang kwarto. Napabuntong hininga na lamang siya. Wala na din naman siyang magagawa kaya tumayo na siya ng tuluyan at nag-asikaso ng kanyang sarili.                  Pagbaba niya galing sa kanyang kwarto ay napakatahimik ng buong bahay. Talagang wala nga ang pamilya niya at binigyan ni Renato ng ticket sa isang hotspring. Hindi siya sanay na tahimik ang buong bahay na ito. Noong pulis pa lang siya ay sanay siyang mag-isa. Ngayong magiging isa na siyang ganap na mafia boss ay hindi na niya sanay nang mag-isa. “Let’s go,” sabi ni Renato sa kanya. Tumango na siya at lumabas na ng bahay. Si Renato na ang nagsara ng kanilang pinto at sa tapat ng bahay ay nakita niya ang isang 1962 Corvette na kulay itim. Halos magningning ang kanyang mga mata nang makita ito. “Corvette! A 1962 Corvette!” sigaw niya at tumakbo palapit sa sasakyan. Dumapa siya sa hood nito at pumikit. Dinadama ang ganda ng sasakyan. “Okay? Anong mayroon?” tanong ni Renato sa kanya. Umayos naman agad siya. “Umm… ano… I used to have this I mean loved this. Ang ganda kasi ng sasakyang ito,” sagot niya at napasipol na lang. Tinitigan lang siya ni Renato na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Kalaunan ay napailing na lang ang hitman sa kanya. “You want to drive?” tanong sa kanya at napalaki ang mga mata niya. “Pwede?” “Iaalok ko ba sa’yo kung hindi?” pilosopong sabi nito sa kanya. Inihagis ni Renato sa kanya ang susi at masaya siyang umikot sa driver’s seat at pinaandar na niya ang sasakyan. Sumakay na din sa passenger seat si Renato at bumiyahe na sila papunta sa main mansion ng Cielo Famiglia.                  Pagdating nila doon ay inihagis niya sa valet ang susi ng Corvette at mabuti na lang at nasalo ito ng valet. Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay abala ang lahat. Ang mga maids at butlers ay abala sa pag-aayos. Sinundan lang niya si Renato kung saan ito pupunta. Nadaanan nila ang grand hall. May mga nag-aayos ng entablado, ng mga upuan at mga lamesa, at maging mga kurtina ng grand hall ay inaayos din. Nang masilip na nila ang grand hall ay umakyat sila sa staircase at pumasok sa ikatlong silid na nasa kaliwang bahagi. Pagpasok nila ay sinalubong siya ng kanyang mga kasama—ang kanyang inner circle. May nakita din siyang tatlong sastre na sinusukatan sina Lorence, Mykel, at Kris. “Good morning!” bati niya at napatingin sa kanya ang mga ito. Umupo siya sa couch at kumuha ng isang French toast na nasa lamesa. He is starving. Hindi pa kasi siya nag-aalmusal. “Boss. Para sa’yo,” sabi ni Celestine sa kanya at inilapag sa kanyang harap ang isang tasa ng kapeng barako. Amoy na amoy niya ang bango nito. “Thank you, Tine,” sabi niya. Kinuha niya ang tasa at hinigop. Kakaibang kalma ang ibinibigay sa kanya ng inuming iyon. “Tapos na kayo masukatan lahat? Kaya ba ‘yan today? I mean ngayon tayo nagsusukatan dito tapos mamayang alas tres ng hapon ang event,” sabi niya. Lumapit naman sa kanya ang isang lalaking mananahi. Nakasuot ito ng formal vest and long sleeves at may nakasabit tape measure sa balikat nito. “Undicesimo, I am Leonardo—the official tailor of Cielo Famiglia. Don’t worry, mabilis ang mga kamay naming. We are fastest in comes in work but very accurate and high quality,” sabi sa kanya. Napatango naman siya. “Mind if I take your measurements?” tanong sa kanya. “Sure,” sagot niya at tumayo na. Humarap siya sa isang full size whole body mirror at sinimulan na siyang sukatan. Yes, this is his big day. Mula sa pagiging pulis at detective ay ngayon ay magiging isang ganap na siyang mafia boss. Hindi lang bastang mafia boss ng kung anong pamilya but the mafia boss ng pinakamakapangyarihang mafia family na ilang century ng pinaghaharian ang Cosa Nostra—ang Cielo Famiglia. At balak niyang linisin ang magulo at madugong mundo ng Cosa Nostra. Axe, this is your mission and I am willing to do it for you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD