Chapter Eighty: The Succession Ceremony

1110 Words
Chapter Eighty: The Succession Ceremony                  “Wow! Talagang just in time!” sabi niya habang tinititigan niya ang sarili niya. Matapos siyang masukatan ni Leonardo kaninang umaga ay after lunch ay gawa na ang kanyang suit. Bagay na bagay ang suit sa kanya. Isang three-piece maroon suit ang suot niya ngayon. Yumayakap ng husto sa kanyang katawan ang tela. Malambot at madulas ang tela at talaga namang komportable sa kanyang katawan. “I told you Undicesimo, fastest work but great quality!” sabi ni Leonardo sa kanya. Bumukas ang pinto ng silid at pumasok na ang kanyang mga kasama. Lahat sila ay naka three-piece suit, maging si Celestine pero imbes na slacks ay isang pencil cut skirt ang sa kanya. Uniform siguro ng mafia ang three-piece suit. “Xel, we are ready. Marami na ding bisita ang nasa grand hall,” sabi ni Harold sa kanya. Tumango naman siya. Lumapit sa kanya si celestine at inayos ang kanyang buhok. Ang medyo malago na niyang buhok ay maayos ngayon. Lumapit naman si Kris sa kanya at ibinigay ang isang bote ng pabango. Mukhang mamahalin pa nga ang pabango. “That’s your favorite perfume, Axel,” sabi sa kanya. Kinuha niya at inispray sa pulso niya at sa leeg niya. Sa totoo lang, hindi naman siya mahilig sa mga pabango. Ayaw lang niya mapahiya si Kris. “It’s time. Tara na,” sabi ni Renato sa kanila. Tumalikod na si Renato at naunang lumabas ng silid. “After you, Xel,” sabi ni Harold. Tumango siya at naglakad na palabas ng silid. Sumunod sa kanya ang kanyang inner circle. Pagbaba nila sa staircase ay dinig na nila ang musika galing sa orchestra na nasa grand hall. Ang mga maids at butlers ay nakahilera sa ibaba ng hagdanan at nang makita sila ay yumuko ang mga ito, tanda ng respeto sa kanila. Pagtapat nila sa tapat ng pinto ng grand hall ay sinalubong sila ng dalawang lalaki. “Good afternoon, Don Axel,” sabi ng isa. Pinagmasdan niya ito. malaki ang pangangatawan at halos pumutok na ang suot nitong three-piece suit. Kalbo ito pero may balbas. Pinigilan niyang mapangiwi dahil sa tawag nito sa kanya. He sounds too old sa pagtawag ng lalaking ito sa kanya. “He’s Ricardo Bugarin—a member of the Ailenin Dış Danısmanı or ADD,” pakilala ni Renato sa lalaki. “That’s Paul Liam, also a member of ADD.” Sabay turo sa lalaking kasama ni Ricardo. As usual three-piece suit, may suot itong black sunglasses at kapansin-pansin ang tattoo nito sa leeg. Isang heart with thorns ang disenyo ng tattoo na iyon. ADD—ang external advisors of the family. Pinagbuksan na sila ng pinto at tumambad sa kanila ang maraming tao. May mga lalaki at mga babae. Naglalaro sa sixty, fifty, forty, thirty, and twenty years old ang mga bisita nila. May mga sumasayaw ng waltz sa gitna ng ballroom at ang iba naman ay nasa kanya-kanyang table at umiinom ng wine. Sa isang lamesa na nasa unahan at bandang kanang bahagi ng entablado ay nandoon na ang tenth generation. Hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng guilty kapag nakikita niya si Don Timoteo na nakaupo pa din sa wheelchair. Katabi nito sa kanan si Bernard at sa kaliwa naman ay si Sinbad. “That’s your table,” sabi ni Renato sabay turo sa lamesang nasa kaliwa ng entablado. Lumakad na sila at tinungo ang table na para sa kanila.                  “Excuse me! Ehem!” Napatingin silang lahat sa nagsalita. May isang lalaki na nasa taas ng entablado at may hawak na microphone. Nakasuot ito ng white three-piece suit at kulay pula ang neck tie nito. Blonde hair at may dangling earrings sa magkabilang tainga. “Okay, we will start our ceremony,” sabi nito. Tumigil ang mga nagsasayaw ng waltz sa gitna ng dance floor at maging ang pagtugtog ng orchestra ay tumigil din. “I will introduce myself first. I am Daniel Urihara, I am the tenth boss of Fulmini Family. Yes, you heard it right! Fulmini. I was asked by Don Timoteo to become the master of ceremony of this once in a lifetime event in Cosa Nostra. Thank you so much Don Timoteo for letting me part of this succession ceremony.” Nagpalakpakan ang mga tao. Hindi niya akalaing ganito karaming tao ang dadalo sa ceremony na ito. Ang sabi sa kanya ay galing sa iba’t ibang pamilya ang mga nandito ngayon. “We will witness, the Ailenin Dış Danısmani of the one and only Cielo Famiglia!” Tumayo na ang tenth generation. Si Bernard pa ang nagtulak ng wheelchair ni Don Timoteo paakyat sa taas ng stage. Mukhang pinaghandaan talaga dahil may ramp para sa wheelchair ang inilagay sa gilid ng stage. Kinalabit na sila ni Renato at pinaakyat sa stage. “Please, kneel on your one knee,” sabi ni Daniel sa kanila. Nakahilera ang tenth generation at sa gitna nito si Don Timoteo. Ang sabi sa kanila ni Renato ay tapatan nila ang kanilang mga naging kalaban. Si Kris ay si Renato na ang tumapat dito. “You passed the trial of our family. Pinatunayan niyo na kayo ang karapat-dapat na magpatuloy sa misyon at laban ng Cielo na ilang daang taon ng namumuno sa buong Cosa Nostra. Tanggapin niyo ang singsing ng pamilya. Ito ang magpapatunay na kayo ang ika-labing-isang henerasyon ng Cielo Famiglia,” sabi ni Don Timoteo. Itinaas ng tenth generation ang mga kanang kamay nila at ipinatong sa kanilang magkabilang balikat at pagkatapos ay sa ulo nila.  Pagkatapos ay itinaas nila ang kanilang mga kaliwang kamay. Isinuot ng tenth generation ang mga singsing sa kanilang mga kaliwang middle finger. Nakadama siya ng kakaibang sensasyon nang maisuot ni Don Timoteo ang singsing sa kanya. Para bang may mainit na yumayakap sa kanyang buong pagkatao. Tiningnan niya sina Celestine at Mykel. Dalawang singsing ang isinuot ni Sinbad at tig-isa ang kambal. Napatingin siya sa kanyang singsing. Ang insignia ng Cielo Famiglia at sa gitna ay isang batong kulay kahel.  Kumikinang pa ito dahil sa ilaw. “Mula sa araw na ito ay dala-dala niyo na ang responsibilidad ng buong Cielo sa Cosa Nostra. Nawa’y maging matagumpay ang pamumuno siyo sa buong Cosa Nostra,” sabi ni Don Timoteo. Tumayo na sila at humarap sa mga tao. Nakita niyang may mga natutuwa, mayroong hindi, at mayroong sumusunod lang sa agos. “Please let’s welcome and congratulate the eleventh generation! The eleventh boss of Cielo Famiglia—Don Axel Santos!” “Welcome to Cosa Nostra!” sabi ng lahat at yumuko sa kanila ang mga tao. At sa totoo lang, nakadama siya ng pride, proudness, and happiness.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD