Chapter Eighty-one: Redefining Cosa Nostra

1295 Words
Chapter Eighty-one: Redefining Cosa Nostra                  Mukhang hindi pa tapos ang pakiramdam niya na tila nasa isang roller coaster siya. Na para bang hindi pa din totoo ang mga nangyayari sa kaniya. Na mula sa pagiging pulis ay namatay siya at muling nabuhay sa katawan ng kanyang parallel self na si Axe. At ang katauhan niyang ito ay ang bagong pinuno ngayon ng malakas at maimpluiwensyang mafia family sabuong mundo ng Cosa Nostra—ang Cielo Famiglia. Napahawak siya sa kanyang daliri kung saan nakalagay ang singsing. Hindi niya akalaing nasa daliri na niya ito. Ang singsing na ilang daang taon na ang edad, ilang pinuno na din ang humawak, at ang singsing na mula pa sa founder ng Cielo. “Ready on your first day?” tanong ni Renato sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango. Inayos niya ang kanyang neck tie at suit na suot. Isang three-piece suit na kulay gray ang suot niya ngayon at pinaresan niya ito ng black Italian leather shoes. Noong nagsisimula palang siyang maging pulis noon ay isang pares ng black shoes na galing sa ukay-ukay ang gamit niya. “Tara na,” sabi niya at lumabas na ng kwarto. Paglabas niya ay may mga maids siyang nakasalubong ang agad na yumuyuko sa kanya at bumabati. Sinasagot din niya ang mga ito at ang ilan pang tauhan ng Cielo. Umakyat sila sa third-floor ng mansyon at doon ay sinalubong siya ni Harold ang kanyang kanang kamay. “Good morning, Xel. I mean Don Axel—” “Harold, just Xel okay? No need to be too formal,” sabi niya. Pinagbuksan na siya nito ng pinto at pumasok na siya. Bumungad sa kanya ang mahogany table na minsan niyang nakitang gamit ni Don Timoteo. Ang mga papel at folders ay maayos na nakasalansan sa gilid ng desk. Makintab ang lamesa at mukhang nilinis talaga. Lumapit na siya sa lamesa at umikot. Umupo na siya sa wooden chair at nakadama niya ng kakaibang sensyasyon. Pakiramdam niya makapangyarihan siya. Ganito pala ang pakiramdam ng isang mafia boss. “Nasaan ang iba?” tanong niya. “Nasa kanya-kanyang opisina sila. Well, except kay Harold dahil nga siya ang right-hand man mo so tungkulin niyang lagi siyang nasa tabi mo,” paliwanag ni Renato sa kanya. “And as for me, nandito ako as your adviser for the mean time. I know, maninibago ka. Hindi biro ang trabaho ng isang mafia boss. You need to deal with all of the mafia families sa Cosa Nostra and your own family also.” Umikot sa tabi niya ang hitman at kinuha ang mga folders na nasa isang lamesa hindi kalayuan sa kanya. “And to start your day, here’s the files you need to read and sign,” sabi ni Renato at ibinagsak sa kanya ang mga ito. “Wait, I need to read these things?!” sigaw niya habang tinititigan niya ang mga folders at papers. ***                  “Axel officially become the new boss of the Cielo Famiglia,” sabi ni Greg sa kanyang boss. Nakatanaw sa bintana ang kanyang boss habang sumisimsim ng red wine. Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin. “I will let him enjoy. I-enjoy niya muna ang pagiging boss. Dahil once na gumalaw na ako, I will crush him and the whole Cielo using my own hands,” sabi nito sa kanya. Nakadama siya ng lamig sa boses nito. Alam niyang dudurugin ng boss niya si Axel Santos, tulad ng pagdurog nito sa ama nitong si Rodel. “Ano ang usapan sa Cosa Nostra?” tanong sa kanya. “May mga naririnig akong bulungan. Ang iba ay ayaw sa bagong boss ng Cielo, ang iba naman ay neutral lang. Wala naman daw silang  problema as long na hindi pakikialaman ang kanilang mga gawain,” sagot niya at dinig niya ang pagtawa ng kanyang boss. “Don Timoteo didn’t do it. Hindi nito nagawang ipatupad ang plataporma niya. Hindi nito napigilan ang mga grupo sa kanilang mga gawain.” “Boss, what if itong si Axel Santos ay magawa niyang baguhin ang Cosa Nostra?” tanong niya. “Nope. Hindi niya magagawa iyan. He is just like his grandfather,” sagot nito sa kanya. “Pero mas magandang hindi muna tayo mag-judge. Katulad nga ng sinasabi nila, don’t judge the book by it’s cover. Papaano kung magawa niya?” sabi niya. “Greg, I know what I am saying. At nakikita ko na wala siyang pinagkaiba sa kanyang lolo.” At hindi niya napigilang mapailing dahil sa sinabi nito sa kanya. “Kumusta ang drug business?” tanong sa kanya. “Okay naman. Smooth transactions pa din tayo boss,” sagot niya.   ***                  “Seriously?! Ano ‘to? Bakit may mga damage costs?!” sigaw niya habang binabasa ang mga documents na ibinigay sa kanya ni Renato. May mga nababasa siyang alliance requests, may mga mission reports, at ito nga damage costs and requests. According sa mga nababasa niya, may isang building ang gumuho sa isang barangay s Quirone, ang isa naman ay buong public market ang nasira. “What do you expect? Medyo bayolente ang inner circle ni Don Timoteo. Ang mahalaga sa kanila ay matapos ang misyon nila,” sagot sa kanya ni Renato. Lumapit sa kanya si Harold at ibinigay sa kanya ang isang tasa ng kape—ang panglimang tasa na niya sa araw na iyon. “I hope hindi ganito ang inner circle ko. Please!” ***                  “Hoy Richard! Anong nangyari dito sa opisina mo?!” sigaw ni Tony kay Richard. Parang binagyo ang opisina nito. Tanggal sa hinges ang pinto, taob at wasak ang ilang office table, nagkalat ang mga papel at basag ang mga salamin. May malaking butas din ang pader nito at tanaw na niya ang garden ng mansion. “Ano lang, naglaro lang kami ng mga agents ko. You know, naexcite and nadala sa bugso ng damdamin. Ayun, hindi ko namalayan na ganito na pala ang office namin,” sagot sa kanya. Napahilamos na lang siya ng kanyang mukha. First day disaster!   ***                  “Sir Renats, I want to redefine the whole Cosa Nostra. Masyado ng maraming illegal na gawain ang mga mafia families. They need to stop,” sabi niya at tinaasan lang siya ng kilay ni Renato. “What do you expect? This is bloody Cosa Nostra! Where wars never end! Where illegal is legal!” sagot sa kanya. “That is why I want to redefine it. Tatapusin ko na ang kakaibang reputasyon ng Cosa Nostra. I want to show the world that being a mafia doesn’t need to be a criminal. Hindi pwede ang ganoon. Hindi pwedeng sa illegal activities iikot ang Cosa Nostra. Those mafia families especially the allied ones should have their own legal business. Katulad natin,” sabi niya. “Legal business? May legal business ba tayo?” tanong sa kanya at nagsalubong ang kilay niya. “Ha? Hindi mo alam?” kinuha niya ang isang folder at ibinigay ito sa hitman. Nagtatakang kinuha naman ito ni Renato at binasa. Nabasa niya sa folder na iyon, na ang Cielo ay may mga legal business like resorts, restaurants, hotels, and even academies. Sa mga negosyo iyon na kinukuha ang funds ng buong pamilya. “Wow! Wala akong alam tungkol dito. I thought mat illegal activities din ang Cielo. good for Don Timoteo!” sabi sa kanya. “Kaya nga I want to obligate them to have a legal business katulad ng sa atin. Pwede ba akong maglabas ng decree?” tanong niya at tumango naman ang hitman sa kanya. “Pwedeng pwede.” “Oo nga pala, Harold, magpadala ka ng invitation sa Tamaguchi Clan. I want to talk to them,” utos niya. Mabilis na tumango si Harold sa kanya. “Yes, Xel!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD