Chapter Eighty-two: Officially an Ally!

1406 Words
Chapter Eighty-two: Officially an Ally!                  “Boss!” sigaw ni Sebastian sa kanya. Abala siya sa pagpirma ng mga documents tungkol sa kanyang mga negosyo nang biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang kanyang kanang kamay na si Sebastian. Pawis na pawis ito at mukhang hindi na naman naisipang gumamit ng elevator. Napapaisip tuloy siya kung bakit ang kanyang mga tauhan, kapag may kakaibang nangyayari ay hindi na naiisipang gumamit ng elevator. “Will you please calm down?” sabi niya. Hinihingal si Sebastian at pawis na pawis. Malamang ay tumakbo ito mula first floor hanggang sa opisina niya. Not bothering to use the goddamn elevator! “B-boss,” sabi nito. Iniabot sa kanya ang isang kulay kahel na sobre. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan ng makita niya ang sobreng iyon. Kinuha niya ito at sa harap ng sobre ay nakita niya ang insignia ng Cielo Famiglia. Hindi kaya? Hindi kaya official boss na si Axel? Inikot niya ang sobre at nakita ang wax seal nito at may nakalagay na roman numeral XI. Kinuha niya ang kanyang paper knife mula sa drawer at dahan-dahan itong binuksan.  May isang puting papel ang nasa loob nito at kinuha niya at binasa. Dear Kumicho-Chester Tamaguchi,                   Cielo Famiglia is pleased to invite you to an allied meeting with our Undecesimo—Axel Santos. It will be held at the Cielo Main Mansion on August 2*, 2020, from 8:00 to 10:00 a.m.   Sincerely, Harold Guanzon Undecesimo’s Certo   Napapigil niya ang kanyang hininga. Mukhang official ng naging boss si Axel at mukhang tutuparin na nito ang usapan nila. Napangiti siya. Sa wakas ay magiging ally na din siya ng Cielo. He promise na gagawin niya ang gusto ng eleventh boss. Ang tagal na niyang gustong umanib sa grupong iyon ngunit hindi siya pinagbibigyan. “Sebastian, call Hariruki. Sabihin mo na ilabas ang pinakamagandang yukata ko. We will have a meeting in the Cielo’s main mansion,” utos niya at mukhang gulat na gulat naman si Sebastian. “Y-yes boss!” sigaw nito at muling kumaripas na ng takbo palabas ng kanyang opisina. Finally! An allied meeting!                  Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising siya. Ayaw nman niyang aminin pero excited siya. Excited siyang makapunta sa Cielo’s Mansion. Ito kasi ang unang beses na makakapunta siya doon. Madalas lang na abot-tanaw lang niya ang lugar na iyon. “Boss, ang green tea?” sabi ni Sebastian pagkapasok sa kanyang kwarto. Tumango lang siya at ipinatong n anito ang tasa ng green tea sa kanyang coffee table. Ilang sandali lang ay dumating ang isa niyang tauhan na si Haruriki na dala ang isang kulay asul na yukata. “Boss, ready na po ang paliguan niyo,” sabi nito sa kanya. Tumango siya at dinala ang kanyang green tea at naglakad sa kanyang hot spring. Pagdating niya noon ay agad siyang lumusong sa mainit na tubig. Kinalma nito ang kanyang mga ugat at napabuntong hininga siya.                  Mahigit isang oras din siyang nakababad doon at nang umahon na siya agad siyang nagbanlaw. Isinuot na niya ang kanyang pinakamagandang yukata at inayos niya ang kanyang buhok. Isinuot niya pa ang pinakamaganda niyang eye glass at lumabas na ng building. Paglabas niya ng building ay may kotse ng nakaabang sa kanya. Isang 1960’s BMW na kulay puti. Pinagbuksan pa siya ni Sebastian ng pinto at pumasok na siya sa loob.                  Tahimik nilang binabaybay ang highway patungo sa mansion ng Cielo. Sa totoo lang ay nanlalamig ang kanyang mga kamay. Naeexcite siya sa pupwedeng mangyari. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Ano kaya ang mga kondisyong pagkakasunduan nila?                  Pagdating sa mansion ay hindi niya mapigilang mamangha. A century old mansion na hanggang ngayon ay sumisigaw pa din sa karangyaan at ganda. Pagdating nila sa front door ng mansion ay agad na bumaba si Sebastian at pinagbuksan siya ng pinto. Paglabas niya ay agad niyang nakita ang right-hand man ni Axel na si Harold. Nang makita siya ni Harold ay agad yumuko ito at nagbigay galang sa kanya. “Good morning, Kumicho. Welcome to the Cielo’s Mansion! The Undecesimo is already waiting for you,” sabi nito sa kanya. Tumango naman siya. Nasa likod niya si Sebastian at mukhang nagmamasid. “This way, please,” sabi ni Harold at itinuro sa kanya ang daan. Hindi niya mapigilang mamangha sa mga kanyang nakikita. Pakiramdam niya ay nasa isang museum siya. Umakyat sila sa staircase at dumaan sa isang tahimik na hallway. May mga ilan siyang nakitang maids na abala sa mga trabaho nito. Nakailang liko din sila bago nakarating sa visitor’s area. Binuksan ni Harold ang pinto at pumasok na sila. Doon ay nakita na niya si Axel at sa tabi nito ay nakatayo ang pinakamagaling na hitman—si Renato. “Welcome, Kumicho Chester!” sabi ni Axel. Nakaupo ito sa kulay pulang mahogany chair. Ngumiti siya at yumuko. “Congratulations, Undecesimo,” sabi niya. Nakangiti din sa kanya si Axel at pinaupo siya sa isang sofa na nasa harap nito. Umupo siya at si Sebastiona ay tumayo sa likuran niya. Pinagmasdan niya si Axel. Ibang-iba ang Axel na nasa harap niya ngayon kaysa sa una niyang nakausap ito ilang buwan na ang nakakalipas. “Thank you for coming, Kumicho. As what I had promise to you months before, I will make you our official ally group,” sabi sa kanya. Hindi na niya naitago ang kasiyahang nadarama niya. At sa unang pagkakataon ay ngumiti siya. “Thank you, Unde—” “Xel is okay, Kumicho. Call me Xel.” Tumango siya. “Thank you, Xel,” sabi niya. “Before I present to you the papers and sign it, sasabihin ko sa’yo kung ano ang magiging conditions ko. I hope you don’t mind,” sabi sa kanya. “Sure. I am ready to listen,” sagot niya. “I want to redefine the Cosa Nostra. No more illegal activities.” Natahimik siya. Nagtataka sa kung ano ang gustong ipalabas ni Axel sa kanya. “No more illegal activities? I’m sorry I don’t get it. Ayaw mo ng illegal activities? Cosa Nostra is a world where illegal is legal,” sagot niya. “Not at all. Cielo never done illegal business. We never do illegal prostitutions and drugs for the past five hundred years. We have legal businesses. But still we are part of the Cosa Nostra and also the reining family. Kaya nga gusto ko baguhin ang imahe ng buong Cosa Nostra. No more illegal activities. Kung hindi ka sang-ayon, hindi naman kita pipilitin but of course the deal of becoming our ally will be off. But I’m sure na papayag ka. After all, ilang taon mo ng gustong mapabilang sa ally groups ng Cielo,” sabi sa kanya. Natahimik siya. Alam niyang Axel is playing some mind games sa kanya. Gusto nitong pumayag siya pero kung hindi siya papayag, ang matagal na niyang inaasam na ally ay maglalaho na parang bula. Ang Cielo na mismo ang lumapit sa kanya nang gabing iyon and now parang bumaliktad yata ang pagkakataon. But he really wants to become an ally of Cielo. “Of course, I will agree to you. But we need also help. Hindi biro ang gagawin naming. Those illegal activities are the bread and butter of my group. Kaya nga tumagal ng ilang dekada ang Tamaguchi.” “Don’t worry, Cielo will help you. We will build a peaceful place inside the Cosa Nostra. So, you agreed to my terms?” tanong sa kanya. Ngumiti siya at tumango. “Of course. Panghahawakan ko ang sinabi mo na tutulungan mo ang Tamaguchi Clan.” “Of course, I will. Harold, please get the papers,” sabi nito at kinuha ni Harold ang isang folder. Binigay nito kay Axel at folder at binuksan. Gamit ang isang fountain pen ay pinirmahan ni Axel ang papel at ibinigay sa kanya. Binasa niya ang nakasaad sa papel na iyon at tumango. Ibinigay sa kanya ni Sebastian ang kanyang fountain pen at seal. Pinirmahan niya ito at tinatakan ng kanyang seal. Kinuha ni Renato ang folder at pinakita kay Axel. “Congratulantions Kumicho Chester. You are now officially an ally of Cielo Famiglia.” Tumayo sila at nagkamayan. “Now, may I invite you to have a lunch?” “Of course, Xel.” And after so many years, Tamaguchi Clan is finally an ally group fo Cielo Famiglia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD