Chapter Eighty-three: Crimes at High

1142 Words
Chapter Eighty-three: Crimes at High                  “Takbo! Takbo lang ng takbo!” sigaw sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Wala siyang pakialam kung mayroon man siyang mabangga o wala. Ang mahalaga ay makalayo siya sa grupong iyon. Bakit ba naman kasi nakabangga niya ang Feher Famiglia. Sa lahat ng pagkakataon ay bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kailan wala siyang kasama? Hindi naman niya sinasadyang mabangga ang isa sa kanila pero bakit hindi nila kayang palagpasin iyon? Dahil ba sa pagiging miyembro niya ng D’argento Famiglia? Hingal na hingal na siya at nanginginig na ang kanyang mga tuhod. Hindi na din niya kaya pang tumakbo ng tumakbo. Napasandal na lang siya sa isang apder sa likod ng isang restaurant. Hindi na niya kaya pa at alam niyang hindi niya kayang labanan ang anim na miyembro ng Feher Famiglia. “Hindi ako lalaban sa inyo,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghingal. Alam niyang anumang oras ay bibigay na ang kanyang mga binti at matutumba na siya. “Aba’y dapat lang! Tandaan mo na mas angat kaming mga Feher! Na ang Feher Famiglia ang malakas kaysa sa inyo!” sigaw ng isang lalaki at sinipa siya sa sikmura. Namilipit siya sa sakit dahil sa ginawa nito. “Okay! Wala naman akong balak lumaban sa inyo! Mag-isa lang ako!” sigaw niya pabalik. “Aba, sumasagot ka pa ah. Let us teach you a lesson!” sabi ng isa. Sabay-sabay na sumusuntok at sumisipa sa kanya ang grupong ito wala na siyang nagawa pa nang biglang bumunot ng baril ang isa sa kanila. “I hope D’argento Famiglia will know their lesson. They are just a shitty and loser familia,” sabi nito at kinalabit na ang gantilyo.                  “Oh sh*t Ramil! Bakit mo pinatay?” tanong ng kasamahan niyang si Rigor. Nagkibit balikat lang siya. Hinipan niya pa ang dulo ng baril niya bago niya ibinalik sa holster niya na nasa tagiliran niya. “What? As if may malaking impact siya sa grupo niya. Siya ang magiging message natin sa D’argento. Na ‘wag na ‘wag nila tayong babanggain dahil tayo ay mas malakas sa kanila,” sagot niya. “Mukhang hindi mo naiintindihan, Ramil. Kapag nalaman ng D’argento ang ginawa mo yari tayo!” sabi sa kanya. “At bakit naman aber?” “D’argento is an ally family of Cielo!” Natigilan siya. Bigla na lamang siyang tinambol ng takot. Dama niya ang panlalamig ng kanyang katawan. Bigla na lamang siyang pinagpawisan ng malapot. “Bago ang lider ngayon ng Cielo. Papaano kung malupit siya hindi katulad ni Don Timoteo?” “F*ck! Bakit hindi niyo sinabi?” sabi niya. nagpalakad-lakad na siya at hindi niya alam ang gagawin. “Akala naming bubugbugin mo lang. Hindi naming akalain na papatayin mo!” sagot naman sa kanya. “F*ck! Itago natin ang katawan niya! Wala dapat makaalam!” Agad nilang binitbit ang katawan ng lalaki at pumunta sila sa isang gubat. Doon ay naghukay sila at inilibing ang katawan ng lalaki. Wala silang kamalay-malay na mayroong naging isang saksi sa krimeng kanilang ginawa. ***                  “Xel, may gustong kumausap sa’yo,” sabi ni Harold sa kanya. Napatigil siya sa kanyang pagbabasa at tumingin sa kanyang right-hand man. “Sino naman?” tanong niya. “Si Don Fabio D’argento. Isa sa mga ally families natin,” sagot sa kanya. “Nasaan siya ngayon?” “Nasa visitor’s area.” Tumayo na siya at kinuha ang suit niya. Maayos niya itong binotones at lumabas para magtungo sa silid kung nasaan ang kanyang bisita. Pagpasok niya sa visitor’s area ay naabutan niya ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa thirty-five years old ito. Nakasuot ito ng isang kulay puting t-shirt na pinatungan ng simpleng itim na business coat. “Good day!” bati niya. Mabilis na tumayo ang lalaki nang makita siya. Yumuko ito at kinuha ang kaliwang kamay niya at hinalikan ang kanyang singsing. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya sanay sa ganitong tradisyon ng mga mafia bosses. “Don Axel, I am Fabio D’argento. I am the ninth boss of D’argento Famiglia,” pakilala sa kanya. “Don Fabio, just call me Xel. And please have a seat,” sabi niya at umupo naman sila sa sofa. “How can I help you?” tanong niya. “You see, Don Axel—I mean Xel may nangyaring masama sa isa sa mga tauhan namin. I want to give him justice. Maliit lang na pamilya lang kami. Wala pa sa isang libo ang mga miyembro naming. Pero masakit para sa akin na malagasan ng isang miyembro lalo na kung wala naman itong ginawang masama,” sabi sa kanya. “Ano po bang nangyari Don Fabio?” tanong niya. Ibinigay sa kanya ng isang babae ang isang tablet sa harapan niya. Tumingin siya sa babae at mukhang ito ang right-hand man ito ni Don Fabio. Kinuha niya ang tablet at nakita niyang may isang video file doon. He clicks it at nag-play ang isang video. Parang piniga ang puso niya nang makitang binubugbog ang isang lalaki ng anim na kalalakihan. Marami silang sinasabi sa lalaki katulad ng pinakamalakas kaysa sa grupo nito. Pero nagimbal siya nang bumunot ang isang lalaki ng baril at walang awang pinaputukan ang lalaki. Malapitan. Hindi man lang nakalaban ang lalaki. Mabilis niyang ibinaba ang tablet at huminga ng malalim. Ilang patay na ang nakita niya during crime scene and he unfolds it kung papaano ginawa ang krimen. Pero ito ay napanuod niya kung papaano. “That man is my left-hand man. He was Nico Olleta,” sabi ni Don Fabio sa kanya. “Sino ang grupong iyan?” tanong niya. “They were members of Feher Famiglia,” sagot ni Don Fabio. Tiningnan niya si Harold at mukhang nagets agad nito ang tingin niya. “Xel, they are not our ally,” sagot sa kanya ni Harold. Tumingin siya kay Don Fabio. “Don Fabio, we will help you. We will help you to get justice,” sabi niya. Ngumiti sa kanya ang don ng D’argento Famiglia. “Thank you! Thank you, Xel!” ***                  “Ramil, bakit parang palagi kang balisa?” tanong ni Don Joseph Feher—ang ika-siyam na boss ng Feher Famiglia. Mabilis siyang tumingin sa kanyang boss. “Wala naman po. Hindi naman ako balisa,” sagot niya. Hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin nito. Isang tinging mapanghusga. Na para bang may alam ito sa kanyang nagawang kasalanan. “Siguraduhin mo lang Ramil na wala kang ginawang kalokohan. Ayokong idadawit mo ang grupo sa iyong kalokohan. I want peace okay? Ngayong bago ang boss ng Cielo ay gusto kong magkaroon ng plus points sa kanya. I am planning to become one of their allies,” sagot sa kanya. Mas lalong tinambol ng takot ang kanyang dibdib.                   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD