Chapter Sixty-six: Arresting Alejandro Gustavo Realonda

1418 Words
Chapter Sixty-six: Arresting Alejandro Gustavo Realonda                  “Good morning, everyone!” bati niya paglabas niya ng kwarto. Nakita niya agad ang kanyang ina nakasuot ng isang beach dress, beach hat at may eye glasses pa. si Ryan naman ay nakasando-at swimming trunk with matching blue salvavida pa. Si Jasmin ay nakasuot na ng swimsuit at cover. Maging si Bianca na girlfriend ni Richard at mukhang ready ng tumalon sa dagat. “Good morning, Boss!” “Good morning Xel!” “Good morning, anak!” “Good morning Kuya!” Umupo siya sa sofa at mukhang ang mga kasama niya ay ready to swim na. Kanya-kanyang beach outfit pero siya ay simpleng t-shirt at walking shorts lang ang suot. Hindi naman kasi siya gaanong pumorma. “Tara na, mga anak. Let’s have breakfast,” sabi ni Mama Natalie at lahat naman na sila ay tumayo na at pumasok sa elevator.                  Pagdating nila sa dining area ay namangha siya sa ganda. Naglalaro sa mga kulay na itim at puti ang kulay in interior. May magagandang chandelier na nakabitin sa itaas. May mga fresh flowers na nakalagay sa ibabaw ng mga lamesa. Kinuha nila ang lamesa na magkakasya silang lahat. May lumapit na waiter at isa-isa silang binigyan ng menu at nang makaorder sila ay agad naumalis ito. Alas siete y media na din at unti-unti na ding napupuno ang dining hall. Unti-unti na rin umiingay ang paligid. Hindi nagtagal ay dumating na din ang kanilang mga orders. May Streaky Crisp Pork Bacon, Sauteed mushroom and spinach, Buttermilk Pancakes with Maple Syrup, Hashbrowns, French Toast, and coffee. Sa buong buhay niya bilang pulis, ngayon lang siya nakaranas ng ganitong kasarap na breakfast. Dati kasi madalas ay fast food burgers lang ang nakakain niya. Pinagmasdan niya sina Jasmin, Ryan, at si Mama Natalie. Kuntento na siya na makitang masaya ito. Especially Jasmin and Ryan na napagkaitan ng mga pagkakataon. Ryan’s smiles are much livelier kaysa noong una silang nagkita. Mas malaki na din ang pinagbago nito. Kung dati ay mababa ang timbang nito ngayon ay ayos na. Angkop na sa edad nito.                  Pagkatapos nilang kumain ay nauna ng pumunta sa beach ang kanyang ina at sina Jasmin at Ryan. Kasama ng mga ito si Bianca at si Celestine. Kahit papaano ay napanatag siya nang sumama si Celestine. “Ngayon, we need to find kung nandito si Realonda,” sabi niya at tumango ang kanyang mga kasama. “If you ever saw him or find, ‘wag kayong gumawa ng eksena. Just calm and call me or Sir Renats. Hindi pwedeng malaman niya na nandito tayo dahil kailangan natin siyang hulihin. Katulad ng sinabi ni Harold, this island prohibits fighting. Ayokong gumawa tayo ng malaking eksena dahil paniguradong yari tayo kay Don Timoteo,” paalala niya. “Yes boss!” “Maliwanag, Xel.” “Understand.” “Copy.” “Then good luck.” Napatingin sila kay Renato. Tumango sila at nagkulasan na sila sa buong isla.                  Paglabas niya ng hotel ay malakas ang ihip ng hangin. Maraming tao ang nagkakasiyahan. Natanaw niya ang kanyang in ana nakahiga sa isang beach chair, si Jasmin at Ryan na nagtatampisaw sa dagat. Nilibot niya ang dalampasigan. May mga food stalls, surfing rentals, scuba rentals, jet ski, banana boat, and even UFO. “Ito ang hindi ko naranasan noon!” sabi niya at napalingon siya sa mga babaeng mga nakabikini. Hindi niya mapigilang mapatingin sa mga naggagandahan at seksihang mga katawan. Napapakagat labi pa siya. “Hi handsome!” bati ng isang kulot na babae. Maputi ang balat nito at kulot ang buhok. May malalaking ear hoops ang nakalagay sa magkabilang tainga nito. Napansin din niya ang piercing sa ilong nito. “Hello, hot lady!” bati niya at lumapit na ito sa kanya. May hawak itong isang lata ng beer. “Wanna have some fun? We can go for a swim!” sabi nito sa kanya. Ngumiti naman siya. “Sorry babe but I need to do something first. If hindi ka naman nagmamadali, maybe later. Just give me your hotel room,” sagot niya at tumawa ang babae. “Sorry handsome. Not giving my hotel room!” sagot nito at tumalikod na sa kanya. Nilingon siya pa ito at gigil na gigil sa pang-upo ng babae. “Sh*t sayang!” sabi niya.                  Naglakad-lakad siya at lumapit sa isang liquor stall. Bumili siya ng dalawang lata ng beer. Maraming lumalapit na babae sa kanya pero dahil nasa isang misyon siya ay tinatanggihan niya. Lalo pa’t nalaman na niya na ang mga tao dito miyembro ng iba’t ibang mafia family. “Sir Renats will literally skin me alive kapag nalaman niya I’m doing hanky panky,” sabi niya. Binuksan niya ang isang lata ng beer at agad na ininom. Dama niya ang malamig at mapait nitong lasa sa kanyang lalamunan.                  Binabaybay niya ang dalampasigan hanggang sa makarating siya sa hindi na mataong lugar. May mga malalaking baton a humaharang s amalakas na hampas ng alon. Hindi kalayuan ay may nakita siyang lalaki na nakaupo sa buhangin sa ilalim lang mismo ng isang puno ng niyog. Kalbo ito at biligan ang mukha. “Looks like I found my subject,” bulong niya sa kanyang sarili. Nilapitan niya ito at nakumpirma niyang ang lalaking ito ay si Alejandro Gustavo Realonda. Bingo. Parehong pareho ang mukha nito sa larawang ipinakita sa kanila kagabi ni Renato. “Hi!” bati niya at tumingin naman sa kanya ang lalaki. Mukhang nagtataka kung bakit niya nilalapitan. “Do I know you?” tanong nito sa kanya. Kita niyang malaki ang tiyan nito. Mukhang tipikal na manginginom. Can’t believed na kasama sa wanted list ng mafia police ang taong ito. “Obviously not. Naghahanap ako ng kausap. You know what they say, talk to strangers, they don’t judge you right away!” sabi niya at naupo sa tabi nito. Mabilis niyang inalok ang isang lata ng beer na hawak niya. Nagtataka man ang lalaki ay kinuha ito at binuksan at nilagok. “You look, sad,” panimula niya. “Ako din malungkot eh. Alam mo ‘yun, I almost die,” dugtong niya. “Why?” tanong nito sa kanya. “Bagong member lang ako ng pamilyang sinalihan ko. I am their lackey.” Tiningnan niya ang lalaki at mukhang interesado sa sinasabi niya. Good. I am buying now time. “Lackey? Bakit ginagawa kang utusan?” tanong sa kanya. “Yes! Kulang na lang pati sapatos nila ipadila na sa akin.” “Then why did you join them? Bakit ka pumasok sa magulong mundong ito? Paradise Island na lang ang tahimik na lugar para sa mga mafiosi.” “Alam mo ‘yun. Naghahanap ako kung saan ako belong. I thought belong ako sa munndong ito. Hindi pala.” “Hindi mo talaga malalaman o mahahanap kung saan ka talaga. Cosa Nostra is a very chaotic world. People will use you hangga’t may pakinabang ka,” sabi nito sa kanya. Palihim niyang tinetext si Renato. tumitipa ang daliri niya na nakatago sa likuran niya. “Nakaranas ka ba ng ganoon?” tanong niya at tumango ang lalaki sa kanya. “Oo. Hangga’t may halaga ka may silbi ka. Kapag wala na, itatapon ka nil ana parang basura. Naisip ko na hindi pwedeng laging ganoon. That’s why I killed all of them.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “You killed them?” “Bakit parang gulat na gulat ka? Normal na ang p*****n sa Cosa Nostra. I killed them all. In just one night. Nagsawa na ako eh. Then may lumapit sa aking isang lalaki and recruited me. Sabi niya hindi niya gagawin sa akin ang ginawa ng unang pamilyang kinabilangan ko but mali na naman ako. They repeat it.” “And you also killed them?” Tumango ang lalaki. “Wow! Nakahanap ka na naman ba ng panibagong pamilyang sasalihan mo?” “Yeah. I was recruited sa sub family ng Los Rojos—ang Squadra del Drago. Pero parang pareho lang din ang trato nila sa akin. Parang cycle na lang ang nangyayari. Kaya nagpunta muna ako dito to clear my mind.” “Cheers?” tanong niya sabay taas ng kanyang beer-in- can. Ngumiti ang lalaki sa kanya at itinaas ang hawak nitong beer. “Cheers!” “Alejandro Gustavo Realonda of Squadro del Drago, you’re under arrest.” Napatingin sila sa nagsalita. Mga lalaking nakasuot ng itim na trench coat. Sa isang gilid ay nakita niya si Renato na nakangiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD