Chapter Sixty-five: The Criminal named Alejandro Gustavo Realonda

1078 Words
Chapter Sixty-five: The Criminal named Alejandro Gustavo Realonda                  “So Sir Renato, you were saying na kaya kami nandito dahil may mission kami?” tanong ni Tony kay Renato. Kasalukuyang nasa loob sila ng kwarto nila at dito na nga sinabi ng hitman ang tungkol sa misyong ibinigay sa kanila ni Don Timoteo. Napabuntong hininga siya, Nakaupo lang siya sa kanyang kama at naghihintay ng paliwanag ni Renato. Your life is so complicated, Axe. “Yes,” simpleng sagot ni Renato. Lumapit si Renato sa isang flat screen tv at biglang nag-flash ang mukha ng isang lalaki. Halatang foreigner ang nasa larawan. Bilog ang hugid ng mukha nito at kalbo. Kulay green ang mga mata nito, matangos na ilong, at may manipis na labi. “He is Alejandro Gustavo Realonda,” pakilala ni Renato. “Siya ang misyon niyo. Kailangan niyo siyang mahuli, dead or alive. Huling report na natanggap ni Don Timoteo ay nanatili ito ngayon sa Paradise Island. We all know the safe haven para sa mga kagaya nating nasa mundo ng Cosa Nostra ang isla.” Bigla namang nagtaas ng kamay si Richard at obvious sa mukha nito na marami itong katanungan. “Sir, hind ba’t bawal ang kahit na anong labanan dito sa isla? Papaano naman naming gagawin iyon? At saka hindi ba protektado ito ng mafia police? At trabaho ng mafia police na hulihin ang criminal na iyan?” sunod-sunod na tanong nito sa hitman. Hindi niya maiwasang matawa. Isang bagsakan ang mga ibinatong tanong ni Richard. “Woah! Teka lang, Richard. Hold your horses!” sabi ni Renato. Mukhang lahat ng katanungan nila ay binanggit na ni Richard. “I will go first kung ano ang atraso nito at kung bakit nasa listahan ng mga mafia criminals—” Bakit parang ang redundant? I mean joining the mafia makes you a criminal. Tapos mafia criminal? Parang double kill naman ‘yun. “Idiota!” Nagulat na lamang siya nang may lumipad na pentel pen sa kanyang ulo. Napahawak na lang siya at napatingin kay Renato na mukhang naiinis na sa kanya. “Bakit?” tanong niya. “Are you even here? Kanina pa kita tinatawag but your soul is walking somewhere. Being a mafia boss, you should always attentive and have a presence of mind!” “Sorry. May iniisip lang ako. Just weird stuffs,” sagot na lang niya. “Back to the discussion, Alejandro Gustavo Realonda is a member of Squadra del Drago Famiglia.” Dahil sa narinig niya ay napatayo siya. “Ano sabi mo? Squadra del Drago?” tanong niya. Bigla niyang naalala ang unang lead sa imbestigasyon niya noong detective palang siya. Ang grupo ng mga skateborders sa mundo niya ay isang mafia family dito sa mundong ito. Things started to go complicated. Hindi na siguro ako magtataka if I saw one Bryan Homra dito. “Yes. Siya ang salarin sa pagkabura ng ilang mafia families like La Farfalle Famiglia at Cordia Famiglia. He annihilated these families in just one night. Kaya nasama siya ng mafia police sa wanted list. And to answer your question Richard, yes bawal ang any away dito sa isla. Dito papasok kung ano ang magiging diskarte niyo.” “Wait, you mean peaceful pursuit?” tanong niya. “Yes. And for the last question, Don Timoteo asked the mafia police na ibigay na sa inyo ang misyong iyan. He wants to see kung papaano kayo magtrabaho.” Natahimik ang lahat. Iniisip kung papaano nila gagawin iyon lalo na’t peaceful pursuit. That man is a criminal at napakaimposible na walang mangyayaring gulo. They need to catch that man. “Maybe we need to find him first,” sabi niya. Tumingin naman sa kanya ang kanyang mga kasama. “We need to confirm na nandito nga siya sa isla. Hindi kasi pwedeng gumawa agad tayo ng hakbang without confirming na nandito talaga siya. We cannot afford wasting efforts,” dugtong niya at sumang-ayon naman kaagad ang mga member ng inner circle niya. “I agree with boss. Mas magandang i-confrim na nandito nga siya then saka natin bantayan ang mga galaw niya while thinking kung ano ang magiging hakbang natin,” sabi ni Harold. “Then that’s it. Iyon muna ang first step natin. Hanapin at kompirmahing nandito siya sa isla,” sabi ni Renato at lumabas na ng kwarto. Napabuntong hininga siya. Hindi na talaga siya magtataka if may makakabangga siyang Bryan Homra, Gregory Sandejas o kung sino pa man na nakasalamuha niya sa mundo niya noon. ***                  Naiiling na lang si Renato habang nasa loob siya ng elevator. Mukhang may alam si Axel sa Los Rojos at Squadra del Drago. Base sa mga nakita niyang reaksyon sa binata ay may alam ito. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang makapag-usap sila ni Kronos at hindi siya makapaniwala na hindi na si Axe ang kaharap nila ngayon. Tama si Harold. Ibang tao na nga ang nakakasalamuha nila. “Renato, I told you it’s wishes kaya ko ginawa ‘yun. I’m the merciful administrator of Parallel Worlds. Maawain ako that’s why I did that.” Napasandal siya. Ibig sabihin ba ng sinabi ni Kronos ay hiniling ng magpahinga ni Axe? And Xel was wishing to be alive again? Hanggang ngayon ay malaking misteryo pa rin sa kanya si Kronos. Ang dami na niyang iniisip. The Cielo, the Cosa Nostra, Axel Santos, and now ay kung papaano niya makukuha ang Flaming Ribbon na sinabi ni Kronos. Iyon ang tanging paraan para makabalik sa kanyang mundo—kahit pa walang kasiguraduhan na may babalikan pa ba siya doon. It’s been fifteen years na ang lumipas mula nang mapasok siya sa mundong ito. “Damn, Anica. I miss you so much,” bulong niya. Nasa tenth floor na siya nang bumukas ang elevator at pumasok ang isang lalaki. Pinagmasdan niya ito. May katabaan ito at hanggang balikat lang niya. Malaki ang tiyan nito. Nakasuot ito ng itim na shades at ng isang beach cap. Hawaian shorts na hanggang tuhod at puting body fit na sando. Strange. Mataas na ang buwan pero naka-shades? Pinagmasdan niya ito ng maiigi. Para siyang lawin kung makatitig sa lalaki at alam niyang hindi na komportable ang lalaki sa kanya kaya kinompronta na siya. “May problema ka ba sa akin?” tanong nito at ngumiti siya. “Wala naman. You look familiar, that’s why.” Pagbukas ng elevator ay mabilis siyang lumabas at naiwan ang lalaki. Confirm. Alejandro Gustavo realonda is here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD