Pagdating ni Shannon sa kanilang bahay ay kaagad siyang nagtungo sa kwarto ni Niccolo. She doesn't know what she's doing there, but she started to look over his things. Baka sakaling may mahanap siya. She has to find something. And she really found something. Sunflower Garden. Nakalagay iyon sa isa sa mga kwadernong nakatago sa cabinet ni Niccolo. Kaagad nagsalubong ang kanyang kilay. Paborito niya ang sunflower, at matagal na niyang binanggit kay Niccolo na gusto niyang magkaroon ng sariling sunflower garden. Mayroong nakalagay na isang contact doon, at nagpasya siyang tawagan iyon. "Hello, good morning? How may I help you?" wika ng tinig sa kabilang linya. Babae iyon. "Sunflower garden. Are you familiar with it?" kaagad na tanong ni Shannon. Hindi kaagad nakaimik ang babae sa kabila

