"O, tama na ang iyak," malambing na wika ni Niccolo kay Callie. Muli niyang ikinulong sa kanyang mga palad ang maliit nitong mukha. "Hindi ba sabi ko sa iyo, gusto kong makita palagi ang ngiti mo? Will you smile for me?" Callie smiled. Lumabas sa magkabila nitong pisngi ang malalalim na mga biloy na lalong nagpapaganda rito. "There you go. Mas lalo kang maganda kapag nakangiti." Parang batang nagbaba ng tingin si Callie. Naramdaman kasi niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hindi siya sanay na pinupuri nang ganoon ni Niccolo. Nagwawala ang puso niya. Hinawakan ni Niccolo ang kanyang baba, at nagtagpong muli ang kanilang mga mata. "Para kang baby," wika ni Niccolo sa dalaga. "Hindi naman, ah," angal ng dalaga. "Simula ngayon, ikaw na ang baby ko," nakangiting wika ni Niccolo. "Eh

