"Where are you going, Callie?" nagtatakang usisa ni Niccolo nang maglakad ang dalaga patungo sa dereksyon kung saan umalis si Noah. "Uuwi," tugon ni Callie. "Hindi ba dapat ihatid kita?" "Mag-ta-taxi na lang ako." At saka muling tumalikod at humakbang. Nagawang nahawakan ni Niccolo ang braso ng dalaga. "Callie, what's wrong with you?" nag-aalalang wika ni Niccolo. "Everything, Niccolo," tugon ni Callie. "Everything is wrong. Can't you see? Tama ako, 'di ba? Maraming nasasaktan. At nasasaktan din ako." Niccolo lowered his head. "I'm sorry, Callie. I'm sorry kung kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito nang dahil sa akin," wika ni Niccolo. "Ako na ang humihingi ng sorry para sa mga sinabi ni Noah. I'm sorry." "Naiintindihan ko ang galit ni Noah kasi wala naman siyang alam," tugon n

