Pabalik-balik si Calvin sa paglalakad, paroo't parito, sa labas ng FLGC. Nakakatatlong stick na siya ng sigarilyo. hindi pa rin lumalabas si Shannon. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay ay lumabas din sa gate ang kanyang pakay. Nang makita siya ni Shannon ay iiwas sana ito ngunit kaagad niya itong nalapitan at nahawakan ang braso. "Iniiwasan mo ba ako, Shannon?" tanong niya rito. "Bitawan mo 'ko!" mariing wika ni Shannon habang nagpapalinga-linga sa paligid. Tanging gwardiya lamang ang naroroon at ayaw makialam sa nakikita. Kilala nito si Calvin. Kasabwat ito ng dalawa sa itinatagong relasyon. May natatanggap itong komisyon sa pagtulong sa dalawa. "Bitawan? Shannon, okay ka lang?" wika ni Calvin. "Hindi na kita makontak. You also blocked me in all of your social media accoun

