"Akala ko hindi ka darating," nangingilid ang luhang wika ni Niccolo. Ilang beses niyang sinubukang tawagan si Callie, ngunit hindi ito sumasagot. Ilang mensahe na rin ang ipinadala niya rito, sa text, sa messsenger, pati na rin sa email ngunit hindi man lang ito tumugon. Binalak niyag magpunta sa bahay ni Callie, ngunit baka hindi iyon magustuhan ng dalaga. Ilang araw na ang nagdaraan at labis na ang pangungulila niya sa dalaga. Para siyang mababaliw. Pakiramdam nga niya ay magkakasakit siya kung magtatagal pang hindi niya ito makita. Callie makes him feel a different level of longing. Nagpadala siya ng mensahe kay Callie na magkita sa lugar kung saan naganap ang kanilang unang halik. Halos isang oras na siyang naghihintay at nakasakay sa yate at hindi pa rin dumadating si Callie. Nawaw

