“I MISS you,” Niccolo whispered in Shannon’s ears. He started kissing her shoulders, ngunit kumibo lang si Shannon upang sawayin siya.
“I’m tired,” anito. Halata sa boses nito ang pagkairita.
You’re always tired, malungkot na wika ni Niccolo sa kanyang isip. Itinigil niya ang paglalambing sa asawa at saka tinalikuran ito.
Ilang beses na siyang tinatanggihan ni Shannon. Gayunpaman, kahit kailan ay hindi niya ito pinilit. He respects her. She is his wife. Mas mahalaga pa rin si Shannon kaysa pangangailangan niya bilang isang lalaki.
Ilang linggo na rin niyang napapansin ang panlalamig ni Shannon. Napansin rin niya ang pagiging balisa nito. May mga pagkakataong nahuhuli niyang hindi ito mapakali. Sa tuwing tinatanong niya kung ano ang problema nito, ang palaging dahilan nito ay stress sa trabaho. Sinabihan na niya ang asawa nang ilang beses na pwede naman na itong manatili na lamang sa bahay at siya na ang bahala sa lahat. Kung tutuusin ay hindi naman kailangang magtrabaho pa ni Shannon. Ang kaso ay mababagot lang daw ito kung walang gagawin. Isa pa, walang ibang mag-aasikaso ss negosyo ng mga magulang nito. Ayaw nitong ipagkatiwala sa ibang tao ang pamamahala sa FLGC.
Isang gabi ay naalimpungatan si Niccolo. Shannon is not on their bed. Akala niya ay nasa comfort room lang ito ngunit labinlimang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Hindi niya maintindihan ngunit may kakaiba siyang pakiramdam. Huminga siya nang malalim at saka bumangon. He went to their comfort room na nasa mismong kwarto lamang din nila. Wala roon ang kanyang asawa.
Lumabas siya ng kanilang kwarto upang hanapin ito. Wala ito sa kahit saang sulok ng kanilang bahay. Napatingin siya sa pool area, naroon si Shannon. Lumingon pa ito, ngunit nakapagtago siya sa likod ng pinto kaya hindi siya nito nakita. May kausap ito sa telepono. May naramdaman siyang kakaiba, at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.
“Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, love. Huwag mo naman akong i-pressure,” tila naiiyak na wika ni Shannon.
Love? Tila tinapunan ng malamig na tubig si Niccolo sa narinig. Sino ang kausap ng kanyang asawa? Gustong gusto niyang lapitan ito upang komprontahin ngunit gusto niyang marinig ang mga susunod pang sasabihin nito. Iyon ang sinasabi ng kanyang isip.
“Ikaw lang ba ang nagtitiis?” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Shannon. Kaagad din nagbara ang ilong nito. “How about me? I endured three years being with Niccolo. Pinakasalan ko siya kahit hindi ko siya mahal! Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kahit labag sa kalooban ko! Ang hirap hirap magpanggap. Nagtiis ako ng tatlong taon. At hanggang ngayon, nagtitiis pa rin ako!” Tinakpan nito ang bibig dahil lumalakas na ang boses nito dahil sa hindi mapigilan emosyon.
Parang mariing pinipiga ang puso ni Niccolo sa mga naririnig. Hindi niya na rin napigilan ang mga luhang nag-uunahang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Gusto niyang isiping nananaginip lang siya ngunit hindi.
“Honey?” Nagpasya siyang magpakita na sa asawa. Halos maestatwa naman sa kinatatayuan si Shannon. Nakita nito ang basang mga pisngi niya. Tiim ang bagang niya at kuyom ang mga kamao habang nanginginig.
“Honey?” nauutal na wika ni Shannon. “What are you doing here?” anito. Humakbang ito palapit sa asawa at kinuha ang kamay nito. “’Di ba may meeting ka pa bukas? Halika, bumalik na tayo sa pagtulog. O, baka gusto mo ng tea, ipagtitimpla muna kita para ma-relax ka.”
“Bakit ka nagpakasal sa akin kung hindi mo pala ako mahal?” Lumabas iyon sa bibig ni Niccolo nang hindi tumitingin sa mga mata ni Shannon.
Natigilan si Shannon. Narinig nga ni Niccolo ang naging pag-uusap nila ni Calvin.
“Ha? Naaalimpungatan ka yata, honey. Ano ba ang pinagsasasabi mo?”
This time ay tumingin na si Niccolo sa mga mata ni Shannon. “Siguro nga naging tanga ako kasi napaniwala mo akong mahal mo ako sa loob ng tatlong taon nating pagsasama, pero hindi ako bingi, Shannon,” mahinahon ngunit mabigat na wika ni Niccolo. “Why?”
Napayuko na lamang si Shannon at napahagulgol. “I’m sorry, Niccolo! I’m sorry!”
Nagsimula itong magpaliwanag.
“Nagkaroon ng malaking kakompetensya ang kompanya namin noon. Nalulugi na kami. Malapit na kaming mabangkarote. Bago pa iyon pumutok sa medya, kinailangan kong kumilos. Ayaw kong makitang bumagsak ang negosyong buong buhay na itinaguyod nina Mommy at Daddy. Nag-iisa lang akong anak. Wala silang ibang maaasahan. Walang ibang tutulong sa amin.”
Humugot ito ng hangin sa baga at saka ibinuga. “Matagal tagal mo na rin akong nililigawan noon, hindi kita magawang i-reject kahit na may nobyo na ako noon. Hindi ko alam kung bakit. Pero ipinagpasalamat ko iyon dahil ikaw pala ang makakatulong sa problema ko.” Yumuko muli ito at saka muling tinitigan nang mataman ang mga mata ni Niccolo. “I married you to save my family’s dying company.”
Pakiramdam ni Niccolo ay unti-unting gumuguho ang kanyang mundo sa rebelasyong narinig. “Who is he?” lakas-loob niyang tanong kahit pakiwari niya ay hindi niya kakayaning marinig ang sagot ng asawa.
“Si Calvin,” mabilis na tugon ni Shannon. Wala ng dahilan pa para itago iyon. Siguro nga ay oras na para malaman ni Niccolo ang lahat ng katotohanan. “He was my ultimate sacrifice. Mahal na mahal ko siya, pero kinailangan ko siyang iwan.”
Napapatango na lang si Niccolo habang patuloy na nadudurog ang kanyang puso.
“Hindi kami naghiwalay,” patuloy na wika ni Shannon. “Sa loob ng tatlong taon nating pagsasama, nagkikita pa rin kami nang palihim.”
“Kailan mo ako balak iwan?”
“Hindi ko alam. Mabuti kang tao, Niccolo. Mabuti kang asawa. You don’t deserve this. I’m really sorry!”
Tumango si Niccolo. “Pero bakit kailangang tumagal nang ganito? Sa loob ng tatlong taon, hindi mo man lang ba ako natutunang mahalin?”
Marahang umiling si Shannon. “I never learned to love you, Niccolo, for my heart was only for Calvin. I’m sorry!”
Tila tumakas ang lahat ng lakas sa katawan ni Niccolo. Bumagsak ang mga tuhod niya at napahagulgol siya.